MasukLumaki sa bahay ampunan at nilinlang ng taong kumupkop sa kanya para sa isang illegal na prostitusyon. Ganyan mailalarawan ang masalimoot na buhay at karanasan ni Emeryn Del Rosario. Sa pag-aakalang wala ng direksyon ang kanyang buhay, nakilala niya ang babaeng sumagip sa kanya. Ang nag-aruga, nagpaaral at nag-ahon sa kanya sa putikang kinasasadlakan. Ngunit kapalit ng kanyang marangyang buhay ay ang isang misyon na kailangan niyang maisakatuparan. Yun ay ang paibigin at wasakin ang gwapong bilyonaryo ngunit mabangis na si Dreymon Velmonte. Inalay maging ang kanyang katawan. Naging sex slave si Emeryn makuha lamang ang loob at puso ng binata. Ngunit kung kailan napagtagumpayan ang kanyang misyon ay saka niya naman natagpuan ang sariling umiibig na ng labis sa binata. Pero walang sekreto ang hindi nabubunyag. At nang malaman ni Dreymon ang pinakatinatago niyang lihim ay labis siyang kinasusuklaman nito. And he planned to punish her for a lifetime. "Marry me or I'll kill you!" Madilim ang anyo nitong alok sa kanya.
Lihat lebih banyak( Author’s POV )Tahimik ngunit napakalamig ng hangin bago sumikat ang araw. Sa malayo, maririnig ang mumunting hampas ng alon at pag-awit ng mga ibon na tila ba sumasalubong sa isang araw na napakahalaga, ang araw ng pag iisa para sa panibagong yugto ng naudlot na pagmamahalan.Sa isang pribadong bench malapit sa bagong tayong mini garden sa kanilang bakuran ay nakaupo sina Emeryn at Dreymon, magkahawak-kamay habang nakatanaw sa malawak na karagatan na abot tanaw. Nasa pagitan nila ang malamig na kape at dalawang white roses na ipinulot lamang ni Dreymon kaninang umaga para ibigay sa babaeng minamahal.Maganda ang panahon, may banayad na hangin na humahaplos sa mukha nila. Ilang buwan na ang lumipas mula nang bumalik ang lahat sa dati, o marahil higit pa sa dati, dahil mas matibay na ang tiwala at pagmamahal na bumabalot sa kanila ngayon. Pagmamahalang alam nila na walang sinuman ang makakatibag.Muling bumalik ang lakas ni Dreymon. Matapos ang mahabang gamutan, therapy at panalangin
( Emeryn’s POV )“Resort Paraiso’’Naririto kami ngayon ni Zairus sa isang napakagandang beachfront resort na may puting buhangin, malamig na hangin at napakalinaw ng dagat na tila nanunuya sa kaguluhan ng isipan ko. Napakabiglaan ng pag-ayang itong ni Zairus at wala siyang naging ibang paliwanag kundi nais niyang makapagrelax ako sa lahat ng mga nangyari these past few weeks. And I really appreciate his effort kahit pa man inaalala ko pa rin ang kalagayan ni Dreymon ngayon. Na kahit hindi ko na siya ulit nadadalaw ng palihim ay updated naman sa akin ang doktor niya at ayon nga sa impormasyon ay nakalabas na raw si Dreymon ng hospital kahapon pa. Kaya kahit papaano ay napanatag ako kahit pa gustong gusto ko pa rin na personal siyang makita.Feeling ko nga nagiging sobrang unfair na ako kay Zairus dahil I am physically present by his side but I am mentally and emotionally absent naman. But I am really trying my best na ibigay ang atensyon ko sa kanya para hindi niya naman maramdaman n
(Zairus POV)Tahimik ang gabi. Tahimik pero parang may mga sigaw na gustong kumawala sa dibdib ko.Nasa sofa ako ngayon hawak ang tasa ng kape na kanina pa malamig. Sa ibabaw ng mesa ay may mga papeles galing sa kumpanya, pero hindi ko mabasa kahit isang linya dahil sa totoo lang — wala naman talaga akong ibang naiisip kundi ang babaeng minamahal ko.Si Emeryn.Ang babaeng akala ko’y sa wakas ay sa akin na matapos niyang tanggapin ang kasal na alok ko.Ang babaeng matagal kong inalagaan, minahal, inunawa, at pilit kong pinasaya.Pero ngayong mga huling araw… parang unti-unti na siyang lumalayo, hindi man sa kilos ngunit sa isip.Ramdam ko. Ramdam kong hindi na ako ang laman ng isipan niya. Na kapag tinitingnan ko siya ay parang nakatingin siya sa malayo —sa kung saan naroon ang isang lalaking minsang nanakit sa kanya ngunit ngayo’y muling pinatunayan ang pagmamahal na handang magsakripisyo at ialay ang buhay para sa kanya.At sa tuwing maririnig ko ang pangalan ni Dreymon, aaminin kon
( Emeryn’s POV )Tahimik na ang buong bahay, pero pakiramdam ko ang ingay-ingay ng kalooban ko. Nakauwi na ako mula sa ospital, mula sa gulong halos kumitil ng buhay ko— at ng buhay ni Dreymon.Pero kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong pilitin ang sarili ko na magpahinga at huwag na munang mag-isip ay binabagabag pa rin ako, siya pa rin ang laman ng isip ko.Dreymon…..Ang pangalan niya ay parang dumadaloy sa bawat tibok ng puso ko. Paulit-ulit. Unti-unti. Masakit at parang nilalamon ako ng guilt. Papaano nga bang hindi gayung committed na ako kay Zairus at sa susunod na buwan na gaganapin ang kasal namin, pero ang laman ng isipan ko ay ang ibang lalaki. Na hindi lang basta lalaki kundi ex husband ko pa.Oh shit!Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama habang hawak ang baso ng tubig na kanina pa hindi ko maubos- ubos. At ang mukha ng anak kong mahimbing na natutulog sa aking tabi ay mas lalo lang dumagdag sa pag-iisip ko kay Dreymon dahil talagang parang pinagbiyak na bunga ang d
LOVEBYMISSION Kabanata 146(Dreymon’s POV)Tahimik. Nagising akong napakatahimik ng paligid na ang tanging naririnig ko lang ay ang mahina at tuloy-tuloy na beep ng makina sa tabi ko. Mabigat ang talukap ng aking mga mata at tila ayaw pang bumukas pero pinilit ko. Kasabay ng tuluyan kong pagdilat ay unti-unti ko ring nararamdaman ang hapdi sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Ang paalala ng bala na muntik ng kumitil sa buhay ko.Bala…..Muling lumitaw sa utak ko ang huling nangyari. Napakurap ako ng ilang beses habang dahan dahang inilibot ang mga mata sa kabuuan ng paligid. Maputi ang kisame at ang pader. Amoy antiseptic na para bang nasa ospital ako.Ospital? Does it mean nakaligtas ako!??Pero bago ko pa masagot ang sariling katanungan ay bigla kong napansin ang isang babaeng nakaupo habang natutulog, nakasandal ang ulo nito sa upuan kaya kitang kita ko ang kagandahan ng maamo nitong mukha. E—- Emeryn!??Damn! Parang napahinto ang hininga ko at biglang bumagal ang mundo. Ang bawat hi
( Emeryn’s POV ) Tuluyang bumagsak ang katawan ni Dreymon sa harapan ko at dito ay parang biglang tumigil ang oras. “Dreymoooooon!” Isang sigaw ko pa na halos mapunit ang lalamunan ko. At lahat ng ingay sa paligid, ang kalansing ng mga baril, ang mga yabag ng mga tauhan ni Sophie, ang ugong ng mga sirena sa labas—- lahat ng iyon ay tila naglaho sa pandinig ko. Nilamon ako ng takot na siyang sumakal sa dibdib ko kaya parang hindi ako makahinga. Si Dreymon.. duguan siya.. may ilang tama ng baril sa katawan niya. At ang t-shirt na suot niya na madalas kong nakikita noon na sinusuot niya, ngayon ay puno ng pulang likido. Parang napakainit at lagkit nito sa mga kamay kong nanginginig…. “Jusko! Hindi… hindi… hindi totoo ito…” paulit-ulit kong bulong habang hinahaplos ang mukha niya. “Drey— mon— gu—mi– sing ka!!” Nagkandautal utal na wika ko at halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ko sa lubhang pag-aalala at pagkataranta. Ngunit siya gumising at sumagot dahilan para humagulhol


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen