The Unchosen Wife

The Unchosen Wife

last updateDernière mise à jour : 2026-11-09
Par:  Reynang ElenaMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
Notes insuffisantes
5Chapitres
5Vues
Lire
Bibliothèque

Partager:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

"Please, Dominic... don't leave me. I swear, I didn't do it. Kilala mo ako. Alam mong hindi ko kayang manakit ng ibang tao. Just this once, please believe me. I'm begging you... don't leave us." ——— She left as his first love, believing he would wait. Three years later, Mia returns to a different Dominic—a man with another woman in his heart and a marriage neither of them expected. She may be his wife, but she has never felt chosen. But what happens when the wife he took for granted finally decides she's had enough?

Voir plus

Chapitre 1

Chapter 1 - Three Years Later

MIA POV

Tatlong taon na ang nakalipas simula ng umalis ako sa Pilipinas para pagbigyan ang gusto ni lola.

Tatlong taon na nakalipas noong nakatayo ako sa airport na umiiyak habang magkahawak ang kamay namin ni Dominic na para bang ayaw namin bitawan ang isa’t isa.

At ngayon matapos ang tatlong taon ay uuwi na ako.

Tahimik akong nakatingin sa bintana ng eroplanong sinasakyan ko. Masaya at excited na ako, pero mas lamang ang kaba na nararamdaman ko.

Dahil ang pag uwi ko ay hindi lang dahil sa makikita ko na ang mga magulang ko kundi pati si Dominic.

Dahan dahan kung hinahawan ang suot kung silver bracelet na ibinigay niya sa akin noon.

Halos hindi ko na matandaan kung ilang beses kung kinakausap ang bracelet na ito. Saksi din ito sa lungkot, hirap, pangungulila at pag iyak ko sa loob ng taon na malayo ako. Ingat na ingat ako na hindi ito mawala dahil isa ito sa patunay ng pangako na binitawan namin sa isa’t isa ni Dominic.

Biglang pumasok sa isip ko yung araw na binigay niya ‘to sa akin.

“Huwag mong hahayaan na mawala ‘yan.” Seryosong anas nito.

Natawa naman ako. “Ang seryoso mo naman. Parang bracelet lang naman ito.”

Mahinang umiling ito. “No. It’s not simple. It's something you'll have to keep until you come back.”

“At paano kung hindi?” Tanong ko sa kanya.

“Kukunin ko ‘yan.”

“Promise?” Saad ko.

“Promise.”

Tahimik kung ipinikit ang aking mga mata habang inaalala ang araw na ‘yon. 

Simula noong bata pa ay magkasama na kami ni Dominic, halos hindi na nga kami mapaghiwalay na dalawa at alam ‘yan ng mga taong nakakakilala sa amin.

Sabay kaming naglalaro, sabay kaming nag aaral, sabay kaming pumapasok at umuuwi, at sabay din kaming napapagalitan.

At noong naging high school kami ay may mga araw na parang kakaiba ang nararamdaman ko kapag magkasama kami.

Napapansin ko ang mga maliit na bagay kagaya ng kung paano siya maghintay sa labas ng classroom ko, kung paano niya hindi nakakalimutan na ayaw ko sa peanut, kung paano niyang binibigay sa akin ang kanyang jacket sa tuwing nagrereklamo ako na malamig at higit sa lahat kung paano ito hindi mamansin kapag may ibang lalaki na nakikipag usap sa akin.

“Elara,” mahinang bulong ko sa kaibigan ko. “Nakikita mo ba ‘yon? Bakit nakatingin si Dom satin?”

Tiningnan niya ito saglit bago ibinalik sa akin ang tingin. “Oh! Hindi mo ba alam?” Tumawa pa ito ng nakakaloko.

“Magtatanong ba ako kung alam ko?” Pabalang na sagot ko.

“Mukhang nagseselos ang isang ‘yon.”

“Siya magseselos? Imposible.” Anas ko.

Mas luminaw ang lahat noong mag college kami dahil mas nag mature kami. At doon namin napagtanto na hindi lang pagkakaibigan ang meron sa amin.

Naalala ko pa noong gabi na magconfess sa akin si Dominic noong pauwi kami.

“Dominic?” Tawag ko sa kanya ng mapansin ko ang pananahimik nito.

“Mia…”

“Hmmmm.”

“May gusto sana akong sabihin sayo. Hindi ko alam kung paano o saan ako magsisimula.”

“Ano ba ‘yon?” Tanong ko.

Bumuntonghininga ito at tumingin sa akin ng seryoso kaya kinabahan ako.

“We have been together since we were kids. And I think this is the right time to tell you what I really feel.” 

“W-what do you mean?”

“I don’t think I see you as just my best friend anymore.I think I've been in love with you for a long time.”

“What?” Hindi makapaniwala na turan ko.

“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo. Natatakot ako na baka masira ang kung anong meron tayo, ang pagkakaibigan natin. Akala ko mawawala lang din ‘to kaya tinago ko na lang sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko pero habang tumatagal ay hindi ko na kinakaya.”

Mabilis akong nag iwas ng tingin. “Buong akala ko ako lang ang nagtatago ng nararamdaman.” 

“Anong ibig mong sabihin? Huwag mong sabihin—“

“Oo. Natatakot lang din ako.”

Ngumiti ito sa akin. “We are on the same page.”

“You took so long to figure it out.” Sabi ko.

“Maybe yes, maybe no. Baka matagal na pero hindi ko lang namamalayan.”

At noon namin napagtanto na first love namin ang isa’t isa.

Pero kahit na mahal namin ang isa’t isa ay hindi kami agad naging magkarelasyon. Gusto namin na makatapos muna ng pag aaral.

We plan our future together. We had a promise.

At huling sinabi sa akin ni Dominic na sa oras na matupad na namin ang mga pangarap namin ay papakasalan niya na ako.

Not until my grandmother called and wanted me to be with her.

She’s sick and she wants to finish my studies abroad and spend time with her.

Honestly I didn’t want to go but I couldn’t say no to her. 

I talked to Dominic about it.

“So aalis ka?” Tanong nito.

“Hindi ko alam. Sa totoo lang ay ayaw kung umalis. “

“Pero kailangan. Matanda na si lola at ‘yon na lang ang hinihiling niya sayo.”

“Ayaw kitang iwan.” Saad ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. “Kaya naman natin ‘yan. Tatlong taon Mia tapos umuwi ka na.”

“Hihintayin moko?” Tanong ko.

Tumango ito. “I will wait for you no matter what it takes.”

Pinanghawakan ko ang sinabi niyang ‘yon hanggang sa makaalis ako. Noong una ay mahirap dahil nasanay ako na kasama siya kaya minsan umuuwi ako o kaya siya ang pumupunta sa akin. Pero habang tumatagal ay mas lalong naging mahirap sa amin lalo na’t nagiging busy na kami pareho sa pag aaral. Minsan nga ay hindi na kami nakakapag usap hanggang sa tuluyan na kaming nawalan ng komunikasyon.

Noong una, may mga tawag pa rin bago matulog at mga mahahabang message tungkol sa nangyayari sa amin sa araw na ‘yon. Hanggang sa nasundan na lang ng maiikling reply minsan dahil sa mga projects, exams o kaya sa pagod. May mga araw na ako ang huling nagmemessage sa kanya at may araw din naman na siya.

Alam kung pilit namin kinakaya ang nangyayari sa aming ‘yon. Iniisip ko na lang din na kailangan namin magtiis at pagkatapos noon ay magkakasama din kami ulit at makakabawi sa isa’t isa.

Hanggang sa pareho na namin namalalayan na hindi na kami nakapag usap ng ilang araw, linggo, buwan hanggang sa naging taon na.

“Ladies and gentlemen, we will be landing shortly.” 

Mabilis ako napamulat ng mga mata at napabalik sa wisyo ng marinig ko ang boses ng piloto.

Napangiti ako dahil sa wakas ay nakabalik na ako ulit.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at tiningnan ang mga messages.

We're already waiting for you. - Mom

Don't forget to call us when you land. - Dad

Welcome home, Mia. Finally! - Elara

Pero ni isa ay wala akong nakita na galing kay Dominic. Marahil ay hindi nasabi ng mga magulang ko sadyang busy lang siya.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Dernier chapitre

Plus de chapitres

Aux lecteurs

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Pas de commentaire
5
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status