Mag-log inMula sa aking puso, nagpapasalamat po ako sa inyong pagsubaybay, comments, gifts at gems! I appreciate your support.
Nanatiling nakatitig si Neil kay Cassandra na para bang naghihintay pa ito ng ibang sagot.Hindi agad nakapagsalita si Cassandra. Ramdam niya ang init na umakyat sa mukha niya, hindi dahil nahihiya siyang amining kasal siya, kundi dahil bigla niyang naintindihan kung saan nagsimula ang lahat.Ang CV niya.Single ang nakalagay doon.Kaya pala walang alam si Ms. Reyna. Kaya pala malakas ang loob ni Neil na lumapit.Bago pa niya maipaliwanag, naramdaman niya ang mainit at matatag na kamay ni Zion na dumausdos sa kamay niya.Napatingin siya pababa.Hinawakan nito ang kamay niya sa harap ni Neil at ng ilang empleyadong naglalakad sa resort lounge.“She’s very much married,” ulit ni Zion. “She’s my wife.”Hindi siya makahinga.Ang kamay ni Zion ay mahigpit na nakahawak sa kanya.Si Neil ay saglit na napatingin sa magkahawak nilang kamay.“Sorry,” mahinang sabi ni Neil. “Akala ko talaga single ka.”Kumibot ang konsensiya ni Cassandra.“Neil, kasalanan ko rin. Hindi ko na-update ang CV ko. Hi
Nagising si Cassandra sa liwanag na dahan-dahang pumapasok mula sa malaking bintana ng Presidential Suite.Una niyang naramdaman ang init.Hindi mula sa araw.Kundi mula sa bisig na nakapulupot sa bewang niya.Napakurap siya nang marahan. Ilang segundo siyang hindi gumalaw. Nasa dibdib niya ang braso ni Zion. Nakadikit ang likod niya sa katawan nito. Tahimik ang hininga nito sa batok niya, mabigat at payapa, parang sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming gabing puro abala, pareho silang nakatulog nang mahimbing.Napakasaya niya. Buong puso niyang ibibigay ng paulit-ulit ang sarili sa lalaking pinakamamahal.Dahan-dahan siyang lumingon. Tulog pa si Zion.Napangiti siya.Pero bigla itong gumalaw. Bumuka ang mga mata nito at agad siyang nakita.Nagkatinginan sila.“Good morning,” mahina niyang sabi.Bumaba ang tingin nito sa labi niya. “Morning.”Namula siya at mabilis na umupo. “Kailangan na nating bumaba. Baka hinahanap na tayo.”“Let them.”“Zion. Tara na, nakakahiya sa mga kasa
Hindi nakita ni Zion ang maliit na tabletang inilagay ni Fiona sa baso.Tinanggap niya ang baso.Pero may ibang nakakita.Si Theo, at agad itong lumapit.“Sir!” tawag nito. “Kailangan ko lang po ng signature ninyo.”“Nauuhaw na ako,” anitong inagaw ang baso sa kamay niya at pinalitan ng papel at dokumento.Bago pa makapagsalita si Fiona, nainom na ni Theo ang inuming may pampatulog.Natigilan ito.Si Fiona ay namutla.Napahawak sa ulo si Theo.“Theo,” mababa niyang sabi. “Ano’ng nangyayari sa’yo?”“Hindi ko po alam, sir. Pero…” Kumapit ito sa gilid ng bar counter. “Sir… bakit umiikot ang resort? Lumilindol ba?”Nanigas ang mukha ni Zion.Bumaba ang tingin niya sa baso.Pagkatapos ay tumingin siya kay Fiona.Nawala ang tapang sa mukha nito.“Fiona,” sabi ni Zion, sobrang lamig ng boses.“Bakit ako? Wala akong—"Pero hindi na niya kailangan marinig ang palusot nito.“What did you put in it?”Nanlaki ang mata ng babae.“Wala akong nilagay,” mabilis nitong tanggi.“Don’t lie to me.”Napah
Pagdating nila sa private resort, nakalimutan ni Cassandra ang pagod sa biyahe.Parang paraiso ang lugar.Malawak ang beachfront na maputi ang buhangin, may mga villa na nakahilera sa gilid ng palm trees, may infinity pool na kumikinang sa ilalim ng araw, at may tahimik na hangin na amoy dagat at mamahaling pabango ng lugar.“Wow,” bulong niya habang bumababa ng van. “Ito ba talaga ang raffle prize?”Tumabi sa kanya si Zion, naka-cap at mask pa rin.“Zion, parang pang-honeymoon ’to.”Saglit itong tumingin sa kanya. “Pwede naman.”Nanlaki ang mata niya. “Ano?”“Magiging honeymoon talaga natin ‘to.”Sa likod nila, biglang umubo si Theo.“Okay ka lang, Sir Theo?” tanong ni Cassandra.“Opo, Ms. Cassandra,” sagot nito. “Kayo okay naman sa byahe?”“Oo, salamat!”Lumapit ang staff para ibigay ang room assignments.“Each winner will have one villa,” paliwanag ng staff. “Kasama na po ang companion sa assigned room. Breakfast, lunch, dinner, and scheduled activities are covered.”Napatingin siy
Dahan-dahan itinaas ni Theo ang tingin sa CCTV camera, alam nitong nanonood si Zion.Iniisip nito kung mabubuhay pa siya pagkatapos ng raffle na ito.Nagulat pa ito ng tawagin ni Ms. Reyna.Nasa kamay nito ang papel na may pangalan ni Cassandra.Nakatayo si Cassandra sa hanay ng Communication Department, katabi ni Neil na nakangiti pa rin dahil nabunot ito.“Uy, partner,” bulong ni Neil. “Baka ikaw na next.”“Hay, malas ako sa raffle,” mahina niyang sagot, pero sa totoo lang, may maliit na parte sa kanya ang umaasa. Nakakatawa dahil dati ay wala siyang pakialam sa mga ganitong ganap. Kaya niyang bumiyahe kahit saang parte ng mundo pero tiyak na hindi papayag si Zion na pera ng mga Rosales ang gagamitin.Sa stage, nag-vibrate ang phone ni Theo.Mabilis nitong sinulyapan.Hindi nito sinagot.Parang gusto na nitong mag-half day ngayon. O mag-resign. O magtago muna.“Sir Theo?” tawag ng HR staff. “Third winner po?”Tumikhim si Theo. “Yes. Third winner.”Sa executive floor, sa likod ng tin
“Pasok po kayo. Sobra naman po itong mga dala ninyo,” natatawang sabi ni Cassandra upang pagaanin ang sitwasyon.“Walang sobra kapag anak ang pinag-uusapan,” sagot ni Leah.Si Don Carlos ay tahimik na nilibot ang paningin sa bahay. Nakita nito ang appliances. Ang maayos na sala set. Ang bagong gamit. Ang magandang finish ng buong bahay.“Maganda ang lugar,” sabi ng ama. “Mukhang hindi mura.”“Rent-to-own po,” mabilis na sagot ni Zion. “Payable in twenty years.”“Hmm.” Tumango si Don Carlos.Habang kumakain sila ng dinner, masaya si Cassandra. Si Leah ay panay puri sa bahay. Si Don Carlos ay tahimik pero nagmamasid. Si Zion naman ay magalang, kontrolado ang salita at kilos.“Kailan naman namin makikilala ang mga magulang mo, Zion?”Napatingin siya sa asawa. “Mom, na-meet ko na po ang parents ni Zion, busy po sila. Kapag po may time, tawagan ko po kayo.”Napangiti si Leah. “Good. Excited na kaming makilala sila.”Alam niyang hindi pa handang ibahagi ni Zion ang tungkol sa pamilya nito.
Parang napako si Jenny sa pagkakahiga. “G-Good morning, boss!” mabilis niyang sambit, pilit na ngumiti kahit nanlalaki ang mata.Tahimik lang ito, nakatitig pa rin sa kanya, saka mabagal na umupo. “Jenny…”“Boss?”“Nakatulog ka sa braso ko kagabi,” kalmadong sabi nito, sabay ngiti nang bahagya. “At
“Good evening po Sir Sebastian,” bati ni Jacob. Tumango lang ang CEO.Halata ang tensyon sa mesa. Pinipilit ni Jacob na gawing kaswal ang usapan, pero kapansin-pansin ang bahagyang pamumula ng tenga at pilit na tawa nito. Samantalang si Sebastian, tahimik lang.Naiipit si Jenny sa pagitan ng dalawa,
Hinarap siya ni Sebastian, basang-basa na rin ang polo at buhok. “Makinig ka, Jenny. Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa mga ‘yan. Konting damit lang dalahin mo. Iwan mo na ang iba.”Nanginginig ang labi niya, ayaw tanggapin ang sinasabi ni Sebastian. Madaling magsalita para sa taong madaming pambili
Tila barado ang lalamunan ni Jenny. Pinilit niyang ngumiti. “Ah… may inayos lang po ako sa apartment, boss.”Tumibok nang malakas ang puso niya, ramdam ang tensyon sa pagitan nila.Nanatiling naghihintay ng sagot sa pangalawang tanong si Sebastian. Napakagat siya sa labi bago sumagot.“Kaibigan ko ‘







