LOGINSi Althea Cruz ay isang dancer sa sikat na club na Elysium, kung saan siya ay laging naka-mask para itago ang kanyang pagkakakilanlan. Isang gabi, nakilala niya ang misteryosong may-ari ng club, si Damian Villanueva… isang mayaman, dominante, at mapanuksong lalaki. Nagkaroon sila ng kakaibang koneksyon hanggang sa inalok siya ni Damian ng isang kasunduan: maging mistress niya sa loob ng dalawang taon, kapalit ng malaking halaga na pera at iba pa. Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina at sa kakulangan ng pera para sa gamutan, napilitan si Althea na pumirma sa kontrata, kahit alam niyang maaaring magbago ang buhay niya mula noon. Ang hindi niya alam, si Damian ay ama ng boyfriend niyang si Ethan… ang lalaking tunay niyang minamahal. Habang lumilipas ang mga buwan sa piling ni Damian, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim sa likod ng pamilya Villanueva… at ang mas nakakatakot pa, nahuhulog na rin siya sa lalaking dapat ay kinamumuhian niya. Ngayon, nahati ang puso ni Althea sa pagitan ng lalaking una niyang minahal at ng lalaking hindi niya kayang iwan, kahit alam niyang mali. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa kontrata, sa pamilya, at sa pusong unti-unting nabubuwag sa bawal na pag-ibig?
View MoreAlthea’s POV“Damian… I’ll just get some air,” mahina kong sabi habang pilit na inaayos ang boses ko.Tumingin siya sa akin, tila sinusuri ang mukha ko. “Don’t take too long.”Tumango lang ako at tuluyang lumabas ng grand ballroom.Paglabas ko ng venue, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Parang unang beses ulit akong huminga nang malalim matapos ang lahat ng ingay, ilaw, at plastik na ngiti sa loob. Pumikit ako sandali habang inaamoy ang ihip ng hangin, para bang hinihigop ko ang natitirang lakas na kaya kong ipunin.“Caleb…” mahina kong bulong sa hangin.Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat ng titig niya kanina. Ang sakit sa mga mata niyang hindi ko kayang burahin sa isipan ko. Ang paraan ng pagkawala niya matapos ang halik ko kay Damian… parang doon tuluyang gumuho ang mundo ko.Dahan-dahan akong naglakad palayo sa main entrance. Gusto ko lang ng katahimikan. Gusto ko lang mag-isip. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naglakad, hanggang sa makarating ako sa isang m
Althea’s POVTahimik ang buong hotel room habang nakatayo ako sa harap ng full-length mirror. Ilang ulit ko nang tinititigan ang sarili ko, parang hindi ko nakikita kung sino ba talaga ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Ako pa rin ba ito? O isa na lang akong karakter na sumusunod sa agos ng buhay na hindi ko na kontrolado?Suot ko ang isang mahaba at fitted na champagne-colored gown na may manipis na straps sa balikat. Simple lang ang disenyo pero elegante… hapit sa katawan, at may mahabang slit sa kanan na nagpapakita ng binti ko kapag gumagalaw ako. Maayos ang pagkakakulot ng buhok ko, bahagyang wavy, bumabagsak sa likod ko. Ang make-up ko ay soft glam… hindi sobrang kapal, pero sapat para magmukhang presentable sa isang high-class event.Pero kahit anong ayos ko sa sarili ko sa labas, sa loob ko… wasak pa rin ako.Habang inaayos ko ang huling detalye ng makeup ko, biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Hindi na ako lumingon… kilala ko na agad kung sino ang pumasok.Si Damian.Nariri
Althea’s POVPumasok ako sa school na may mabigat na pakiramdam. Kahit anong pilit ko, hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Ang pagmamahal ko kay Caleb… at ang pagkakaroon rin ng damian sa buhay ko. Ang puso ko parang hinahati sa dalawa, at bawat hakbang sa hallway ay parang may mabigat na dala.Pero desidido na ako. Desidido sa desisyon kong makipaghiwalay kay Caleb, kahit masakit. Kahit masasaktan siya, kahit ako rin ay masasaktan. Alam kong tama ang ginagawa ko. Para sa lahat ng tao, at para rin sa sarili ko.Hindi ko inaasahan, pero hindi rin nagtagal ay naramdaman ko na parang may bumabantay sa akin sa bawat galaw ko. Nakita ko si Caleb sa kabilang hallway, nakatingin sa akin. Hindi siya nagtatago, hindi rin nag-aalangan. Parang gusto niyang lumapit, hawakan ang kamay ko, at ipaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal.“Althea,” mahinang bulong niya habang lumalapit.Hindi ko pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad, hawak ang mga libro ko ng mahigpit, pilit iniwasan a
Caleb’s POVUmuwi akong bitbit ang sama ng loob, pagod ang katawan, at mugtong-mugto ang mga mata sa kakaiyak. Para akong hinihila ng bawat hakbang ko pauwi sa mansion. Gusto ko na lang sana mawala, maglaho kahit sandali. Pero wala akong takas sa realidad na unti-unting gumigiba sa mundo ko.Pagpasok ko sa mansion, gaya ng dati, madilim. Tahimik. Parang bangkay ang bahay.. walang buhay, walang init. Ang tanging ilaw lang ay galing sa dining area. Doon ko siya nakita.Si mommy.May hawak siyang wine glass, nakaupo sa upuan, nakatingin sa mesa na parang may iniisip na malalim. Pero ramdam ko… hindi ‘yon ordinaryong pag-iisip. Lasing siya. Kita ko sa mga mata niya ‘yon.“Mom…” mahinang tawag ko.Lumingon siya sa akin, at bigla siyang ngumiti… isang ngiting hindi ko maintindihan kung masaya ba o baliw na sa sakit.“Alam mo ba,” mabagal niyang sabi habang ini-ikot ang wine sa baso, “kung sino ang babae ng ama mo?”Biglang kumabog ang dibdib ko. Parang may malamig na kamay na dumakma sa pu












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews