Alexena"E, bakit gano'n? Parang hindi ka kilala kapag magkakaharap tayo? Ano 'yon arte lang?" lito pa ring tanong nito.Hindi, nagkaka-selective amnesia lang si gago kapag kaharap ka namin.Sa halip na sabihin iyon ay nagkibit-balikat ako. "Galit siguro. Hindi ko naman din masisisi. Matagal din kaming nagkasama, naging magkaibigan at naging higit pa tapos bigla kong iniwan nang walang paalam. Basta, alam ko galit 'yon sa akin. Halata naman... saka inaasahan ko na 'yon. Pero hindi naman 'yon ang pinoproblema ko kasi hindi ko na maibabalik pa ang nagawa ko at ang nakaraan."Tumayo na ito kapagkwan at lumakad-lakad na parang hindi mapakali habang nakakunot ang noo. "E, ano pa kung gano'n?""The problem here is he's asking me to stay away from you. Ang paniniwala at ang alam kasi niya ay higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sa ating dalawa." "What? At bakit naman daw?" gulat na tanong nito, halata rin ang pagkalito.Iniiwas ko ang tingin dito bago tumitig sa pinto. "According sa pagkak
Alexena"Salamat po," ani ko sa may-ari ng kamay na pumigil sa pinto ng elevator bago iyon magsara para makahabol na makasabay ako. Sumalubong kaagad sa akin ang magandang kanta na nagmumula sa maliit na speaker sa loob mismo ng elevator noong nakapasok na ako roon. Pero hindi ko makuhang i-appreciate iyon sa pagkangarag ko ngayong araw na ito. Pati nga ang nagmagandang loob na kasama ko sa elevator ay ni hindi ko na nilingon pa at hindi na ako nag-abala pang magtaas ng tingin mula sa abalang paghahanap sa bag ko ng telepono kong hindi ko alam kung saan ko ba nailagay dahil sa pagmamadali ko kanina sa paggayak.F*ck. Nasaan ka na... magpakita ka naman na.Nananalangin na pakiusap ko habang naghahalungkat pa rin.Hays. Naiwan ko pa yata.Kainis. Umagang-umaga ay naba-badtrip tuloy ako, doon pa naman nagpapadala ng mensahe ang ibang mga board pati na ang iba na makaka-meeting at nagpapa-schedule ng meeting kay Hero.Patay ako, kung alin pa ang importante ay mukhang iyon pa ang nalimuta
Alexena"Kanina pa ako tumatawag. Papasok ka ba?" reklamong bungad na tanong ni Hero sa akin mula sa kabilang linya.May dalaw ba ito? Ba't parang ang sungit?Natawa ako sa naisip ko at tuluyan nang hindi na pinansin pa ang presensiya ng kasama kong bwisit sa elevator. "Yes po. Late lang po ako. Sorry na po," malumanay kong sagot."Okay. Akala ko lang kasi hindi. Papakaltasan na sana kita ng isang araw na suweldo sa payroll officer natin, e," biro nito.Lalo akong natawa. "Grabe siya sa akin. Ang lupit mo naman po. Huwag gano'n. Late lang, huwag naman buong araw. Saka may vacation leave pa po akong natitira,” katwiran ko."Considered as leave without pay 'yon since hindi ka nagpaalam at wala ko namang approval.""Grabe talaga siya... sorry na nga, late lang talaga ako.""Malay ko bang late ka lang, madalang ka lang na nale-late kaya nagtaka ako. Walang abiso na wala ka, wala rin akong naaalala na nagpaalam kang magli-leave today. So, nag-aalala ako kung ano na ba ang nangyari sa iyo.
AlexenaDahil hamak na mas malapit ang puwesto ng work station ko sa pinto kung saan nakaupo si Mikey, sa harapan ng mismong mesang gamit ko ay inuna ko nang ibinaba ang tasa ng kape nito roon. “Thanks,” ani nito, na sa pandinig ko ay labas sa ilong na pasasalamat, halatang napipilitan. Gustong umikot ng mata ko. Tutal naman ay mutual ang nararamdaman namin dahil napipilitan lang din ako na ipagtimpla talaga ito, bawiin ko na lang kaya ang kape at lason na lang ang itimpla ko para rito? Kung hindi nga lang masyadong obvious kapag bumula ang bibig nito ay lason talaga ang balak kong ibigay sana. Hindi na lang ako kumibo, sa halip ay tinalikuran ko ito at nilapitan naman si Hero, automatic na pinalitan ko ng masayang ekspresyon ang mukha ko. “Here’s your favorite coffee na.” Nakangiti na agad na inabot naman iyon ni Hero at hindi na hinayaan pang maibaba ko sa lamesa nito, pagkatapos ay inamoy-amoy pa na parang kay sarap-sarap talaga ng pagkakatimpla ko. “Amoy pa lang ang sarap n
AlexenaBigla akong nanigas sa kinauupuan ko at kinabahan dahil sa narinig.D*mn. Hindi naman sa pag-a-assume pero hindi naman siguro ako. Saka ayoko rin! No! Big NO! "Mas prefer ko na babae ang pansamatalang assistant na makakasama ko, bukod sa malikot at makulay ang utak, ang gusto ko ay competitive. Saka walang work experience ang ipinapahanap ko sa HR na iha-hire nila upang maging assistant ko. Gusto ko kasi ay baguhan, walang sungay at madali pang mapasunod. At dahil do'n siyempre ay makakasama sa trabaho ng pansamantalang magiging assistant ko ang pagte-train sa baguhan na makakapasa sa standards ko. So, hindi si Mathos ang gusto kong kuhanin at ang tingin kong kuwalipikado sa posisyong iyon." Lalong kumakabog ang dibdib ko dahil sa mga naririnig ko. Kung hindi si Mathos? Sino pa ang kasama sa pagpipilian? Sh*t. Kahit na pansamantala pa 'yon ay ayoko pa rin na makasama ako sa choices! No talaga! Please, Lord!"So, I think itong girlfriend mo talaga ang perpektong tao para pu
AlexenaMasama ang timplada ng mukha na tinitigan ko ang saradong pinto ng opisina ni Mikey bago napabuga ng hangin.Paano ba naman kasi, lahat na lang yata ng ginagawa ko ay pinupuna nitong unggoy na bagong boss ko.D*mn. Halatang-halata ko, e. 'Di naman kasi ako manhid at tanga.At oo, iba na nga ang boss ko! Pansamantala kuno! Which is sana nga ay totoo talaga dahil ilang araw ko pa lang na kasama ito ay gusto ko nang sumuko dahil sa pakiramdam ko ay hindi ko kayang tagalan ang ugali nito! Tsk. Sino pa nga ba? Kung hindi ang nakakakunsume sa lahat nang nakakakunsume. Shiz! Ewan ko ba. Sinalo na yata kasi nito ang lahat ng negatibong bagay na kapintas-pintas naman talaga sa pag-uugali at gawi nito na nakikita ko! Hindi lang iyon, kundi pati na rin sa mga salitang naririnig ko na lumalabas sa bibig nito!Dahil nagtagumpay ang kampon ng kasamaan at hari ng kadiliman sa binabalak nito ay nakuha ako nito na maging pansamantalang assistant nang walang kahirap-hirap! Hindi ako nagkamali s
AlexenaPasimple akong nagbuga ng hangin. "Okay po. May iuutos pa po kayo, Sir?" magalang at bait-baitan kong tanong kahit na ang gusto ko talagang gawin ay ihampas dito ang hawak kong telepono, kung mabibigyan lang sana ako ng langit ng pagkakataon.Kaso, masama at mali iyon kaya alam kong hindi ako pagbibigyan ng Nasa Itaas sa hiling ko.Matagal bago sumagot ang lalaki, nag-iisip pa yata ng panibagong plano kung paano ako pahihirapan o naghahanap pa ng iuutos sa akin para lang sumuko ako at mapalayas na sa buhay ni Hero at siyempre sa buhay nito. Ganyan 'yan, e. Sobrang evil. Ibang-iba kay Hero. Hays. Bakit kasi hindi man lang yata naambunan ng kahit kaunting kabaitan ng lalaking 'yon ang isang 'to na mukhang takas pa yata sa impiyerno? Sungay na lang ang kulang at buntot. 'Di ko lang sure if mayroon ito, baka sobrang galing lang talagang magtago kaya hindi ko pa nakikita at napapansin. "Wala na. I'll send you her address, pakipadala na rin today before lunch time," sabi nito at b
AlexenaSo, he's really on a date, huh?Kahit na pakiramdam ko ay gustong magdilim ng paningin ko ay hindi ko naman magawang alisin ang mata ko sa pareha na sobrang sweet ang tinginan, kahit sino ang makakakita ay hindi maikakaila na may relasyon ang mga ito at kung ako ang tatanungin kung kaya ko bang maghapon na panuorin ang mga ito ay baka sumuka ako... este, sumuko pala dahil nakakaumay sa sobrang tamis.Napaismid ako kalaunan nang mapansin na abot yata hanggang tenga ang pagkakangiti ni Mikey habang may sinasabi ito sa babae na tuwang-tuwa naman, siguro ay nambobola. Bumaba ang mata ko sa mesa ng mga ito at nahagip ng paningin ko ang pasimpleng paghaplos-haplos ng lalaki sa kamay ng dalaga.Hmp! Tsansing! At mukhang gustong-gusto naman no'ng isa! Automatic na napasimangot ako. Kung kanina ay may kirot akong nadarama, ngayon ay mas kapansin-pansin at nangingibabaw na ang pagkaasar ko. Argh! Hindi ko lang talaga mapigilan! Nakakainis kasi! Ang sarap sampal-sampalin ni Mikey. Na