LOGINSana po ay nagustuhan ninyo ang love story nila Jenny at Sebastian. Maraming salamat po sa comments, gifts, at gems na inyong ibinibigay. Godbless po!
“Tara na umuwi na tayo at baka bumalik pa ang mga iyon,” tanging nasabi ni Theo.Hindi sumagot si Fiona.Kinuha nito ang makeup remover mula sa maliit na bag.“Don’t move.”Maingat nitong pinunasan ang foundation sa pisngi niya. Sumunod ang kulay sa mga mata, saka ang lipstick.Bawat dampi ng mga daliri ni Fiona ay banayad.Nang mabura ang huling bakas ng lipstick, natigil ang kamay nito sa labi niya.“I’m sorry kung nadamay ka sa gulong ito. Natatakot akong baka mapahamak ka,” ani Fiona.Hinawakan niya ang kamay nito at marahang hinalikan.“Tutulungan kitang malutas ang kaso sa kumpanya ninyo.”Isa iyong pangako na tutuparin niya kahit ano ang mangyari.***Kinabukasan, pagdating nina Fiona at Thess sa Ayala Tower, halos sinalubong sila ni Shaira sa bungad ng executive floor.“Ma’am, emergency board meeting po,” hingal nitong sabi. “Dumating na ang resulta ng Luxe Coastal proposal.”Biglang nanlamig ang mga kamay ni Fiona.Hindi na siya nagtanong. Dumiretso siya sa boardroom habang ta
Huminto si Theo.Ngumiti si Don Leandro habang itinuturo ang bakanteng upuan sa tabi niya.“Come, Ms. Thess. Huwag kang mahiya.”Pagkaupo ni Thess, agad na naramdaman ni Theo na hindi simpleng dinner ang gabing iyon.Limang investors ang nasa paligid ng mahabang mesa, ngunit sina Don Leandro at Warren lamang ang tila tunay na interesado sa kanya. Ang iba ay abala sa alak at tahimik na usapan tungkol sa merkado, na para bang dekorasyon lamang sila sa pribadong pagsusulit na inihanda para sa kanya.Maingat niyang inilapag ang handbag sa tabi ng upuan.Sa loob nito, nakatago ang maliit na wireless transmitter na nakakonekta sa cellphone ni Fiona sa sasakyan. Hindi iyon ordinaryong recorder lamang, live napapakinggan ni Fiona ang usapan.“Saan ka nagtrabaho bago ka kunin ni Fiona?” tanong ni Don Leandro.Mahinahon ang tinig nito. Halos parang simpleng pakikipagkilala lamang.Ngunit hindi nalinlang si Theo.“External security consultant po ako sa Silver Lining,” sagot niya sa banayad na ti
“Restricted ang lugar na ito,” sabi ni Fiona. “Paano ka nakapasok?”Hindi nawala ang ngiti ni Warren.“Your uncle gave me access. Pinapunta niya ako dito para tingnan kung may progress ang investigation.”Bahagyang tumigas ang panga ni Theo.Mula sa likod ng salamin, pinagmasdan niya ang lalaki. Hindi sapat ang sinabi nito para patunayang kasabwat ito ni Don Leandro. Pero malinaw na malapit sila.“Hindi ko kailangan ng bantay,” malamig na sagot ni Fiona.“Hindi ako bantay.” Napadako ang tingin ni Warren kay Thess. “Tinitignan ko lang kung maayos ang imbestigasyon.”Lumapit ito nang kaunti.“I’m having dinner with a few investors tonight. Sumama ka. Mas maganda kang kasama kaysa sa suspended assistant.”Bago pa makasagot si Theo, mabilis na sumingit si Fiona.“She’s unavailable.”Tumaas ang kilay ni Warren.“Bakit ikaw ang sumasagot para sa kanya?” Bumaling ito kay Theo. “Ano nga pala ang pangalan mo, Ms. Beautiful?”Bahagyang yumuko si Theo, pinanatiling banayad ang boses.“Thess po.”
Kinuha ni Fiona ang suspension notice at pinirmahan iyon nang walang pag-aalinlangan.Mula sa gilid ng kanyang paningin, nakita niyang napalingon sa kanya si Theo. Bahagyang kumunot ang noo nito, tila naghihintay na tutulan niya ang desisyon ng board o punitin ang papel sa harap ni Shaira.Sa halip, mahinahon niyang iniabot ang dokumento sa kanyang sekretarya.“Sino po ang pansamantalang papalit kay Sir Theo?” tanong ni Shaira.“Makikilala mo siya bukas.”Nagtaka man, tumango lamang ito. “Sige po, Ma’am.”Pagkasara ng pinto, ilang segundo munang nanaig ang katahimikan sa opisina.“Pinirmahan mo lang?” tanong ni Theo.May bahagyang pagtatampo sa boses nito na ikinatuwa ni Fiona, kahit hindi niya ipinahalata.“Board decision ’yan. Hindi ko puwedeng balewalain. Lalo silang magagalit.”“So papayag kang mawala ako nang sampung araw? Paano ang imbestigasyon?”“Suspended ka bilang Theo Alarcon.” Kalmado niyang isinara ang folder. “Hindi ko sinabing titigil ang trabaho mo.”Nagsimulang magbago
Galing kay Angel ang mensahe.“Naipa-check ko na ang ipinadala mong kopya ng dating titulo at ang internal acquisition memorandum. Pareho ang parcel number. Nakasulat sa memo na tumanggi ang tatay mo sa final offer. Si Lorenzo Ayala ang nag-apruba ng compliance action. Malaking ebidensya ito.”Tinitigan niya ang dokumento. May mga tatak sa gilid, pirma sa ibaba, at mga salitang matagal na niyang hinanap.Original Registered Owner:Alexander AlarconStonebridge Trading Corporation, ang kumpanyang itinayo ng lolo niya, pinaunlad ng mga magulang niya, at kilala sa lugar bilang family business na patas mga empleyado at maliliit na contractor.Bata pa lang ay tumutulong na siya sa warehouse, nagbibilang ng stocks, sumasama sa delivery, at nakikinig sa ama niyang mangarap na balang araw ay siya ang mamamahala ng negosyo nila.Kaya nang makita niya ang Ayala Tower na nakatayo sa dating lupa nila, hindi maiwasan ang pagsiklab ng galit sa kanyang dibdib.Humigpit ang hawak niya sa cellphone.Sa
Dinampot ni Theo ang cellphone. Napansin ni Fiona na naiba ang reaksyon ng mukha nito.“What happened? Sino ‘yan?” tanong niya.Mabilis na ni-lock ni Theo ang cellphone, pero hindi nito naitago ang pagbabago sa mukha. Nawala ang lambot sa mga mata nito, napalitan ng malamig na tensiyong hindi niya maintindihan.“May message lang mula sa ApexLab,” sagot nito.“Good or bad?”“Konting issue lang. Bukas ko na aayusin.”Hindi kumbinsido si Fiona.Pero ayaw na niyang magtanong.Kinuha niya ang cellphone mula sa kamay nito at inilapag iyon nang nakataob sa mesa.“Hindi ka ba nahihirapan na pagsabayin ang negosyo at trabaho mo?”“Hindi naman. Kayang kaya ko. Don’t worry, okay?”“Then deal with it tomorrow,” sabi niya. “Tonight, you’re with me. Paano ba kita mapapasaya?”Hinaplos niya ang dibdib nito at binuksan ang unang dalawang butones ng polo shirt.“Inaakit mo ba ako, my boss-wife?”“Oo, wala namang masama, mag-asawa tayo.”Napatitig si Theo sa kanya.“Fiona, huwag mo akong simulan. Alam k
“Close your eyes,” anang CEO. Sumunod si Maya.Lumapit ito at nilagyan ng piring ang kanyang mga mata.“Ipapadala ko po ang draft ng kontrata sa email,” aniyang ramdam ang malakas na tibok ng puso. “Anim na buwan lang po. Pagkatapos no’n, tapos na ang lahat ng ugnayan natin. Bayad na po ako sa lahat
Hindi makagalaw si Maya sa kinakatayuan.Nakayuko siya sa likod ng isang SUV at nanlalamig ang katawan, habang nakatanaw sa dulong bahagi ng parking kung saan niya nakita at hindi kayang paniwalaan ang eksena, si Camille at si Lance, magkalapat ang labi.Nanginginig ang daliri niya sa galit at gulat
“May gusto lang akong itanong. Sana matulungan mo ako. May nagpadala kasi sa akin ng bracelet kaso walang name. Hindi ko tuloy alam kung sino ang papasalamatan. Send ko sa’yo ang picture, kung okay lang,” ani Maya sa kaibigan ng Ate Mira niya.“Sure, no worries.”Ilang minuto siyang naghintay.Tumaw
May dalang bulaklak at chocolates si Lance na inabot kay Maya.“Perfect timing, I was just on my way to find you.”Napakurap siya. Ang bilis din nitong makabili ng regalo.“Thanks,” tipid niyang sagot, tinanggap ang bouquet na parang nagbuhat ng mabigat.“Dinner? Treat kita,” alok ni Lance, walang







