Share

Love in the dark
Love in the dark
Author: laprincesadelaluna

Foreword

Marry

Playing a game he loves me, he loves me not by picking one petal off flowers is just like secretly loving someone in the dark. All you can do as the days go by is wait until you get the answer whether he loves you or not.

Hindi inaalintana ng mala porselanang kutis ko ang pag dampi ng mainit na sikat ng araw dahil mas pinagtutuunan ng pansin ko ang hugis araw na bulaklak.

Ilang minuto na ang lumipas at mahigit tatlong oras nang naka lapat ang puwet ko sa damohan habang isa isang tinatanggal ang mga talulot ng mga mirasol na nandito sa aming hardin. 

"Hay nako!, Ma'am Zaxreyn, sinira mo na naman ang mga bulaklak!." Umikot ang aking mga mata nang marinig ang malakas na sigaw ng aming katulong sa malayo and based on my peripheral vision she was running fast in my direction.

"Pagagalitan na naman ako ng iyong ina!." Nag-angat ako ng tingin kay ate Kath na nata-tarantang tumatalak sa'kin dahil sa pag sayang na naman ng mga bulaklak ngunit hindi huminto ang kamay ko sa pag tanggal ng talulot. 

"Ikaw talagang bata ka, pumasok ka na roon at maka pag simula na kayong mag haponan!." Bakas pa rin ang pagka taranta sakanyang mukha at aligagang pinulot ang mga tululot ng mga mirasol habang ako ay binalik ang tingin sa hawak kong mirasol na tatatlo na lang ang natirang talulot. 

"Hinding-hindi na talaga kita patatapakin dito!." Naiinis niyang wika habang matalim na naka tingin saakin, sumilay ang ngisi saaking labi bago dahan dahang tumayo at hinarap siya. 

"Huli naman na 'yan, wala ng mga bulaklak." Mahina kong sagot sa kanya at hinagis ang pang sampong tangkay ng mirasol na sinayang ko.

"Talagang wala na!, Dahil sinira mo lahat at pati santan hindi mo man lang pina-" Hindi ko na nakuha ang mga sumunod niyang sinabi nang mabilis ko siyang tinalikuran at iniwan siyang sumisigaw doon. 

Habang tinatahak ang daan papunta sa kusina ay ramdam ko ang pag sunod ng tatlong body guards ko saaking likuran na kanina pang naka bantay simula no'ng pag gising ko no'ng umaga. Napa iling na lang ako sa sitwasyon ng aking buhay, bawat galaw ko ay ay may naka sunod na mga mata. 

"Zaqx, ayosin mo 'yang buhay mo huh?." Malapit na ako sa kusina nang marinig ko ang galit na boses ni mommy habang pinapagalitan ang nakatatanda kong kuya. 

"Ikaw din Zare!, Pag hindi mo inayos 'yang buhay mo hintayin mong ako mismo ang tuloyang sisira sa buhay mo!." Zialyna Cleiara Hoqez, our gorgeous and funny mom but a strict one, she's sweet and kind but you won't like her when she's angry, because she can ruin your life in an instant.

“Oh, you are now here my princess.” My mother’s angry voice was quickly replaced by a soft voice when I suddenly entered the kitchen. She stood up before a sweet smile flashed on her lips. 

“Did you destroy the flowers in our garden again, princess?” I pouted when dad sweetly asked me, see my parents are not mad at me for destroying the flowers, so why the hell ate Kath scolding me about those flowers?, Bida bida lang talaga siya. 

“You make ate Kath angry again, princess.” Natatawang saad ni mommy at nag simula nang pag lagyan ako ng pagkain sa'king plato. 

“You know how much she loves plants,princess, she's a certified plant tita.” Natatawang saad ni kuya Zare na sinundan nila mommy sa pag tawa, I just rolled my eyes, plant tita my ass.

“Eat all of that, princess.” Mommy's reminder when she's done putting a food on my plate. 

Isang simpleng tango lang ang sinagot ko kay mommy at nag simula na akong kumain, habang sina mommy naman ay nag simula nang mag usap patungkol sa business. 

"Daddy I want to work" We were busy eating when I suddenly spoke, halatang natigilan silang lahat at sabay sabay nila akong tinignan. 

"We've already talked about that thing princess" I frowned at his answer, I know he won't let me, pero sinusubokan ko pa rin at baka mag bago ang isipan niya. 

It's been a year since I graduated but until now they still don't allow me to work. Na hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang dahilan nila. I know they are protective of me, but since when I was in 3rd year college they became more protective, my movements were limited, minsan na lang nila ako payagang lumabas at pag gusto kong lumabas ng bahay ay kailangang naka palibot ang mga bodyguard sa'kin. 

"Please understand us, Zaxreyn. We can't lose you." Malungkot na saad ni mommy na nasa tabi ko at hinaplos pa ang mahaba kong buhok. 

"But how about me mommy?. Can't you understand me?" Mahina kong sagot habang deritsong naka tingin sa malungkot na mga mata ni mommy. 

"We know how badly you want to work but please give us a time Zaxreyn." Napa baling ang atensyon ko kay kuya Zaqx sa sinabi niya. 

"It's been a year Kuya Zaqx, mababaliw na ako rito sa bahay." Sagot ko sa kanya. 

"I know, I'll promise, you will work soon and do what ever you want." Tumango na lang ako sa sinabi niya at hindi na muling umimik. 

"We are doing everything we can for you Zaxreyn" I'm now on the balcony of my room while looking at the stars in the sky when I heard kuya Zare's voice. 

"You can protect me while I'm working Kuya Zare." Walang gana kong saad. 

"We can't princess, nandito ka pa lang sa bahay nahihirapan na kaming protektahan ka." Pino-protektahan nila ako sa mga kalaban nila sa business, maraming may gustong pabagsakin ang aming family business lalo na ang XYZ na pag mamayari ni mommy at sa dalawa niyang kuya. 

"Mamatay na ako sa pamamalagi rito kuya Zare." Reklamo ko sakanya na ikina tawa niya. 

"Don't worry uuwi next week si Meylah, she will visit you here." Mabilis kong nilingon si kuya nang marinig ang sinabi niya. 

"Really?, Ba't hindi man lang niya ako sinabihan?" Nag tatampong saad ko. 

"Kuya Zaqx just told me." Napa simangot ako sa sinabi niya, ang bias talaga ng babaeng iyon. 

Meylah is the only friend I have since I was in highschool, we just parted our ways when we graduated in college because she suddenly left and went to Los Angeles, we still have contact with each other but she didn't tell me she was going home next week. 

"Are you now happy?" Naka ngiting tanong ni kuya Zare. 

"Of course kuya, I'm excited to see her." Finally hindi na mga halaman o mga bato sa garden ang maka kausap ko rito.

"Sige na matulog ka na at malamig na rito." Anyaya ni kuya. 

Sinamaan ako ni kuya Zare papunta sa kama ko, pagka higa ko ay kinumotan agad niya ako at hinalikan sa noo bago nag paalam paalis. Pinatay muna niya ang ilaw sa kuwarto ko bago siya tuloyang umalis. Natulog ako ng gabing iyon na may ngiti sa labi dahil sa sayang nararamdaman ko. 

Kaumagahan ay nagising ako sa tunog ng aking alarm clock na nasa bedside table ko. Pikit matang pinatay ko iyon at kinusot muna ang mga mata ko bago ako umupo saaking kama. 

Nang natapos ko ang morning routine ko ay naka ngiti akong lumabas ng aking kuwarto para maka baba na at maka almusal. Hanggang sa pag pasok ng dining room ay malapad pa rin ang ngiti saaking labi, nawala lang iyon nang makitang seryuso at tahimik ang magulang at Kuya ko sa hapag kainan. 

"Morning!" Bati ko sakanilang lahat at hinalikan sila isa't isa. Hanggang sa pag upo ko ay seryuso pa rin sila kaya napa taas ang dalawa kong kilay sa pag tataka. 

"Is there any problem?" Nag tataka kong tanong sakanila dahil nag simula na akong kabahan sa mga mukha nila, may nangyari bang masama na kagagawan ng mga kalaban nila sa business? 

"We have something to tell you." Malamig na saad ni mommy, nag simulang nanginig ang dalawa kong kamay dahil doon. 

Ngayon ko lang narinig ang ganoong tono ng boses ni mommy, she's always soft and sweet to me kaya hindi ko maiwasang kabahan ngayon. 

"I and my friend had an agreement." Napa kunot noo ako sa sinabi ni mommy, ano namang agreement iyon?, At ba't napaka seryuso nila?

"It's an arrange marriage,you need to marry his son." Bumagsak ang bunganga ko sa sinabi ni mommy. 

“But why mommy?” Napa taas na aking boses dahil sa kabang nararamdaman.

“It's our agreement to his father, dahil hindi kami natuloy sa pagpapa kasal.” Laglag ang aking big sa sinabi ni mommy. 

“Kaya pinapasa nyo saakin ang kasundohan na hindi na tuloy sa nag daan ng ilang taon?” hindi maka paniwalang tanong ko, tumango siya at sumimsim sakanyang kape. 

“Matagal nang kailangan ng ating pamilya ang kanilang business, they owned a private security, na malaking tulong sa'tin, hindi na tuloy ang pagpapakasal saaming dalawa dahil parehas kaming walang nararamdaman, at pumayag lang ang iyong lola at lolo na hindi iyon matuloy sa kundisyon na in the future ma ikakasal ang magiging anak ko sa magiging anak niya, and we both agreed to that agreement, napa aga lang ang gaganaping kasal dahil kailangan na talaga natin ang tulong nila, kaya sa ayaw at gusto mo mag papakasal ka.” Mahabang paliwanag ni mommy na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka tingin sa'kin. 

“But, how about me mommy?, Paano kung may mahal akong tao?” Natigilan si mommy sa bigla kong sinabi at huli na nang napa tanto ko kung anong lumubas saaking bibig.

“Why, Zaxreyn?, May na gugustohan ka bang lalaki?, Sino?” Malamig niyang tanong and finally bumaling siya saaking deriksyon, nanigas naman ang buo kong katawan nang sumalubong ang mga mata niya sa'kin. 

“Tell me, Zaxreyn, mayroon ba?” Nag simula nang bumilis ang pag tibok ng aking puso at naramdaman kong nag papawisan na ang dalawang palad ng aking kamay, dahan dahan akong lumunok at mabilis na nag iwas ng tingin bago umiling. 

“Then it's final, you will marry him.” Matigas niyang saad na ikina laki ng aking dalawang mata at binalik ang tingin kay mommy na sa mga pagkain na siya naka tingin ngayon. 

"Are you serious about it mom?" Napa taas ang boses ko nang sinabi iyon.

"I'm serious, Phen Zaxreyn." Seryusong saad niya habang ang tingin niya ay nasa plato pa rin niya. 

"No!, I will not marry whoever that man is!" Sigaw ko napa tayo na sa upoan ko. 

"Zaxreyn!, Don't shout your mom!" Galit na saad ni daddy at tumayo na rin siya bago ako hinarap. 

"Naririnig mo ba iyon daddy?, I'm going to marry a man I don't even know, I don't even know his name daddy!" Sigaw ko sakanya at lumandas na ang mga luhang kanina ko palang pinipigilang bumuhos. 

"It's for your own good." Mahinahong wika ni daddy na ikina iling ko. 

"No dad, boong buhay ko hindi man lang ako nabuhay ng payapa!" umiwas siya ng tingin nang sinabi ko iyon. 

"Everything is limited, everything is under your control." humihikbi kong saad at tinignan silang lahat, lahat sila ay hindi maka tingin saakin. 

"I have never been free for myself mommy and daddy." Mahina kong saad at humagulgol. 

"That's final, you will marry him." Hindi maka paniwalang tinignan ko si mommy na nasa plato pa rin ang tingin. 

"Wala kang magagawa kundi mag pakasal." Seryusong saad niya, kahit anong sabihin ko ay hindi sila makikinig, they never listen at me, para akong isang robot na kino kontrol nila, lahat ng desisyon ay na sakanila, wala man lang akong karapatang mag desisyon sa sarili. 

Padabog akong umalis doon at nag punta saaking kuwarto para doon ibuhos lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman ko. I'll not marry that man, I don't care about their agreement!. Sigaw ko at nag punta sa walk in closet ko para mag palit ng damit bago kinuha ang cellphone at wallet ko. 

Dahan dahan akong lumabas ng bahay at nag lakad sa likuran, sa ganitong oras ay hindi mahigpit ang security dito sa bahay kaya maka kaya kong tumakas ngayon. Dahan dahan akong nag lakad sa back gate at saktong walang naka bantay doon kaya binilisan ko pa pag lalakad. 

Wala akong sinayang na oras pa at pag dating doon ay agad akong lumabas at mabilis nag lakad palayo ng bahay dahil wala akong masasakyang taxi dito. 

"Zaxreyn!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni kuya Zaqx, lumingon ako saaking likuran at gulat na nakitang humahabol saakin ang dalawa kong kuya at mga ibang guard kaya tumakbo na ako para hindi nila ako mahuli. 

"Phen Zaxreyn Hoqez!" Tumalon ang puso ko nang sabay na sinigaw ng dalawa Kong kuya ang pangalan ko at napa hinto ako bigla nang makita ang isang sasakyan sa malayo na humaharurot pa punta sa deriksyon ko.

Hindi ko kayang maigalaw ang mga paa ko sa gulat sa nasasaksihan at nag simula na ring manginig ang mga kamay ko, pa bilis ng pa bilis ang pag tibok ng puso ko habang pa lapit nang palapit ang sasakyan sa gawi ko, nag simula nang mag landasan ang mga luha saaking mata at tanging nagawa ko nalang ay ipikit ang mga mata ko. 

"I'm sorry mommy, daddy, kuya Zaqx and kuya Zare." Kung hindi sana ako tumakas ay hindi mang yayari ito, bulong ko saaking sarili bago naramdaman ang pag bagsak ng aking katawan at sunod sunod ng pag putok ng baril ang umalingawngaw sa boong paligid. 

"Damn it!, Phen Zaxreyn Hoqez!" Mabilis kong binuksan ang mga mata ko nang narinig ko ang malakas na sigaw ni kuya Zaqx, nang sumalubong ang matalim niyang mga tingin saakin ay mabilis niyang hinablot ang braso ko para patayoin. 

"Do you think we are happy with the situation of our life?, We are doing our best to protect you Zaxreyn!, Because we don't want to lose you!" napa hikbi na ako sa pag iyak nang sigawan niya ako at naramdaman kong humigpit ang pagka hawak niya saaking braso. 

"Ginagawa namin ang lahat para hindi ka mawala saamin dahil hindi namin kakayanin na mawala ka!" Napa yuko ako sa sakit na nararamdaman sa pag sigaw ni kuya saakin at idagdag pa ang mahigpit niyang pagka hawak saakin. 

"Pero anong ginagawa mo? ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para mawala ka saamin!. " Malakas niyang sigaw at malakas niyang binitawan ang braso ko bago tumalikod at nag lakad paalis. 

Nag angat naman ako ng tingin kay kuya Zare na halatang kanina palang kami pinapanuod, bumuntong hininga siya bago umiling saakin at tinalikuran na niya ako, he was obviously disappointed in what I did, napa kagat nalang ako ng labi habang mahinang humahagulgol. 

"Nang dahil sa ginawa mo, bukas na bukas mag papakasal ka na!" Galit na sigaw saakin ni mommy nang naka uwi kami sa bahay habang bumubuhos ang mga luha ni daddy na naka tayo sa malayo, hindi niya ako kayang tignan. 

"Go to your room and fix your self, tonight is our dinner meeting with your soon to be your husband."hindi nalang ako umimik at tumakbo na ako papunta saaking kuwarto. I hate this world, I hate people, I hate this life, I hate everyone!. 

"Zaxreyn, Iha?" Sa pang apat na katok ni manang ay tumayo na ako sa pagka upo saaking kama at napag desisyonang lumabas na. 

"Kanina ka pa pinapa tawag ng iyong ina Iha." Hindi ko na pinansin si manang at nag lakad na ako pababa, simpleng color beige dress lang ang suot ko at hindi na ako nag make up dahil ayaw ko naman talagang lumabas at harapin sila. 

Pag dating sa dining area ay kompleto ang pamilya ko roon, hindi ko na sila binati at umupo nalang ako sa bakanteng upoan na katabi ni daddy saka ako nag angat sa lalaking nasa harapan ko, sumalubong ang kulay tsokolate niyang mga mata saakin, seryuso at malamig na naka tingin siya saakin, na para bang may nagawa akong kasalanan sakanya. Hula ko siya ang sinasabi ni mommy na papakasalan ko dahil bukod sa mga kuya ko at sakanya, ay si daddy at isang matandang lalaki na katabi niya ang tanging nandito. 

Napa taas naman ako ng kilay sa lalaking kaharap ko, ba't parang siya pa ang galit?, Dapat nga ako iyong may karapatang magalit dito.

"Zaxreyn!." Naalis lang ang tingin ko sa kaharap ko nang malamig na tinawag ni mommy ang pangalan ko. 

"His name is Jhuan Oliver Yu, siya ang mapapangasawa mo." Seryusong saad niya at binalik ko muli ang tingin kay Jhuan na hanggang ngayon ay naka tingin pa rin saakin. 

"Ito naman ang mga magulang niya, si Jandro at Jhuanda." pakilala ni mommy sa mga magulang ni Jhuan.

"Hello Zaxreyn, call me tita Jhuanda." Tipid akong napa ngiti sa nanay ni Jhuan, Akala ko masungit at ang nanay niya,'yon pala mabait. 

"You can start calling me, daddy Jandro, Zaxreyn princess." Napa simangot naman ako sa sinabi ng tatay niya at tumawa pa siya na sinabayan ni mommy. 

"I agree, dahil bukas na bukas din ay mag papakasal na kayo ni Jhuan." Palihim nalang akong umirap sa sinabi ni mommy. 

"How about, bigyan muna natin ng time ang dalawa para maka pag usap?" Suwisyon ni tita Jhuanda. 

"Go princess, ilibot mo muna si Jhuan, O kaya pumunta kayo sa garden." Saad naman ng aking ama na kanina palang tahimik. 

Tanging tango lang ang naisagot ko at nauna nang tumayo at nag lakad na paalis doon, naramdaman ko namang sumunod si Jhuan saakin, tahimik lang siyang sumunod saakin hanggang sa naka rating kami sa garden. 

"Gusto mo bang magpa kasal saakin?" Deritso kong tanong at hinarap siya. 

"Are you?" Balik niyang sagot saakin, I gritted my teeth what he said, ang yabang ng lalaking ito. 

"Of course no!, I don't want to marry a man that I don't love." Galit kong saad na ikina igting ng kanyang panga. 

"The felling is mutual." Hindi ko alam kung ba't ako kinabahan bigla sa malamig niyang boses.

"Then why did you agree to this arrangement?" Kinakabahan man ay tinapangan ko ang sarili ko na mag tanong. 

"Simple, because I can't disobey my parents, all I can do is to agree to whatever they want me to do." Napa awang ang labi ko sa sagot niya, so parehas kaming robot sa mga magulang namin? 

"If you don't want this arrangement, Do all you can princess, para hindi matuloy ang kasal na ito." Parang kulog ang boses niya nang binitawan niya ang mga salitang iyon. 

"Pero kung hindi, face the consequences for marrying me." Baritunong saad niya at ngumisi saakin bago ako tinalikuran na naka awang ang labi ko. 

Hanggang natapos kaming kumain ay wala akong nagawa, ang tangi lang nila sinang ayonan saakin ay pipirma lang kami ng mga papeles bukas, dahil hindi ako pumayag sa church wedding at civil wedding. 

"Sleep well, Ms. Hoqez, because you'll be a Mrs. Yu tomorrow." kinalibotan ako sa biglang pag bulong saakin ni Jhuan at pag halik saaking tainga bago siya lumabas ng bahay na naka ngisi. 

Sa gabing iyon ay hindi ako naka tulog ng mahimbing sa ka iisip ng mang yayari bukas, ang bilis ng pang yayari, sa isang araw lang ay ang daming nang yari at parang kidlat na dumating ang mga problema sa buhay ko. 

"Are you ready to be a Mrs. Yu?" Mukha agad ni Jhuan ang sumalubong saakin nang bumaba ako, iniripan ko nalang siya at hindi pinansin. 

When we finished signing they announced that we are now married to each other, I am now married to a beast, Jhuan widely smiled at me when our parents left us alone. Lumapit siya saakin at dahan dahang bumaba ang ulo niya habang deritsong naka tingin saakin. 

"Can't wait you to move in my house, Mrs. Hoqez and face the consequences for marrying me." He huskily whispered in my ear and kissed me on my forehead before he left me dumbfounded. Damn that beast!, Sisiguradohin ko talagang mag hihiwalay din kami agad agad!. 

——————————

©laprincesadelaluna

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status