Chapter 10
"OKAY CLASS, wear your PE uniform and proceed to the soccer field," anunsiyo ni Mrs. Romero, PE teacher namin at lumabas na ng classroom.
Iyon agad ang bungad sa'min kinabukasan ng martes.
"Grabe naman 'yon kakasimula pa lang ng klase may PE agad," bulong ni Irish sa'king tabi nang mawala si Mrs. Romero.
Nilingon ko siya at nagkibit balikat ayaw nang magsalita pa. Totoo naman kasi ang sinabi niya hindi pa man gano'n nagtagal ang klase pero may ganito na agad.
"Tara na magbihis na tayo," sabi ko sa kaniya at tumayo na.
Kinuha ko ang dala kong paper bag at nanguna nang lumabas sa classroom. Mabilis din namang sumunod si Irish sa'kin.
Habang naglalakad sa hallway papuntang CR ay walang tigil na naman ang bulongan ng mga tao sa paligid.
"Uy, girl alam niyo ba 'yong bagong chismis?"
"Anong chismis?"
"Iyong nangyari sa cafeteria kahapon girl, ano ka ba? Hindi mo alam?"
"Ako, ako alam ko ang tungkol do'n!"
"Alam niyo ba na niligtas ni Kaizer 'yang pangit na nerd na 'yan kahapon? Gosh! I can't believe it!"
"Oo nga! Kahit ako nga hindi rin makapaniwala na niligtas siya ni Kaizer!"
"Siguro ginayuma niya 'yon kaya gano'n. Kilala pa naman siyang mangkukulam,"
"HAHAHAHAHAHAHAHA,"
Hindi ko na lamang pinansin ang mga pinagsasabi nila. Gano'n naman talaga ang ambag nila sa mundo eh ang lumanghap ng chismis at ipagkalat. Tss.
Kahapon pagkatapos nang pag-uusap namin ni Kaizer ay puro pagpaparinig din ang bumungad sa'kin. Puro mga masasakit na salita ang sinasabi nila pero hindi ko na lang pinansin.
"Pigilan mo 'ko Trixie dahil nanggigigil talaga ako sa mga bunganga ng mga chismosa sa paligid," mariing bulong ni Irish sa aking tabi.
Nilingon ko siya at bahagyang inilingan.
"H'wag mo na lang pansinin," sabi ko.
Napairap siya sa hangin at hindi na nagsalita pa.
Alam ni Irish ang tungkol sa nangyari sa'kin kahapon. Sinabi ko sa kaniya lahat kaya hindi ko siya masisisi kung ganito na lang siya manggigil sa mga pinagsasabi ng mga tao.
Pagdating namin sa CR ay kaunti na lang ang classmates naming naroon. Marahil ay naroon na silang lahat sa field.
Pumasok ako sa cubicle at nagsimula nang magbihis. Hindi rin gano'n katagal ang pagbibihis ko kaya mabilis akong natapos.
Lumabas ako sa cubicle at nakitang si Irish na lang ang taong narito. Sinulyapan niya lang ako saglit at pinagpatuloy na ang paglalagay nang kung anu-ano sa kaniyang mukha.
Nilagay ko sa paper bag ang uniform ko pagkatapos ay humarap na sa salamin. Dahil sobrang buhaghag ang buhok ko ay naisipan kong itali 'yon.
"Wow Trixie! Sobrang bagay sa'yo kapag nakatali ang buhok mo!" Namamanghang tugon ni Irish pagkatapos kong itali ang buhok ko.
Napabaling ang tingin ko sa kaniya at gusto kong matawa sa reaction ng kaniyang mukha.
Nakanganga talaga siya at 'yong kamay niyang may hawak na liptint ay naiwan sa ere. Namimilog pa ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa'kin.
"Baliw! Sobrang pangit nga," sabi ko at muling humarap sa salamin.
I felt contented now compare kanina. Sobrang init ng pakiramdam ko kanina unlike ngayon na parang maginhawa na.
Ayoko mang aminin sa sarili ko na bagay talaga sa akin ang ganitong ayos ay parang hindi ko magawa. Habang nakatitig ako sa'king sarili ay makikita ko talaga ang pinagbago.
But then I won't admit it to Irish. It's better to keep it to myself.
Pagkatapos nang pag-aayos ni Irish ay lumabas na rin kami sa banyo at dumiretso sa field.
Nagsisimula na si Mrs. Romero magbigay nang instructions pagdating namin doon.
Ayon sa kaniya ay hahatiin niya kami. Ang girls ay maglalaro nang volleyball samantalang ang boys ay maglalaro nang soccer.
Hinati ang girls sa dalawang team and thankfully magka team kami ni Irish. Kalaban namin 'yong team nina Aubrey at ang mga kaibigan niya.
Dumiretso kaming lahat sa covert court dahil doon gaganapin ang laro. Napatingin ako sa gawi nina Aubrey at nakita kong nginisihan niya 'ko na tila sinasabi niyang matatalo niya ang team namin.
Iniwas ko na lang ang tingin sa kaniya at napahugot nang malalim na hininga. Aware ako kung gaano kagaling si Aubrey sa larong volleyball. And to be honest nasa team niya ang halos lahat na magagaling maglaro.
Pero hindi rin naman ibig sabihin no'n na magpapatalo na kami. May magaling din naman sa team namin lalo na si Irish. At aaminin ko marunong din naman akong maglaro nang volleyball kahit papaano.
Ilang minuto lang ang lumipas nang magsimula na ang laro. Naging maganda naman ang unang round ng laro. Both team were very active and ready.
Sa t'wing sa'min napupunta ang bola ay nagtutulungan kami ng team ko at gano'n din sa team nina Aubrey. Parati ring tie ang score ng dalawang team.
Ngunit habang papalapit na sa final round ang laro ay nagsisimula nang umiba ang timpla ng mukha ni Aubrey. Halata sa mukha niya ang pagkairita at pag disgusto sa score. Panay rin kasi ang sulyap niya roon.
Nagtuloy-tuloy lang ang laro. Lumipas ang segundo at minuto, panay na ang habol ng dalawang team sa score.
May pagkakataon din na pumapalya ang team ni Aubrey sa pagbato nang bola kaya sa huli ay sa'min napupunta ang score kaya mas lalong nadagdagan ang pagka irita sa mukha ni Aubrey at ng team niya.
Naging lamang ang score ng team namin ni Irish kompara sa team ni Aubrey. 48 kami samantalang sila ay 40 pa lamang.
Habang tumatagal ang laro ay hindi ko na mabilang ang pagkakataon na napupunta sa'kin ang bola na mukhang sinasadyang itira sa mukha ko pero mabilis kong nasasangga ang bola at naibabato pabalik sa team nina Aubrey.
Sumapit ang break kaya nagpahinga muna kaming lahat. Lumapit ako sa bleachers kung saan nakalagay ang dala kong paper bag. Kinuha ko sa loob ang tubig at diretsong ininom.
"Woah, grabe nakakapagod," sambit ni Irish nang makaupo sa gilid ng paper bag.
Tinignan ko siya pagkatapos kong uminom nang tubig at hindi na lang tumugon. Kasalukuyan siyang umiinom nang tubig nang may magsalita sa likuran ko.
"Nice game nerd," aniya ng pamilyar na boses.
Kahit hindi ko pa man 'yon lingunin ay kilala ko na ito kung sino. Nakita kong napatigil na si Irish sa pag-inom at napatingin sa likuran ko.
Agad na rumihestero sa mukha niya ang pagkadisgusto.
"But just a friendly reminder, don't too full of yourself. Di porket lamang na ang score ng team niyo sa team namin ay may chansa ng mananalo kayo," dagdag nito.
Napabuntong hininga ako saka nilagay pabalik sa paper bag ang mineral bottle na hawak ko pagkatapos ay hinarap na si Aubrey.
Nakataas na ang kilay niya nang magkaharap kaming dalawa. Sa likuran niya ay ang dalawa niyang kaibigan na panay ang irap sa'kin.
"Hindi naman kami gano'n, Aubrey," mahinahon kong sagot.
Ngumisi siya nang nakakaloka and she crossed her arms over her chest.
"Do you think I will believe you?" Tanong niya.
"I never ask you to believe me though," pabalang kong sagot na ikinagulat niya.
Napasinghap din ang kasamahan niya dahil sa sagot ko. Napatulala si Aubrey sa akin at hindi agad nagawang sumagot kaya nagsalita ulit ako.
"Instead of hating me why don't we play fair, Aubrey? Besides, this is just only a game. Nothing serious,"
Nanlisik ang kaniyang mga mata nang marinig ang sinabi ko.
"How dare you to say that to me ha?! Ang lakas naman ng loob mong pangit ka!" Dinuro niya 'ko at humakbang palapit sa'kin.
"Ito ang tandaan mo Trixie, sa una lang kayo lalamang dahil kami pa rin ang mananalo sa huli. Itatak mo 'yan sa kukote mo!" Aniya at akmang iduduro niya na sana ang daliri niya sa ulo ko nang magsalita si Irish sa 'king tabi.
"Stop pointing your goddamn finger to her, you little bitch!" Tinabig ni Irish ang kamay ni Aubrey at humarang sa harap ko.
Napahakbang nang wala sa oras si Aubrey habang nakatitig kay Irish. Nanlilisik pa rin ang kaniyang mga mata pero hindi na magawa pang makapagsalita.
Binigyan niya ulit ako ng isang nagbabantang tingin pagkatapos ay inirapan kaming dalawa ni Irish bago tumalikod at naglakad paalis.
Napahugot ako nang hangin sa kawalan bago napayuko.
"Trix..." tawag ni Irish.
Napaangat ako nang tingin sa kaniya at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Nginitian ko siya ng tipid.
"Salamat," sabi ko.
"Ayos ka lang?" Tanong niya na namumungay pa rin ang mga mata.
Tumango naman ako sa kaniya.
"Ayos lang. Palagi naman akong maayos eh kaya no worries," I said weakly.
"Trix..."
Humakbang siya palapit sa akin at bago pa siya may masabing iba na magpapalambot sa puso ko at magpapaiyak sa'kin ay nagsalita na 'ko.
"Tara na. Tapos na ang break time," sambit ko at nanguna nang bumalik sa court.
Narinig ko pang napabuntong hininga si Irish bago ako tuluyang makalayo sa puwesto niya.
To be continued...Hello, Jhines! Thank you for reaching this far and finishing this book. I finished it within two months! Despite of the busy schedules of mine, the school works, and revising my other stories I still made it to an end. I am beyond proud to myself for reaching this. Actually this is my first time writing a story on GoodNovel and now I was able to complete my first ever novel. I hope that despite of my mistakes as I write this novel I still make you smile. I hope you will continue to support my next stories. To all who read my first story, from the buttom of my heart thank you so much. May this story will serve as a lesson for you to still fight all the problems will comes in your life. That no matter how hard it is you won't give up and even if the person you love doesn't choose you, you will always choose yourself. Kairo Ace De Guzman and Zialla Trixie Alcantara is now signing off. Hanggang sa muli, jhi
Epilogue 1Ang mga luha ko ay nagsunod sunod na ang paglandas ng makompirma kong si Kairo ang yumayakap sa akin. Nagkahalo halo na ang nararamdaman ko ngayon, inis, saya at galit kaya naman hindi ko napigilan ang kumawalang hikbi sa bibig ko.Nanigas si Kairo sa likod ko at maya maya lang ay pinihit niya na 'ko paharap sa kaniya."What's wrong?" he cupped my face and looked at me worriedly.I shook my head and bit my lower lip. Napayuko ako at hindi napigilan ang suntukin siya sa dibdib kaya napabitaw siya sa yakap sa beywang ko."It's your fault, you jerk! Sabi mo hindi ka pupunta tapos nandito ka ngayon sa harap ko!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin.Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi habang hindi siya nilulubayan ng masamang tingin.Saglit na napaawang ang kaniyang labi bago marahang natawa."Oh. I was just kidding earlier," aniya. Inirapan ko naman siya."Kidding your ass." Tumalikod ako sa ka
EpilogueLIFE IS FULL OF CHALLENGES.Hindi mo makakamit ang tunay na kasiyahan kung hindi mo mapagdadaanan ang mga problema at masasakit na pangyayari sa buhay mo.Sabi nga nila ang buhay ng tao ay hindi lang puro saya at kailangan din nating maramdaman ang sinasabi nilang lungkot at sakit. Dahil pagkatapos daw nito ay roon mo lang makikita o mararamdaman ang isang kasiyahan na hindi mo pa naramdaman sa buong buhay mo.Iyon ang natutunan ko sa mga pinagdaanan ko. Maraming pagsubok ang dumating pero lahat ng iyon ay nalampasan ko kasi hindi ako sumuko. Hindi ako nagpadala sa takot at pangamba sa halip ay mas lalo ko pang pinatapang ang sarili.Kung hindi ko ginawa iyon siguro wala ako ngayon sa kung nasaan man ako. Hindi ko makakamit ang tagumpay kung hinayaan ko ang takot at pangamba na manaig.It's been a month since our moving up. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay marami ng nagbago. Naging mas close kami ng pamilya
Chapter 50.2Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon kasi ang totoo ay hindi na talaga ako umasa na makakapunta pa siya ngayon.Pero nandito na siya at hindi na dapat ako mag aksaya ng oras. Kailangan ko siyang makausap at kung kinakailangan kong takbuhin ang distansiya namin ngayon ay gagawin ko makausap ko lang siya.Nakita kong sinuotan ng medalya si Kairo ng Mommy niya—Mabilis akong napalingon kay Papa ng maalala ang tungkol sa nalaman kong ugnayan niya sa Mommy ni Kairo. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatitig na siya sa akin."Papa..." usal ko.Pakiramdam ko nabasa niya ang laman ng isip ko dahil mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin."It was all in the past now, Princess. What we had before was just an infatuation. You don't need to worry anything, hm?" aniya.Tumango naman ako at sinulyapan ang pwesto ni Mama. Nagsalubong agad ang mga mata namin at binigyan n
Chapter 50.1Nang matapos lahat ng boys ay kinabahan ako dahil girls na sa section namin ang tinawag. Kaya naman isa-isa na kaming tumayo at pumila sa hagdan ng stage."Alcantara, Zialla Trixie, M. With highest honor," ani ng emcee.Pumaibabaw naman ang malakas na palakpakan sa buong gym ng makaakyat ako sa stage. Nilibot ko ang paningin sa paligid at hindi ko maiwasan ang maluha lalo na't nakikita ko ngayon ang mga taong naging dahilan kung ba't naging miserable ang buhay ko sa school na ito na nakangiti sa akin ngayon.Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mukha nilang lahat at ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay mas lalong nagpapalambot sa puso ko.Sino ang mag aakala na ang binubully nila noon ay narito ngayon sa harap nilang lahat at may pinakamataas pa na award? Oh God, this is beyond my imagination."Congratulations, anak. I am so proud of you,"Nawala ang atensyon ko sa paligid nang magsalita si Papa sa tabi k
Chapter 50"Congratulations, baby!"Masayang pagbati ni Mama sa akin nang makababa ako sa hagdan namin. Naroon na silang dalawa ni Papa at naghihintay sa akin.Mabilis akong niyakap ni Mama kaya niyakap ko rin siya pabalik."We're so proud of you, baby. You really did your best on your studies!" aniya ng kumawala sa yakap namin."Thank you, Ma. This is for you and Papa," sabi ko at tinignan si Papa. Ngumiti siya sa akin at lumapit."Saludo ako sa'yo, anak,"Kusang naluha ang mga mata ko ng marinig ang salitang 'yon mula sa bibig ni Papa. Niyakap niya 'ko kaya niyakap ko rin siya pabalik.Ngayong araw ang moving up namin at walang paglagyan ang tuwa sa puso ko nang makita ang kasiyahan na nakaguhit sa mukha ng mga magulang ko. Lalo pa silang naging masaya ng malaman nila na ako ang highest honor sa batch namin.I can't believe this is happening right now. Kahit ang pagiging highest hono