Share

Kabanata 73 Under His Spell

Natumba sila Ethan at Bella sa damuhan. Nainam na lamang at walang ingay na nilikha ang pagbagsak nila sa lupa. Nakadagan siya kay Ethan. Nagtama ang kanilang mga mata. Nahulog siya sa mahika at nahalina sa taglay na karisma ng binata.

“Ms. Bella,” tawag ni Luis. Hindi sila halos humihinga ni Ethan. Nadinig nila ang palayong yabag nito. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang anino nitong naglalakad ng pabalik sa mansyon.

“Ethan umalis ka na. Baka makita ka pa nila at hinahanap na ako ni Luis. Baka mabugbog ka nila kapag naabutan ka nila dito. Delikado at bawal kang lumapit sa akin.”

“Teka lang,” mahinang anas ng binata.

Kinabig siya nito at hinalikan sa mga labi. Nagpalit sila ng posisyon. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito at nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman ang matigas na bagay na tumatama sa kanyang puson.

Gumapang ang labi nito sa kanyang leeg at balikat. Nag-iiwan ng marka ang bawat daanan ng halik nito. Malamig ang hangin ngunit tila nag-aapoy ang kanilang mga katawan.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (9)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks much po sa pagsubaybay!
goodnovel comment avatar
Anita Valde
dapat makulong Ka Higad malandi kng Lyn thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks so much po sa patuloy na pagsubaybay!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status