"NAKAUSAP ko na si Edward," pinapunta ni Ellaine sina Caleb at Leona sa kanyang opisina para sabihin ang balitang kanyang dala dala."Kumusta? pumayag ba?" sabik na tanong ni Leona sa kanya."Hmmm pumayag naman.. kaso.." waring hindi niya alam kung paano iyon sasabihin."Kaso?" nakakunot ang noo ni Caleb. Parang kinakabahan siya sa salitang iyon.Bumuntung hininga muna si Ellaine, saka humarap kay Leona, "ayaw niya sayo," saka siya umiling."Ano?" halos malaglag ang panga ni Leona sa labis na gulat, "pa--paanong ayaw niya sa akin? sinabi ba niya iyon ng direkta sayo?"Tumango si Ellaine, "oo, ayaw niya sayo. Isa ka daw malanding babae. Nang agaw ka daw ng asawa ng iba. Marami na siyang alam tungkol sa inyo, at parang nagresearch na rin siya tungkol kay Hannah."Biglang humigpit ang labi ni Leona. Anong kalokohan ni Edward at ayaw sa kanya?"Si Edward mismo ang nagsabi non?" nakakunot ang noo ni Caleb."Oo, malas daw sa negosyo ang mga babaeng kagaya ni Leona, kaya mag iinvest lang da
"MUKHANG kailangan ko ng reward.." pumasok si Edward sa kwarto ni Hannah, bagong ligo at basa pa ang buhok.Nagmamadaling itinakip ni Hannah ang kanyang kumot sa kanyang katawan, partikular sa kanyang dibdib, "Ni-ninong! sana, kumatok ka man lang.." nag aatubili siya sa kanyang ginagawa."Ha? bakit? ano pa ba sayo ang hindi ko pa nakikita, Hannah?" kinindatan siya ng lalaki saka sinusuyod ng mga mata nito ang kanyang katawan."Ni-ninong, wa--" hindi na siya nakapagsalita, dahil nagsalita itong muli."Pumayag si Caleb na maging investor ako ng kumpanya, kapalit mo.." nakangiting sabi ni Edward."Pumayag?" nanlalaki ang mga mata niya at bahagyang nabitiwan ang kumot saka humarao kay Edward.Nagulat si Edward, at ang kanyang mga mata ay napakosa kanyang dibdib na ngayo’y bahagyang nakalantad. Mabilis na bumalik ang ulirat ni Hannah at agad niyang itinakip muli ang kumot sa kanyang katawan, habang ang kanyang puso’y bumibilis ang tibok sa kaba at takot."Totoo? pumayag ba siya sa kondisy
Halos tumirik ang mga buhok ni Hannah, hanggang sa kasuluk sulukan ng kanyang katawan, ng maramdaman niya ang mainit init na labi ng kanyang ninong sa kanyang leegIsang linggo na, matapos ang huli nilang pagniniig dahil sa sobrang pagkaabala nito, at siya naman, abala din sa pagtatago at pagpapagamot. Sinabi ng doctor sa kanya, na hindi siya maaaring uminom ng gamot sa kanyang puso, dahil sa kanyang ipinagbubuntis.Kailangan na lang niyang ingatan ang kanyang sarili.Alam niyang nasasabik na ito. Ilang araw silang hindi nagkikita, dahil abala siya sa pagpapatakbo sa Richwell, at ang lalaki naman, ay abala rin sa pagmamanman kina Leona.Personal niyang sinusubaybayan ang bawat kilos ni Caleb, kaya hindi sila nagkikita. abala siya sa pag uumpisang agawin ang kumpanya sa ex ng kanyang asawa.Nais sanang tumutol ni Hannah, subalit ang kanyang katawan ay nag iinit, lalo na at lumalapat ang labi ng lalaki sa kanyang balat."Hmm... nakakaadik ang bango mo.. hindi mo man lang ba pagbibigyan
Gumapang sa makinis na leeg ni Hannah, ang mapaghanap na labi ni Edward. Halos napapasinghap siya sa bawat daan ng mainit na labing iyon. Halos hindi siya makagalaw.Unti unti siyang inihiga ni Edward, at dahan dahan itong umibabaw sa kanya. Hinihila na nito pababa ang kanyang damit, at itinira na lang nito ang kapirasong tela na tumatabing sa pinakamaselang parte ng kanyang katawan.Sabik ang bawat kilos ni Edward, subalit wala itong sakit na ibinibigay sa kanya. Ang bawat kilos nito ay masuyo na tila ba sinasamba siya.Napaungol ng malakas si Hannah, matapos sakupin ng bibig na iyon ang kalahating bahagi ng kanyang dibdib. Halos panawan siya ng ulirat sa nadarama niyang kiliti. Ang isang kamay nito ay nagmamasahe sa kanya.Bawat galaw ni Edward ay may halong pag iingat. Ang dila nito na tumutupok sa mga koronang nasa ibabaw ng tuktok ng kanyang dibdib, ay parang nagpapabangon sa bagay na nais kumawala sa kanya.Humahaplos sa kanyang baywang ang malalapad na kamay ng lalaki.Hindi ak
"CALEB, sigurado ka ba talaga na aalisin mo ako sa kumpanya?" nag aalalang tanong ni Leona sa lalaki. Hindi pa sila nagsasama sa iisang bahay, subalit umuuwi minsan si Caleb sa kanyang condo.Kailangan. Pero.. wag kang mag alala.. kapag settle na ulit ang kumpanya, ibabalik kita. Sa ngayon, kailangan muna na hindi ka makita ni Edward doon.." hinawakan ni Caleb ang kanyang balikat."Ano ba ang dahilan at ayaw niya sa akin na nasa kumpanya?" nakakunot ang noo niya, "imposible naman na dahil lang sa magkarelasyon tayo..""Baka may gusto na siya sayo.." nakangiting sabi ni Caleb, "baka ayaw niyang makita na kasama kita, dahil nagsiselos siya.""Ha? paano naman mangyayari yun? eh di ba nga, noog mawalan ako ng malay, mas inuna pa niyang tawagan ka kaysa ikama ako? hindi mo ba naaalala iyon?"Hindi na nagsalita si Caleb. Kahit siya, hindi niya din mahulaan kung ano nga ba ang dahilan ni Edward Ignacio at ipinaalis nito sa kumpanya si Leona.Okay sa kanya ang offer ni Hannah, mapapalapit pa
Halos mabali ni Edward ang ballpen na nilalaro niya sa kanyang kanang kamay ng marinig ang sinabi ng kausap. Makapal nga pala talaga ang mukha ng lalaking ito. Binabaliktad ang lahat, makuha lang ang kanyang nais."Si Hannah, ay isang babaeng nasa loob ang kulo. Hindi ko nga alam kung saan siya pumupunta kapag umaalis ako. Sabi ng mga kasambahay namin, lagi daw siyang umaalis at---" natigilan si Caleb ng mapagtanto na masyado nhg personal ang kanyang sinasabi, "pasensiya ka na, Mr. Ignacio. naiopen ko pa sayo ang naging problema ko sa aking buhay pag aasawa.""Hindi, okay lang," bahagyang ngumiti si Edward."Nagtataka lang kasin ako kung saan nanggaling ang kanyang mga kayamanan.. Ang sabi nga sa akin ng isang kakilala, kinatawan lang daw siya ng Rich well, at ang may ari daw nito ay isang maedad ng lalaki. Kaya ngayon ko napatunayan, na may iba talaga siyang lalaki, kaya pinili niyang iwanan ako.." kunwari ay naging malungkot ang tinig ni Caleb, "kung sakaling niloko ka ng asawa mo,
"SIR ako po ang bagong hired na secretary," nakangiti ang isang maganda at matangkad na babae kay Caleb.Napatingin siya dito. Maganda talaga ang babae. Nakangiti ito ng maluwang sa kanya, na parang kaaya ayang kausapin."Ilang taon ka na?" tanong niya matapos ilapag nito ang kape sa kanyang harapan.“Twenty five na po ako, sir,” tugon nito sabay ngiti, sabay ayos ng kanyang blouse na bahagyang nalilis sa balikat.Napansin iyon ni Caleb pero hindi niya ipinahalata. Umayos siya ng upo at kinuha ang kape mula sa mesa.“Anong pangalan mo?” malamig pero kalmado ang tanong niya, habang nakatitig sa babae.“Francesca po, pero pwede niyo akong tawagin na Cheska,” sabay kindat ng babae. Hindi ito nakalagpas kay Caleb.Napakunot ang noo niya. Hindi siya sanay sa ganitong klase ng pakikitungo mula sa mga empleyado—lalo na sa isang bagong hire. Medyo kampante. Medyo... flirty?Pero pinili niyang hindi ito pansinin.“First day mo ngayon. Asahan kong magiging propesyonal ka. Hindi ko kailangan ng
NAKASANDAL si Hannah sa headboard ng kama, habang kumakain ng chocolate at nagbabasa ng libro.Bahagya pang basa ang kanyang mahabang buhok, kakatapos lang niyang maligo.Habang tumatawa sa binabasa, bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at iniluwa si Edward.Nakasalamin ang lalaki at naka coat. Hindi ito nag sasalita. Pumasok ito ng tulot tuloy. Hinubad ang coat saka ibinato sa couch na naroroon.Siya naman ay natulala at nakatingin lang sa lalaki sa ginagawa nito. Nakalutang sa ere ang kanyang kamay na may hawak na chocolate. Bahagyang nakaawang ang kanyang bibig.'Anong ginagawa niya? bakit siya naghuhubad?' nagtataka ang kanyang isipan.Niluwagan ng lalaki ang kanyang tie, hanggang tuluyan niya itong alisin.Hinubad pa nito ang sapatos at medyas, saka binuksan ang buttones ng suot niyang polo.Inalis din nito ang suot na sinturon at basta na iyon inihagis sa kung saan.Inalis din nito ang suot na salamin at inihagis iyon kasama ng coat.Tinumbok ni Edward ang kanyang kinalalagyan. K
Nagtagpo ang kanilang mga mata—puno ng mga alaala, ng mga “sana,” ng mga tanong na hindi kailanman nasagot. Si Caleb ay parang batang naligaw sa sariling landas, samantalang si Hannah, sa kabila ng marupok niyang anyo, ay may itinatagong layunin.“Kung gusto mo talaga ng kasagutan…” mahina ngunit matalim ang tinig ni Hannah, “kailangan mong harapin ang buong katotohanan. Hindi puwedeng kalahati lang ang alam mo, Caleb. Kasi kung pipilitin mong makuha ako muli, dapat alam mo rin kung sino na ako ngayon.”Napakunot ang noo ng lalaki. “Anong ibig mong sabihin?”"May taong handang sumalo sa kalagayan ko, at parang nais ko na siyang tanggapin. Napapagod na rin naman ako.." maiksi niyang sagot."Ha?" medyo may galit sa mga mata ni Caleb, "akin ang batang yan tapos iba ang gusto mong maging tatay? hindi ako makakapayag!""Ayoko ng gulo, Caleb, hayaan mo na lang kaming mabuhay ng mapayapa. Sinabi ko lang sayo ang kalagayan ko, para hindi ka magulat sakaling makita akong muli na malaki ang tiy
Ngunit si Caleb, hindi mapakali sa sagot na iyon. Hindi siya sanay na magkunwaring wala lang, lalo na kung ang posibilidad na siya ang ama ng dinadala ni Hannah ay hindi pa malinaw. Ramdam niya sa bawat tibok ng puso niya ang tensyon—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pag-aalala. At, oo—pag-asa rin. May bahagi pa rin ng damdamin niya para kay Hannah, kahit pa pilit na niyang inilibing iyon sa piling ni Leona.“Hindi mo ba naiisip, Hannah, na karapatan kong malaman kung anak ko ‘yan?” mahina pero matatag na tanong niya.Napabuntong-hininga si Hannah. “Iniisip ko. Araw-araw. Pero tuwing iisipin kong sabihin sa’yo, tinatanong ko ang sarili ko kung para saan pa. Para guluhin lang muli ang buhay natin? Para wasakin ang kung anong meron ka na kay Leona? Caleb, hindi ito simpleng bagay. Hindi ito pelikula. Hindi ito love story. Masaya ka na sa buhay mo, at ako naman sa buhay ko. Hindi siguro tayo itinadhana, talagang pinagtagpo lang tayo.” mas pinalungkot pa ni Hannah ang kanyang anyo at t
"HANNAH?" nakita ni Caleb si Hannah na naglalakad sa gilid ng kalsada hawak ang kanyang mga pinamili.Agad narinig ni Hannah ang tinig niya. Tumigil ito at nilingon siya, "Caleb..""Saan ka pupunta?" bumaba siya at nilapitan ang babae, "tutulungan na kita."Hindi ito tumanggi, sa halip ay ibinigay nito sa kanya ang mga pinamili nito upang siya ang magdala.Iginiya siya ni Hannah sa isang restaurant."Gutom na kasi ako, kumain ka na ba?" tanong ng babae sa kanya.Napamulagat siya. Iba na talagang makitungo si Hannah sa kanya, matapos niyang maghiwalay tatlong buwan na ang nakakaraan. Naka move on na kaya ito?"Sige, hindi pa ako kumakain," nakangiti niyang sagot sa babae.Pagpasok nila sa restaurant, agad silang inasikaso ng isang waiter. Pinili ni Hannah ang upuang malapit sa bintana, kung saan tanaw ang abalang kalsada. Tahimik silang naupo. Si Caleb, habang iniaabot ang mga pinamili sa ilalim ng mesa, ay lihim na nagmamasid sa babae—tila ba sinusubukang alalahanin kung ganito rin ba
"--Pe-- pero .." hindi siya makapaniwala sa hinihiling nito. Paano siya makakapaghiganti, kung alam ng mga kaaway niya na may malaking taong sumusuporta sa kanya?Paano niya mapagmumukhang tanga ang mga ito? Hindi pa siya handa.. ayaw muna niya ngayon..Subalit tila ba pursigido si Edward na kumbinsihin siya. Binuhat siya nito saka marahang inihiga sa kama, "Mas madali mo silang mapapabagsak, kapag alam nilang nasa likod mo ako.." tumabi ito sa kanya, at hinila ang kumot patakip sa kanilang mga katawan."Pero ninong.. paano kung--" hindi na niya makuhang mangatwiran dahil palaging may sagot si Edward."Ssssh.. hindi naman kita minamadali.. pag isipan mo munang mabuti ang lahat. Handa naman akong maghintay kung kailan ka papayag.."Subalit sa isipan ni Edward, nais na niyang makuha ang kumpanyang hinahangad niya.Marami siyang plano para dito. Hindi niya iyon magagawa, kung hindi siya lalantad bilang asawa ni Hannah.Isa pa.. hindi naman niya gagawing kaawa awa si Hannah, sa katunayan
Nakatalikod si Hannah sa pinto, at bahagya lang ipinilig ang ulo, matapos maramdaman ang kanyang presensiya. Bukas ang shower, na naghahatid ng kakaibang init sa lugar na iyon.Hinubad ni Edward ang kanyang sapatos, saka sumama kay Hannah sa lagaslas ng tubig na nagmumula sa dutsa na kaunti na lang ay abot na ng ulo niya.Hinawakan niya ang mga balikat ng babae, saka ito hinalikan sa leeg. Mainit ang dampi ng kanyang mga labi sa mala niyebeng kulay ng kutis nito."Hmmm.." ungol ni Hannah habang nakahawak sa pader ng banyo na parang ninanamnam ang bawat lapat ng mainit na hiningang iyon sa kanyang makinis na balat.Iniyakap naman ni Edward ang kanyang mga braso sa baywang ng nakatalikod na babae, habang patuloy ang pagdampi ng kanyang dila sa balat nito. Unti unting nagkakaroon ng pulang marka ang balat ni Hannah.Dahan dahan siyang iniharap ni Edward. Sa basang mukha, nagtagpo ang kanilang mga mata. Hinawakan at hinaplos ni Edward ang makinis na mukha niya, saka dahan dahang ibinaba a
"Hannah.." tawag ni Edward ng makita ang asawa na nakatingin sa labas ng bintana at tila ba malalim ang iniisip."Bakit ninong?" hindi man lang niya nilingon ang lalaki at nanatiling nakatitig sa mga sumasayaw na bulaklak sa labas."Bakit hindi mo ako isinasama sa mga check up mo?" tanong nito sa kanya, "maaari naman kitang alalayan? nakakahiya na kay Renzelle kung siya lagi ang hinihila mo..""Ninong.." doon pa lang niya naisipang tingnan ang lalaki,l "pakiramdam ko, may nagmamanman sa akin.. ayokong masira ang plano natin at ayokong madamay ka.. nais kong lutasin ito ng unti unti ng hindi nasisira o nababatikan ang iyong pangalan," bahagya pa siyang ngumiti sa lalaki.Bigla naman ang daloy ng sinabi ni Hannah sa isipan ni Edward. 'Ganoon ba niya pinapahalagahan ang pangalan ko at ayaw niyang madamay ako sa mga ginagawa niya?'"Pero-- baka nahihirapan kayo," nag aalalang tanong niya s ababae. Ganito na lang, pasasamahan kita sa dalawang bodyguard, at kapag may napansing kahina hinala
Nag-iisa siyang nakaupo sa harap ng salamin. Wala na ang make-up na lagi niyang ipinagmamalaki. Ang buhok niyang laging maayos, ngayon ay magulo at nakalugay. Halos hindi na siya ang Leona na banidosa, maalaga sa sarili at maganda.Bumukas ang pintuan. Pumasok si Caleb. Tahimik. Wala pa ring katiyakan ang kanyang damdamin, pero may dala siyang pagkain at gamot. Kahit naman papaano, ayaw naman niyang may mangyaring hindi maganda kay Leona.“Leona… kumain ka muna.” alok niya sa babae, na sa tingin niya ay isa ng bruha sa hitsura nito.“Huwag mo akong alukin ng pagkain,” matalim ang tingin ni Leona. “Pagkatapos mong sabihin sa’king si Hannah pa rin ang mahal mo, aakto ka ngayon na parang nagmamalasakit ka? Ganyan ka ba kasama, Caleb?”“Leona…” buntong-hininga ni Caleb. “Hindi kita kayang saktan pa. Pero hindi ko rin kayang ipilit ang sarili ko sa relasyon na hindi totoo. Marami na ang nangyari, hindi ko na kayang ipaliwanag pa.”“Hindi totoo?! Lahat ng taon natin? Hindi totoo?!” Pumatak
Natigilan si Leona sa narinig. Para siyang sinampal ng isang mapait na katotohanan. Ang lalaking akala niya'y pag-aari na niya, ang lalaking pinaglaban niya sa lahat—ay may iniibig pa ring iba. Hindi lang basta ibang babae, kundi si Hannah. Ang dating asawa, ang "mahinhing babae" na minamaliit nila noon."Caleb..." anas ni Leona. Nanginginig ang kanyang labi habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. "Ginamit mo lang ba ako?"Hindi sumagot si Caleb. Nakayuko lang siya, pinipigilan ang sariling magalit, malito, at maluha sa iisang pagkakataon. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Hindi niya sinasadyang saktan si Leona, pero maliwanag sa kanyang puso: si Hannah pa rin ang kanyang mahal."Sumagot ka, Caleb!" sigaw ni Leona. "Anong akala mo sa akin? Basahan? Rebound?!"Tumitig siya sa babae, at bagama’t galit ang kanyang mga mata, may bakas ng pagod at pagsisisi sa kanyang mukha. “Alam mong may iniwan akong sugat sa nakaraan. Pero pinilit kong lumigaya, pinilit kong paniwalaan na
"Wala akong sinabi," tumalikod si Leona, subalit nakangisi."Ulitin mo ang sinabi mo!" hinila ni Caleb ang kanyang braso."Nasasaktan ako, Caleb!" inis na sagot ni Leona. Inalis niya ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi."Buntis ba siya?" ulit niya sa kanyang katanungan. Kung buntis si Hannah.. mas pabor iyon para sa kanya..Ang kanyang isipan ay umiikot sa dati niyang asawa nitong nakaraang araw. Halos nahihirapan siyang matulog, at naiimagine ang mga nakakas*x niya na si Hannah.Parang nakikita niya ang mukha nito kay Leona, at kahit pa nga kay Cheska. Talagang hindi niya tinitingnan ang mga ito bilang sila, kundi bilang si Hannah.Hindi niya malaman sa kanyang sarili subalit para siyang naghahallucinate. Kinokonsensiya na ba siya sa kanyang nagawang kasalanan? o mahal niya lang talaga ang knayang dating asawa?Kung iisipin niya ang bawat pagkakataon at araw na lumilipas, walang nakakapantay dito sa paglalabas ng init sa kanyang katawan. Kinkailangan pa niyang maligo matapos ni