Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2024-01-13 18:52:47

Maputik na din ang pantalon ko dahil sa mga dinaraanan kong basakan.

"Tao po," walang sumasagot kaya napag desisyunan ko ng pumasok sa loob ng bakuran.

Kawayan lang ang bakod at ang gate nilang maliit na kawayan din.

"Sino yan?" matandang lalake ang tumingin mula sa bintana sa taas.

Siya na siguro si lolo Ronaldo. Ngumiti ako sa kanya ng bumaba siya sa hagdan. Tinitigan nya ako ng husto na parang kinikilala nya kong sino ako. Nag suot pa siya ng kanyang eyeglasses para lang ma kilala ako. Sana man lang 'di nya ako makilala.

"Anya apo?"

"Opo, lolo" agad ko siyang inalalayan ng makababa siya.

"Natutuwa akong nandito ka na."

Hindi ko na pigilan ang sarili sa bugso ng damdamin ng makita ang matanda. Tuwang tuwa kasi ang reaction nito ng makita siya.

Umupo kami sa gawa sa kawayan na upuan. Dito din pala sa baba ang lababo na gawa din sa kawayan.

"Kamusta ka, apo?"

"Ayos lang po ako lolo kayo po ba?"

"Maayos na ako ngayong nandito ka. Matagal kang hinintay ng ama mo." nalungkot ako sa isiping wala na ang ama ng tunay na Anya na hindi nya man lang nakikita ang anak nya.

"Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni lolo Ronaldo.

"Wala pa nga po, eh."

Wala pa talaga ako nakakain simula kanina dahil sa naging busy ako.

"Pasensya ka na madilim dito tanging gasera lamang ang ilaw. Nong nabubuhay pa ang ama mo ay may kuryente tayo pero nahirapan din ako mag hanap ng pambayad sa kuryente kaya pinaputol ko na lamang."

Napansin ko ngang walang ding kuryente ang ibang kabayahan dito. Padilim na rin kasi ang paligid kaya halata na ang iba ay may kuryente ang iba ay wala.

"Malayo po ito sa bayan paano po nagkakaroon ng kuryente dito?"

Paano kasi ay puro palayan lang naman ang nandito at sa may unahan nakita ko na may taniman ng mga mais.

"Nakiki connect lang kami sa may-ari nitong lupain na sinasaka namin. Nasa unahan ang kanilang bahay kaya di mo makikita mula rito." Napatango naman ang dalaga.

********

Sinindihan ng kanyang lolo ang gasera na nakalagay sa lamesa. Kumuha din ito ng plato na nakalagay sa may gilid.

"Lolo ako na lang po ang kukuha at magsasandok."

Medyo na bigla si Anya ng makita ang ulam ng matanda. Nilagang talbos lang kasi ito ng kamote at nilagang okra.

Kumakain naman siya ng gulay pero ngayon pa lang siya makakain ng ganito. Kahit kasi noong palaboy laboy siya at ng nabubuhay pa ang kanyang ina ay di nagluluto ng ganitong ulam.

Ang matanda naman ang naggagayat ng sawsawan na kamansi at soysauce.

"Mahilig ka ba sa maanghang para gagawan kita ng isang sawsawan na maanghang." tanong sa kanya ni Ronaldo.

"Lolo, okay lang po yan 'wag na po kayo mag abala." sagot ni Anya sa matanda.

Masayang kumain ang dalawa at sobrang nasarapan si Anya. First time nya lang kumain ng ganon pero na busog siya ng sobra.

Pagkatapos nilang kumain ay sinabi sa kanya ng lolo nya na wag na siyang mag abalang hugasan ang pinagkainan. Ubos pa kasi ang tubig na nasa drum kaya naman di na rin nag abala pa si Anya.

Umakyat na siya sa taas para makita ang itsura ng bahay. Pero hindi nya rin gaanong maaninag dahil sa gasera lang ang naka ilaw rito. Unang bumungad kay Anya ang balcon at sala. May dalawa ring kwarto at kurtina lang ang tanging harang sa pintuan.

"Ang kwarto mo ay yang sa kabila." turo nito sa gawing kanan. "Malinis na yan apo at wala ng natutulog pa."

Pumasok si Anya don at dinala ang gamit. May malambot na kamang nandon at may bintana na natatanaw ang buwan. Napakagandang tignan na akala mo'y nasa fantasy world siya

Inabala nya na muna ang sarili sa pag-aayos ng gamit. Nagulat pa siya ng biglaang lumiwanag ang paligid yong pala ang dinalhan siya ng kanyang lolo ng gasera.

"Hwag ka mag-alala apo kapag nagka pera ako magkaka kuryente na rin tayo. Hindi pa kasi tag anihan kaya wala pa akong pera."

"Ayos lang po, lolo." nakangiting sagot ni Anya.

Naaawa siya sa kalagayan ng matanda. May dala din naman siyang pera na kong gugustuhin nya magka kuryente ay pwede nya itong ipang bayad. May pera din siya sa bank account nya.

Matapos nyang makapag ligpit ay tinignan nya ang phone nya. 6:30 pm na pala, tatawagan nya sana si Sabrina pero walang signal na nasasagap ang phone nya.

"Lolo, saan po ba may signal dito?"

"May signal apo malapit sa bahay ng mga Carter."

Napaisip si Anya sa apelyido na sinabi. Parang pamilyar ito sa kanya.

"Aalis na muna po ako magpapa signal lang po."

"Mag-iingat ka, apo."

Mabilis na umalis si Anya pero mukhang mahihirapan siyang dumaan sa gilid ng palayan. Napakalayo pa naman din at makipot ang daan bago makarating sa mismong hinintuan sa kanya ng tricycle.

Habang naglalakad ay nakataas pa ang kamay nya na may hawak na cellphone sa paghahanap ng signal.

Mabuti na lamang din ay nasaulo nya agad ang daan nakarating na siya kong saan huminto ang tricycle kanina. Pero hindi nya alam kong saan ang sinasabi nito na bahay ng mga Carter.

Lalo na gabi ay di nya maaninag kong saan ang may bahay. Naglakad pa siya at sa unahan may nakita na siyang liwanag sa daan. May mga poste dito na may ilaw.

"Grabe naman don lang talaga sa tapat nila ang may poste ng ilaw. Paano naman kami? Paano kong may madulas dito." Maputik kasi ang daan na tinatahak ni Anya. Tanging ang flashlight lang sa phone nya kaya naaaninag nya pa kahit papaano ang daan.

Hindi nya rin na pansin na may tao pala na nasa gilid at napalakas pa ang boses nya sa pagrereklamo.

"What did you say?"

Gulat si Anya ng may mag salita sa likuran nya kaya naman sa gulat ay dumulas ang paa. Akala nya ay tuluyan siyang babagsak sa maputik na daan pero may sumalo sa kanya.

Parang nag slow motion ang lahat sa kanya ng mapatingin siya sa lalake. Hindi nya ito maaninag at pero kitang kita nya ang abuhin na kulay na mga mata nito. Natatamaan kasi ito ng flash light ng kanyang phone. Para bang pamilyar sa kanya ang mga matang yon pero hindi nya maaalala kong saan nya nakita.

Agad siyang na tauhan ng mabitawan nya ang kanyang cellphone. Bumitaw na din sa kanya ang di na kikilalang lalake.

Mabilis na dinampot ni Anya ang cellphone at pinunasan ito. Puno ito ng putek.

"Kamalasan nga naman."

Napatigil naman sa pag reklamo si Anya ng dumaan sa kanya ang lalake at nilampasan siya. Mukhang papunta ito sa bahay ng mga Carter.

"May signal ba banda dyan?" tanong nya sa lalake huminto naman ito sa paglalakad.

"Wala."

"Epal ka naman sabi ni lolo may signal dyan, eh."

Naglakad siya ng mabilis at nilampasan ito. Nakarating siya sa maliwanag na parte kong saan may mga ilaw ang poste.

"Wow!" namangha si Anya sa nakita.

May bahay kasing napakalaki sa unahan pero hindi yon ang ikinamangha nya. Kundi ang maliit na tulay may mga maliliit na fairy lights na nakalagay don. Naririnig nya rin ang agos ng tubig mula sa sapa.

Nakalimutan nya ng mag pa signal dahil sa mga nakita. Ang lalake naman na nakatingin sa kanya ay animo'y parang namangha sa reaction ng babae. Pero agad din itong umiling at pumasok na sa loob ng bakuran ng mga Carter.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
isla
Okra, tapos may fairy lights pa sa tulay, wow.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love in the Line of Fire   EPILOGUE

    1 YEAR LATER ANYA POINT OF VIEW Maaga akong gumising para makapagluto ng almusal. Tahimik ang buong paligid at malamig rin ang simoy ng hangin. Ngayon ang ikalimang kaarawan ni Marco at wala pa akong naiisip na regalo sa kanya. Pinag masdan ko muna ang mag-ama ko habang mahimbing silang natutulog. Akala ko ay hindi na darating ang araw na 'to ang magiging kumpleto kami. Hindi ko rin akalain na matutupad talaga ang pangarap ko na ang magkaroon ng simpleng buhay, na malayo sa gulo. Dumiritso na ako sa kusina para makapag handa ng agahan. Habang naka salang ang sinaing ay naisipan ko rin muna na tumambay sa balkonahe ng bahay. Ang ganda ng view na makikita dito kahit na hindi pa ganon kaliwanag ang paligid. Nag timpla rin ako ng kape habang naka tingin sa magandang tanawin. Hindi pa rin ako makapaniwala na naranasan ko na ito. Matapos kasi ng kasal namin ni Oliver ay dito na kami nag pasya na tumira. Alam nya kasing matagal ko na 'tong pangarap, kahit na malayo man kami s

  • Love in the Line of Fire   Chapter 88

    "Alam ko ang gago ko, kasi napagod akong intindihin ka pero hindi ako napagod na mahalin ka. Ang tanga ko lang sa part na nong iniwan mo ako hindi kita hinanap. Akala ko kasi nun wala kang pakialam sa akin, ang labo mo kasi." Napasimangot naman ako sa huli nyang sinabi. Ang ganda na kasi ng speech nya tapos may ganon. Pero tama naman talaga siya hindi ako nag bigay ng assurance sa kanya na gusto ko siya before ako mawala. "I'm sorry, will you still accept me again Anya?" Dapat ako yong nagtatanong nito sa kanya, ako yong may kasalanan tapos siya pa tong nag so-sorry. "Ano bang pinagsasabi mo? Valid naman lahat ng galit mo eh, ako yong may kasalanan. Umalis akong walang paalam sayo, tapos hindi ko man lang sinasabi sayo yong mga nangyayare sa akin kahit na alam kong willing ka gawin ang lahat para sa akin. Ako tong ang tanga-tanga na lagi kang sinasaktan. Iniisip ko nga kong ano bang ginawa ko sa past life ko kong bakit ibinigay ka sa akin. Sobrang swerte ko kasi ikaw yong lala

  • Love in the Line of Fire   Chapter 87

    Sobrang gulo na ng kwarto ni Knoxx kakahanap lang sa papel na hindi nya naman alam kong ano. "Baka nasa bulsa ng mga luma kong pantalon sana lang ay hindi pa yon gutay-gutay kong sakaling makita ko man. Bakit pa kasi kailangan hanapin kong pwede naman mismo itanong kay Anya kong ano karugtong ng sulat! Ako pa pinapahirapan ng mga to!" Sa kabilang banda ay dumating si Natasha sa bahay ni Oliver. "Oliver, akala ko ay hindi ka na babalik pa dito sa bahay mo. I'm happy kasi nakita mo na ang sister mo. I want to see her kaso lang ay nasa puder siya ni Tito Craige." Humarap naman si Oliver kay Natasha na puno ng galit ang mga mata nito. Napa atras si Natasha ng bigla na lamang siya nitong sinakal. "O-oliver na-a-sa-saktan ako!" Binitiwan naman na ni Oliver si Natasha na naghahabol ng hininga nya. "What are you doing? Ano bang kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako?" "Really huh? You don't know?" napa atras ulit si Natasha ng akmang papalapit ulit sa kanya ito. "Hindi ko m

  • Love in the Line of Fire   Chapter 86

    ******** ANYA POINT OF VIEW Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas pero mabigat pa rin ang dibdib ko. Gusto kong mag kaayos na kami ni Oliver pero hindi ko magawa. Lalo na ay nagkaka problema ang company ni lolo. Gusto ko sana siyang puntahan kong na saan siya ngayon pero baka makagulo lang ako. Hindi ko rin alam kong paano ko sisimulang ayusin ang papalabog na company namin. Marami nang mga investor na nag back-out dahil sa nangyare kay lolo at bumaba din ang rating ng hotel dahil sa pagiging attitude ni tita Rhea. Plus na ang shares ni Raven at ni Tita Rhea ay na punta na sa iba. Ganun nya na lang binalewala ang pinaghirapan lahat ng papa nya. Kinompronta ko na siya kong bakit nya yon ginawa. Ang tanging sinagot nya lang sa akin ay mas mabuti na daw na mapunta sa iba ang company kaysa sa akin. Ganon ka taas ang pride nya pag dating sa akin. Sa ngayon ay ibang tao na ang magiging CEO ng company. Pero hinding-hindi ako papayag na mapunta sa iba ang company nila lo

  • Love in the Line of Fire   Chapter 85

    ****** Walang hupa ang pag-iyak ni Anya hindi nya na nga alintana ang mga dumadaan na sasakyan. Hindi nya na rin maaninag gaano ang paligid dahil sa luha nyang hindi tumitigil. Nasilaw si Anya sa sasakyan na paparating na para bang sasagasaan siya nito. Bago pa man siya tuluyang mabangga nito ay huminto ang sasakyan. Bumaba ang babaeng sakay nito. "Ano papasagasa ka na lang talaga dyan? Hindi ka man lang lumayo!" halata ang inis sa boses nito. Pero agad din nawala ang inis sa mukha nito ng makita nya si Anya na umiiyak. Tumayo si Anya para harapin ang babae. "S-sorry a-aalis na —" natigil sa pagsasalita si Anya ng maaninag nya ang mukha nito. "Sab?" "Bakit ka ba umiiyak? Ang daming pwedeng iyakan na lugar gusto mo pa talaga dito sa kalsada? Gusto mo na bang mamatay? Akala ko ba gusto mo pang maranasan mamuhay sa tahimik na lugar?" Pinunasan ni Anya ang mga luha nya. "Ikaw ba talaga yan? Baka hindi ka totoo?" umirap naman sa kanya si Sabrina. "Syempre ako to, mi

  • Love in the Line of Fire   Chapter 84

    ****** Nagtataka si Anya habang nagliligpit sila ng gamit ay tahimik pa rin talaga si Marco. "Nagtatampo ka ba kay mommy?" tanong ni Anya sa anak. Agad naman itong umiling. "Kong hindi bakit ang tahimik mo? Magsabi ka sa akin ng totoo baka naman may nanakit sayo?" "Wala po mmy! Nalulungkot lang ako kasi aalis na tayo rito. Tsaka saan po ba tayo pupunta?" "Kila Adrian muna tayo, okay? Siya lang kasi ang pwede nating lapitan sa ngayon." agad naman nag bago ang mukha ni Marco. "Bakit siya? I don't want mommy!" Nagulat pa si Anya sa biglaang pag tantrums ng anak nya. "Marco! Stop it! Wala tayong choice okay?" "Hmp!" hindi na siya pinansin pa ni Marco. Hindi na rin nag abalang aluin ni Anya si Marco. Lalo na't busy siya sa pag ligpit ng gamit nila. Nasa mansion kasi sila ngayon ng mga De Luca at nagliligpit. Susunduin lang sila ni Tonyo para maka punta sa mismong sinabi na address ni Adrian na tutuluyan nila. Matapos niyang maka pag ligpit ay nag pasya siyang ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status