Mom and I were both excited. Three weeks pa lang pero nagpa-schedule na kami ng ultrasound sa ob-gyne na kilala niya. We want to make sure that as early as now, the baby in my womb was well taken care of. Ayaw kong maulit iyong nangyari sa una kong baby. Hindi pa ako nag-pregnancy test. Sa clinic na lang mamaya. Muntik pa kaming himatayin nang bigla na lang sumulpot si Daddy sa aming harapan. "Where are you going this early?" May hawak siyang tasa sa isang kamay at celphone sa kabilang kamay. Napag-usapan namin ni Mommy na hindi muna ito puwedeng malaman ni Daddy. Busy naman siya sa work, kaya saka na namin sasabihin. Kapag nakalabas na ang baby at wala na siyang ibang magagawa pa. Baka kasi hanapin niya ang ama. Okay na kami ng baby ko lang. Iyon naman talaga ang plano ko. "We're going shopping. We're so bored!" Hindi puwedeng work ang idahilan dahil Sunday ngayon. Ganitong araw ay tanghali kaming gumigising ni Mommy. Dinadalhan na nga lang kami ng maid ng pagkain sa room, kaya
Gabi na pero hindi pa din bumabalik si Craig. Hindi pa din ako kumakain. Nakailang tanong na sa akin ang mga bodyguard kung ano ang gusto kong sabihin, pero sinasagot ko lang sila ng mamaya na. nakaidlip na nga ako. Nagigising-gising lang ako dahil akala ko dumating na si Craig. Nasaan na kaya ang lalakeng iyon? Naisip pa atang katagpuin ang kaniyang babae. Napairap ako. What am I thinking?Napataas ako ng kilay nang magbukas ulit ang pintuan. This time, si Craig na ang pumasok. Magulo ang buhok na para bang may sumabunot sa kaniya dahil sa sarap. Napangiwi ako kaya napakunot naman ang kaniyang noo. "Saan ka ba galing?" masungit kong tanong. "Let's go," aya niya sa halip. "Saan?""Kay Maisie.." Napatanga ako. Totoo? Nagawan niya ng paraan? Kaya niya?Naiiyak ako habang sakay kami ng elevator. Ilang araw na akong nangungulila kay Masisie. Akala ko nga hindi ko na siya makikita pa. "Si Marko?" tanong ko. Baka kasi nandoon ang lalake. Alam ko naman na hanggang ngayon ay galit pa din
Katatapos lang maligo ni Mommy. Mukhang nahimasmasan na siya ng kaunti. Nagpagawa siya ng tea sa kaniyang personal assistant. Tapos na din akong maligo. Naglalagay ako ng facial mask dahil pakiramdam ko nagka-wrinkles ako sa stress kay Craig. Mayroon akong pasa sa tuhod dahil sa pagkakasubsob ko kanina. Kapag naaalala ko iyong nangyari kanina, hindi ko mapigilang mapangiwi at malukot ang aking mukha. Ang kapal-kapal ng pagmumukha niya. "Anak..."Nagtaas ako ng kilay. Hindi ko yata gusto ang tono ni Mommy. Mukhang may karugtong pa ang sinasabi niya at hindi ko magugustuhan. "Daughter dear," paglalambing niya. Nanatili akong tahimik. I was using different stones to massage my face. "You know that I support you naman to be single all your life, di ba?"Here she comes. Tumikhim ako. Tuloy pa din ang pag-massage ko. Pataas para hindi mag-sag ang aking mukha. "Ayaw mo ba'ng magkaanak, kahit isa pa? Kahit isa lang..." Nananantiya ang boses ni Mommy. Nag-aalangan ang mukha niya dahil
"Xandria dear..."Hindi ko pinansin si Mommy. Nanatili akong nakahiga habang yakap ang picture ni Maisie. It's been two weeks. Miss na miss ko na siya. Bawat oras at araw na lumilipas para akong pinapatay. Gusto ko siyang puntahan pero saan? Wala sila sa condo ni Marko. Wala din sa mansyon ng parents ni Marko. Tingin ko ay lumipat sila ng bahay o baka nangibang bansa din upang taguan ako. My baby Maisie. Baka umiiyak siya at hinahanap ako. Baka namimis na niya kami ng mamita niya. "Kumain ka na." Nakahilera ang mga maid na may bitbit na kung ano-anong pagkain para sa akin. Ang dalawa ay may bitbit na bulaklak. Ilang araw ng nagpapadala si Craig ng bulaklak. Sabi ni Mommy ay nasa labas daw ito ng bahay. I sighed. Hindi naman na nagtangkang ilapag pa ng mga maid ang bulaklak sa table dito sa silid ko. Hindi ko na kailangang sabihin pa sa kanila na ayaw kong tumanggap ng kahit na ano mula kay Craig. Pinapakita lang nila sa akin. Sinenyasan ko sila na ilabas na ang bulaklak. Bin
"W-What?" Lito akong nakatingin kay Marko. "What did you say, Marko?"Hindi nagsalita si Marko. Humakbang siya palapit kay Maisie. Nakatulala lang naman ang bata. Naguguluhan sa paligid. "Marko, I'm asking you!" sigaw ko. May kailangan ba akong malaman? Ilan pa ba ang kailangan kong malaman?Para bang may sarili silang mga mundo at hindi ako kasali. Nagsusumamong nakatingin si Anne kay Marko. Yumuyugyog na din ang kaniyang balikat. "No! Ako ang mommy ni Maisie. Ako ang nagpalaki sa kaniya! Ako ang nasa birth certificate niya," giit ni Anne."You know to yourself that you're not the mother."Teka, sino ba ang Mommy ni Maisie? At bakit siya napunta kay Anne? Bakit kay Anne iniwan si Maisie? Kilala ni Anne iyong babae? Nang mabanggit ko kay Marko kanina na may anak sila ni Anne, hindi siya agad maniwala. Inakala pa niya na anak namin iyon ni Anne. Pero anng mabanggit ko na kamukha niya iyong bata, ang bilis niyang naniwala. Sino iyong babae?At ano iyong sinabi ni Marko kanina? May
CRAIGNang una, it was just a simple attraction. Hindi ko naman inakala na mahuhulog ako ng husto sa kaniya. I was open to possibilities. Kasi naniniwala ako na gaya ni Ethan, mahahanap ko din iyong babaeng magpapatino sa akin. Hindi ko lang inakala na si Anne pala ang babaeng iyon. Sobrang daming nangyari, pero wala pa ding nangyayari sa amin. Hindi ko alam na mayroon pala akong mahabang temper pagdating sa ganitong bagay. Madami akong plano. Pero willing akong dahan-dahanin ang lahat. Maybe I'll start by helping her reaching out for her dreams. Gusto niyang mag-aral, tutulungan ko siyang mag-aral. Hindi na din niya kailangan pang alalahanin ang kaniyang mga magulang, kaya pati sila tinulungan ko din upang hindi na bumalik sa pagbebenta ng kung ano-ano sa Quiapo. Makakapag-focus din si Anne sa akin at sa pag-aaral. Bawat araw na lumilipas, mas lalo ko lang napapatunayan sa aking sarili na hulog na hulog na pala ako sa kaniya. Hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya. Hindi ko kaya