Share

Kabanata 145 Marry Me Again

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-06 09:09:21
Nakaupo si Kyle sa sofa, hawak ang telepono at kausap si Lucas.

“Bro, sana nandito ka bukas. Malaki ang parte mo sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Pero naiintindihan ko kung hindi ka makakauwi. Alam kong busy ka.”

“Pasensya na, Kyle. Hindi ako makakabalik agad. Nasa France ako para i-finalize ang branch ng perfume business. Pero tandaan mo, kahit wala ako dyan, buong puso ang suporta ko. Gawin mo ‘yan para sa pamilyang bubuuin mo,” anang kaibigan sa kabilang linya, may halong lungkot at tuwa ang tinig nito.

“Salamat, Lucas. I’ll make sure na magiging espesyal ang proposal. Para sa babaeng pinakamamahal ko.”

“I’m happy for you, bro.”

“Ikaw kailan ka maghahanap ng babaeng papakasalan? Baka akala mo bumabata ka.”

“Hindi hinahanap ang pag-ibig, kusang dumarating. Tsaka ang dami kong reserba. Huwag mo akong alalahanin,” himig biro nito.

“Bro, iba kapag mahal mo talaga ang kasama mo tapos bubuo kayo ng pamilya. Priceless ‘yung saya.”

“Sige bro, tama ‘yan, inggitin mo pa ako,” anitong natataw
Maria Bonifacia

Dear readers, excited na po ba kayo sa nalalapit na pagwawakas ng love story ni Mira at Kyle? Handa na ba kayo sa kwento ni Jenny at Sebastian? Walang bibitaw! Maraming salamat po!

| 99+
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (9)
goodnovel comment avatar
Julie Mae Gomez
congratulations ......
goodnovel comment avatar
Winie Donesa
true love exist ...... excited Ako sa story nila jenny and Seb ... and also Yung Lucas and Maya ......
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
thanks so much po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 510 Unconditional Help

    Parang may sumabog sa loob ng dibdib ni Iris.“Hindi kayo?” ulit niya, halos pabulong. “Hindi ka nililigawan ni Daryl??”Umiling si Candice, dahan-dahan. “Hindi po.”Napakurap si Iris. “Eh bakit… bakit magkasama kayo ngayon?”Bahagyang napangiti si Candice, pero may lungkot sa mga mata. “Hindi po pwede si Maya. Kaya ako ang pinapunta niya.”Tumango si Iris, pilit inaayos ang sariling hininga.“Akala ko ngakakamabutihan na kayo. Sino…” naglakas-loob siyang itanong. “Sino ang mahal ni Daryl?”Sandaling tumahimik si Candice. Tumingin ito sa salamin, saka sa kanya. “Mas mainam po siguro kung sa kanya mismo manggagaling, Ma’am Iris.”Ngumiti at tumango na lamang siya.***Pagkatapos ng event, magkasabay na naglalakad sina Candice at Daryl papunta sa parking area. Pagod ang binata, tahimik, parang may dinadala sa loob.“Bakit hindi mo ihatid si Iris?” tanong ni Candice.Hindi agad sumagot si Daryl. Sumulyap lang siya sa malayo, kay Iris na nakatayo sa tabi ni Harvey at ni Don Apollo, kausap

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 509 Not Me

    “Bakit napatawag ka?” sabi ni Iris.Sa loob ng bahay, nagpatuloy ang tawanan.Sa labas, unti-unting tumitigas ang desisyong hindi pa niya kayang pangalanan. Basta naiinis siya at magkasama sina Daryl at Candice.“Yes, Harvey,” ulit niya, mas malambing pa rin ang boses para ipadinig kay Daryl.Sa kabilang linya, parang agad nagbago ang tono ni Harvey, biglang mas kampante.“Akala ko busy ka. Pero I’m glad you answered. Missed your voice,” anitong may halong pag-angkin.Napapikit si Iris. Hindi siya sanay sa ganitong lambing mula kay Harvey, hindi nakakakilig. Mas nakakainis.“Harvey… kumakain lang ako, mamaya na lang,” sagot niya, iwas sa detalye.“Eat well, baby. I want to see you soon,” dugtong nito. “Public event this weekend. Gusto kitang makasama. Let them see us… together.”Tawa ang naging sagot niya ng makitang sumisilip si Daryl. “Sure,” kahit ayaw niya.Sa loob ng bahay, hindi sinasadyang narinig ni Daryl ang bahagyang tawa ni Iris. Hindi malinaw ang mga salita, pero sapat ang

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 508 Pride and Jealousy

    Malalim ang iniisp ni Iris. Hindi siya dapat mauna, babae siya.Hanggang mag-uiwan na. Nakapatay na ang karamihan ng ilaw, desk lamp na lang ang bukas sa harap niya. Nakabukas ang chat box ni Daryl sa cellphone.Mahaba na sana ang naisusulat niya.“Daryl, pasensya na kung naging immature ako kagabi. Hindi ko dapat sinabi yung tungkol kay Harvey. Nasaktan ako pero mas nasaktan yata kita…”Huminto ang daliri niya.Binura niya ang isinulat.Sinubukan ulit.“Namimiss kita. Hindi ko alam kung saan ba ako nakalugar sa puso mo. Mahirap pala ang walang label.”Binura ulit.Napabuntong-hininga siya, napasandal sa upuan.Bakit siya ang mauunang magparamdam?Bakit parang siya ang naghahabol kahit wala namang label?Ipinatong niya ang cellphone sa mesa, nakabaligtad.Biglang tumunog ang notification.Napaigtad siya.“Musta ka? Kumain ka na ba?”Galing kay Daryl. Nanlaki ang mata niya. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kinuha niya agad ang cellphone, tapos biglang ibinaba ulit.Hindi.Hin

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 507 No Label

    Nanikip ang dibdib ni Iris. Hindi niya narinig ang usapan, hindi niya alam ang dahilan, ang nakita lang niya ay ang yakap. At sapat na iyon para masaktan.Tahimik siyang tumayo. Kinuha ang bag. Ay umalis ng hindi nagpapaalam.Pagbalik ni Daryl, hinahanap niya si Iris.“Nay, nasaan po si Iris?”“Hindi ba at katabi mo kanina? Baka nagpunta sa banyo,” sabi ni Nanay Lily.Umikot ang paningin niya.Nakita niya itong palabas.“Iris!” sigaw niya at hinabol ito.Sa labas, malamig ang hangin. Tahimik ang kalsada.“Iris, wait! Bakit aalis ka na? May emergency ba? Ihahatid na kita,” habol ni Daryl.Huminto si Iris, pero hindi humarap.“Hindi mo kailangang magpaliwanag,” sabi niya, pilit matatag ang boses. “Gets ko na.”“Get mo na ang alin?” takang tanong ni Daryl. Lumapit ito, hinawakan ang braso niya. “Please, tumingin ka sa mga mata ko.”Huminga nang malalim si Iris at humarap sa binara, nangingilid ang luha.“Bumalik ka na kay Candice mo, nakakahiya sa kanya baka hinahanap ka na. Uuwi na ako!

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 506 Birthday Celebration

    Nagulat si Daryl nang makita sina Iris at Candice sa iisang shop.“Oh,” ani Daryl, bahagyang ngumiti. “Kayo pala. Anong ginagawa ninyo dito?”Sa loob-loob ni Iris, parang may alarm na tumunog. “Hello!” tangi niyang nasabi.Si Candice naman ay biglang nagkunwaring interesado sa display ng medyas na parang iyon ang pinakamahalagang bagay sa mundo.“Ah… errands lang,” sagot ni Iris, pilit kalmado. “Ikaw?”“May bibilhin lang,” sagot ni Daryl, walang bahid ng duda. Hindi man lang nito napansin ang mga paper bag na halos itinago ni Candice.Ngumiti si Candice at agad iniabot ang hawak niyang maliit na kahon. “By the way, Daryl. Advance happy birthday.”Umikot ang mata ni Iris. Akala ba niya surprise para kay Daryl? Talagang gusto nitong mauna sa pagbati.Natigilan si Daryl. “Ha? Paano mo nalaman?”“Secret,” sagot ni Candice, sabay kindat. “Buksan mo mamaya.”“Salamat,” aniya, halatang nagulat pero genuinely thankful. “Hindi mo naman kailangang mag-abala.”“Gusto ko, bagay sa’yo ‘yan. Parang

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 505 Birthday Gift

    “Don Apollo, kapag hindi ako nakaligtas, pakisabi kay Iris na mahal ko siya. Matagal na. Noon pa.”“Magpokus ka sa kalsada! Hindi tayo mamatay dito!”singhal ni Don Apollo.Lumalakas ang ulan.Sa gitna ng madulas na kalsada, lumalangitngit ang gulong ng sasakyan habang pilit na kinokontrol ni Daryl ang manibela. Nawalan na ng silbi ang preno, walang kapit. Ang ilaw ng mga kasalubong na sasakyan ay parang mga kidlat na salit-salitang sumasalubong sa paningin nila.“Daryl!” napapikit si Don Apollo, mahigpit ang hawak sa armrest.“Huwag po kayong gagalaw,” mariing sabi ni Daryl, kalmado ang boses kahit ramdam ang tensyon. “Trust me.”Hindi siya sumigaw. Hindi rin nagpanic.Sa halip, binawasan niya ang bilis, inikot nang bahagya ang manibela para iwasan ang paparating na truck, saka ginamit ang engine brake. Isang maling galaw lang, at tapos na ang lahat. Hindi maaari. Magtatapat pa siya ng feelings niya kay Iris.Sa huling segundo, ibinangga niya ang sasakyan sa gilid ng bakod, kontrolado,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status