Pagbaba palang ni Laura sa sasakyan ay magagarbong kotse na ang sumalubong sa kaniya, pati ang mga nagpapasukan na babae at lalaki ay pagandahan ng mga damit.
Ang iba roon ay mula pa sa iba't-ibang brand.
Agad siyang lumakad papasok sana sa pintuan ng may bumunggo sa kaniya.
"Oops, sorry! Hindi kita agad napansin," Si Sia iyon habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. "Masyado kasing simple ang suot mo, akala ko ay isa ka lang sa mga nag a-asssit."
Tulad ng ginawa ni Sia ay tinignan rin ni Laura ang kaharap mula sa sapatos hanggang sa suot nitong mga alahas, hinding-hindi siya pwedeng magkamali.
Ang mga Jewelries ay mula sa company ni Elijah, habang ang dress ay mula sa kilalang fashion designer na dati rin niyang kinukuhanan ng mga damit.
"Sorry to disappoint you, Sia. Pero sigurado ako na pareho lang ang halaga ng suot nating dalawa, hindi ba nasabi sa'yo ni Elijah na sa akin niya nakilala ang designer ng suot mo ngayon?" Ngumisi siya at tumalikod.
Pero bago pa man makalayo si Laura at muli siyang tumigil sa paglalakad at nilingon si Sia, "by the way, ingat ka. Baka hindi mo alam, nagkakamabutihan na rin sila."
"You!" Gusto s'yang sugurin nito pero masyadong maraming tao. "Hindi ako ipagpapalit ni Elijah, dahil dala-dala ko ang anak n'ya. Hindi mo ako katulad, Laura."
"Of course, hindi ako katulad mo. Hindi ako mang aagaw ng lalaki, Sia. Sa tingin mo matutuwa ang anak n'yo kung malaman niya na bunga siya ng panlolokong ginawa n'yo sakin?"
"Laura, ano sa tingin mo ang sinasabi mo kay Sia?" Tinignan siya ng mariin ni Elijah na mukhang kararating lang.
"Bakit, may mali ba sa sinabi ko? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, kung hindi n'yo matanggap ay wala akong magagawa." Patalikod na sana muli siya sa dalawa ng hablutin ni Elijah ang braso niya.
"Kung makapagsalita ka kay Sia ay parang hindi ka lumalandi, hindi ba ay magkasama lang kayo ng lawyer na iyon? Ano, binigay mo ba ang sarili mo sa kaniya dahil walang-wala ka na?" Nangungutya ang boses nito.
Halos bumaon ang kuko ni Laura habang kinukuyom ng mahigpit ang kamay, "Mr. Jintalan, ilang beses ko ba na uulitin sa'yo na wala ka ng pakialam kung sino ang kasama ko?" Pinilit na ibigay ni Laura ang pinakamatamis na ngiti sa lalaking kaharap.
Humakbang siya palapit at hinawakan ang dibdib ni Elijah ng marahan, "not unless, nagseselos ka dahil may bago na ako. Akala mo ba ay magmumukmok ako at iiyakan ka?" Nangungutya rin niyang tinignan ang lalaki, "pwes hindi, napagtanto ko na mas bagay kayo ng secretary mo."
Mas humigpit ang hawak ni Elijah sa braso niya, pero nanatiling seryoso ang mukha niya na parang hindi nasasaktan.
"Let go of me, Mr. Jintalan." Madiin niyang sabi, "simula ng sinabi mo na wala na tayo, wala ka na rin karapatan na hawakan ang kahit anong parte ng katawan ko."
"Hah! Nagmamalinis ka pa, kung alam ko lang ay hinawakan ka na ng lawyer na iyon sa iba pa na parte ng katawan mo-" hindi na natapos ni Elijah ang sasabihin ng hindi na napigilan ni Laura na umangat ang katawan niya para sampalin ang lalaki.
May ilan na napasinghap at may ilan na nanatiling tahimik ngunit nakatingin sa gawi nila.
"Don't cross the line, Mr.Jintalan. Kahit hawakan niya ang pinakatatago-tagong parte ng katawan ko, amin na lang iyon. Ngayon, bitawan mo ako kung ayaw mo na pareho tayong mapahiya sa harapan ng maraming tao. Hindi na ako matatakot mangyari iyon, dahil ikaw na rin ang nagsabing sira na ang image ko sa iba."
Saglit na natigilan si Elijah at ilang saglit pa nga ay binitiwan rin ang braso nya, "damn it!" Mahinang sambit niya, "let's go inside, Sia. Malamig dito sa labas, baka makasama sa inyo ng baby."
Bumalik ang pagiging marahan ng boses ni Elijah at inalalayan si Sia na ngayon ay nakangisi sa kaniya, na parang sinasabi nito na siya pa rin ang panalo sa kaniyang dalawa.
Tanging buntong hininga ang nagawa ni Laura habang sinusundan ng tingin ang dalawa, kung alam lang niya na kasama sa attendees ang ex-boyfriend at ang bago nitong babae ay sana'y tumanggi siya sa invitation mula kay Adan.
"Bakit andito ka pa rin sa labas at hindi pa pumapasok sa loob?" Malalim na boses ang nakaagaw ng pansin niya sa gilid.
Suot ang kulay grey na formal suit, nakaayos rin ang buhok nito na mas lalong naging dahilan ng pagiging intimidating niya.
"Lawyer Del Rosario..." Muling nagbalik sa ala-ala ni Laura ang nangyari sa kanila, agad siyang nakaramdam ng hiya. "H-hindi ko alam kung saan ba ako dapat pumwesto, hindi ko nga alam kung para saan ang event na ito at bakit ako andito."
"Ako ang gumawa ng event na ito, inimbitahan kita para makilala mo kung sino ang mga importante na mga tao sa mundong ginagalawan ko." Makahulugan nitong sabi at nilahad ang kamay.
"Bakit kailangan ko na alamin kung sino sila?" Hindi mapigilan na tanong niya at tinaggap ang alok na pag-alalay ng lalaki.
"Why not?" Balik na tanong ni Adan at nagsimula na silang pumasok sa loob, halos lahat ng naroon ay nakatingin sa kaniyang dalawa, "since from now on, you are my woman. Hindi ba dapat ay kilala mo kung sino ang mga dapat mo na iwasan at dapat pakisamahan?" Muling dagdag nito at tumingin sa kaniya. "Sa mundong ito, kailangan kilala mo kung sino ang kalaban, Ms. Zapanta."
“Mr. Jintalan, mabuti naman at dumating ka.” Nakangiti ang mga matatandang businessman habang palapit si Elijah sa table kung nasaan sila, “akala namin ay hindi ka sisipot, lalo na at hindi mo naman na kailangan ang ganitong mga okasyon.” Makahulugan pa na sabi ng isa.Napangisi naman si Elijah dahil sa narinig, umiling siya at umakto na parang hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng matanda. “Nako, bakit naman hindi ako a-attend sa ganitong okasyon lalo na at alam ko na andito kayo?”Muli silang nagtawanan, nanatili ang ngiti sa labi ni Elijah. Ang mga matatanda na ang tingin lang sa kaniya dati ay boyfriend ni Laura ay sa wakas alam na kung paano siya tawagin sa kung sino talaga siya.Napapailing nalang siya sa isip habang sumisimsim ang wine sa kupita na hawak, alam niyang iba ang nagagawa ng kapangyarihan at pera kung paano ang pakikitungo ng tao. Ngayon na meron na siya pareho, labis ang pagbabago ng mga ito.“Magkakaroon ako ng branch sa Singapore, baka gusto mo na makita ang pl
Ang tanawin sa labas ng veranda ay talagang maganda, pero hindi maitatago ni Laura na mas higit doon ang ngiting sumilay sa labi ng lawyer. Sobrang sarap noon sa mata na parang kinikiliti ang puso niya.Nabalik lang ang kaniyang atensyon ng umihip ang malamig na hangin, agad niyang hinaplos ang expose na mga braso. Nakasuot lamang siya ng cocktail dress, nagsimula na rin na mamula ang kaniyang ilong, pisngi, hanggang leeg. Mas lalong lumabas ang maputi niyang balat.Napabuntong hininga naman si Adan at maingat na hinubad ang suit jacket at walang pasabing pinatong ito sa balikat niya, “gamitin mo, hindi kita dinala dito para ma- hospital na naman.”Hindi iyon tinanggihan ni Laura, sa halip ay binalot niya iyon sa sarili. Sa paraan na iyon ay mas amoy niya ang lawyer muna sa jacket nito, hindi niya maiwasan na mas lalong mamula ang pisngi dahil sa kaniyang ginawa.“Thank you.” Bulong niya, halos makagat pa niya ang dila sa kaba. Ayaw niyang malaman ni Adan ang ginagawa niya, pero hindi
“Hurry, can’t you move faster?” Inip na tanong ni Adan habang nakasandal sa kotse at paulit-ulit na tinitignan ang oras sa relong suot niya, “sabi mo ay ayaw mong makatanggap ng maraming atensyon sa pupuntahan natin, pero sa tagal mong gumalaw ay baka tayo ang pinaka-late doon.”Napaikot naman ang mata ni Laura, gusto niyang magreklamo at sabihin na ang lalaki rin naman ang dahilan bakit sila natagalan. “Ito na nga, nagmamadali na.”~Mabuti nalang rin at hindi traffic ng mga oras na iyon dahilan para agad silang makarating sa venue, pagpasok palang nila ng building ay marami na agad ang sumalubong sa lalaking kasama niya. Isa na roon ang isang babaeng naka velvet red dress na talagang bumagay sa maputi nitong balat.“Adan,” matamis nitong tawag sa pangalan ng lawyer habang may matamis na ngiting nakapaskil sa labi niya, “akala ko ay hindi ka darating, ngayon ka lang na-late sa mga ganitong event.”Ilang minuto pa na tinitigan ni Laura ang babae bago niya makilala ito, Ang female arti
Tulad ng pinagkasunduan at alok na serbisyo ni Laura, nung hapon rin na ‘yun ay agad siyang naghanda para magluto ng hapunan.“Sinabi ko na ipagluluto ko siya ng pagkain, pero paano ko gagawin yun kung ganito lang ang laman ng refrigerator niya?” Stress na tinignan ni Laura ang mga can beer, bottled water, at iilan na pack food na kailangan na lang iinit.Hindi naman niya magawang guluhin ang lawyer na ngayon ay nakatalikod sa kaniya habang suot ang reading glass nito at isa-isang binabasa ang mga papel na nakakalat sa lamesa.Ilang saglit pa ay lumingon ito sa kaniya dahilan para mapaigtad siya, “baka mabutas ang likod ko sa titig mo, kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na.”Hindi ganoon kalamig ang tono ng boses nito, pero dahil sa suot niyang reading glass ay mas lalong naging intimidating ang aura niya. Hindi agad nakakibo si Laura, nagdadalawang -isip pa rin kung sasabihin niya ang kaniya pa niyang problema.Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang umamin, “hmm, sa totoo la
Paghinto palang ng kotse ay ramdam na agad ni Laura ang katahimikan ng paligid, sa totoo lang ay umaasa siyang pagdating nila ay naguunahan ang mga maid na lumabas para salubungin ang lawyer pero kabaliktaran ang lahat sa inaasahan niya.Tatlong palapag ang bahay nito ngunit sa labas palang ay masasabi na niya agad na maluwang iyon, “h’wag kang masyadong kabahan, marami ang kwarto at pwede mong piliin ang pinakamalayo sa kwarto ko, kung gugustuhin mo ay pwede tayong hindi magkita sa loob ng bahay hanggang matapos ang pag stay mo dito.”Seryoso ang mukha ni Adan habang sinasabi iyon, walang halong biro ang bawat salita. Hindi tuloy alam ni Laura kung talagang seryoso iyon o sarkastiko lamang ito.“Hindi naman ako kinakabahan, isa pa ay ikaw ang tumanggi sa akin nung nakaraan.” Pagbalik niyang sabi habang seryoso rin ang mukha, pero mabilis siyang tumingin palayo ng maramdam ang tingin ni Adan sa kaniya.“Well, hindi naman ako hayok at walang pusong lalaki. Pero kung ipipilit mo talaga
Dalawang-araw pa ang tinagal ni Laura sa hospital bago siya tuluyan na ma- discharged. Hindi na bumalik si Adan simula ng mangyari ang bagay na ‘yun, wala pa rin siyang idea kung ano ang dahilan ng pagka-bad moon bigla ng lawyer.“Nakakahiya naman kung tatawagan ko siya,” bulong niya sa sarili habang hawak ang cellphone at bitbit sa kabilang kamay ang maliit na bag. Paika-ika pa man ay sinubukan na niyang maglakad sa hallway, alam niyang sa mukha ng iba ay para siyang kawawa pero wala naman siyang magagawa.Sinubukan niyang katawan ang kaibigan pero mukhang busy, wala naman siyang ibang matatawagan dahil nasa detention center pa ang daddy niya.Nakakailang hakbang palang siya ng may humawak sa braso niya at pigilan siyang maglakad, “bakit parang nagmamadali kang umalis Ms. Zapanta na parang tinatakasan? Sa tingin mo ba ay makakauwi ka mag-isa ng ganyan ang sitwasyon mo?” Umagang-umaga palang ay magkasalubong na kilay agad ang bumungad sa kaniya.“Mr. Del Rosario, anong ginagawa mo dit