"Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin ng lola mo sa ospital, sa operasyon niya hanggang sa ilang buwang maintenance ng gamot."
Parang hulog ng langit ang babae nang alukin ako nito ng tulong. Nasa chapel ako ng ospital, umiiyak habang taimtim na nagdarasal nang makita ako nito, nilapitan at nagpakilala sa isa't isa kaya nang magtanong ito kung bakit akong umiiyak ay kinuwento ko sa kanya ang malaking problemang kinakaharap namin ng lola ko.Pinunasan ko ang luhaang mga mata at sumilay ang liwanag ng pag asa sa aking mukha."Talaga po ma'am? Sigurado po kayo?" Di makapaniwalang tanong ko dahil ngayon lang kami nagkakilala pero walang pagdadalawang isip siyang nag alok ng tulong na hindi basta basta.Marahang ngumiti ang babae bago tumango. Sopistikada ang hitsura nito na halata namang nakakaangat sa buhay kaya di ko talaga inaasahan na lalapitan ako nito at tutulungan."Minsan din akong nakaranas ng hirap kagaya mo kaya alam na alam ko ang pakiramdam. Taos puso ang tulong na ibibigay ko sayo Thalia." Anito kaya napaluha ako hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya."Salamat po! Salamat po!" Naluluhang sambit ko at tanging marahang pagtango lang ang naging sagot nito.At tunay nga ang kanyang sinabi nang sinamahan ako nito papasok sa loob ng ospital. Siya pa mismo ang kumausap sa doktor at nagbayad ng halos isang daang libo para sa operasyon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko anghel si Ma'am Ara na bumaba sa lupa para tumulong sa kagaya naming hikahos sa buhay.Ilang araw matapos ang matagumpay na operasyon ng lola Cita ko at nakalabas na ito ng ospital ay muling nagpakita si Ma'am Ara. Inalok ako nitong magtrabaho sa malayong probinsiya ng San Fernando para mamasukang kasambahay sa mansyon ng isang Don Vivencio Villaroman na sa pakilala niya'y malapit na kamag anak daw niya. Kaya naman wala na akong pagdadalawang isip pa na pumayag dala na rin ng malaking utang na loob."Malayo ang probinsiyang iyon apo. Sigurado ka bang ayos lang sayo?" Nag aalalang tanong sa 'kin ni Lola Cita habang nag iimpake ako ng mga damit ko sa lumang pack bag. Ngayong araw ang alis namin at ihahatid ako ni Ma'am Ara."Oo naman la. Ako pa ba? Tsaka malaki raw po ang pasahod doon. Bukod sa makakapag ipon na po tayo para sa maintenance ng gamot niyo at sa pagpapaayos nitong kubo natin ay makakatulong pa po ako kay Ma'am Ara." Naiiyak na sambit ko dahil sa positibong kaisipan na makakaahon na din kami sa hirap.Masuyo nitong hinaplos ang buhok ko bago ako niyakap. "Patawad dahil naging pabigat pa ako sayo. Kung ako lang ang masusunod, gusto kong dumito ka na, nang mabantayan kita. De baleng payak ang pamumuhay natin basta magkasama tayo." Naluluhang sambit ni lola kaya napayakap na rin ako sa kanya."Kahit kailan po hindi kayo naging pabigat lola. Mahal na mahal po kita at gagawin ko lahat tuluyan ka lang na gumaling. Wala ang lahat ng ito sa mga naging sakripisyo mo noon mapalaki lang ako ng maayos." Tuluyan na ring naglaglagan ang mga butil sa mga mata ko. Unang beses kasi kaming magkakalayo kaya mabigat din sa dibdib ang pag alis ko. Iniisip ko nalang na para din naman ito sa kanya at sa pagpapagawa nitong kubo naming sira sira na."Tsaka huwag kang mag alala la, kapag may sapat na po tayong ipon ay hindi na po ako lalayo sa tabi mo. Magpagaling ka po ha? Inumin mo palagi yung mga gamot mo." Emosyonal na bilin ko."Asus ang sweet talaga ng mag lola!" Biglang sambit ng kakarating lang na si Tiyang Miling, malayong kamag anak namin ni lola. Nakangisi ito pero halata ang naluluhang mga mata. Biyuda na si Tiyang Miling, may tatlong anak na pawang malalaki na rin at maagang nagsipag asawa kaya naging katuwang ko ito sa pag aalaga kay lola sa tuwing inaatake ito ng sakit niya. At ito rin ang pinakiusapan kong samahan si lola ngayong magtatrabaho na ako."Tiyang, kayo na ang bahala sa lola ha? Kapag nakapagsahod na po ako ay magpapadala po ako kaagad. Bilhin niyo po lahat ng gusto niyong kainin basta huwag lang po iyong bawal." Mariing bilin ko na ikinangiti ng ginang maging ni lola.Ngayong magtatrabaho na ako at kikita na, ayaw kong tipirin sa pagkain si lola dahil nabuhay lang naman kami halos araw araw sa ulam na kung hindi tuyo ay mantika at asin. Na kapag minalas pa sa pangangalakal ay isang beses nalang kumain sa isang araw."Napakaswerte ko sa 'yo apo. Bukod sa napakaganda mo ay napakabuti mong bata." Ani lola na sinuportahan naman ni tiyang."Naman Lola Cita! Kaya talaga malakas ang pakiramdam ko na makakapag asawa ng milyonaryo itong si Thalia natin." Tudyo ni tiya kaya napailing nalang ako at napangiti.Kung ito'y malakas ang pakiramdam, sa isip ko naman ay napakalabo. Sa realidad ay kahit pa gaano kaganda ang babae basta mahirap at walang pinag aralan ay malabo pa ring magustuhan ng lalaking mayaman, lalo na siguro kong milyonaryo pa.Hanggang sa dumating na nga ang sasakyang sumundo sa akin kaya emosyonal na akong nagpaalam sa dalawa lalo na kay lola. Kapag nagkapera ako ay bibili ako ng mumurahing cellphone iyong de keypad lang para matawagan ko siya palagi dahil may cellphone naman si Tiyang Miling.Baon ang lakas ng loob at determinasyon ay unang beses akong lilisan sa nakagisnang lugar. Para ito kay lola. Para ito sa simpleng pangarap ko para sa buhay naming mahirap pa sa daga.Bitbit ang lumang bag ay emosyonal akong naglakad patungo sa isang pick up kung saan naghihintay si Ma'am Ara sa akin.Sinalubong ako nito ng isang matamis na ngiti."Magandang umaga po ma'am." Magalang na bati ko sa ginang."Come in Thalia." Alok nito, nakaturo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya kaya inalalayan akong pumasok ng isang bodyguard nito."Bueno, bago tayo umalis, you need to sign this documents. Requirements ito para makapasok ka sa mansyon." Anito sabay lahad ng ballpen at folder na hawak niya. Walang pagdadalawang isip ko naman itong kinuha. Ganoon naman talaga kapag nag aapply ng trabaho, may mga papeles na kakailanganin. Pasalamat nga ako at si Ma'am Ara na ang nag asikaso ng lahat at tanging pirma ko nalang ang hinihingi nito."Here and there and there." Turo nito sa mga blangko na kailangan kong pirmahan. Dahil naman english ang nakasulat ay di na ako nag abala pang basahin lalo pa't di ko rin naman ito mauunawaan."Tapos na po ma'am." Masayang ani ko at ibinalik
Yakap-yakap ko ang dalawang tuhod habang sinasariwa ko ang lahat ng alaala sa kung paano ako napadpad sa mansyon na ito. Di ko mapigilan ang sarili sa paghikbi dahil parang bulang naglaho ang pag asa kong makaahon kami sa kahirapan at mapatuloy ang gamutan ni Lola Cita hanggang sa gumaling siya.Magda-dalawang buwan pa lang ako sa pamamasukan dito ngunit heto ako, nasisidlak sa nakakapanghilakbot na sitwasyong ito. Sa sitwasyong wala akong ideya kung bakit nangyayari at kung paano ako makakatakas para muling makapiling ang Lola Cita ko.Hanggang ngayon blangko pa rin ako sa lahat dahil naging maayos naman ang pamamasukan ko. Na kahit nagpanggap ako bilang isang lehitimong caregiver ay naalagaan ko namang maayos ang butihing Don at nagampanan kong mabuti ang aking trabaho. Sadyang di ko lang alam at wala akong ideya kung bakit biglaan iyong inatake dahilan ng pagkasawi niyon.At lahat ng tao sa mansyon ay alam kung gaano ko inalagaang mabuti si Don Vivencio. Na maski isa sa kanila ay
( Maximus POV )I put my shades on at inayos ko rin ang suot na coat pagkalapag ng eroplano. Nauna na ang mga tauhan ko bitbit ang maletang may lamang mahahalagang gamit.And as I step outside the plane, naramdaman ko kaagad ang malamig na hanging dumadampi sa pisngi ko. Kasabay nito ang init na nagmumula sa papalubog na araw. It's the same scenario six months ago, the last time na umuwi ako matapos mamalagi ng ilang taon sa States."Max! Dude!"Bradley uttered sabay hagis ng susi ng sasakyan ko, it's a new model of Roll's Royce na bilyon ang halaga. Nasalo ko naman ito kaagad kaya natatawang napailing ang loko."Matinik ka pa rin talaga! Welcome back Maximus Villaroman!" He welcomed me with wide arms open nang tuluyan akong makababa pero tinulak ko lang ang noo nito."Kailan ka pa naging bakla?" Turan ko sa seryosong boses pero mas lalo lang itong natawa."Actually, ngayon lang! After I saw you! Tang ina, mas lalo kang pumogi!" Sakay naman nito sa biro ko kaya napailing nalang ako. W
( Thalia's POV )Sa labis na pag iyak at kapaguran ay nakatulugan ko na ang paghihintay kay Manang Sonya. Nakasandal lang ako sa may pader dahil hindi naman ako puwedeng humiga at matulog sa malamig na sementadong sahig.Buti nalang at may pagkain na hinatid ang isang lalaki kanina kaya kahit papaano'y nagamot ang sikmura kong kumakalam sa gutom.Naalimpungatan lang ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Di ko agad pinailaw ang flashlight sa takot na baka isa na naman ito sa mga lalaking nagkulong sa 'kin dito."Thalia... iha..."Agad akong napatayo nang marinig ang mahinang pagtawag ni Manang Sonya. "Manang!" Pinailaw ko kaagad ang hawak na flashlight at ganoon rin ito sa dala niya."Pasensiya na, hindi ako nakabalik kaagad. Hinintay ko pang makatulog ang mga bantay mo. Eto, may dala akong pagkain mo." Anito sabay abot ng dala niyang basket na may lamang mga prutas, tinapay at bottled water."Narinig ko kanina na dinalhan ka ng pagkain dito kaya yan nalang ang binigay ko para hind
Hindi ako nakakain dahil sa pag iisip. Sobra akong kinakabahan at di mapalagay dahil sa sinabi ng lalaki kanina. At kahit anong pilit ko sa sarili na maging matapang, nilalamon pa rin ng takot at pangamba ang emosyon ko.Yung gustong gusto kong maging matapang sa harapan ng walanghiyang may pakana nito sa 'kin, pero sa tuwing naiisip ko na baka hindi lang iyon baliw kundi isang halimaw ay pinapangunahan agad ako ng kaduwagan.Napasabunot ako sa buhok ko. Para na 'kong mababaliw sa pag iisip.Hanggang sa hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil sa matinding pag iisip. Nang muling bumukas ang pintuan ay saka pa lamang nabaling ang atensyon ko.At mas sumibol ang bolta boltaheng kaba nang masilayan ko na dalawang lalaki ang pumasok ngayon. "Ano miss beautiful, nagdasal ka na ba?" Biglang bulalas ng isang lalaki habang naglalakad ito papalapit sa 'kin kaya napayakap ako sa sarili ko habang napapaatras."A--- ano ang gagawin niyo sa 'kin?" Pinatatag ko ang boses kahit pa man nanganga
Para akong tinakasan ng kaluluwa ko sa magkahalong gulat at takot."Si-- sino ka? A---- anong ibig mong sabihin? Anong kasabwat?" Puno ng kaguluhang tanong ko. Nanginginig pa ang labi ko dahil alam kong isang kalabit lang nito sa baril ay matatapos ang buhay ko sa isang iglap lang."Don't fucking ask me questions wicked woman! Ikaw ang putang inang sino at sinong nag utos sayo para patayin si Don Vivencio?" Matigas at puno ng galit ang boses nito na umalingawngaw sa buong paligid. Napaawang ako sa labis na pagkagulat at pagtataka sa paratang nito."Anong pinagsasabi mo!? Anong pinatay? Wala akong alam sa paratang mo kaya wag mo po sana akong pagbintangan! Caregiver ako ng Don at inalagaan ko siya ng maayos." Pasigaw na paliwanag ko.Gulong gulo ako. Bakit ako inaakusahan ng lalaking ito? Ibig bang sabihin nito, pinagbibintangan ako sa pagkawala ng butihing Don kaya ako ikinulong na parang mas masahol pa sa isang kriminal? Kaya ba nila ako iginapos?"Damn you liar!"At bigla akong napa
( Maximus POV )Nagngingitngit ako habang pabalik balik na naglalakad sa pasilyo ng mansyon hithit ang sigarilyo. Tang ina, sinong Ara Sanchez ang tinutukoy ng babae? Kasabwat ba niya ang pangalang binanggit niya?Agaran kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang isa sa mga private investigator ko."This fucking Ara Sanchez! Find this woman." Agad na utos ko."Boss, may larawan ka ba? O ibang pagkakakilanlan?" Sagot nito sa kabilang linya kaya namuhay na naman ang pagkairita sa 'kin nang maunawaan ang ibig nitong ipahiwatig.Fuck! That name is so damn common. Mukhang napakaraming Ara Sanchez sa buong Pilipinas!I need an sketch artist!"Damn! Fine fine, I'll call you again." Ani ko't matapos ibaba ang tawag ay si Bradley naman ang tinawagan ko.Napailing nalang ako ng sagutin nito ang tawag at unang bumungad sa akin ang mga ungol sa kabilang linya."Ahhh fuck suck it baby, so good!"The jerk is doing shits as usual."Ano na naman bro!?" Halata pa ang irritasyon sa boses nito na mukh
"Ito ba? Ganito ba ang hitsura nang tinutukoy mong Ara Sanchez?" Tanong sa akin nang isang lalaki matapos nitong tanggalin ang piring sa aking mga mata at ipinakita ang isang larawan na mukhang bagong guhit lang. Pupungas pungas pa 'ko nang makakita ng liwanag. Ilang araw na ba akong nasa kadiliman dahil sa piring na ito, maging noong nakakulong ako sa napakadilim na basement.Kanina ay bigla na lamang pumasok ang lalaking ito at nagtanong sa akin kung ano ang hugis ng mukha ni Ma'am Ara, maging ang mga mata at kabuuang hitsura ng babae. Dahil sa pag aalinlangan at takot na baka madamay ang butihing ginang ay nagsinungaling ako. Taliwas sa totoong mukha nun ang sinasabi kong deskripsyon.Dahil kahit di nila sabihin sa 'kin ay nahuhulaan ko na ang dahilan. At alam kong dahil sa sinabing iyon ng boss nilang halimaw na kasabwat ko raw ang butihing ginang. Hindi porke't hindi niya kilala ay pagbibintangan niya na. Kung ako nga na inaalagan ng maayos ang lolo niya ay nagawa pang pagbintang