LOGINMaraming salamat po sa paglalaan ng oras sa pagbabasa ng kwento nila Jenny at Sebastian.
Hindi lang ito kwento ni Fiona. Hindi lang ito malisyosong litrato. Nasa loob mismo ng bahay ang picture. Nakadisplay.May nabasag sa dibdib ni Cassandra.Hindi siya umiyak o sumigaw.Mas malala.Napangiti siya.Yung ngiting ginagawa ng taong ayaw bumagsak kahit wasak na ang puso.Fiona stood beside her.“Sinabi ko sa’yo,” mahina nitong sabi.Hindi na alam ni Cassandra kung paano niya naibalik ang picture frame sa shelf.Parang may kamay na hindi sa kanya ang gumalaw. Maingat pa niyang itinuwid iyon, na para bang may karapatan siyang ayusin ang litrato ng asawa niya at ng babaeng hindi niya kilala.“Cassey…” mahina ang boses ni Thess mula sa likuran niya.Hindi lumingon si Cassandra.Kung lilingon siya, baka makita ng mga ito ang sakit na hindi na kayang itago.“Girls,” sabi ni Thess, halatang pinipilit maging kalmado, “kailangan na nating umalis. Trespassing tayo.”Tahimik pa rin si Cassandra.Si Fiona naman, ay hindi rin agad nakapagsalita. Tumingin ito sa picture frame, pagkatapos
Natigilan si Thess. “Baka kahawig ko lang.”“Actually, iniisip ko din kung sino ang kamukha sa Silver Lining ni Thess,” ani Cassandra.Nasamid si Thess. “Porke maganda, madami ng kamukha?”Nagtawanan sila.Nang sumakay sila sa kotse ni Fiona, ito ang nagmamaneho, kalmadong-kalmado na para bang hindi sila papunta sa bahay ng babaeng pinaghihinalaan nitong ibinabahay ng asawa ni Cassandra. Si Thess naman ay nasa tabi ni Cassandra, panay ang ayos ng scarf at sunglasses kahit gabi na.Habang umaandar ang kotse, tahimik si Cassandra.Sa tabi niya, palihim na kinuha ni Thess ang phone.Mabilis itong nag-type.“Sir, malapit na po kami. Repeat, malapit na po kami. I am losing control of the women. Send help.”Bago pa nito ma-send, napatingin si Cassandra.“May tinetext ka?”Mabilis na itinago ni Thess ang phone sa bag.“Bible verse.”Fiona glanced at the rearview mirror. “Bible verse?”“Oo. For protection.”“Anong verse?” tanong ni Fiona.Thess smiled with panic. “Thou shall not stalk.”“That
Pumasok si Theo sa opisina ni Zion na parang may bitbit na bomba.Hindi ito kumatok nang maayos. Hindi rin ito nagbiro gaya ng nakasanayan. Hawak nito ang cellphone sa isang kamay, habang ang mukha ay halatang nasa pagitan ng takot at pagsisisi sa trabahong napasukan.“Sir!”Hindi tumingala si Zion. “Ano?”“Tumawag si Mrs. Saavedra. Sa akin. Sa number ko.”Doon lang huminto ang kamay ni Zion sa papel.Mabagal niyang itinaas ang tingin. “Why?”Napalunok si Theo. “Girl mission daw po.”“What girl mission?”“Hindi ko po alam. Hindi po sinabi.”Hindi siya nagsalita agad. Pero sa loob niya, may kung anong bumigat.Bigla niyang naisip si Cassandra.Hindi pa niya nasasabi ang tungkol kay Chelsea. Hindi pa niya nasasabi kung bakit kailangan niyang tulungan ang babaeng iyon.At ngayon, tinawagan nito si Thess.Dahan-dahang tumayo si Zion.“Theo.”“Opo?”“Makipagkita ka. Mag-transform ka.”Napapikit si Theo. “Sir, this is harassment,” madamdaming sabi nito.“This is employment.”“May hazard pay
Hindi agad nagsalita si Cassandra.Nakatitig lang siya sa phone ni Fiona, sa litratong inilagay nito sa mismong harap ng mukha niya.Si Zion, nakatayo sa harap ng isang bagong gawang bahay.Sa tabi nito, isang babae.Simple ang babae pero maganda. Mahinhin at hindi mukhang palaban.“Hinanap ko pa talaga ang angle na hindi masakit,” sabi ni Fiona, habang dahan-dahang ibinaba ang phone. “Pero kahit saan tingnan, masakit talaga.”Dahan-dahang inangat ni Cassandra ang tingin. Ramdam niya ang lamig na gumagapang sa dibdib niya, pero pinilit niyang tumayo nang tuwid. Hindi niya bibigyan si Fiona ng kasiyahang makita siyang gumuho.“Hangga’t hindi nakikita ng dalawang mata ko, hindi ako maniniwala.”Napakurap si Fiona. Pagkatapos, natawa ito. Half-mocking. Half-annoyed.“Hay, Cassandra Rosales, ngayon ko lang nalaman na martir ka pala.”Nanigas ang panga ni Cassandra.Ayaw niya sa salitang iyon.Martir.Parang babaeng walang sariling isip. Parang babaeng pipikit na lang kahit niloloko. Paran
“Sir…” ani Chelsea. “Hindi ko po kayo iniligtas para humingi ng kapalit.”“I know. That is why I’m doing it. Lahat ng hihilingin mo ay ibibigay ko.”Sa gilid, tahimik si Theo.Pagbalik nila sa sasakyan, hindi agad nagsalita si Zion. Nanatili siyang nakatingin sa labas habang umaandar ang sasakyan palayo sa baryo.“Sir,” maingat na sabi ni Theo.“What?”“Hindi sa nakikialam ako…”“Then don’t.”“…pero makikialam pa rin po ako.”Zion closed his eyes.“Kapag nalaman ito ni Mrs. Saavedra nang hindi galing sa inyo, masasaktan siya.”“Wala akong ginagawang masama.”“Opo,” sagot ni Theo. “Kaya mainam na ipagtapat na ninyo ang lahat kay Mrs. Saavedra.”Hindi sumagot si Zion.“Hahanap ako ng pagkakataon para sabihin sa kanya,” sabi niya.“Sir, with all due respect, minsan ang pagkakataon hindi hinahanap. Ginagawa.”Zion looked at him.Nang gabing iyon, pagdating ni Zion sa bahay, nadatnan niya si Cassandra sa sala.Hindi ito natutulog.Nakaupo ito sa sofa, may hawak na libro pero halatang hindi
Hindi na naghintay si Zion.Sa sandaling marinig niya mula kay Theo ang pangalan ni C. Rosales, parang may lumang sugat na muling binuksan sa dibdib niya. Ilang taon niyang hinabol ang clue na iyon. Ilang taon niyang itinago ang keychain na parang huling piraso ng alaala.At ngayon, may lead na sila.“Prepare the car,” malamig niyang utos.“Sir, may meeting ka pa in thirty minutes,” paalala ni Theo.“Cancel it.”“Lahat?”Tumingin si Zion sa kanya. “Yes.”Makalipas ang ilang minuto, nasa sasakyan na sila. Si Theo ang nasa passenger seat, abala sa pakikipag-usap sa bagong investigator na kinuha nila, si Gary. Tahimik lang si Zion sa likod, hawak sa loob ng bulsa ang maliit na keychain na ilang taon niyang tinago.Luma na iyon. Pero hindi niya kailanman itinapon.Dahil iyon lang ang natatanging pagkakakilanlan sa babaeng nagligtas sa kanya.O sa taong pinaniwalaan niyang dahilan kaya nabuhay pa siya. Kung may itinurong maganda ang kanyang ama, iyon ay ang pagtanaw ng utang na loob.Mahig
Maaga pa lang ay abala na si Kyle sa kusina. Nakasuot ito ng apron at seryosong nagpiprito ng bangus habang may sinangag sa kalan. Malakas ang amoy ng pritong isda.Pumasok si Mira na kakagising lang, naka-duster at inaantok pa. Paglapit niya sa kusina, bigla siyang napasinghap.Kunot-noo siya haban
Parang napako si Jenny sa pagkakahiga. “G-Good morning, boss!” mabilis niyang sambit, pilit na ngumiti kahit nanlalaki ang mata.Tahimik lang ito, nakatitig pa rin sa kanya, saka mabagal na umupo. “Jenny…”“Boss?”“Nakatulog ka sa braso ko kagabi,” kalmadong sabi nito, sabay ngiti nang bahagya. “At
“Good evening po Sir Sebastian,” bati ni Jacob. Tumango lang ang CEO.Halata ang tensyon sa mesa. Pinipilit ni Jacob na gawing kaswal ang usapan, pero kapansin-pansin ang bahagyang pamumula ng tenga at pilit na tawa nito. Samantalang si Sebastian, tahimik lang.Naiipit si Jenny sa pagitan ng dalawa,
Hinarap siya ni Sebastian, basang-basa na rin ang polo at buhok. “Makinig ka, Jenny. Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa mga ‘yan. Konting damit lang dalahin mo. Iwan mo na ang iba.”Nanginginig ang labi niya, ayaw tanggapin ang sinasabi ni Sebastian. Madaling magsalita para sa taong madaming pambili







