ログインHalos pagbagsakan ng langit at lupa si Laura ng malaman na ang lalaking minahal niya ng apat na taon na si Elijah ay ang mismong dahilan ng pagbagsak ng company nila at ang nagpakulong sa kaniyang ama. Idagdag pa rito na may iba pala itong babae at buntis na. Desperado na mailigtas ang ama, walang ibang nagawa si Laura kundi ang makipagkasundo kay Adan Del Rosario. Isang kilalang mayaman na lawyer, kapalit ng tulong ay gagawin niya ang lahat ng gusto ng lalaki. “Be obedient, Ms. Zapanta, and just be mine.” Mariin na bulong ni Adan kay Laura bago siya tuluyan na angkinin nito.
もっと見る“Mr. Jintalan, mabuti naman at dumating ka.” Nakangiti ang mga matatandang businessman habang palapit si Elijah sa table kung nasaan sila, “akala namin ay hindi ka sisipot, lalo na at hindi mo naman na kailangan ang ganitong mga okasyon.” Makahulugan pa na sabi ng isa.Napangisi naman si Elijah dahil sa narinig, umiling siya at umakto na parang hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng matanda. “Nako, bakit naman hindi ako a-attend sa ganitong okasyon lalo na at alam ko na andito kayo?”Muli silang nagtawanan, nanatili ang ngiti sa labi ni Elijah. Ang mga matatanda na ang tingin lang sa kaniya dati ay boyfriend ni Laura ay sa wakas alam na kung paano siya tawagin sa kung sino talaga siya.Napapailing nalang siya sa isip habang sumisimsim ang wine sa kupita na hawak, alam niyang iba ang nagagawa ng kapangyarihan at pera kung paano ang pakikitungo ng tao. Ngayon na meron na siya pareho, labis ang pagbabago ng mga ito.“Magkakaroon ako ng branch sa Singapore, baka gusto mo na makita ang pl
Ang tanawin sa labas ng veranda ay talagang maganda, pero hindi maitatago ni Laura na mas higit doon ang ngiting sumilay sa labi ng lawyer. Sobrang sarap noon sa mata na parang kinikiliti ang puso niya.Nabalik lang ang kaniyang atensyon ng umihip ang malamig na hangin, agad niyang hinaplos ang expose na mga braso. Nakasuot lamang siya ng cocktail dress, nagsimula na rin na mamula ang kaniyang ilong, pisngi, hanggang leeg. Mas lalong lumabas ang maputi niyang balat.Napabuntong hininga naman si Adan at maingat na hinubad ang suit jacket at walang pasabing pinatong ito sa balikat niya, “gamitin mo, hindi kita dinala dito para ma- hospital na naman.”Hindi iyon tinanggihan ni Laura, sa halip ay binalot niya iyon sa sarili. Sa paraan na iyon ay mas amoy niya ang lawyer muna sa jacket nito, hindi niya maiwasan na mas lalong mamula ang pisngi dahil sa kaniyang ginawa.“Thank you.” Bulong niya, halos makagat pa niya ang dila sa kaba. Ayaw niyang malaman ni Adan ang ginagawa niya, pero hindi
“Hurry, can’t you move faster?” Inip na tanong ni Adan habang nakasandal sa kotse at paulit-ulit na tinitignan ang oras sa relong suot niya, “sabi mo ay ayaw mong makatanggap ng maraming atensyon sa pupuntahan natin, pero sa tagal mong gumalaw ay baka tayo ang pinaka-late doon.”Napaikot naman ang mata ni Laura, gusto niyang magreklamo at sabihin na ang lalaki rin naman ang dahilan bakit sila natagalan. “Ito na nga, nagmamadali na.”~Mabuti nalang rin at hindi traffic ng mga oras na iyon dahilan para agad silang makarating sa venue, pagpasok palang nila ng building ay marami na agad ang sumalubong sa lalaking kasama niya. Isa na roon ang isang babaeng naka velvet red dress na talagang bumagay sa maputi nitong balat.“Adan,” matamis nitong tawag sa pangalan ng lawyer habang may matamis na ngiting nakapaskil sa labi niya, “akala ko ay hindi ka darating, ngayon ka lang na-late sa mga ganitong event.”Ilang minuto pa na tinitigan ni Laura ang babae bago niya makilala ito, Ang female arti
Tulad ng pinagkasunduan at alok na serbisyo ni Laura, nung hapon rin na ‘yun ay agad siyang naghanda para magluto ng hapunan.“Sinabi ko na ipagluluto ko siya ng pagkain, pero paano ko gagawin yun kung ganito lang ang laman ng refrigerator niya?” Stress na tinignan ni Laura ang mga can beer, bottled water, at iilan na pack food na kailangan na lang iinit.Hindi naman niya magawang guluhin ang lawyer na ngayon ay nakatalikod sa kaniya habang suot ang reading glass nito at isa-isang binabasa ang mga papel na nakakalat sa lamesa.Ilang saglit pa ay lumingon ito sa kaniya dahilan para mapaigtad siya, “baka mabutas ang likod ko sa titig mo, kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na.”Hindi ganoon kalamig ang tono ng boses nito, pero dahil sa suot niyang reading glass ay mas lalong naging intimidating ang aura niya. Hindi agad nakakibo si Laura, nagdadalawang -isip pa rin kung sasabihin niya ang kaniya pa niyang problema.Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang umamin, “hmm, sa totoo la
Paghinto palang ng kotse ay ramdam na agad ni Laura ang katahimikan ng paligid, sa totoo lang ay umaasa siyang pagdating nila ay naguunahan ang mga maid na lumabas para salubungin ang lawyer pero kabaliktaran ang lahat sa inaasahan niya.Tatlong palapag ang bahay nito ngunit sa labas palang ay masasa
Dalawang-araw pa ang tinagal ni Laura sa hospital bago siya tuluyan na ma- discharged. Hindi na bumalik si Adan simula ng mangyari ang bagay na ‘yun, wala pa rin siyang idea kung ano ang dahilan ng pagka-bad moon bigla ng lawyer.“Nakakahiya naman kung tatawagan ko siya,” bulong niya sa sarili habang
May ilang napatingin sa lakas ng pagkakasarado ni Elijah sa pintuan, pero wala siyang pakialam. Hindi niya lubusan na matanggap ang narinig mula kay Laura, kahit anong pamimilit niya noon sa ex-girlfriend ay ayaw nitong ibigay ang sarili hanggang hindi sila kasal.Pero ngayon ay parang simpleng bagay
Mariin na tumingin si Adan sa kaniya, wari'y seryosong-seryoso ito sa paniningil sa kaniya.Bago pa man siya makapag-react ay inabot na nito ang cellphone niya sa gilid at binuksan, "but I dont think you can pay me with your money here, Ms. Zapanta. Mukhang lalo kang naghihirap, paano mo ako babayara






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
レビュー