Nang makaalis si Manang at naiwanan akong mag isa ay binalot ako ng labis na takot hindi dahil may kalansay rito sa loob ng basement na kasa- kasama ko kundi dahil takot akong matulad sa kanila, na ganito rin ang kahahantungan ko. Tipong basta na lamang natapos ang buhay nang hindi man lang nakalaban, ni walang hustisya at malabong mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng mga babaeng ito. At kung magmamatigas pa ako ay alam ko na magiging ganito ang kahihinatnan ng buhay ko. Buhay na kahit napakalaki at napakaraming kulang ay pinono ko pa rin ng pangarap hindi lang para sa aking sarili kundi para sa mga naging pamilya ko sa bahay ampunan, sa mga batang katulad ko na naniniwala sa kakayahan ko. Hindi! Hindi pwedeng basta na lamang dito magtatapos ang lahat. Kaya wala na akong ibang naiisip pa na solusyon kundi ang naging payo ni Manang Linda. Tama siya, kailangan ko munang maging sunod sunuran kay Rosana para makuha ang loob ng bruhang iyon. Nang sa ganun ay mapagplanuhan ko an
Last Updated : 2025-05-14 Read more