Share

Kabanata 3

Author: Mariya Agatha
last update Huling Na-update: 2025-04-30 00:10:45

Nagising ako nang makarinig ng isang tinig. Sa haba ng naging biyahe namin ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako matapos ayusin ang aking kakarampot na dalang gamit.

"Mabuti naman at nakapagpahinga ka. Kumusta itong kwarto mo? Nagustuhan mo ba?" Magiliw na tanong ni Mama Rosana. Nakangiting mukha nito ang bumungad sa akin.

Agad akong bumangon saka marahang ngumiti.

"Napakalaki po nito mama. Nakakahiya naman po. Ayos lang naman po sa 'kin kahit sa---"

"Psshhh!" Agad na putol nito sa aking sasabihin saka naupo at tumabi sa akin sa kamang kinauupuan ko.

"Alam mo, ganito ako mag alaga ng anak. Lalong lalo na kung masunurin sa akin. Mararanasan mo pa ang mas marangyang buhay basta ba magiging mabait at masunurin ka lang." Anito sabay suklay ng buhok ko gamit ang mahaba nitong mga kuko.

Napalunok ako ng mariin. Simple lang naman itong mga sinasabi ni mama pero hindi ko alam kung bakit bigla na naman akong nakaramdam ng kaba.

"Uhmmmm naku wala pong problema. Masipag din po ako mama. Sabihin niyo lang po kung anong gagawin. Handang handa nga po akong tumulong kay Manang Linda sa mga gawain dito." Matapat na turan ko dahil totoong nasa isipan ko na iyon.

Syempre hindi naman ako magbubuhay prinsesa rito kahit pa legal ang pag ampon sa akin. Nasanay na ako sa kahit anong gawain dahil tinuruan kami sa bahay ampunan at hindi naman sa pagmamayabang pero palagi akong pinupuri nila Sister Carolina sa kasipagan ko.

"There's no need. Hindi na kailangan dahil may mas higit pang mahalagang bagay na kailangan mong pagtuunan ng pansin." Anito kaya napangiti ako dahil pumasok kaagad sa utak ko ang tungkol sa pag aaral. Baka gusto ni mama na magfocus ako sa pag aaral.

"Bueno, lalabas na ako. Hahatiran ka nalang ni Linda mamaya para sa pagkain mo." Anito at agad ding tumayo.

At bago pa man ito humakbang papalabas ay naisipan kong tanungin kung bakit pinadlock ako ni Manang Linda kanina.

"Ahh ma," Lakas loob na turan ko kaya napatingin ito sa aking mukha.

"Gu--- gusto ko lang po sanang itanong ang--"

"Ang tungkol ba sa pagkakapadlock sa iyo dito sa kwarto?" Putol nito sa aking sasabihin na siyang nagpaawang sa akin dahil agad nitong nahulaan ang nilalaman ng aking isipan.

Napalunok ako ng mariin saka marahang tumango.

"Emeryn anak, just trust me okay? It's for your own good. Besides, sinabi mo sa akin na masunurin ka at masipag kaya sana hindi mo ako bibiguin." Walang paligoy ligoy na turan nito pero hindi rin naman nasagot ang tanong ko.

It's for my own good daw. Iyon lang ang tumatak sa isip ko kaya hindi na lamang ako nag usisa pa. Hindi ko dapat pagdudahan si Mama Rosana dahil siya na ang tatayong magulang ko.

Hindi na lamang ako muling nagsalita pa hanggang sa tuluyan na nga itong lumabas ng kwarto.

Napahinga ako ng malalim saka dahan dahang kumilos. Wala sa loob na dumako ang mga mata ko sa labas ng malaking bintana na may nakalagay na grills kaya pasimple kong tiningnan ang kapaligiran.

Maraming puno at may mataas na bakod pa. Wala talaga akong makita kahit isang bahay man lang. Ni hindi ko alam kung nasaan kami. Wala akong ideya maging sa dinaraanan namin patungo rito dahil nakatulog nga ako kanina habang nasa biyahe.

Naisip ko tuloy kung saang paaralan kaya ako mag aaral gayung parang nasa malayong kabihasnan na kami. At balak ko na saka na lamang magtanong kay mama kapag inabot na ako rito ng ilang araw. Pinangako niya naman iyon sa akin nung nasa bahay ampunan pa lang kami kaya siguro kahit hindi na ako magtanong pa ay siya na ang kusang magbubukas ng paksang iyon.

Maya maya pa ay naputol ang lalim ng aking pag iisip at pagmumuni muni nang marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pintuan kaya napadako ang tingin ko sa kakarating lang na kasambahay.

"Ma'am Emeryn, kumain na po kayo ma'am." Anito saka inilapag ang malaking tray sa bedside table.

Manghang napatingin ako sa inihanda nitong pagkain na napakarami. At ang sasarap, may karne, gulay at prutas pa.

"Ma-- Manang salamat po pero ang dami naman po ata ng inihanda niyo. Baka hindi ko po ito maubos." Matapat na wika ko. Bihira man akong makakain ng ganito kasasarap na pagkain pero hindi naman ako ganoon ka patay gutom na pipilitin itong maubos kahit hindi kaya ng aking sikmura.

"Pero mariing bilin po ni Senyora na kailangan niyo po itong maubos Ma'am Emeryn. Masyado raw po kayong payat kaya kailangan niyo pong magkalaman." Diretsahan at walang paligoy ligoy na sagot ni Manang Linda na siyang nagpatameme sa akin.

Hindi na ako nakaimik hanggang sa tuluyan na nga nitong nilisan ang kwarto. Napagpasyahan kong tingnan ang aking sarili sa harapan ng malaking salamin at napagtanto ko na tama nga si Manang Linda dahil masyado akong payat, tipong wala man lang kalaman laman.

Malungkot akong napangiti dahil alam kong epekto ito ng madalas pagkain ko ng kakaunti sa bahay ampunan dahil sa dami namin. Mas binibigyan ko kasi ng prayoridad ang mga bata.

Tiningnan kong muli ang pagkain at napangiti ako dahil sa pinaparamdam na concern at pag aalaga sa akin ni Mama Rosana. Ngayon pa lang ay kalusugan ko na kaagad ang iniisip niya kaya nararapat lang talaga na magtiwala ako sa kanya. Hindi na dapat ako nag iisip ng kung anu ano pa.

Umupo ako at nag alay muna ng dasal at pasasalamat bago kumain. Masyado man itong marami pero sisikapin kong maubos ito ng paunti unti.

At sa paglipas pa ng mga araw ay naging ganito ang routine ko sa mansyon. Ni minsan ay hindi ako nakalabas ng kwarto ko dahil kinompleto na nga ni Mama Rosana ang nilalaman ng loob nito para hindi ako mabored dito. Palagi ring marami ang hinahatid na pagkain sa akin ni Manang Rosana kaya mabilis kong naramdaman ang pagbigat ng aking katawan.

At hindi ko aakalain na ikinatuwa iyon ng labis ni Mama Rosana.

"Good girl Emeryn! Mas lalo kang gumanda at naging kaakit akit ngayong nagkalaman laman ka na. Bukas na bukas din ay may papupuntahin na ako rito para magtrain sayo. It's about time dahil ilang araw na rin ang nasayang." Aniya isang araw nang pumasok siya sa kwarto ko.

Napakunot ang noo ko at puno ng kuryosidad na napatanong. "Magte- train po ma? Para saan po?"

"Well, malalaman mo rin so soon. Sa ngayon, just be cooperative anak dahil sisiguraduhin ko na matatamasa mo rin ang karangyaan." Abot tainga ang ngiti na sagot nito at mukhang napakapositibo pa.

Ganito talaga si mama sumagot. Iyong tipong mapapaisip ka nalang. Kaya imbes na mag usisa pa ay hinintay ko na lamang ang araw na sinabi niya at hindi ko inasahang mabubulaga ako.

"Ako si Mona at ako ang magiging trainor mo for your sexy dance moves." Bungad ng isang bakla nang pumasok sa aking kwarto kinabukasan.

Laglag ang panga ko sa pagkagulat.

"Se--- sexy dance moves!?" Gulat na gulat na tanong ko.

Bakit ako tuturuang sumayaw ng sexy? Para saan?

"Oo nga, hindi ka naman bingi di ba? Kasi sayang ang ganda mo kung magbibingi- bingihan ka. Anyway, simulan na natin dahil baka malintikan ako ni Madam Osang. Ayaw nun na nagsasayang ng oras." Anito pa kaya kahit biglang nagulo at binalot ng pagtataka ang isipan ko ay sumunod na lamang ako dahil ito nga ang mariing bilin ni Mama Rosana.

At sa mabilisang paglipas pa ng mga araw ay hindi ko aakalaing gugulantangin ako ng kasagutan at realidad sa lahat ng mga naging katanungan ko.

Ang lahat ng mga positibong bagay at pagpapantasya ko sa aking isipan para sa aking mga pangarap ay napalitan ng isang napakalaking bangungot!

"Ma, hindi ko po kaya. Hindi po...." Humahagulhol na pakiusap ko kay Mama Rosana nang sapilitan ako nitong dalhin sa isang hotel. Binihisan pa ako nito ng napakaikling dress na halos kita na ang singit at panty ko.

"Tang ina! Huwag mo akong artehan Emeryn! Sasayawan mo lang naman ang kauna unahang customer mo. Bibigyan mo ng aliw at boom! Libo libo na ang ibabayad sayo. Maging praktikal ka! Gamitin mo yang ganda mo nang may pakinabang ka naman sa 'kin. Anong akala mo libre ang nararanasan mong ginhawa sa mansyon ko? Pasalamat ka nga at ikaw ang napili kong dalhin ngayong gabi eh!" Ramdam ko ang gigil sa boses nito kaya mas lalo lang akong napaiyak.

Ang babaeng inakala kong napakabuti at magiging instrumento sa pag abot ng aking mga pangarap ay isa palang babaeng bugaw at walang kasing sama! Hindi ko alam kung paano niya nabilog ang ulo nina Sister Carolina pero sigurado akong peke ang mga dokumentong ipinakita nya. Nagbabalat kayo lang pala siya na isang tupa pero nakatago pala ang maitim nitong anyo.

"Pumasok ka na bago pa ako maubusan ng pasensiya sayo!" Singhal nito at buong pwersa na nga akong kinaladkad papasok sa loob ng kwarto ng hotel.

"Ayusin mo yang mukha mo dahil mamaya maya lang ay darating na si Mr. Chui! Huwag mo akong ipapahiya kung ayaw mong ikulong kita ng walang pagkain!" Gigil na asik niya at sa anyo niya ngayon ay alam kong tototohanin niya ang kanyang sinabi.

At alam ko na hindi lang kawalan ng pagkain ang kaparusahan ko kundi maging ang pisikal na pang aabuso dahil minsan ko na iyong naranasan nung isang beses kong sinuway ang kagustuhan niya.

Ngayon ay hindi ko alam kung paano pa makakawala sa kalbaryong ito. May sisilaw pa kayang liwanag sa kadiliman na kinasasadlakan ko?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mildred Dean
Laban ka lang Emeryn gurl
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   ANG HULING PAGSUBOK (SPECIAL CHAPTER 1)

    ( Emeryn’s POV )Napakatahimik ng umaga. Iyong klase ng katahimikan na parang ayaw kong sirain kahit isang buntong- hininga man lang. Ang liwanag ng araw ay marahang sumisilip sa mga kurtina ng veranda, hinahaplos nito ang balat ko na parang paalala na may bagong simula na naman.Bagong simula. Bagong buhay at bagong pag-asa.It’s been a year. Magmula ng matapos lahat ng gulo at ang lahat ng sugat na unti- unti kong pinapagaling. Ganoon kabilis ang pagtakbo ng mga araw at sa susunod na buwan na rin gaganapin ang kasal namin ni Zairus.Hawak ko ang tasa ng kape, mainit pa, at habang tumatama ang liwanag sa singaw nito, ramdam ko ang kapayapaang matagal ko na ring natatamasa.Tahimik din ang paligid maliban sa tunog ng mga dahon na hinahaplos ng hangin. At sa kabilang bahagi ng veranda, naroon si Zairus na abala sa pagbabasa ng mga papeles pero paminsan-minsan ay napapansin kong palihim itong sumusulyap sa akin.I can feel his gaze even without looking. Kaya nang magsalita siya ay halos

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 140 (SPECIAL FINALE CHAPTER)

    ( Author’s POV )Matapos ang lahat ng unos, intriga, at kasinungalingan ay unti-unti na ring bumalik ang katahimikan sa buhay ni Emeryn. Tuluyan ng natuldukan ang matagal na laban na kinasangkutan niya. At sa wakas ay nagkaroon na rin ng linaw ang lahat ng bagay na matagal ng nagpapabigat sa kanyang puso.Naaprubahan na rin ang annulment na inihain niya laban kay Dreymon. At bagaman naging mahaba at masakit ang proseso, naging malinaw sa lahat na iyon ang tanging tamang hakbang. Si Dreymon mismo ang sumuko sa huli dahil naubusan na ng lakas ang lalaki para ipaglaban ang pagmamahal na siya na lamang ang kumakapit.Tunanggap niyang hindi na maibabalik ang dati, na ang pagmamahalan nila ni Emeryn ay isa na lamang alaala na kailanma’y hindi na muling mabubuhay pa.At ngayon, narito si Emeryn, nakaupo sa terasa ng bahay nila ni Zairus habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Sa kanyang tabi, nakahilig ang ulo ni Zairus habang mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. Sa kanyang kandungan, mah

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 139

    Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan at dito na pumasok si Zairus habang buhat si Zairah.“Siya si Zairus,” Sabi ko, tuwid ang tinig ko kahit nanginginig ang puso ko. “Ang lalaking tumulong sa akin sa gitna ng kapahamakan, ang lalakinf nasa tabi ko sa panahong wala na akong ibang malapitan. Ang lalaking hindi ko namalayang minamahal ko na pala at siya ring minahal ng anak ko.”Napaawang ang mga labi ni Zairus sa narinig dahil ito ang unang beses na umamin ako. Dahil kahit hindi pa man siya umaamin sa damdamin niya sa akin na alam kong pinipigilan lang niya, ramdam na ramdam ko ang taos pusong pagmamahal niya sa akin at kay Zairah.Manghang naglakad si Zairus papalapit sa akin saka ako hinalikan sa ulo ko. “Damn! I love you so much more than ever Emeryn.” He uttered full of love kaya sa kanya napatutok ang ningning sa mga mata ko. Ni hindi ko na naisip na nakatingin ngayon si Dreymon sa amin. At hindi na rin naman mahalaga sa akin kung anong nararamdaman niya, gusto ko lang magpak

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 138

    Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatayo ako sa labas ng pintuan ng isang pribadong silid sa isang kilalang café. Ito ang napiling lugar ni Zairus para sa pagtatagpo namin ni Dreymon. Isang lugar na tahimik, malayo sa mga mata ng iba at ligtas para sa akin at kay Zairah.Naroon lamang sa labas si Zairus, nakabantay, kasama ang mga tauhan niya at si Zairah na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Pinakiusapan ko siya na maghintay lamang, na huwag munang magpakita hangga’t hindi ko sinasabi. Gusto kong ako muna ang humarap kay Dreymon. Na ako ang magsalita at ako ang magtapos sa lahat ng sugat na iniwan ng nakaraan.Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko itinulak ang pintuan.At bumungad agad sa mga mata ko ang mukha ng lalaking ilang taon kong pinagtaguan. Nakatayo siya, nakasuot ng simpleng polo at bughaw na pantalon. At ang presensya niya ay sumisigaw pa rin ng kapangyarihan at karangyaan.Ngunit higit sa lahat, ang hitsura niya ang unang tumama sa mg

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 137

    ( Emeryn’s POV )Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. Para bang ang bigat-bigat ng dibdib ko mula nang ibinalita sa akin ni Zairus ang nangyari sa kanilang pagkikita ni Dreymon kasama si Estella.Ilang araw na rin akong balisa, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Zairus lalo na ang mga rebelasyong ibinunyag sa ni Estella kay Dreymon.I can’t imagine. Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Ang lahat ng paratang niya, lahat ng sakit at paghihirap, lahat ng sugat sa puso at pagkatao ko na siyang bunga ng kasinungalingan at pagmamanipula ni Sophie ay nalaman na rin ni Dreymon sa wakas!Ngunit may parte pa rin sa puso ko ang nanlulumo sa tuwing naiisip ko kung gaano karaming taon ang nawala at nasayang, kung gaano karaming gabi ang umiyak akong mag-isa, nagsusumamo ngunit di man lang niya magawang paniwalaan.At ngayon, sa wakas ay nasampal din siya ng katotohanan. At hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko para kay Dreymon.“Emeryn…”

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 136

    Hindi ko na kayang palipasin pa ang isang araw, matapos kong malaman ang buong katotohanan ay hindi ko na hahayaang maging malaya pa si Sophie. Lahat ng mga inamin ni Estella ay parang apoy na patuloy na naglalagablab sa dibdib ko. Ang galit na itinago ko sa maling tao ay ngayon ay sumiklab ng buo laban sa babaeng yon na walang puso, walang kaluluwa!And this time, hinding hindi ko hahayaang matakasan pa niya ang batas! Hindi ko na hahayaang manatili siyang malaya matapos niyang wasakin ang buhay ko, ang muntikang pagkawala ni granny noon at lalong lalo na nangyari kay Emeryn dahil sa lahat ng kasinungalingan at kahayupan niya.“Lintik lang ang walang ganti Sophie! Putang ina! Magbabayad ka!” Gigil at puno ng poot na asik ko. Wala na akong ibang inisip kundi ang pagpaparusa kay Sophie. Kaya naman agad akong tumawag sa mga abogado at sa mga taong may koneksyon sa mga awtoridad. Ako na mismo ang kusang kumilos dahil ayaw ko ng patagalin pa ang lahat.“Prepare the charges. Lahat ng ebi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status