Share

Kabanata 223 White Lies

last update Last Updated: 2025-09-28 13:27:59

Umiling nang marahan si Sebastian, saka muling pumikit, tila pinipilit alalahanin ang nakaraan ngunit bigo.

Napatakip ng bibig si Jenny upang pigilan ang pag-iyak. Ang inaasahan niyang muling pagkikita na magbibigay linaw sa lahat, ngayon ay naging panibagong bangungot.

Nakatulala siya sa labas ng ICU, hawak ang malamig na bakal ng upuan na para bang iyon na lang ang sumusuporta sa kanya. Nanginginig pa rin ang mga daliri niya sa kaba nang lumapit ang duktor.

“Misis,” tawag nito, maingat ang tono. “Gusto ko lang ipaliwanag ang kondisyon ng asawa ninyo.”

Mabilis siyang tumayo, parang kapit sa kahit anong pwedeng magbigay ng pag-asa. “Ano po, Dok? Bakit po hindi niya ako nakilala?”

Huminga nang malalim ang duktor bago sumagot.

“Base sa obserbasyon namin, mukhang may post-traumatic amnesia siya. Karaniwan ito sa mga pasyenteng nakaranas ng matinding aksidente. Hindi natin masasabi kung gaano katagal bago bumalik ang kanyang alaala. Kailangan pa nating magsagawa ng ilang tests para makasi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Angela Perez
ayaw ko na mag bsa
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Please add me on Peysbuk, Maria Bonifacia po ang name. Thanks so much po! More updates later!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 512 Making A Choice

    Nagkatinginan sila Daryl at Iris.Tumakbo ang bata pabalik sa laro.“Sorry,” bulong ni Iris kay Daryl. “Mga bata talaga.”Tumango siya. “Okay lang. Madaldal talaga si Dahlia.”Tsaka sila nagtawanan.Mas lalo pang uminit ang gabi sa birthday party ni Dahlia nang sumigaw ang host, hawak ang mikropono, puno ng sigla.“Okay! Next game, Bring Me!” palakpakan ang lahat. “Bring me…pinakamagandang babae na single!”May ilang segundong katahimikan, tapos parang may sumabog na tawanan.“Go!” sigaw ng host.Hindi na nag-atubili si Dahlia. Mula sa gitna ng mga tao, mabilis siyang tumakbo papunta kay Iris, hinawakan ang kamay nito, at halos kaladkarin papunta sa harap.“Auntie Iris!” sigaw ng bata, tuwang-tuwa. “Single po ‘yan! At maganda!”“Dahlia!” natatawang saway ni Iris, namumula ang pisngi habang hinihila papunta sa gitna.Palakpakan. Hiyawan. May mga sumipol pa.“Confirmed! Maganda nga!” sigaw ng host. “Alright! Next, bring me ang pinakagwapong single!”Hindi pa man tapos ang hiyawan, may i

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 511 Family Dinner

    Tahimik ang hallway ng ospital.Yung klaseng katahimikan na dinig ang bawat yabag ng sapatos, bawat hinga, bawat tibok ng pusong pilit niyang pinapakalma kahit hindi naman talaga kayang pigilan.Nakaupo si Iris sa metal bench, magkapatong ang mga kamay, nakayuko. Katabi niya si Daryl, nakasandal sa pader, magka-krus ang mga braso pero halatang tensyonado. Sa loob ng kwarto, mahimbing na natutulog si Donya Ester, nakakabit pa ang IV, payapa na ang mukha.“Salamat,” mahina ang boses ni Iris, parang takot mabasag ang katahimikan. “Kung hindi ka nagpunta sa Timeless kanina… hindi ko alam kung anong mangyayari.”Tumango si Daryl. “Walang anuman. Okay na mommy mo. ‘Yun ang importante.”Napatingin si Iris sa kanya. Hindi yung mabilis na sulyap, kundi yung matagal. Yung parang may gustong sabihin pero pinipigilan.Tumahimik sila pareho.“Alam mo ba,” biglang sabi ni Iris, mas mahina pa sa bulong, “na pagod na pagod na akong maging CEO. Hindi talaga siya para sa akin.”Napatingin si Daryl sa k

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 510 Unconditional Help

    Parang may sumabog sa loob ng dibdib ni Iris.“Hindi kayo?” ulit niya, halos pabulong. “Hindi ka nililigawan ni Daryl??”Umiling si Candice, dahan-dahan. “Hindi po.”Napakurap si Iris. “Eh bakit… bakit magkasama kayo ngayon?”Bahagyang napangiti si Candice, pero may lungkot sa mga mata. “Hindi po pwede si Maya. Kaya ako ang pinapunta niya.”Tumango si Iris, pilit inaayos ang sariling hininga.“Akala ko ngakakamabutihan na kayo. Sino…” naglakas-loob siyang itanong. “Sino ang mahal ni Daryl?”Sandaling tumahimik si Candice. Tumingin ito sa salamin, saka sa kanya. “Mas mainam po siguro kung sa kanya mismo manggagaling, Ma’am Iris.”Ngumiti at tumango na lamang siya.***Pagkatapos ng event, magkasabay na naglalakad sina Candice at Daryl papunta sa parking area. Pagod ang binata, tahimik, parang may dinadala sa loob.“Bakit hindi mo ihatid si Iris?” tanong ni Candice.Hindi agad sumagot si Daryl. Sumulyap lang siya sa malayo, kay Iris na nakatayo sa tabi ni Harvey at ni Don Apollo, kausap

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 509 Not Me

    “Bakit napatawag ka?” sabi ni Iris.Sa loob ng bahay, nagpatuloy ang tawanan.Sa labas, unti-unting tumitigas ang desisyong hindi pa niya kayang pangalanan. Basta naiinis siya at magkasama sina Daryl at Candice.“Yes, Harvey,” ulit niya, mas malambing pa rin ang boses para ipadinig kay Daryl.Sa kabilang linya, parang agad nagbago ang tono ni Harvey, biglang mas kampante.“Akala ko busy ka. Pero I’m glad you answered. Missed your voice,” anitong may halong pag-angkin.Napapikit si Iris. Hindi siya sanay sa ganitong lambing mula kay Harvey, hindi nakakakilig. Mas nakakainis.“Harvey… kumakain lang ako, mamaya na lang,” sagot niya, iwas sa detalye.“Eat well, baby. I want to see you soon,” dugtong nito. “Public event this weekend. Gusto kitang makasama. Let them see us… together.”Tawa ang naging sagot niya ng makitang sumisilip si Daryl. “Sure,” kahit ayaw niya.Sa loob ng bahay, hindi sinasadyang narinig ni Daryl ang bahagyang tawa ni Iris. Hindi malinaw ang mga salita, pero sapat ang

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 508 Pride and Jealousy

    Malalim ang iniisp ni Iris. Hindi siya dapat mauna, babae siya.Hanggang mag-uiwan na. Nakapatay na ang karamihan ng ilaw, desk lamp na lang ang bukas sa harap niya. Nakabukas ang chat box ni Daryl sa cellphone.Mahaba na sana ang naisusulat niya.“Daryl, pasensya na kung naging immature ako kagabi. Hindi ko dapat sinabi yung tungkol kay Harvey. Nasaktan ako pero mas nasaktan yata kita…”Huminto ang daliri niya.Binura niya ang isinulat.Sinubukan ulit.“Namimiss kita. Hindi ko alam kung saan ba ako nakalugar sa puso mo. Mahirap pala ang walang label.”Binura ulit.Napabuntong-hininga siya, napasandal sa upuan.Bakit siya ang mauunang magparamdam?Bakit parang siya ang naghahabol kahit wala namang label?Ipinatong niya ang cellphone sa mesa, nakabaligtad.Biglang tumunog ang notification.Napaigtad siya.“Musta ka? Kumain ka na ba?”Galing kay Daryl. Nanlaki ang mata niya. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kinuha niya agad ang cellphone, tapos biglang ibinaba ulit.Hindi.Hin

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 507 No Label

    Nanikip ang dibdib ni Iris. Hindi niya narinig ang usapan, hindi niya alam ang dahilan, ang nakita lang niya ay ang yakap. At sapat na iyon para masaktan.Tahimik siyang tumayo. Kinuha ang bag. Ay umalis ng hindi nagpapaalam.Pagbalik ni Daryl, hinahanap niya si Iris.“Nay, nasaan po si Iris?”“Hindi ba at katabi mo kanina? Baka nagpunta sa banyo,” sabi ni Nanay Lily.Umikot ang paningin niya.Nakita niya itong palabas.“Iris!” sigaw niya at hinabol ito.Sa labas, malamig ang hangin. Tahimik ang kalsada.“Iris, wait! Bakit aalis ka na? May emergency ba? Ihahatid na kita,” habol ni Daryl.Huminto si Iris, pero hindi humarap.“Hindi mo kailangang magpaliwanag,” sabi niya, pilit matatag ang boses. “Gets ko na.”“Get mo na ang alin?” takang tanong ni Daryl. Lumapit ito, hinawakan ang braso niya. “Please, tumingin ka sa mga mata ko.”Huminga nang malalim si Iris at humarap sa binara, nangingilid ang luha.“Bumalik ka na kay Candice mo, nakakahiya sa kanya baka hinahanap ka na. Uuwi na ako!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status