Share

Kabanata 5

Penulis: Mariya Agatha
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-11 23:44:37

"Ahhhhhh!"

Napadaing ako ng malakas nang hilahin ni Rosana ang mahaba kong buhok habang kinaladkad ako papasok sa loob ng sasakyan.

"Sa lahat lahat ay ikaw lang ang walang utang na loob at napakakapal ng mukha para kontrahin ako at labanan! Sa tingin mo ba makakatakas ka sa 'kin huh!?" Puno ng galit na asik nito saka nginudngod ang mukha ko sa upuan.

At ang hindi ko inasahan ay ang biglaang pagtama ng noo ko sa matigas na parte nito dahilan ng pagkawala ng aking kamalayan.

********

Nagising ako sa isang madilim na lugar na tanging ilaw ng isang maliit na kandila lang ang siyang nagbibigay liwanag.

Shit! Nasaan ako?

Marahan akong bumangon sapo ang sumasakit kong ulo. Nagpalinga linga ako sa buong paligid ngunit wala naman akong ibang makita dahil napakaliit lang ng liwanag ng kandila. Pero pakiramdam ko ay para akong nasa loob ng isang kuweba.

Juskopo!

Bigla akong nakaramdam ng takot at pangamba pero pilit ko lang na pinapatatag ang aking sarili. Hindi maaaring panghinaan ako ng loob dahil wala akong ibang aasahan kundi ang aking sarili.

Ilang beses akong huminga ng malalim saka buong lakas na sumigaw.

"Palabasin niyo ako rito! Parang awa niyo na! Pakiusap lang!" Sigaw ko dahil sigurado naman ako na may tao sa labas na nagbabantay sa akin. Sana lang talaga ay meron dahil alam ko naman na papakinabangan pa ako ni Rosana ng matagal.

Iyon nga lang ay kung papalabasin nga ba ako dahil siguradong parusa na ito sa paglaban ko kanina sa babaeng bruha na yon.

Kaya pwes magsisisigaw ako, mag iingay ako hanggang sa sumabog ang tainga nila.

Nagpakawala na naman ako ng malalim na buntong hininga saka sumigaw ng napakalakas ng makailang beses.

"Palabasin niyo na ako! Please lang! Papakinabangan niyo pa ako di ba? Pagkakakitaan niyo pa ako kaya palabasin niyo na ako!"

Paulit ulit na sigaw ko ngunit ilang minuto pa ang nakalipas ay wala man lang senyales na may ibang taong nakakarinig sa akin. Parang umeecho lang ang boses ko sa loob ng lugar na ito.

Shit!

Talagang napakasama ng budhi ng Rosana na yon. Paano kinakaya ng konsensiya niya ang pahirapan ng ganito ang kapwa niya babae!?

Dahil sa pagsigaw ay para akong nawalan ng lakas kaya umayos na lamang ako ng upo habang yakap yakap ang aking mga tuhod. Hindi ko na napigilan pa ang paglandas ng aking mga luha.

At alam ko na tanging pagdarasal lang ang makakaligtas sa akin kaya taimtim akong nanalangin.

Ilang saglit pa ay bigla na lamang bumukas ang pintuan kaya namuhay ang pag asa sa aking puso. Kita ko ang bilog na liwanag na parang nagmumula sa isang flashlight.

"May tao po ba? Tu-- tulong! Tulungan niyo po akong lumabas." Garalgal ang tinig na wika ko.

Rinig ko ang tunog ng mga yabag ng paa nito na parang papalapit nga sa akin kaya napakabilis kong nakatayo.

Hanggang sa bumungad sa akin ang mukha ni Manang Linda. May hawak itong flashlight kaya agad kong naaninag ang mukha nito. Habang ang kaliwang kamay naman nito ay may hawak na tray ng pagkain.

"Ma--- Manang!" Garalgal pa rin ang tinig na usal ko.

"Kumain ka na." Simpleng sagot lang nito kaya dali dali ko itong nilapitan. Masuyo kong hinawakan ang braso nito at buong pusong nagmamakaawa.

"Manang, a--- alam ko po na mabuti kang tao. Ramdam ko po na napipilitan ka lang na makisama kay Ma'am Rosana. Kaya po nakikiusap ako sayo Manang. Parang awa mo na po, tu--- tulungan mo akong makalabas dito. Tulungan mo akong makatakas dito Manang. Hindi ko po kaya rito." Humahagulhol na pakiusap ko.

Puno ng katapatan ang bawat salita ko. Ni hindi ko na inisip pa na baka magsumbong ito kay Rosana dahil katiwala niya ito at baka mas lalo pa akong parusahan.

Rinig ko ang lalim ng pinakawalan nitong buntong hininga.

"Napakaimposible ng pinapakiusap mo. Alam mo ba na hindi ka nag iisa sa loob ng mansyong ito? Marami kayo Emeryn. At wala pa ni isang nagtangkang tumakas o sumaway kay Madam." Mariing wika nito kaya napaawang ang aking mga labi sa pagkagulat.

"Marami kami? A-- ano pong ibig mong sabihin Manang?" Puno ng katanungang usal ko.

"Oo marami kayo. Iyong lahat ng mga kwartong nakikita mo rito sa loob, lahat yon ay may nakatirang kagaya mo. Ang kaibahan lang nila sayo ay tinanggap na nila ang kapalaran nila at hindi nila sinusuway si Madam kaya maayos at sagana silang nagbubuhay prinsesa ngayon sa kani kanilang kwarto." Pagsisiwalat ni Manang kaya napalunok ako ng mariin. Napakurap ako at hindi makapaniwalang napahilot sa aking sintido.

Kaya pala. Kaya pala sa una palang ay nakakapagduda na kung bakit napakalaki nitong mansyon at napakaraming kwarto dahil tahanan pala ito ng mga babaeng binubugaw ni Rosana!

Grabe! Wala siyang puso! Halimaw siya!

Pero kung ang mga babaeng yon ay tinanggap na nila ang kapalaran at buhay nila sa kamay ng bruhang si Rosana, pwes ako hindi.

"Kaya kung ako sayo, magpakabait ka at sumunod ka nalang sa anumang utos ni Madam dahil hindi ka rin naman makakatakas pa rito. Kung makukuha mo ang loob at tiwala ni madam ay makakalabas kana ng mansyon pero yun nga lang ay kasama ang mga tauhan niya para magbantay. Pero mas maigi naman iyon keysa nakakulong ka rito." Dagdag pa na salaysay ni Manang Linda saka nito nilapag ang pagkain sa sahig dahil wala namang mesa o upuan rito.

Napaisip ako ng malalim kaya hindi na ako nakapagsalita pa.

"Ang utos ni madam ay tatlong araw ka pang ikukulong dito sa loob ng basement para magtanda ka raw." Sambit ni Manang kaya napadako na naman ang mga mata ko sa kanya.

Kaya pala ang dilim dilim at para akong nasa loob ng kweba dahil basement pala ito ng mansyon! At kahit magsisisigaw pa ako ay wala rin palang makakarinig sa 'kin! Shit!

"Pa-- paano kung ayaw ko pa ring sumunod Manang? Paano kung hindi ko pa rin kayang ibenta at ipangalandakan ang puri ko sa kung kani kaninong lalaki?" Diretsahan at walang paligoy ligoy na tanong ko na diretsahan din naman nitong sinagot.

"Magiging kagaya ka nila." Anito sabay tuon ng flashlight sa pinakasulok ng basement na agad kong ikinasigaw sa takot at labis na pagkagulat.

"Ahhhhhhhhy!"

Ka--- kalansay!!!!!!

"Kaya pag isipan mong maigi Emeryn dahil wala ka ng magiging takas pa rito!"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 96

    Dahil sa nangyari ay parang buong araw ng nawala ang mood ko. Hindi ko magawang ngumiti o magpakasaya knowing na may taong nasaktan at napaalis dahil lang sa pagmamagandang loob sa akin. At ang mas ikinabibigat ng kalooban ko ay ang malaman na hindi nagbibiro si Dreymon sa lahat ng pagbabanta niya. He changed! He really changed at mukhang wala ng pag asa na bumalik ang dating lalaki na minahal ko. Kaya naman kahit pa may iilang tourist attraction pa kaming pinuntahan ay hindi ko magawang magpakasaya. Hindi man ako lumalayo sa tabi niya gaya ng nais niya ngunit ilag na ilag naman ako. Hindi na rin ako nagsasalita o nagtatanong man. As in literal na wala akong imik hanggang sa makabalik kami ng hotel. "Aren't enjoying huh!?" Irritableng wika nito sa wakas. Marahil ay kanina pa nito nahahalata ang ekspresyon ko ngunit ngayon lang ito nagkaroon ng ganang mamuna. At dahil pa rin sa nararamdamang inis ko ay hindi ako sumagot dahilan para tuluyan na ako nitong nilapitan saka mahigp

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 95

    "Dreymon!" Halos mapasigaw ako nang sunod niya akong itulak patalikod kaya natukod ko ang dalawa kong mga kamay sa dingding ng banyo. Marahas nitong hinawakan at nilamas ang dalawa kong dibdib kaya napasigaw ako sa nararamdamang sakit. "Namamayat ka but your boobies seemed like they're getting bigger hmmmp." Mahalay na usal nito at mas idiniin pa ang kanyang daliri sa aking mga pasas kaya napapikit na lamang ako sa sakit. Yeah, they'te getting bigger dahil nagdadalang tao ako! Kaya napakasensitibo ng aking katawan maging ng aking pagkababae kahit pa tanging paghawak pa nga lang ang ginagawa niya. At natatakot ako na may mangyari na naman sa amin dahil pakiramdam ko, namamaga ang pribadong parte ng aking katawan. Nagsimula ng mamuo ang mga luha sa aking mga mata at sinubukan itong pakiusapan. "Please please, tama na. Huwag muna ngayon. Nakikiusap ako." Usal ko sa garalgal na boses pero para itong bingi na walang narinig at walang pakialam na itinuloy ang ginagawa. "No one

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 94

    ( Emeryn's POV ) "Ahhhhhhhhh ang tiyaaaan ko!" Napahaplos ako sa aking sinapupunan nang maramdaman ang kakaibang pananakit nito na hindi ko mawari kung bakit biglaang nangyayari. "Wha--- what's wrong?" Napaangat ako ng mukha nang mapansin ang mabilisang paglapit ni Dreymon. Hindi ko alam kung namamalikmata nga lang ba ako ngunit mababanaag ang matinding pag aalala sa mukha nito. Ilang beses akong napabuntong hininga ng malalim. Hindi nito pwedeng malaman na nagdadalang tao ako. Hindi pwedeng mapahamak ang anak ko dahil ibang iba na ang trato nito sa akin. At naniwala pa ito sa mga kasinungalingan ni Mama Estella na marami akong lalaki kaya siguradong mag iisip lang ito ng masama. Walang saysay lahat ng paliwanag ko dahil hindi rin naman ito makikinig. Ilang beses ko na ngang sinubukan di ba? Noong una palang pero sarado ang utak niya. Kaya kahit hirap na hirap man ay pinilit kong magpakatatag. "Wa--- wala ito. Ba-- baka gutom lang o di kaya'y kabag dahil sa malamig na panah

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 93

    "Uhmmmmm" Agad akong napatigil sa pag iisip ng malalim nang mapansing kumilos si Emeryn saka ito dahan dahang nagising. At mabilis din itong napabalikwas ng bangon nang mapansin ang presensiya ko. "Pa--- pasensiya na. Umagang umaga na pero nakatulog ako, puyat na puyat kasi ako kagabi." Anito na hindi makatingin ng diretso sa akin kaya napalunok ako ng mariin. Damn! Heto at inaatake na naman ako ng guilt ko dahil kasalanan ko kung bakit ito napuyat. Sino ba kasing hindi mapupuyat sa sobrang lamig ng temperatura tapos sa terrace ko pa ito pinatulog. Shit! Am I stupid? Dahil imbes na dapat matuwa ako sa pagtitiis niya ay nakokonsensiya pa ako. Pero syempre, hindi niya pwedeng malaman ang nilalaman ng kalooban ko kaya pinanatili ko ang matigas kong anyo. "Mabuti alam mo. You should act as a wife right? Ngayong kasal na tayo, kailangan mo akong pagsilbihan but look at you, early in the morning pero natutulog ka lang, nakatunganga." Mariin at baritonong wika ko saka tuloy tuloy

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 92

    Kita ko ang mariing pag igting ng panga ni Dreymon habang matalim na nakatutok ang mga mata sa lalaki. "And who the fuck are you? Are you a hero? At bakit nangingialam ka sa away mag asawa?" Matigas na asik ni Dreymon pero matapang namang nakaharap sa kanya ang lalaki. "Kung ikaw, nakakaya mong matiis ang isang babaeng nanginginig na sa lamig. Pwes, ibahin mo ako. I am not like you. I may not be a hero but I am not a jerk like you!" Matapang na anas ng lalaki kaya napaawang ako. Matangkad din ito, malaki at matikas din ang katawan kagaya ng kay Dreymon. At sa awra at hitsura nito ay parang hindi ito marunong matakot ninuman. At kung nasa malapitan lang talaga sila ngayon, siguradong higit pa sa palitan ng salita ang mangyayari. Pero syempre kailangan kong pumagitna sa mainit na sagutan ng mga ito lalo pa at ako ang dahilan kung bakit sila nagkakasagutan ngayon. Buong loob akong tumayo saka yumuko sa lalaking tumulong sa akin para humingi ng pasensiya. Ayaw ko ng lumaki pa an

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 91

    ( Emeryn's POV ) Nakaupo ako ngayon sa may bench na nasa terrace habang yakap-yakap ang aking sarili. Nakakaramdam na ako ng lamig sa katawan ngunit wala akong ibang magagawa kundi ang magtiis dahil si Dreymon ang nagdesisyon na dito ako patulugin. Natawa ako ng mapait. Kung ituring ako nito ay para akong basahan. Noong isang araw pa lamang kaming ikinasal pero napakahigpit at napakasama na ng pakikitungo nito sa akin. Kasalukuyan kaming nasa Baguio ngayon, at ang dahilan niya ay para maghoneymoon daw kami dahil nabanggit iyon ng abuela niya. Ibig sabihin ay desisyon ito ni Doña Olivia at hindi niya desisyon kaya alam ko na napipilitan lang siyang sumunod para kunwari ay kapani- paniwala talaga ang naging kasal namin. Totoon naman talaga iyon eh! Nagpirmahan na nga kami ng papeles kaya legal pa iyon. Iyon nga lang ay hindi sang ayon ang butihing Doña. Nang minsan pa nga iyon tumawag para kausapin ako ay nagrequest pa iyon ng isang enggrande at magarbong kasalanan. "Daratin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status