LOGINHilam sa luha ang aking mga mata at walang paglagyan sa kaba at takot ang aking puso.
"Ma, parang awa niyo na po! Palabasin niyo ako rito." Puno ng pagmamakaawang hagulhol ko kasabay ng malakas na pagkatok ko sa pintuan. Ngunit inabot na lamang ako ng kapaguran dahil imposibleng may magbubukas nito. Napadausdos na yakap yakap ko ang aking mga tuhod habang walang tigil sa pag agos ang aking mga luha. Biglang gumuho lahat ng magagandang pangarap at mithiin ko sa buhay. Hindi ko aakalaing isang malaking bangungot pala ang mararanasan ko sa kamay ng isang mapagbalat kayong babae. Ngayon papaano na? Papaano ako makakawala? Maya maya pa ay napansin kong may pumihit ng doorknob kaya agad akong napatayo. Ngunit agad ding napaatras ng masilayan kong pumasok ang isang may edad na lalaki. "Wow!" Bulalas agad nito habang nakatutok ang mga mata sa akin na puno ng pagnanasa at pagkatakam kaya halos nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Tantiya ko'y nasa singkwenta anyos na ito, singkit ang mga mata at maputi na mukhang intsik kaya marahil ay ito na nga ang tinutukoy ni Rosana kanina na si Mr. Chui. Oo, Rosana na lamang ang tawag ko sa kanya sa aking isipan dahil peke lang din naman ang pagkatao niya. At hindi rin siya karespe- respeto dahil napakasama niyang babae para gamitin ang isang inosenteng kagaya ko alang alang sa pera. Nanginginig akong napaatras papalayo. "Hu---wag! Huwag po. Maaawa po kayo sa 'kin. Bata pa po ako at maraming pangarap sa buhay." Humahagulhol na pakiusap ko. Malapad at matunog itong ngumisi. "Iyon nga ang gusto at hinahanap ko eh, bata at presko." Anito kaya mas lalo akong nahintakutan. Agad kong inilibot ang mga mata sa bawat sulok upang makahanap ng kahit anumang gamit na maaaring pangdepensa ko sa sarili. "But you're lucky anyway dahil may kapansanan na ako at hindi ko na maipagsasawa itong alaga ko sa lagusan mo." Sunod na pahayag nito na bahagyang nagpatigil sa akin. "Binayaran kita para bigyan ako ng aliw sa pamamagitan ng pagsasayaw. I want you to dance like a whore in front of me. Iyong sayaw na sobrang nakakaakit." Nakangising turan pa nito kaya napalunok ako ng mariin. I-- ibig ba niyang sabihin ay sasayawan ko lang siya? Hin-- hindi niya gagalawin ang pinakainiingatan kong pagkababae? Pumitik ito sa ere kaya napakurap ako ng makailang beses. Humakbang pa ito ng humakbang hanggang sa huminto sa may upuan at naupo na parang hari. "Oh ano pang hinihintay mo? Do what I say now dahil sayang ang oras. Ang laki laki pa naman ng ibinayad ko sayo." Mariing sambit nito saka isinalin sa baso ang bote ng alak na nasa table. Bigla na lamang may tumugtog na senswal na musika kaya mas lalong dumiin ang pagyakap ko sa aking sarili. Hindi ko alam ang gagawin dahil natatakot ako, nahihiya, naiilang. Ganitong sayaw ang itinuro sa akin ng malditang baklang alipores ni Rosana kaya alam ko sa sarili ko na kaya ko naman. Kaya ko sana kaso parang naging tuod ang buo kong katawan at hindi ko man lang ito magawang igalaw. "Shit! Ano na? Don't waste my time and money you bitch! Or else lalabas ako ngayon dito at kukunin ko ang ibinayad ko sayo kay Osang!" Di makapaghintay at mababanaag na ang pagkairita sa boses ni Mr.Chui kaya ramdam ko ay tototohanin nito ang sinabi anumang segundo. At kapag ginawa niya iyon? Ako ang malilintikan ng bruhang bugaw na Rosana na yon! Ako ang magiging kuwawa! "Sasayaw ka lang naman Emeryn. Sayaw lang. Walang mawawala sayo. Hayaan mo ang manyakis na 'to na magpakabusog sa mga mata niya basta ang mahalaga uuwi kang buong buo pa rin ang puri." Mariing sigaw ng aking utak dahilan para kumalma ako at napabuga ng malalim na buntong hininga. Pinunasan ko ang basang mga mata at mukha saka napabuntong hininga ng makailang ulit upang kumuha ng lakas ng loob. "He--- heto na po Mr. Chui. Sa-- sasayaw na po." Nauutal na wika ko saka pinilit na igalaw ang balakang. [ Now Playing: Careless Whisper by George Michael ] Ipinikit ko ang mga mata habang senswal na iginagalaw ang aking katawan kasabay ng ritmo ng musika. Ginagaya ko ang itinuro sa akin kahit pa diring diri ako sa kalaswaang ito. Diring diri man ako pero ginagawa ko pa rin dahil buhay ko ang nakasalalay dito. Kahit pa nawawalan ako ng pag asa ay hindi ko naman gugustuhin na malagutan na lamang ng hininga ng wala man lang kalaban laban. "Oh fuck! Ganyan nga! Ang galing mo. Ang galing galing!" Rinig ko ang lakas ng boses ni Mr. Chui habang wala itong pakundangan sa pagpalakpak. Napalunok ako ng mariin at ipinagpatuloy pa ang pagalaw habang nanatiling nakapikit lang ang mga mata para makapagfocus ako sa ginagawa kahit ba labag na labag ito ng kalooban ko. "Kung buhay lang sana itong alaga ko ay tiyak kanina pa ito tinitigasan. Shit ka! Ang sarap sarap mo! Nakakagigil ka!" Mahalay pa na bulalas ng bibig nito. Ang ipinagpapasalamat ko nalang talaga ay hindi ito nanghahawak o nanghihipo ng katawan dahil kontento na itong nakaupo habang nakangising pinapanood ang pagsasayaw ko. At kahit pa ang baba ng tingin ng gurang na ito sa pagkatao ko ay wala na akong pakialam pa dahil wala akong ibang gusto ngayon kundi matapos na ang gabing ito. At tila ba dininig ng tadhana ang kahilingan ko dahil makalipas lang ang ilang minuto ay natapos na nga ang musika kaya nanghihina at hinihingal akong napahinto. "Ahaixt! I really really want more. Sumayaw ka pa!" Hiyaw pa nito at hindi ko inasahan ang ilang makakapal na libo na bigla na lamang nitong inihagis sa ere kaya namilog ang mga mata ko. Ang dami... ang dami daming pera... "Money is never a problem my woman! Sumayaw ka pa at magbabayad ako kahit na magkano pa hahahaha" Nakangising bulalas pa ni Mr. Chui sabay lagok muli ng alak. Napapikit ko ng mariin at makailang ulit na napabuga ng malalim na buntong hininga. Namangha man ako sa nakikitang maraming salapi na nagkalat sa sahig ay hindi ko naman pinangarap na kumita sa ganito kaduming paraan. Ni minsan ay hindi pumasok sa isipan ko na magiging ganito ang kahihinatnan ng buhay ko kahit pa laki lamang ako sa bahay ampunan. Pero sa pagkakataong ito ay wala na naman akong magawa kundi ang maging sunod sunuran alang alang sa aking kaligtasan. At sa pangalawang pagkakataon ay may tumunog na namang senswal na musika kaya napaluha na lamang ako habang muling iginagalaw ang katawan. At ang ilang minuto ay nadagdagan pa ng nadagdagan hanggang sa hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga oras. Ni hindi ko na mabilang kung ilang musika na ang naisayaw ko. At kung hindi pa nakatulog si Mr. Chui dahil sa kalasingan ay hindi ako matatapos. Ramdam na ramdam ko na ang pangangalay at kapaguran ng aking katawan pero balak ko na saka na lamang magpahinga pagkauwi namin sa mansyon. Hinihingal man ay pinilit kong lumuhod upang pulutin ang libo libong pera na paulit ulit inihagis ni Mr. Chui sa tuwing natutuwa siya sa pagsasayaw ko. Balak kong itago ito para kung sakali mang makatakas ako ay may magagamit ako. Napakarami nito kaya napakalaking tulong na nito para panimula ko. Ngunit limang piraso pa lamang ng isang libo ang napulot ko nang bigla na lamang bumukas ang pintuan. Bigla na lamang akong nilukob ng kaba nang bumungad sa akin ang namimilog na mga mata ni Rosana. "At ano sa tingin mo yang ginagawa mo huh!? Pera ko yan!!!" Bulyaw nito saka napakabilis ng naging hakbang nito papalapit sa akin at agarang hinablot ang pera sa kamay ko. "Tang ina ka! Pagnanakawan mo pa ako huh!" Gigil na asik nito saka hinawakan ang magkabilang panga ko saka nito binitiwan ng malakas kaya muntikan na akong mapasubsob sa sahig, mabuti na lang at mabilis kong naitukod ang mga kamay ko. "Wala kang makukuha ni pisong duling kasi ako ang nagpapakain sayo! Pinatira kita sa mansyon ko at napakaayos ng hinihigaan mo. Nagbubuhay prinsesa ka na nga kaya sa tingin mo ba libre lahat ng yon? Ano ka sinuswerte ha? Ngayon pa nga lang kita napakinabangan eh!" Inis na litanya pa nito kaya hindi ko na napigilan ang sarili na sumagot. "Mas gugustuhin ko pang bumalik na lamang sa bahay ampunan kahit pa sa napakasimpleng pamumuhay lang keysa tratuhin niyo akong parang hayop! Hindi ko hiniling sayo ang buhay na prinsesang sinasabi mo lalo na kung kapalit nun ang puri at dangal ko. Sadyang napakasinungaling mo lang kaya nabilog mo kaming lahat! Ang sama sama mo!" Buong tapang na bulyaw ko. Hindi. Hindi pwedeng hindi ko labanan ang kasamaan ng babaeng ito. "Tang ina ka! Anong sabi mo ha? Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan huh!" Namumula ito lalo dahil sa galit at gigil na gigil itong sumugod. Ngunit bago pa man lumipad ang kamay nito sa aking pisngi ay napaghandaan ko na ito kaya mabilis ko itong nahawakan. Kaya dala ng nagpupuyos kong damdamin ay buong tapang akong tumayo saka hinila ng malakas ang buhok nito. "Ah shit! Ang buhok ko! Ahhhhh!" Pilit ang pagpupumiglas nito pero dala ng nag aalab kong damdamin ay para akong nagkaroon pa ng karagdagang lakas para ipagtanggol ang aking sarili. "Lumaki akong may respeto sa matatanda. Pero ang napakasamang matanda na kagaya mo ay hindi karespe- respeto." Asik ko at buong lakas itong binitawan kaya ito naman ay humandusay sa sahig. "Ahhh walanghiya kang babae ka!" Sigaw nito pero kinuha ko na ang pagkakataon para mabilisa na lumabas at makatakas. Ngunit pagkalabas ng pagkalabas ko ng pintuan ay bumungad agad sa aking mga mata ang mga malalaking bulas na lalaki na agarang humawak ng mahigit sa aking mga braso kaya para akong mababalian ng buto. "Ang lakas ng loob mong hayop ka! Huwag niyo hahayaang makatakas ang babaeng yan! Magbabayad kang bwisit ka!" Umalingawngaw sa galit na galit na boses ni Rosana kaya napapikit na lamang ako at buong tapang na inihahanda ang sarili para sa ipapataw nitong kaparusahan. PS. [MAY NAGBABASA PO BA? YOUR COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.]( Author’s POV )Tahimik ngunit napakalamig ng hangin bago sumikat ang araw. Sa malayo, maririnig ang mumunting hampas ng alon at pag-awit ng mga ibon na tila ba sumasalubong sa isang araw na napakahalaga, ang araw ng pag iisa para sa panibagong yugto ng naudlot na pagmamahalan.Sa isang pribadong bench malapit sa bagong tayong mini garden sa kanilang bakuran ay nakaupo sina Emeryn at Dreymon, magkahawak-kamay habang nakatanaw sa malawak na karagatan na abot tanaw. Nasa pagitan nila ang malamig na kape at dalawang white roses na ipinulot lamang ni Dreymon kaninang umaga para ibigay sa babaeng minamahal.Maganda ang panahon, may banayad na hangin na humahaplos sa mukha nila. Ilang buwan na ang lumipas mula nang bumalik ang lahat sa dati, o marahil higit pa sa dati, dahil mas matibay na ang tiwala at pagmamahal na bumabalot sa kanila ngayon. Pagmamahalang alam nila na walang sinuman ang makakatibag.Muling bumalik ang lakas ni Dreymon. Matapos ang mahabang gamutan, therapy at panalangin
( Emeryn’s POV )“Resort Paraiso’’Naririto kami ngayon ni Zairus sa isang napakagandang beachfront resort na may puting buhangin, malamig na hangin at napakalinaw ng dagat na tila nanunuya sa kaguluhan ng isipan ko. Napakabiglaan ng pag-ayang itong ni Zairus at wala siyang naging ibang paliwanag kundi nais niyang makapagrelax ako sa lahat ng mga nangyari these past few weeks. And I really appreciate his effort kahit pa man inaalala ko pa rin ang kalagayan ni Dreymon ngayon. Na kahit hindi ko na siya ulit nadadalaw ng palihim ay updated naman sa akin ang doktor niya at ayon nga sa impormasyon ay nakalabas na raw si Dreymon ng hospital kahapon pa. Kaya kahit papaano ay napanatag ako kahit pa gustong gusto ko pa rin na personal siyang makita.Feeling ko nga nagiging sobrang unfair na ako kay Zairus dahil I am physically present by his side but I am mentally and emotionally absent naman. But I am really trying my best na ibigay ang atensyon ko sa kanya para hindi niya naman maramdaman n
(Zairus POV)Tahimik ang gabi. Tahimik pero parang may mga sigaw na gustong kumawala sa dibdib ko.Nasa sofa ako ngayon hawak ang tasa ng kape na kanina pa malamig. Sa ibabaw ng mesa ay may mga papeles galing sa kumpanya, pero hindi ko mabasa kahit isang linya dahil sa totoo lang — wala naman talaga akong ibang naiisip kundi ang babaeng minamahal ko.Si Emeryn.Ang babaeng akala ko’y sa wakas ay sa akin na matapos niyang tanggapin ang kasal na alok ko.Ang babaeng matagal kong inalagaan, minahal, inunawa, at pilit kong pinasaya.Pero ngayong mga huling araw… parang unti-unti na siyang lumalayo, hindi man sa kilos ngunit sa isip.Ramdam ko. Ramdam kong hindi na ako ang laman ng isipan niya. Na kapag tinitingnan ko siya ay parang nakatingin siya sa malayo —sa kung saan naroon ang isang lalaking minsang nanakit sa kanya ngunit ngayo’y muling pinatunayan ang pagmamahal na handang magsakripisyo at ialay ang buhay para sa kanya.At sa tuwing maririnig ko ang pangalan ni Dreymon, aaminin kon
( Emeryn’s POV )Tahimik na ang buong bahay, pero pakiramdam ko ang ingay-ingay ng kalooban ko. Nakauwi na ako mula sa ospital, mula sa gulong halos kumitil ng buhay ko— at ng buhay ni Dreymon.Pero kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong pilitin ang sarili ko na magpahinga at huwag na munang mag-isip ay binabagabag pa rin ako, siya pa rin ang laman ng isip ko.Dreymon…..Ang pangalan niya ay parang dumadaloy sa bawat tibok ng puso ko. Paulit-ulit. Unti-unti. Masakit at parang nilalamon ako ng guilt. Papaano nga bang hindi gayung committed na ako kay Zairus at sa susunod na buwan na gaganapin ang kasal namin, pero ang laman ng isipan ko ay ang ibang lalaki. Na hindi lang basta lalaki kundi ex husband ko pa.Oh shit!Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama habang hawak ang baso ng tubig na kanina pa hindi ko maubos- ubos. At ang mukha ng anak kong mahimbing na natutulog sa aking tabi ay mas lalo lang dumagdag sa pag-iisip ko kay Dreymon dahil talagang parang pinagbiyak na bunga ang d
LOVEBYMISSION Kabanata 146(Dreymon’s POV)Tahimik. Nagising akong napakatahimik ng paligid na ang tanging naririnig ko lang ay ang mahina at tuloy-tuloy na beep ng makina sa tabi ko. Mabigat ang talukap ng aking mga mata at tila ayaw pang bumukas pero pinilit ko. Kasabay ng tuluyan kong pagdilat ay unti-unti ko ring nararamdaman ang hapdi sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Ang paalala ng bala na muntik ng kumitil sa buhay ko.Bala…..Muling lumitaw sa utak ko ang huling nangyari. Napakurap ako ng ilang beses habang dahan dahang inilibot ang mga mata sa kabuuan ng paligid. Maputi ang kisame at ang pader. Amoy antiseptic na para bang nasa ospital ako.Ospital? Does it mean nakaligtas ako!??Pero bago ko pa masagot ang sariling katanungan ay bigla kong napansin ang isang babaeng nakaupo habang natutulog, nakasandal ang ulo nito sa upuan kaya kitang kita ko ang kagandahan ng maamo nitong mukha. E—- Emeryn!??Damn! Parang napahinto ang hininga ko at biglang bumagal ang mundo. Ang bawat hi
( Emeryn’s POV ) Tuluyang bumagsak ang katawan ni Dreymon sa harapan ko at dito ay parang biglang tumigil ang oras. “Dreymoooooon!” Isang sigaw ko pa na halos mapunit ang lalamunan ko. At lahat ng ingay sa paligid, ang kalansing ng mga baril, ang mga yabag ng mga tauhan ni Sophie, ang ugong ng mga sirena sa labas—- lahat ng iyon ay tila naglaho sa pandinig ko. Nilamon ako ng takot na siyang sumakal sa dibdib ko kaya parang hindi ako makahinga. Si Dreymon.. duguan siya.. may ilang tama ng baril sa katawan niya. At ang t-shirt na suot niya na madalas kong nakikita noon na sinusuot niya, ngayon ay puno ng pulang likido. Parang napakainit at lagkit nito sa mga kamay kong nanginginig…. “Jusko! Hindi… hindi… hindi totoo ito…” paulit-ulit kong bulong habang hinahaplos ang mukha niya. “Drey— mon— gu—mi– sing ka!!” Nagkandautal utal na wika ko at halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ko sa lubhang pag-aalala at pagkataranta. Ngunit siya gumising at sumagot dahilan para humagulhol







