Maraming salamat po sa pagbabasa, comments, gifts, at gems. Mahal ko po kayo!
“Opo, bakit po? Sino kayo?!”“Hawak namin ang tatay mo. May utang siyang dalawang milyon. Kung gusto mo pang makita siyang buhay, bukas tatawagan kita kung saan mo dadalahin ang pera. Huwag na huwag kang magsusumbong kung ayaw mong lumutang sa ilog ang bangkay ng tatay mo!”"Anak, tulungan mo akooo!" sigaw ng tatay niya.Nanlamig ang buong katawan niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nanginginig ang kamay niya habang dahan-dahang ibinaba ang cellphone.Dalawang milyon. Bukas. At kung hindi, bangkay ng tatay niya ang lalabas sa ilog.Parang umikot ang paligid niya habang naglalakad pabalik sa mesa. Hindi niya namalayang halos mabangga na niya si Rhea sa hallway.“Hoy, okay ka lang? Para kang nakita ko multo,” nag-aalalang tanong ng kaibigan.“Okay lang,” mabilis niyang sagot at umupo. Pinilit niyang magbukas ng laptop para magmukhang abala. Pero kahit anong titig niya sa screen ay hindi siya makapag-concentrate. Ang tanging naririnig niya ay ang banta sa kabilang
Kasunod lang ni Sebastian si Jenny pagpasok sa building kaya kitang-kita nito ang eksena, si Andrei, nakangiti at inaabot pa ang bugkos ng sunflower sa kanya.Saglit na tila tumigil ang mundo niya nang marinig ang mababang tinig ni Sebastian sa likod niya.“Bahagi din ba ‘yan ng palabas mo para mawala ang tsismis, Jenny?”Napalingon siya, gulat na nandoon pala ang amo. Tahimik ang paligid, ngunit dama niya ang bigat ng tingin ni Sebastian, malamig ngunit matalim.“Hindi, boss. Nagulat nga din po ako,” sagot niya, halos pabulong. Ayaw niyang bigyan ng kulay ang sitwasyon.Sandali itong tumingin kay Andrei, bago ibinalik ang tingin sa kanya.“Oh, sige na Jenny, kita tayo mamaya sa lunch ha, babalik ako” ani Andrei bago tuluyang umalis.Naiwan siyang nakatayo, bitbit ang bouquet, at si Sebastian ay dahan-dahang naglakad papasok ng building na parang wala lang. Agad siyang sumunod sa amo. Mukhang mainit na naman ang ulo nito.***Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aayos ng mesa para lumabas
Pagdating ni Jenny sa bahay, katahimikan ang sumalubong sa kanya. Tanging amoy ng bagong lutong pagkain ang pumuno sa hangin. Paglapit niya sa dining area, nandoon si Sebastian, nakaupo at may hawak na baso ng tubig.“May pagkain sa mesa,” malamig nitong sabi, halos hindi siya tinitingnan.Napahinto siya at napatingin sa mesa, inihaw na manok, sinigang na hipon, at mainit na kanin. Kumalam ang tiyan niya. Kanina pa siya hindi kumakain, pero may parte sa kanya na gusto na lang umakyat at matulog nang walang dinner.“Bakit nga ba ako magpapaapekto?” sabi niya sa sarili. Mas mabuti nang mamatay na ang tsismis tungkol sa kanila. Mas tahimik ang buhay niya sa Tuazon Group kapag walang nagtatanong.Umupo siya sa dulo ng mesa, medyo malayo kay Sebastian. “Salamat,” maikli niyang sabi.Hindi sumagot si Sebastian, pero kinuha ang pitsel at nilagyan ng tubig ang baso niya. Tumango siya bilang pasasalamat at sinimulan nang kumain. Nang malasahan ang sabaw, hindi niya mapigilang mapabulong. “Ang
“I’m here to see Sebastian. I don’t need an appointment,” nakangiting sabi ng babae, parang close ito sa CEO.Tiningnan niya muna ang visitor log. “Ma’am, wala po kayong appointment. Busy po si Sir Sebastian ngayon.”Nag-angat ng kilay ang babae at tumawa nang malumanay, pero may yabang. “Oh, he’ll see me. Just tell him Vicky is here.”Napakunot ang noo niya. Vicky? Hindi niya kilala. “Ma’am, kahit po--”Pero bago pa siya matapos, dumiretso na si Vicky sa pintuan ng opisina ni Sebastian. “Sandali lang po! Bawal po pumasok ng walang paalam!” habol niya, pero hindi siya pinansin nito.Pagbukas ng pinto, nakita niyang nag-angat ng tingin si Sebastian mula sa ginagawa at nakangiti.“Vicky,” bati ni Sebastian. “It’s been a while.” Tumayo at nagyakap ang dalawa.Napatigil siya sa pinto. Tumingin sa kanya si Sebastian.“Jenny, leave us,” malamig na utos nito.Parang may kumurot sa dibdib niya. Napalunok siya bago bumitiw ng mahina. “Okay, boss.” At dahan-dahan siyang umatras at isinara ang p
Parang napako si Jenny sa pagkakahiga. “G-Good morning, boss!” mabilis niyang sambit, pilit na ngumiti kahit nanlalaki ang mata.Tahimik lang ito, nakatitig pa rin sa kanya, saka mabagal na umupo. “Jenny…”“Boss?”“Nakatulog ka sa braso ko kagabi,” kalmadong sabi nito, sabay ngiti nang bahagya. “At hindi mo binitiwan kahit umiikot ka sa kama. Napakalikot mo pala matulog.”Agad siyang tumalon pababa ng kama. “B-baka nananaginip ka lang, boss!”Narinig niya ang tawa ni Sebastian. Tumayo ito at pumasok sa banyo.Habang inaayos niya ang kumot, narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Napalingon siya sa salamin sa dingding at halos mahulog ang panga niya.Salamin lang pala ang dingding ng shower! Kita niya nang buo si Sebastian, nakatalikod at nasa ilalim ng agos ng tubig. Makinis, matambok ang puwet, at ang likod nitong parang hinulma.“Diyos ko po…” bulong niya, napayakap sa sarili. “Bakit gawa sa salamin ang banyo?!”Nanuyo ang lalamunan niya habang tinititigan ang tanawing hin
Pagpasok nila sa kwarto, natigilan si Jenny. Maliit lang ang silid, malamig dahil sa aircon, at iisang kama lang ang nakalatag. Wala man lang sofa o kahit ekstrang upuan.Napalunok siya. “Boss… wala bang ibang option? As in, dito talaga tayo matutulog?”Tahimik na inilapag ni Sebastian ang susi sa mesa at tiningnan ang paligid. “Looks like it.”Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama, ramdam ang malambot na kutson. Pero agad siyang napatayo nang mapansin ang salamin sa dingding at isa pa sa mismong kisame.“B-boss… bakit may salamin sa ceiling?!” halos pabulong pero nanginginig ang boses niya. Nanlalaki ang mga mata habang tinuturo iyon.Napataas ang kilay ni Sebastian at may bahid ng ngisi sa labi. “Jenny, motel ‘to, hindi hotel. Alam mo naman kung anong usually ginagawa dito ng mga tao.”“Ha?! Pero bakit kailangan may salamin?” napasapo siya sa noo, pakiramdam niya ay lalong namumula ang pisngi niya.“Boss, pinapangunahan na kita, huwag kang magtatangkang gawan ako ng kahalayan,”