Bitbit ang lumang bag ay emosyonal akong naglakad patungo sa isang pick up kung saan naghihintay si Ma'am Ara sa akin.
Sinalubong ako nito ng isang matamis na ngiti."Magandang umaga po ma'am." Magalang na bati ko sa ginang."Come in Thalia." Alok nito, nakaturo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya kaya inalalayan akong pumasok ng isang bodyguard nito."Bueno, bago tayo umalis, you need to sign this documents. Requirements ito para makapasok ka sa mansyon." Anito sabay lahad ng ballpen at folder na hawak niya.Walang pagdadalawang isip ko naman itong kinuha. Ganoon naman talaga kapag nag aapply ng trabaho, may mga papeles na kakailanganin. Pasalamat nga ako at si Ma'am Ara na ang nag asikaso ng lahat at tanging pirma ko nalang ang hinihingi nito."Here and there and there." Turo nito sa mga blangko na kailangan kong pirmahan. Dahil naman english ang nakasulat ay di na ako nag abala pang basahin lalo pa't di ko rin naman ito mauunawaan."Tapos na po ma'am." Masayang ani ko at ibinalik na sa kanya.Binuhay na rin ng driver ang makina ng sasakyan.Kita ang malapad na ngisi ni Ma'am Ara na tila ba nasisiyahan. "Very good Thalia. And by the way, nakalimutan kong sabihin sayo na ipapalit kita sa caregiver na si Isabel Dela Fuente. Hindi kasi natuloy ang babae na siyang inaasahan ni Don Vivencio kaya ikaw ang naisipan kong ipalit sa kanya." Salaysay nito na saglit kong ikinaisip.Ibig bang sabihin nito hindi pagiging kasambahay ang magiging trabaho ko kundi maging isang caregiver?"A--- ano pong ibig ninyong sabihin ma'am?" Malumanay na tanong ko. Gusto kong kompirmahin kong tama ba ang naiisip ko."Hindi tumuloy ang dapat sana'y magiging bagong caregiver ng Don kaya ikaw na ang papalit sa trabahong iyon. Hindi ka na magiging kasambahay kundi ang pag aalaga sa matandang nakawheel chair na ang magiging trabaho mo. Well infact, dapat magpasalamat ka pa kung tutuusin dahil mas malaki pa ang sahod ng caregiver keysa sa housemaid." Paliwanag nito na saglit na nagpamaang sa 'kin.Nauunawaan ko naman ang ibig sabihin ni Ma'am Ara. Kung tutuusin nga ay mas nakakatuwa dahil malaki raw ang sahod ng ganoon kumpara sa pagiging kasambahay. Yun nga lang, ang pinoproblema ko ay hindi naman ako totoong caregiver. At hindi ko alam kung paano gampanan ang ganoon kaseryosong trabaho. Sadyang paglilinis, pagluluto, pagkukumpuni ng sira sira sa barong barong namin at pagsisibak ng kahoy lang ang alam na alam kong gawin, hindi ang tamang pag aalaga sa taong may edad na at may karamdaman pa. Kahit naman maalaga ako sa lola ko ay ibang iba pa rin kung gagawin ko iyon sa ibang tao lalo pa't di basta ordinaryong tao lang. Kailangan ko pa iyong matutunan at pag aralang maigi."Patawad po ma'am pero wala po akong alam sa trabaho ng isang caregiver. Ang alam ko lang po ay lahat na klase ng gawaing bahay." Matapat na salaysay ko. Na kahit nga gawaing panlalaki ay nagagawa ko. Ngunit wala akong karanasan sa tamang pag aalaga ng isang taong may sakit na may edad pa. Sa pagkakaalam ko kinailangan ng sapat ng training at pag aaral para doon."That's not a problem Thalia. Magtra- training ka muna ng dalawang linggo kung paano ang tamang pag aalaga ng isang may sakit na may edad. Kailangang makabisado mo kaagad ang trabaho para hindi tayo mapahiya." May diing sambit nito kaya napatango nalang din ako ng ilang beses kahit ang totoo'y nakakaramdam ako ng pag aalinlangan.Kung may training naman pala ay kailangang pag aralan ko ngang maigi. Hindi ko rin kasi pwedeng biguin ang ginang na siyang pinagkakautangan namin ng utang na loob. Maiksi lang ang dalawang linggo na training pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."O-- opo Ma'am Ara. Makakaasa po kayo ma'am." Tugon ko na ikinatango lang nito.Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya dahil sa laki ng nagawa niyang tulong sa amin ni Lola Cita kaya gagawin ko rin ang lahat upang makabawi. Hindi na nga dapat ako nag iisip ng kung anu ano pa at dapat sumunod nalang. Hindi ko na kailangang kwestiyunin ang gusto nitong mangyari dahil napakabuting tao ni Ma'am Ara. Kailangan ko lang pagsumikapang matuto agad para hindi ako pumalpak.Habang nasa biyahe ay maraming pangaral sa akin si Ma'am Ara na lubos ko namang isinaisip at isinapuso. Wala ng atrasan ito kaya kailangan kong pagbutihin.Inabot ng halos dalawang oras ang biyahe namin at hindi ko na alam kung nasaan na kami ngunit base sa natatanaw ko sa kapaligiran ay mukhang nasa isang probinsiya na nga kami dahil sa maraming punongkahoy at luntiang kapaligiran."Dito ka muna mananatili. May pupunta rito mamaya para magtrain agad sayo. Kailangang simulan na natin agad agad and don't fail me Thalia, malaki ang tiwala ko sayo." Mariing tugon ni Ma'am Ara at buong loob akong tumango kahit kinakabahan.Pumasok kami sa loob ng bahay na sa tingin ko'y isang resthouse. Napakalaki nito na kahit native lang ay moderno naman ang kagamitan."Bahay niyo po ito ma'am? Ang ganda po." Manghang puri ko habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng paligid. Malaki pa ang balkonahe nila kumpara sa tinitirhan namin ni Lola Cita."Yeah it's fine. Feel at home. Mananatili ka muna rito para sa training mo. Gamot ng lola mo ang magiging kabayaran ng lahat ng ito, magpapadala pa rin ako sa kanya basta siguraduhin mong magiging maayos ang lahat Thalia." Anito sa seryosong pananalita kaya buong loob akong tumango."Maraming salamat po ma'am! Makakaasa po kayo."Iginiya ako nito sa isang bakanteng kwarto na siyang tutulugan ko. Nakakahiya man dahil pakiramdam ko hindi bagay ang isang dukhang kagaya ko rito ay sumunod na lamang ako sa kagustuhan ni Ma'am Ara.At gaya nga ng sinabi niya kanina, ilang oras lang ang lumipas ay may dumating na agad na isang babae na siyang magta- training sa 'kin. Buong puso akong nakinig at isinulat pa ang mahalagang gawain.Mahirap at nalilito pa ako sa unang araw ngunit pinag- igihan kong maigi sa mga sumunod na araw at linggo. Bukod pa ang oras na inilaan para sa panonood ng mga tutorial videos sa isang site na siyang kagustuhan din ni Ma'am Ara."Ayusin mong maigi ang trabaho Thalia. Patunayan mo sa 'kin na karapat dapat kayo sa ginawa kong tulong. Na di ko rin iyon pagsisisihan dahil masunurin ka at madaling kausap." Seryosong tugon ng ginang na may kung anong dalang kaba sa akin.Di ko alam kung bakit ganito siya magsalita ngayon o baka gusto lang niyang masigurado na gagampanan ko talaga ng maayos ang trabaho ko. Para di rin siya mapahiya sa tinutukoy niyang kamag- anak."O--- opo Ma'am Ara, makakaasa po kayo na magdodoble sikap po ako." Kinakabahan man ngunit gusto ko namang mapanatag ang loob niya.Tama siya, kailangang gawin ko lahat para di siya magsisi sa ginawang pagtulong sa amin ng Lola Cita ko. Ito nalang ang magagawa ko upang makaganti sa kabutihang nagawa niya sa amin."Mabuti naman at nagkakaliwanagan tayo. Oh siya, maghanda handa ka na dahil mamaya lang ay tutungo ka na sa mansyon ng mga Villaroman." Mariing tugon nito.Ramdam ko ngayon sa tono ng boses ni Ma'am Ara na hindi basta basta ang trabahong susuungin ko pero dahil buo ang loob ko at tiwala sa sarili na makakaya ko napawi nito ang kaba at pag aalinlangan na biglaan kong naramdaman.Yakap-yakap ko ang dalawang tuhod habang sinasariwa ko ang lahat ng alaala sa kung paano ako napadpad sa mansyon na ito. Di ko mapigilan ang sarili sa paghikbi dahil parang bulang naglaho ang pag asa kong makaahon kami sa kahirapan at mapatuloy ang gamutan ni Lola Cita hanggang sa gumaling siya.Magda-dalawang buwan pa lang ako sa pamamasukan dito ngunit heto ako, nasisidlak sa nakakapanghilakbot na sitwasyong ito. Sa sitwasyong wala akong ideya kung bakit nangyayari at kung paano ako makakatakas para muling makapiling ang Lola Cita ko.Hanggang ngayon blangko pa rin ako sa lahat dahil naging maayos naman ang pamamasukan ko. Na kahit nagpanggap ako bilang isang lehitimong caregiver ay naalagaan ko namang maayos ang butihing Don at nagampanan kong mabuti ang aking trabaho. Sadyang di ko lang alam at wala akong ideya kung bakit biglaan iyong inatake dahilan ng pagkasawi niyon.At lahat ng tao sa mansyon ay alam kung gaano ko inalagaang mabuti si Don Vivencio. Na maski isa sa kanila ay
( Maximus POV )I put my shades on at inayos ko rin ang suot na coat pagkalapag ng eroplano. Nauna na ang mga tauhan ko bitbit ang maletang may lamang mahahalagang gamit.And as I step outside the plane, naramdaman ko kaagad ang malamig na hanging dumadampi sa pisngi ko. Kasabay nito ang init na nagmumula sa papalubog na araw. It's the same scenario six months ago, the last time na umuwi ako matapos mamalagi ng ilang taon sa States."Max! Dude!"Bradley uttered sabay hagis ng susi ng sasakyan ko, it's a new model of Roll's Royce na bilyon ang halaga. Nasalo ko naman ito kaagad kaya natatawang napailing ang loko."Matinik ka pa rin talaga! Welcome back Maximus Villaroman!" He welcomed me with wide arms open nang tuluyan akong makababa pero tinulak ko lang ang noo nito."Kailan ka pa naging bakla?" Turan ko sa seryosong boses pero mas lalo lang itong natawa."Actually, ngayon lang! After I saw you! Tang ina, mas lalo kang pumogi!" Sakay naman nito sa biro ko kaya napailing nalang ako. W
( Thalia's POV )Sa labis na pag iyak at kapaguran ay nakatulugan ko na ang paghihintay kay Manang Sonya. Nakasandal lang ako sa may pader dahil hindi naman ako puwedeng humiga at matulog sa malamig na sementadong sahig.Buti nalang at may pagkain na hinatid ang isang lalaki kanina kaya kahit papaano'y nagamot ang sikmura kong kumakalam sa gutom.Naalimpungatan lang ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Di ko agad pinailaw ang flashlight sa takot na baka isa na naman ito sa mga lalaking nagkulong sa 'kin dito."Thalia... iha..."Agad akong napatayo nang marinig ang mahinang pagtawag ni Manang Sonya. "Manang!" Pinailaw ko kaagad ang hawak na flashlight at ganoon rin ito sa dala niya."Pasensiya na, hindi ako nakabalik kaagad. Hinintay ko pang makatulog ang mga bantay mo. Eto, may dala akong pagkain mo." Anito sabay abot ng dala niyang basket na may lamang mga prutas, tinapay at bottled water."Narinig ko kanina na dinalhan ka ng pagkain dito kaya yan nalang ang binigay ko para hind
Hindi ako nakakain dahil sa pag iisip. Sobra akong kinakabahan at di mapalagay dahil sa sinabi ng lalaki kanina. At kahit anong pilit ko sa sarili na maging matapang, nilalamon pa rin ng takot at pangamba ang emosyon ko.Yung gustong gusto kong maging matapang sa harapan ng walanghiyang may pakana nito sa 'kin, pero sa tuwing naiisip ko na baka hindi lang iyon baliw kundi isang halimaw ay pinapangunahan agad ako ng kaduwagan.Napasabunot ako sa buhok ko. Para na 'kong mababaliw sa pag iisip.Hanggang sa hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil sa matinding pag iisip. Nang muling bumukas ang pintuan ay saka pa lamang nabaling ang atensyon ko.At mas sumibol ang bolta boltaheng kaba nang masilayan ko na dalawang lalaki ang pumasok ngayon. "Ano miss beautiful, nagdasal ka na ba?" Biglang bulalas ng isang lalaki habang naglalakad ito papalapit sa 'kin kaya napayakap ako sa sarili ko habang napapaatras."A--- ano ang gagawin niyo sa 'kin?" Pinatatag ko ang boses kahit pa man nanganga
Para akong tinakasan ng kaluluwa ko sa magkahalong gulat at takot."Si-- sino ka? A---- anong ibig mong sabihin? Anong kasabwat?" Puno ng kaguluhang tanong ko. Nanginginig pa ang labi ko dahil alam kong isang kalabit lang nito sa baril ay matatapos ang buhay ko sa isang iglap lang."Don't fucking ask me questions wicked woman! Ikaw ang putang inang sino at sinong nag utos sayo para patayin si Don Vivencio?" Matigas at puno ng galit ang boses nito na umalingawngaw sa buong paligid. Napaawang ako sa labis na pagkagulat at pagtataka sa paratang nito."Anong pinagsasabi mo!? Anong pinatay? Wala akong alam sa paratang mo kaya wag mo po sana akong pagbintangan! Caregiver ako ng Don at inalagaan ko siya ng maayos." Pasigaw na paliwanag ko.Gulong gulo ako. Bakit ako inaakusahan ng lalaking ito? Ibig bang sabihin nito, pinagbibintangan ako sa pagkawala ng butihing Don kaya ako ikinulong na parang mas masahol pa sa isang kriminal? Kaya ba nila ako iginapos?"Damn you liar!"At bigla akong napa
( Maximus POV )Nagngingitngit ako habang pabalik balik na naglalakad sa pasilyo ng mansyon hithit ang sigarilyo. Tang ina, sinong Ara Sanchez ang tinutukoy ng babae? Kasabwat ba niya ang pangalang binanggit niya?Agaran kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang isa sa mga private investigator ko."This fucking Ara Sanchez! Find this woman." Agad na utos ko."Boss, may larawan ka ba? O ibang pagkakakilanlan?" Sagot nito sa kabilang linya kaya namuhay na naman ang pagkairita sa 'kin nang maunawaan ang ibig nitong ipahiwatig.Fuck! That name is so damn common. Mukhang napakaraming Ara Sanchez sa buong Pilipinas!I need an sketch artist!"Damn! Fine fine, I'll call you again." Ani ko't matapos ibaba ang tawag ay si Bradley naman ang tinawagan ko.Napailing nalang ako ng sagutin nito ang tawag at unang bumungad sa akin ang mga ungol sa kabilang linya."Ahhh fuck suck it baby, so good!"The jerk is doing shits as usual."Ano na naman bro!?" Halata pa ang irritasyon sa boses nito na mukh
"Ito ba? Ganito ba ang hitsura nang tinutukoy mong Ara Sanchez?" Tanong sa akin nang isang lalaki matapos nitong tanggalin ang piring sa aking mga mata at ipinakita ang isang larawan na mukhang bagong guhit lang. Pupungas pungas pa 'ko nang makakita ng liwanag. Ilang araw na ba akong nasa kadiliman dahil sa piring na ito, maging noong nakakulong ako sa napakadilim na basement.Kanina ay bigla na lamang pumasok ang lalaking ito at nagtanong sa akin kung ano ang hugis ng mukha ni Ma'am Ara, maging ang mga mata at kabuuang hitsura ng babae. Dahil sa pag aalinlangan at takot na baka madamay ang butihing ginang ay nagsinungaling ako. Taliwas sa totoong mukha nun ang sinasabi kong deskripsyon.Dahil kahit di nila sabihin sa 'kin ay nahuhulaan ko na ang dahilan. At alam kong dahil sa sinabing iyon ng boss nilang halimaw na kasabwat ko raw ang butihing ginang. Hindi porke't hindi niya kilala ay pagbibintangan niya na. Kung ako nga na inaalagan ng maayos ang lolo niya ay nagawa pang pagbintang
( Maximus POV )"Balak mo bang maglasing Señorito? Aba'y nakailang bote ka na ng alak ah! Solo ka pang nag iinom diyan." Sita sa 'kin ni Manang Sonya nang makita ako nitong mag isang nag iinom sa terrace ng kwarto ko.Seryoso ko itong tiningnan bago muling itinungga ang bote ng beer. "Hindi ako nalalasing Manang." Ani ko na ngayo'y muling nakatuon ang tingin sa madilim na kapaligiran.Napakamot pa ito sa ulo niya. "Sabagay, sanay ka nga pala sa ganyan kahit na noong dise otso ka pa lang. Haixt! Naalala ko tuloy kung gaano ka katigasin noon pa man pero hinahayaan ka lang ng lolo mo." Kwento nito kaya biglang uminit ang dibdib ko sa naalala.Yeah, it's how the way he disciplined me. Yung kahit ilang beses pa akong makipagbugbugan ay tinatawanan lang niya. Bakit niya daw ako pagagalitan eh parte daw iyon ng pagiging lalaki. It's an experienced na siyang magbibigay aral sa buhay dahil pagdating ng panahon ay kusa ko naman marerealize ang lahat sa kung anong tama at mali.And he was damn ri