Share

KABANATA 7 (Flashback)

[Four years ago...]

Alexena

Walang nagtatangkang magsalita sa amin habang naglalakad, pero binitawan na rin nito ang kamay ko nang makababa na kami sa wakas na gusto kong panghinayang dahil sa init na ibinibigay nito na nakakapagpagaan ng pakiramdam ko sa hindi ko malaman na dahilan.

"Kain tayo?"

Naikurap ko ang mata ko sa tanong nito.

Noon ko lang kasi naalala na hindi pa nga pala ako nakakakain mula nang magbiyahe kanina at alam kong hindi maganda para sa akin ang magpalipas ng gutom dahil ako rin ang aani niyon, sigurado kasing sasakit ang ulo ko kapag hindi pa nalamnan ang sikmura ko. Masuwerte nga ako at hindi pa nagsisimulang sumakit kahit pa nga sinabayan ko pa ang walang laman na sikmura nang marami-raming pag-iyak.

Hindi na ako nagpakiyeme pa, tumango ako at sinenyasan naman ako nito na sumunod dito bago nag-umpisang maunang maglakad. Sumunod lang ako rito hanggang sa makarating kami sa isang tindahan ng lugaw.

Nilingon ako nito. "Okay lang ba sa iyo rito?"

Nauna na akong umu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status