Share

Kabanata 147 Bridal Shower

last update Last Updated: 2025-09-06 13:31:26

Nasa isang eleganteng bridal shop si Mira, nakasuot ng puting gown na simple pero napakaganda at elegante, may mga bulaklak at kristal na burda sa laylayan. Nandoon sina Nanay Mel, Maya, at si Lolo Mario na halatang abot-tenga ang ngiti habang tinitingnan ang apo sa salamin.

“Naku, anak… parang kahapon lang, bata ka pa na mahilig tumakbo sa palayan at madalas madapa. Ngayon, bride ka na. Ang ganda-ganda mo.”

“Ate, para kang prinsesa! Para kang lumabas sa fairytale. Napakaganda mo.”

Si Mira ay bahagyang tumingin sa salamin, kontento siya sa simpleng ganda ng gown.

“Gusto ko nga sana mas simple pa dito.”

Biglang nagsalita si Lolo Mario.

“Simple? Aba, apo, hindi puwede! Ikaw ang magiging pinakamagandang ikakasal sa buong bayan! Ilagay natin ng diamonds sa laylayan, tapos emerald sa veil! Dapat kumikinang ang damit mo mula altar hanggang reception!”

Nagtawanan sina Maya at Nanay Mel, pero siya ay napailing, bahagyang nahihiya.

“Lolo, baka magmukha na akong Christmas tree n’yan.”

“Tama si
Maria Bonifacia

Thank you for letting our characters steal your heart. Abangan ang pagwawakas ng kwento ng pag-ibig ni Mira at Kyle, ilang chapters na lang po! Huwag mag-alala, padating na ang Book 2 na pagbibidahan ni Jenny at Sebastian.

| 3
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa pagbabasa, comments, gifts, at gems!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 149 Wedding Reception

    Emosyonal nang magsalita si Mira. Lumapit siya ng kaunti kay Kyle, halos manginig ang boses niya.“Kyle, ipinapangako ko, hindi lang kita mamahalin sa mga araw na masaya, kundi higit sa lahat, sa mga araw na mahirap at masakit. Hindi kita iiwan sa gitna ng unos, sapagkat ikaw ang dahilan kung bakit ko kakayanin ang lahat.”“Mahal na mahal kita, Kyle. Ikaw ang una kong iniisip sa umaga, at ikaw ang huling pinagdadasal ko bago matulog. At ngayon, sa harap ng Diyos at ng lahat ng mahal natin… ipinapangako ko, habang buhay kitang mamahalin.”Niyakap ni Nanay Mel si Maya habang tahimik na umiiyak, parehong puno ng tuwa para kay Mira.Sina Lolo Mario at Don Renato ay nakangiti, kapwa nakaramdam ng katahimikan at pagkakabuo ng pamilya.“Sa harap ng Diyos, ng inyong mga pamilya, at mga saksi, idinedeklara ko kayong opisyal na mag-asawa. Pwede mo nang halikan ang iyong asawa,” anang pari.Nagyakap at naghalikan sina Mira at Kyle, mahaba, puno ng pagmamahal at pangakong walang hanggan.Isang ma

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 148 The Big Day

    Isang gabi bago ang kasal, dinala nila Lucas at Sebastian si Kyle sa isang pribadong restobar kasama ang iba pang malapit na kaibigan. May simpleng dekorasyon, banner na nagsasabing “Groom to Be!”“Grabe kayo, hindi naman ako mawawala. Kasal lang ‘to, hindi na ako lilipad sa Mars,” naiiling na sabi ni Kyle.“Hoy, iba ‘to! Kailangan may konting ritual bago ka tuluyang mailagay sa hawla. Don’t worry, wholesome lahat. Walang kalokohan.”Tahimik lang si Sebastian sa gilid, may hawak na baso ng alak. Si Lucas agad ang bumabangka sa biruan.“Seb! Dapat ikaw ang mag-toast para kay Kyle.”Napakamot sa batok si Sebastian, halatang naiilang.“Cheers to your happiness that broke my heart! But seriously, I want you and Mira to be happy!” ani Sebastian at itinaas ang kopita.“Salamat, Seb. Cheers to our brotherhood!”Nag-toast at uminom ng wine ang sampung mga kalalakihang pawang mga matagumpay na negosyante sa bansa.Biglang dumating ang banda at kumanta ng paboritong awit ni Kyle. Sabay sabit ni

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 147 Bridal Shower

    Nasa isang eleganteng bridal shop si Mira, nakasuot ng puting gown na simple pero napakaganda at elegante, may mga bulaklak at kristal na burda sa laylayan. Nandoon sina Nanay Mel, Maya, at si Lolo Mario na halatang abot-tenga ang ngiti habang tinitingnan ang apo sa salamin.“Naku, anak… parang kahapon lang, bata ka pa na mahilig tumakbo sa palayan at madalas madapa. Ngayon, bride ka na. Ang ganda-ganda mo.”“Ate, para kang prinsesa! Para kang lumabas sa fairytale. Napakaganda mo.”Si Mira ay bahagyang tumingin sa salamin, kontento siya sa simpleng ganda ng gown.“Gusto ko nga sana mas simple pa dito.”Biglang nagsalita si Lolo Mario.“Simple? Aba, apo, hindi puwede! Ikaw ang magiging pinakamagandang ikakasal sa buong bayan! Ilagay natin ng diamonds sa laylayan, tapos emerald sa veil! Dapat kumikinang ang damit mo mula altar hanggang reception!”Nagtawanan sina Maya at Nanay Mel, pero siya ay napailing, bahagyang nahihiya.“Lolo, baka magmukha na akong Christmas tree n’yan.”“Tama si

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 146 Wedding Preparation

    Napilitang lumapit si Sebastian, halatang alanganin, pero sa tindi ng sigaw at tuwa ni Katie, wala na siyang nagawa. Dahan-dahan siyang lumapit, mabigat ang hakbang, ngunit pinipilit maging maayos ang reaksyon ng mukha.Pagdating niya sa harap nina Mira at Kyle, pinakawalan niya ang isang pilit ngunit magalang na ngiti.“Congratulations… Kyle, Mira.” sabay tingin kay Katie“At ikaw, Katie… ang galing mong sumayaw ah.”Tumakbo ang bata at niyakap si Sebastian sa bewang, masaya itong makita ang tiyuhin.“Happy ako kasi nakita po kita, Uncle Seb! Ang saya-saya po namin.”Nagkatinginan sina Mira at Kyle. Lumuhod si Sebastian para yakapin ang bata pabalik.“Oo, Katie. Masaya ako para sa inyo.”Sandali siyang tumingin kay Mira, may bakas ng lungkot, pero malinaw din ang pagsuko at pagtanggap. Tapos ay inabot niya ang kamay kay Kyle.“Congratulations. Alagaan mo sila.”Tinanggap ni Kyle ang kamay ng kapatid. Ang simpleng pagkakamayan na iyon, bagama’t puno ng bigat, ay tanda ng unti-unting p

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 145 Marry Me Again

    Nakaupo si Kyle sa sofa, hawak ang telepono at kausap si Lucas.“Bro, sana nandito ka bukas. Malaki ang parte mo sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Pero naiintindihan ko kung hindi ka makakauwi. Alam kong busy ka.”“Pasensya na, Kyle. Hindi ako makakabalik agad. Nasa France ako para i-finalize ang branch ng perfume business. Pero tandaan mo, kahit wala ako dyan, buong puso ang suporta ko. Gawin mo ‘yan para sa pamilyang bubuuin mo,” anang kaibigan sa kabilang linya, may halong lungkot at tuwa ang tinig nito.“Salamat, Lucas. I’ll make sure na magiging espesyal ang proposal. Para sa babaeng pinakamamahal ko.”“I’m happy for you, bro.”“Ikaw kailan ka maghahanap ng babaeng papakasalan? Baka akala mo bumabata ka.”“Hindi hinahanap ang pag-ibig, kusang dumarating. Tsaka ang dami kong reserba. Huwag mo akong alalahanin,” himig biro nito.“Bro, iba kapag mahal mo talaga ang kasama mo tapos bubuo kayo ng pamilya. Priceless ‘yung saya.”“Sige bro, tama ‘yan, inggitin mo pa ako,” anitong natata

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 144 Baby Number Two

    Maaga pa lang ay abala na si Kyle sa kusina. Nakasuot ito ng apron at seryosong nagpiprito ng bangus habang may sinangag sa kalan. Malakas ang amoy ng pritong isda.Pumasok si Mira na kakagising lang, naka-duster at inaantok pa. Paglapit niya sa kusina, bigla siyang napasinghap.Kunot-noo siya habang hawak ang ilong.“Kyle… ano ba ‘yang niluluto mo? Ang… ang baho.”Napalingon si Kyle, napakamot ng batok.“Daing na bangus! Special ‘yan, paborito mo ‘to, hindi ba? Masarap ‘to, promise.”Ngunit habang papalapit siya, napakapit siya sa counter, parang umiikot ang paligid.“Mira? Oh, teka, anong nangyayari sa’yo?” ani Kyle na nag-aalala.Hindi na siya nakasagot agad, sapagkat sumugod siya sa lababo at nagsimulang magsuka. Agad na lumapit si Kyle, hawak ang buhok niya para hindi mabasa, habang hinahagod ang likod niya.“Mira! Okay ka lang ba? May sakit ka ba? Anong nararamdaman mo?” natatarantang sabi ni Kyle.Huminga siya ng malalim, pinahid ang luha sa gilid ng mata, at umupo sa isang sil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status