Share

Kabanata 11: Ang Pag-amin ng Ina

Halos sampung minuto rin ang ginugol nila Aling Cecilia at Erik na pasan-pasan si Gwen sa kanyang likod upang makarating sa mismong highway.

“Sana may magmagandang loob sa atin na pasakayin tayo nang maihatid tayo sa pinakamalapit na ospital,” dalangin ni Erik habang pinagpapawisan at hirap na hirap sa pagbubuhat kay Gwen sa kanyang likod.

“Nak, konting tiis pa makakahanap rin tayo ng sasakyan na maghahatid sa atin sa ospital,” wika ni Aling Cecilia habang pinupunasan nito ang butlig-butlig na pawis sa mukha ni Gwen na halatang nanghihina na dahil sa unti-unting pagkalat ng lason sa buong katawan.

Mabuti na lamang ay hindi nagtagal ay mayroong humintong sasakyan sa harap nila.

“Ano pong nangyari?” tanong ng driver ng sasakyan na huminto sa harapan nila.

“Puwede po bang sumakay sa inyo? Nakagat po kasi ng ahas ang anak ko,” pagmamakaawa ni Aling Cecilia sa driver.

Hindi nagdalawang-isip ang mabuting driver na tumulong at agad niyang pinasakay sila Aling Cecilia.

“Sige po, sumaka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status