​Forbidden Possession: Owned by the Cold CEO

​Forbidden Possession: Owned by the Cold CEO

last updateLast Updated : 2026-04-23
By:  EUREKAUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pinalayas sa sariling tahanan at tinalikuran ng lahat, ang bilyonaryong si Julian—ang matalik na kaibigan ng kanyang ama—ang tanging sumagip kay Lia. Ngunit ang kaligtasang inalok nito ay may kapalit—ang kanyang kalayaan. ​Bilang bagong personal assistant ni Julian, kailangang sumunod ni Lia sa bawat utos ng lalaki. Ngunit habang tumatagal, ang pagiging "guardian" ni Julian ay nagiging isang obsesyon. He is cold, dominant, and dangerously possessive. ​Sa gitna ng bawal na pagnanasa, isang lihim ang mabubunyag—isang larawang magpapatunay na nagsinungaling si Julian tungkol sa pagkamatay ng ama ni Lia. Sa pagitan ng utang na loob at pagtataksil, kakayanin ba ni Liang takasan ang lalaking nagsabing siya na ang nagmamay-ari sa kanya?

View More

Chapter 1

KABANATA 1

Lia POV

  “Ano pa ang tinitingin-tingin mo riyan? Labas!”

  Halos tumalbog ang puso ko nang ibato ni Tito Gardo ang huling plastic bag na naglalaman ng mga lumang damit ko sa basang semento ng garahe. Kasunod niyon ay ang maleta kong sira na ang isang gulong. Tumama iyon sa binti ko, sapat para mapadaing ako sa sakit, pero hindi ko nagawang dumaing nang malakas.

  “Tito, gabi na po. Maulan,” pakiusap ko. Halos pabulong na lang ang boses ko dahil sa panginginig. “Kahit bukas na lang po. Wala akong mapupuntahan ngayon.”

  Humarap siya sa akin, ang mukha niya ay namumula sa galit—o baka sa alak na ininom niya kanina. “Wala akong pakialam! Dalawang taon kitang pinatira rito, Lia. Pinakain, pinatulog. Pero anong ibinalik mo? Iyong sahod mo sa call center, kulang pa sa konsumo mo rito!”

  “Binibigay ko naman po halos lahat sa inyo,” sagot ko, pilit na pinapatatag ang boses kahit naiiyak na ako. “Pati yung natitirang ipon ni Papa para sa pag-aaral ko, kinuha niyo na rin sa drawer ko kanina.”

  Tumawa siya nang nakakaasar. “Pambayad iyon sa mga utang ng tatay mo bago siya namatay! Kung ayaw mong lumayas nang kusa, kakaladkarin kita hanggang sa gate. Huwag kang babalik-balik dito dahil wala ka nang bahay!”

  Blag!

  Padabog niyang isinara ang pinto ng bahay. Naiwan akong nakatayo sa dilim, habang ang ambon ay unti-unti nang nagiging tunay na ulan. Nanginginig ang kamay ko habang pinupulot ang mga plastic bag. Wala akong ibang nagawa kundi ang hila-hilain ang maleta ko palabas ng gate na dati naming pagmamay-ari bago ito naisangla ni Tito.

  Naglakad ako nang walang direksyon. Ang tanging liwanag na gabay ko ay ang mga nagkukurapang streetlights. Basang-basa na ang manipis kong cardigan. Tumigil ako sa tapat ng isang saradong panaderya sa dulo ng kalye, kung saan medyo malapad ang bubong.

  Umupo ako sa semento at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Basag ang screen, at 5 percent na lang ang battery.

  Binuksan ko ang Messenger. Sinubukan kong i-chat si Renz, ang boyfriend ko—o baka ex na, dahil tatlong araw na siyang hindi sumasagot.

  “Renz, please. Kahit ngayong gabi lang. Pinalayas ako ni Tito. Wala akong matuluyan.”

  Nakita kong nag-online siya. Seen. Tapos, Active Now. Pero lumipas ang limang minuto, walang reply. Hanggang sa naging Active 5 minutes ago na lang uli.

  Natawa ako nang pilit. Ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko habang ibinabalik ang phone sa bulsa. Niyakap ko ang sarili ko habang pinapanood ang mga sasakyang dumadaan. Sino ang hihinto para sa isang tulad ko?

  Maya-maya, isang itim na SUV ang dahan-dahang huminto sa tapat ko. Masyadong maganda ang sasakyan para sa kalyeng ito. Nasilaw ako sa headlights nito kaya napapikit ako at itinakip ang braso ko sa mukha.

  Bumukas ang pinto sa driver’s seat. Isang lalaki ang bumaba. Naka-itim siya—isang simpleng t-shirt na hapit sa kaniyang katawan at dark slacks. Kalmado lang siyang naglakad palapit sa akin, tila hindi alintana ang ulan.

  Tumigil siya sa harap ko. Ang bango niya—amoy mamahaling perfume na pangmayaman talaga. 

  “Lia?”

  Napatingala ako. Kumurap ako nang ilang beses. Malaki ang pinagbago niya sa loob ng sampung taon, pero ang mga mata niya, ganoon pa rin. Matalas pero may kung anong lalim na hindi mo mabasa.

  “Kuya... Julian?” mahinang sabi ko. Halos mawalan ako ng boses.

  “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya. Walang emosyon ang boses niya, pero ramdam ang awtoridad.

  “Wala... napadaan lang,” pagsisinungaling ko. Sinubukan kong tumayo, pero muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa pamamanhid ng paa ko.

  Agad niya akong hinawakan sa braso. Mainit ang kamay niya. “Huwag kang magsinungaling sa akin. Nakaupo ka sa kalsada kasama ang maleta mo sa gitna ng ulan. Mukha kang basang sisiw.”

  Binitawan ko ang pagkakahawak sa braso niya. “Kaya ko naman, Kuya. Maghahanap lang ako ng malapit na terminal.”

  “Terminal? Sa ganitong oras? Alam mo ba kung gaano kadelikado rito?” Tiningnan niya ang paligid bago muling ibinalik ang tingin sa akin. “Nasaan si Gardo?”

  Napayuko ako. “Pinalayas na niya ako. Kinuha niya lahat.”

  Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Julian. Isang mabigat na buntong-hininga. “Ilang taon ka na, Lia?”

  “Twenty,” sagot ko.

  “Twenty. At akala mo ba kaya mo nang mag-isa sa ganitong kalagayan?” Lumapit siya sa akin nang isang hakbang pa. “Sumama ka sa akin.”

  “Huwag na. Nakakahiya. Sampung taon na tayong hindi nagkikita,” tanggi ko.

  “Huwag mo nang pairalan ng hiya mo ngayon, Lia. Sumakay ka na sa kotse,” putol niya sa sasabihin ko. Hindi siya sumisigaw, pero ang tono niya ay hindi tumatanggap ng 'hindi'.

  Wala na akong nagawa kundi sumunod. Pag-upo ko sa loob, agad akong binalot ng init ng heater. Inilagay niya ang maleta ko sa likod at sumakay na rin siya. Iniabot niya sa akin ang isang malinis na towel.

  “Punasan mo ang buhok mo,” utos niya habang pinaandar ang sasakyan.

  Tahimik sa loob ng sasakyan. Pasimple ko siyang tiningnan habang nagmamaneho siya. Mas matanda siya sa akin ng labinlimang taon. Noong bata ako, siya ang tinitingala kong 'kuya.' Pero ngayon, mukha siyang taong hindi ko na basta-basta maaabot.

  Pagkalipas ng halos tatlumpung minuto, huminto kami sa tapat ng isang malaking mansyon. Halos puro glass ang mga pader nito. Pagpasok namin sa loob, mas lalo akong naliitan sa sarili ko.

  May lumapit sa aming isang matandang kasambahay.

  “Manang, ihatid mo siya sa guest room sa itaas. Pakihanda na rin ng tuyong damit,” bilin ni Julian.

  “Opo, Sir.”

  Humarap sa akin si Julian. Tinanggal niya ang suot niyang mamahaling relo at inilagay sa ibabaw ng table malapit sa pinto. “Magpalit ka na at magpahinga. ”

  “Kuya Julian, sandali lang,” tawag ko. “Ano’ng magiging role ko rito? Anong trabaho ang gagawin ko para makabayad sa’yo?”

  Tumigil siya at dahan-dahang humarap sa akin. Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko sa paraan ng pagtitig niya.

  “Wala kang kailangang bayaran, Lia.”

  “Hindi pwede. Ayaw kong maging palamuti lang dito. Maglilinis ako, o kung ano man—”

  Lumapit siya sa akin hanggang sa halos magkadikit na kami. Napatingala ako sa kanya.

  “Lia, makinig ka. Dito ka lang sa bahay ko. Iyon lang ang gagawin mo,” sabi niya sa mahinang boses.

  “Pero bakit?”

  Ngumiti siya nang tipid—isang ngiting hindi ko mabasa kung ano ang ibig sabihin.

  “Dahil sabi ko.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status