LOGINSa labis na tuwa ni Iris sa suporta ni Daryl ay niyakap niya ito.Nanigas si Daryl sa una, saka dahan-dahang gumanti ng yakap. Hindi mahigpit. Hindi nagmamadali. Parang hinahawakan ang isang bagay na ayaw nitong mabasag.May kung ilang minuto ding dinamdam nila ang init ng katawan ng isa’t isa. Pagkatapos ay nagkatitigan sila.Paghiwalay nila, hindi agad sila umiwas.Nagkatitigan sila, sapat ang lapit para maramdaman ang hininga ng isa’t isa.Nararamdaman pa rin niya ang init ng yakap niya kay Daryl kahit ilang segundo na silang magkahiwalay.“Nga pala,” biglang sabi ni Daryl, medyo alanganin ang ngiti. “Baka gusto mong… ulitin ’yung first kiss mo.”Nanlaki ang mata ni Iris. “Ha?”“Hindi mo kasi naalala,” dugtong niya agad, parang nagmamadaling ipagtanggol ang sarili. “Kung gusto mo lang naman.”May ilang segundong katahimikan.Tapos marahan, halos hindi halata, tumango si Iris. At pumikit.Parang may kumalabit sa dibdib ni Daryl. Dahan-dahan itong yumuko, sapat lang para halos magdik
Sa unang pagkakataon, nagkapalit sila ng posisyon ni Daryl.Kinabukasan lang dumating ang reply.Nagising si Iris na may mabigat pa ring pakiramdam sa dibdib, hindi galit, hindi tampo, kundi ‘yung uri ng lungkot na tahimik lang pero paulit-ulit bumabalik. Automatic niyang kinuha ang cellphone sa bedside table, parang may inaasahang message.Isang bagong notification galing kay Daryl.“Sorry. Long day. I was thinking of you.”Hindi mahaba. Walang paliwanag. Walang dahilan.Napapikit si Iris, at hindi niya napigilang ngumiti kahit may kurot sa puso. Ganito pala ang pakiramdam kapag ang isang tao ay hindi palaging available, pero sigurado ka na nasa isip ka pa rin niya.Hindi siya agad nag-reply.Hinayaan muna niyang lumipas ang ilang minuto.***Sa Timeless Tower, abala ang buong floor. May paparating na product launch, may media coordination, at may investors na gustong makipag-meeting.Habang naglalakad si Iris papunta sa conference room, may narinig siyang pamilyar na boses sa gilid
Huminga si Iris nang malalim bago nagsalita.“Daryl,” mahinahon niyang sabi. “Sige… payag akong ulitin ang first kiss natin.”Napalingon ang binata. Halatang nagulat, pero hindi umatras.“Wala talaga akong maalala,” dugtong niya. “So huwag kang mag-isip ng kung ano. Parang… pabaon ko lang sa’yo. Last day mo today.”Tumawa si Daryl nang mahina, pilit pinapawi ang kaba. “Okay,” aniya. “Bale… re-enact ba?”“Oo,” tumango si Iris. “Paano ba nangyari?”Napakamot si Daryl. “Ganito. Hinila mo ako sa storage room. Isinara mo ang pinto. Hinila mo ang kwelyo ng polo shirt ko… tapos idinikit mo ang labi mo sa labi ko.”Tahimik sandali si Iris. Parang sinusukat ang bigat ng bawat salita.“Hmmm,” aniya, may ngiti. “Madali lang pala.”Bago pa makapag-isip si Daryl, hinawakan na ni Iris ang collar ng polo niya at hinila siya palapit.“Wait--”Hindi na niya natapos.Dumikit ang labi ni Iris sa kanya kaso mali ang anggulo, masyadong biglaan at tumama ang ngipin niya sa labi ng binata.“Aray!”Napaatras
“Iris, ikaw lang ang iniisip namin, ang kinabukasan mo. Papunta ka pa lang pabalik na kami kaya makinig ka sa amin,” ani Donya Ester.“Mom, Dad,” mahinahon niyang sabi, pero may diin ang bawat salita, “hayaan ninyo po akong mamili sa taong gusto kong makasama habangbuhay.”Nagkatinginan ang mag-asawa.“Nakita ninyo naman po ang nangyari kay Kuya Lucas,” dugtong niya, mas tumitibay ang boses. “Pinilit ninyo siyang magpakasal sa hindi niya mahal. At halos masira ang buong buhay niya. Buti na lang nagkita sila ulit ni Maya.”Napabuntong-hininga si Donya Ester. “Iris, sabi mo si Harvey pala ang matagal mo nang hinihintay. So bakit bigla kang nagdadalawang-isip ngayon?” malumanay pero may halong pagtataka. “Huwag mong sabihin dahil kay Daryl?”Salit siyang natigilan dahil hindi niya alam ang sagot.Umiling si Donya Ester. “Mabait at matalinong si Daryl, yes. Pero hindi kayo bagay. Sa mundong ginagalawan mo, dapat lead provider ang lalaki sa relasyon. Alam naman nating ikaw ang mas mayaman.
Biglang tumunog ang cellphone ni Iris.“Wait lang tumatawag si Daddy.”Saglit siyang nag-alinlangan, pero sinagot niya.“Hello, dad,” mahinahon niyang sabi. Tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi ng ama. Hindi siya sumagot nang mahaba."Dad, mamaya na lang po tayo mag-usap.” Binaba na niya ang tawag.Bumaling siya kay Daryl. “Ano na nga ang sasabihin mo?”“Next time na lang,” sabi ni Daryl, mahina. “Sa ibang araw.”May kumurot sa dibdib ni Iris.Tumango siya. “Okay… next time.”Tahimik ang mansyon nang gabing iyon, pero hindi matahimik ang isip ni Iris.Nakahiga siya sa kama, nakapatay ang ilaw, nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang eksena kanina, nahiya lang siyang kulitin si Dary kung ano ang gusto nitong sabihin. Huminga siya nang malalim.At doon tumunog ang phone niya.“Musta? Just checking. Goodnight,” chat ni Daryl.Isang simpleng mensahe. Pero parang may humaplos sa dibdib niya.Napangiti si Iris bago pa niya mapigilan ang sarili.“Okay lang ako. Sa
Nagising si Iris na nakahiga sa sofa sa loob ng sala ng mansyon. May makapal na kumot na maingat na nakabalot sa kanya, at ang unang bumungad sa kanya ay isang pamilyar na amoy, woody, clean, at warm.Amoy ni Daryl.Napadilat siya agad. Umangat ang ulo niya, mabilis na naghanap ang mga mata sa paligid.Wala ito pero nakakumot pala sa kanya ang jacket nito.Tahimik ang buong mansyon, maliban sa mahinang ugong ng aircon. Dahan-dahan siyang bumangon, bahagyang sumasakit ang ulo, bakas pa rin ang epekto ng alak kagabi.Sa maliit na side table sa tabi ng sofa, may nakapatong na baso ng tubig, gamot, at isang maliit na papel, nakatupi nang maayos.Kinuha niya iyon.Handwritten.“Kapag masakit ang ulo mo, inumin mo ang gamot. Magpahinga ka muna.”Nanikip ang dibdib niya.Na-touch siya sa ganoong klaseng pag-aalaga, ‘yung tahimik, walang hinihinging kapalit.“Daryl…” mahina niyang bulong sa sarili.Hindi pa man siya tuluyang nakaka-recover, bumukas ang pinto ng mansyon.At pumasok si Don Apoll







