Agad bumaba ng sasakyan si Bella. Sa puso niya ay gusto niyang protektahan si Ethan. Hindi siya papayag na makita ito ni Luis at mabugbog.“Bakit mo ako hinahanap, Luis?”“Baka kako kailangan mo ng tulong. Kanina ka pa diyan.”“Ah hindi, may hinanap lang akong papeles.”“Gusto mo ba na ibaba na nating lahat ng gamit sa sasakyan? Para hindi ka na pabalik balik.” Naalarma ang utak niya sa sinabi nito.“Hindi na. Tara na, ang init.” Napakapit tuloy siya sa braso ng lalaki kahit ayaw niya upang ilayo ito.Balisa siya habang nagbabasa ng mga reports. Hindi siya makabalik sa kotse, nakaupo sa hindi kalayuan si Luis. Lumabas pa si Lola Miranda na kasalukuyang nagkakape sa kabilang mesa.Inabot na ng tanghalian. Baka naiinitan, nagugutom, at nauuhaw na si Ethan. Teka, bakit sobrang concern siya? May kaugnayan nga yata silang dalawa. Pero hindi ito ang lalaking may malinaw na mukha sa kanyang alaala noong tila nag-aaral siya sa kolehiyo. Hindi kaya ito ang lalaking umangkin sa kanya sa panagin
“Natatakot ka ba sa akin?” ani Luis na hindi naman tinanggap ang susing inaabot ni Grace. Hinila niya ang babae na nasubsob sa kanyang dibdib. Nagpumiglas ito at umaatras upang lumayo.“Hey, I know type mo ako. Pwede kitang pagbigyan. Let’s fuck here or pwede sa room ko.”Nasindak ang babae. “Sir Luis, magagalit po si Ms. Bella. Ikakasal na po kayo, hindi ba?”“Hindi naman niya malalaman,” nakakalokong ngumisi ang lalaki.Napasandal na si Grace sa hood ng isang sasakyan. Sapilitan siyang niyakap ni Luis at hinalikan sa labi. Nagwawala ang babae.Lumabas si Bella upang iligtas ang secretary.“Luis! Ano ang ginagawa mo? Pakawalan mo si Grace!” sigaw niya.Itinulak nito ang babae. “Bella, inakit lang ako ng sekretarya mo. Magpapaliwanag ako!”Mabilis na sumakay ng kotse si Grace at umalis. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Luis.“Hindi ko inasahan na may itinatago ka pala. Walang kasalang magaganap,” matigas niyang sabi bago lumabas ng garahe.Agad siyang hinabol ni Luis. “Sandali la
Parang sumabog ang ulo niya sa nadinig. Kailangang mailigtas niya si Ethan! Kailangan nito ng tulong niya!“Walang problema. Sige, magpakasal tayo. Basta siguraduhin mo muna na hindi mo sasaktan si Ethan. Hindi ko gustong may mapapahamak ng dahil sa akin.”“Okay, madali akong kausap. Pagkatapos ng kasal at kapag nakuha mo na ang trust fund ay papakawalan ko na ang lalaking pinakamamahal mo. Huwag na huwag kang magsusumbong sa mga pulis kundi ay hindi ako magdadalawang isip na patayin ang lalaki mo!” Hinawakan niya ang kanyang panga at pilit na itinataas ang kanyang mukha.“Bitawan mo ako! Kung totoo ang sinasabi mong mahal mo ako ay hindi mo ako sasaktan.”“Okay, hindi ka makakalabas ng mansyon. Dito ka lang hanggang hindi pa tayo kasal. Huwag kang tatakas,” anang lalaki ng bitawan siya.Halos hilahin niya ang mga araw. Dumating na ang kanyang kaarawan. Nakuha na niya ang trust fund. Nasa pangalan na niya ang yaman ng mga Montemayor. Ngunit handa siyang ibigay ito kay Luis kapalit ng
Inulit ni Bella ang CPR. Panay ang agos ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang mawala si Ethan.“Ethan, bumalik ka.” Ipinagpatuloy niya ang ginagawang pag-revive dito. Taimtim ang kanyang dalangin.Muling tumibok ang puso ni Ethan. Inubo ito ngunit tila kinakapos pa din ng hininga. Dumating ang ambulansya at agad na nilagyan ng oxygen ang binata.Binanggit nito ang kanyang pangalan kahit na nahihirapang huminga.Napahawak si Hanna sa kanyang ulo at namula ang kanyang palad. My dugo ang kanyang mga kamay. Muling inagaw ng dilim ang kanyang kamalayan.Nagising na lamang siya sa ospital. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Pagmulat niya ng mata ay mga pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya. Napabalikwas siya. Ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Napahagulgol siya ng malakas dahil sa kaligayahan. Naglapitan ang lahat sa kanya.“Anak buhay ka! Napakasaya naming lahat,” anang kanyang inang umiiyak. Naluluha din ang kanyang ama.“Napakasaya ko po ‘nay at kumpleto po tayong la
Agad na itinulak ni Ethan ang babaeng nakayakap. Nakita niya ang killer look ni Hanna. Bakit naman kasi saktong sakto ang pagyakap ni Casey sa pagdating ni Hanna? Sana naman ay hindi nito natandaan ang ex-girlfriend.Agad lumapit si Ethan sa kanya. “May problema lang si Casey kaya napayakap siya sa akin. Walang ibig sabihin ang nakita mo.”She tried to look nonchalant. Kunwari wala siyang pakiaalam. “Pumunta lang kami dito para makita ang kumpanya,” paalis na din kami.“Teka akala ko ba yayayain nating kumain sa labas si Ethan?” sabi ni Cali.“Huwag na, busy siya hindi ninyo ba nakita?” aniya at lumabas na. Humabol naman si Ethan.Sumakay sila sa elevator. “Nagseselos ka ba? Huwag ka ng magalit.”“Bakit ako magagalit? Hindi nga kita kilala. Baka kaya kita hindi maalala kasi puro sama ng loob lang ang binigay mo sa akin dati,” ismid niya.Napakamot sa ulo si Ethan at sumunod sa kanila palabas ng building upang magtungo sa parking lot. Huminto sila sa isang restaurant at umorder ng sea
Agad tinawagan ni Ethan ang isa sa miyembro ng security team nito upang magpasundo. Napansin niyang naging balisa ang asawa ng may kausapin sa telepono. Panay din ang linga nito sa paligid. Hindi din ito tumitigil sa pag-cha-chat.Tulala naman siya dahil sa nangyari sa kanila. Bakit ba siya agad pumayag na may mangyari sa kanila? Walang pagsisisi ngunit nahiya siya kay Ethan.“May problema ba? Bakit parang balisa ka?” tanong niya ng wala pa din itong kibo.“Wala naman. Huwag kang mag-alala.” Kinuha nito ang kanyang kamay at dinala sa labi.Nakarating na sila sa mansyon at napansin niyang naging doble ang bilang ng security guards nila. May banta ba ng panganib sa buhay ni Ethan? Kunsabagay, bilyonaryo ito at kagabi lang ay may balita sa telebisyon tungkol sa kidnapping ng isang negosyante. Natural lamang na mangamba ito.Agad siyang pumasok sa kwarto upang maligo at ng makarga ang anak kapag nagising na ito. Isasara na niya ang pinto ng pinigil ito ni Ethan.“Hanna, gusto kong sabihi
Nagluluksa pa din si Ethan sa pagkamatay ng kanyang ina. Siya muna ang tumutulong kay Lola Miranda upang magpatakbo ng kumpanya.“Kevin, pwede bang dumaan muna tayo sa coffee shop, kain lang ako ng breakfast saglit bago pumasok sa opisina,” aniya kay Kevin na itinatalaga ni Ethan bilang kanyang driver at bodyguard. Itinuro niya ang restaurant.“Sige po, Ms. Hanna.”Pumasok siya sa restaurant at umorder ng kanyang paboritong pasta. May nakita siyang dumating na babae na pamilyar sa kanya! Si Lyn, ang kanyang bestfriend. Agad siyang kumaway at yumakap dito.“Long time no see! Kumusta ka na?” aniya.“Oo nga, grabe ang tagal na nating hindi nagkita. Miss na kita, sobra!”Niyaya niya ang matalik na kaibigan na kumain muna kasabay niya. May kasama itong lalaki na ngayon lang niya nakita. Naupo sila sa kinauupuan ng lalaking naghihintay.Kinalabit niya si Lyn. “Boyfriend mo?” tanong niya.“Oo, bago lang kami kaya hindi mo siya kilala. Si Mark.”Ipinakilala siya ni Lyn kay Mark. Mukha namang
“Huwag kang lalabas ng kwarto. Isara mo ang pinto.” Mahigpit na bilin ni Ethan kay Hanna. Lumabas siya agad ng kwarto upang tignan ang labas. Tinawagan niya si Kevin. Nagsikilos ang mga ito at pinaligiran ang mansyon. Nakita nilang nakabulagta at walang malay ang dalawang security guards sa likod.Tumalon si Luis mula sa mataas na bakod. Natumba ito at agad na tumayo bago pa siya maabutan ng mga tauhan ni Ethan. Biglang may humintong sasakyan. Si Lucas.“Anong ginawa mo sa mansyon ng mga Rodriguez?”“Babayaran kita sa pagliligtas mo sa akin ngayon,” sa halip na sagot ni Luis.“Magnanakaw ka ba o mamamatay tao? Nagkakamali ka ng pinasok na bahay. Pero kung nakatakas ka sa mga bantay, magaling ka.”“Ibaba mo ako diyan sa kanto.” Huminto si Lucas sa pagmamaneho.“Well, kung may masama kang balak sa mga Rodriguez lalo kay Ethan. Then, magkakasundo tayo.”Natigil si Luis sa pagbaba ng kotse. “Gusto kong makuha si Hanna.”“Oh boy, kung gusto mo si Hanna. Patayin mo muna si Ethan. Magtulunga