Home / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 227 Being Strong for Love

Share

Kabanata 227 Being Strong for Love

last update Last Updated: 2025-09-29 10:55:37
Hindi maikakaila ang opisyal na dokumentong hawak ni Jenny at hindi siya nagsisinungaling. Pinakasalan siya ni Sebastian at rehistrado ang kasal nila.

“Bilang lehitimong asawa ni Sebastian,” dugtong niya, mariing tinitigan ang abogado, “ako ang tunay na tagapagmana ng lahat ng kanyang ari-arian at may karapatang pumalit bilang CEO ng Tuazon Group. May abogado ako kung sino man ang gustong tignan ang dala kong papeles.”

Tumayo si Don Gilbert, nanlilisik ang mga mata. “Imposible! Isa kang sinungaling! Imposibleng pakasalan ka ng anak ko!” sigaw nito, halos nanginginig sa galit.

Halos mabuwal siya sa takot. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niyang pakikialam sa pamilya at negosyo ni Sebastian.

Agad namang lumapit si Noah. “Hindi ka namin kikilalanin! Isa kang opportunistang sumisira sa pangalan ng pamilya namin!”

Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Itinaas niya ang marriage certificate. “Legal ang dokumentong ito. Hindi ninyo maitatanggi ang katotohanan. Ang batas ang kakampi ko
Maria Bonifacia

Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong suporta! Salamat sa pagsama sa ating mga tauhan sa kanilang pakikipaglaban sa buhay at pag-ibig.

| 13
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa pagbabasa, comments, gifts, at gems. More updates later!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 236 Jealous Husband

    Habang tumatagal, unti-unti nang lumalakas ang ulan. Tumulo na ito sa kanilang buhok at mga balikat. Napatawa si Jenny sa pagitan ng halik at napayakap pa lalo kay Sebastian.“Naku, baka magkasakit ka pa! Tara na sa loob!” hila niya sa asawa.Ngunit sa halip na sumagot ay kinabig siya ulit nito upang hagkan.Nang tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan, wala na silang nagawa kundi magmadaling pumasok sa loob ng bahay kahit iika-ika si Sebastian. Tumatawa sila pareho, basang-basa, at hingal habang pumapasok sa loob.At bago pa man niya tuluyang isara ang pinto, napatitig siya kay Sebastian at sa gitna ng kanilang tawanan, ramdam niya na mas mahirap palang itago ang lahat ng kasinungalingan, lalo na at mas lumalalim ang damdamin niya para sa asawa.Basang-basa silang dalawa nang makapasok sa loob. Agad na kinuha niya ang malaking tuwalya mula sa aparador. Lumapit siya kay Sebastian na nakaupo muli sa wheelchair at dahan-dahang ipinunas iyon sa basang buhok nito.Nakangiti siya habang p

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 235 CEO with a Heart

    Isang lider ng grupo ang lumapit kay Jenny . “Ma’am, ilang taon na naming sinasabi ito pero hindi kami pinapansin! Kung bago kang CEO ng Tuazon Group, pakita mo po sa amin na may malasakit ka!”Malumanay pero matatag ang tono niya. “Alam kong mabigat ang sitwasyon ninyo. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan ng bawat isa, ang hirap ng kumayod, lalo na kung kulang ang sahod para sa pamilya. Narito ako hindi para makipagtalo, kundi para makipag-usap. Nasa proseso na din ang hinaing ninyo noon pang nandito si Sebastian. Hindi ko lang alam kung bakit tumagal.”Tahimik na napatingin ang karamihan.Nagpatuloy siya, “Bigyan ninyo ako ng dalawang linggo. Uupo tayo sa mesa, kasama ang HR at finance, at titignan ang makakayang ilaan ng kumpanya. Hindi ko ipapangako ang imposible, pero sisiguraduhin kong may pagbabago at may mararamdaman kayo. Kung hindi ko magagawa iyon, ako mismo ang haharap at magpapaliwanag sa inyo, hindi ko kayo iiwan.”Tila may nakadagan sa dibdib niya habang binibitawan ang

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 234 CEO Duties

    “Hindi po ako mag-isa,” dagdag ni Jenny, nakatingin sa mga kliyente, “nasa likod ko ang mga taong may expertise, at handa kaming makipag-collaborate sa inyo. Kung bibigyan ninyo kami ng pagkakataon, hindi lamang ito magiging proyekto, gagawin namin itong pamana ng pagbabago para sa susunod na henerasyon.”Tahimik ang silid. Nagkatinginan ang mga kliyente. Humingi ang grupo ng ilang minuto upang magdesisyon. Isang malakas na pag-ubo mula sa leader at nagsalita ito.“Matapang ka, Ma’am Jenny. At mukhang hindi ka lang basta-basta itinatagilid ng mga hamon. We like that kind of leadership. And, this is the last proposal na pinakinggan namin at ---” saglit na pinutol ng leader ang sasabihin at tumingin sa mga kasama.“aaminin kong this is the most impressive. The contract is yours.”Halos maluha siya sa tuwa. Lumapit si Maya at bulong na, “Good job, Ma’am Jen.”Si Lucas naman, pilit na hindi nagpapahalata pero proud din.Nag-uumapaw ang saya sa buong kumpanya matapos ang matagumpay na pagp

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 233 Clingy Husband

    Hinawakan ni Jenny ang cellphone niya na nakapatong sa mesa sa gilid ng kama. Nag-aalangan siyang abutin.Binalik ni Sebastian ang tingin sa kanya. “Ano bang pangalan ko sa Peysbuk? Christian Robles din ba? Tiyak friends tayo.”Ramdam ni Jenny ang pawis sa palad kahit malamig ang panahon. Kinagat niya ang labi at nilakasan ang loob.“Yung Peysbuk mo, yun lang naman ang ginagamit mong social media… na-hack at hindi na narecover.”Napatigil si Sebastian. “Na-hack?”Tumango siya, seryoso ang mukha. “Oo. Ilang linggo bago pa mangyari ang aksidente. Hindi na rin natin narecover. Kaya kahit hanapin natin ngayon… wala kang makikita.”Tahimik si Sebastian sandali, parang nagpoproseso ng narinig. Kumunot ang noo pero agad ding lumambot ang ekspresyon. “Sayang… tiyak madami tayong alaala.”Bakas sa mga mata ni Jenny ang kaba pero pinilit niyang ngumiti. “Hindi mo na kailangan ng alaala sa social media. Nandito naman ako, kukwento ko lahat.”Ngumiti si Sebastian, at inabot ang kamay niya. “Jenny

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 232 The Spoiled Wife

    Habang nakasubsob sa dibdib niya si Sebastian, napapikit si Jenny. Gusto niyang magpakulong sa yakap na iyon, kahit alam niyang may katapusan ang lahat. Pero sa ngayon, pinili niyang namnamin ang init at saya, kahit may takot pa rin siyang bumalik ang alaala nito sa isang iglap.Maingat na pinunasan niya ang katawan ni Sebastian gamit ang malambot na tuwalya. Nang matuyo na ito, kinuha niya ang malinis na damit na inihanda niya kanina. Naka-focus siya sa pagbibihis dito, una ang maluwag na puting t-shirt, saka ang shorts. Dahan-dahan niyang isinuot, para hindi masaktan ang sugatang balikat, braso, hita, at paa nito.Tahimik lang si Sebastian habang pinagmamasdan siya. Nang maisuot ang huling butones, marahang inabot nito ang kamay niya.“Jenny…” mahina nitong bulong. “Pwede mo ba akong yakapin?”Natigilan siya, nanlaki ang mga mata. “Ha?”Ngumiti si Sebastian, nakapikit pa habang nakahilig sa sandalan ng upuan. “Ikaw ang pampainit ko.”Dahan-dahan siyang yumakap, naramdaman ang bigat

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 231 Cherish the Moment

    Ipinagpatuloy ni Jenny ang pagpapaligo kay Sebastian na hindi niya matawag sa pangalan. Ayaw din naman niya itong tawaging Christian. Piniga niya ang bimpo at marahang pinunasan ang mukha nito, saka napatingin sa mga mata nitong laging nakatitig sa kanya. Mabilis na dinampian niya ito ng halik sa labi upang iiwas ang mga mata. Sinaway niya ang sarili na hilinging sana ay hindi na ito makaalala pa. Gusto niya itong makasama habangbuhay. Ngunit ang selfish naman noon. Gusto niyang makabalik ito sa dati nitong buhay kahit ang kahulugan noon ay ang pagkawala niya.“Jen, hawakan mo naman ‘tong alaga ko,” anitong may pilyong ngiti sa labi.“Ha? Hindi ka pa pwede makipag-anuhan. May mga bali pa ang buto mo tapos sugat,” aniyang pinamulahan ng pisngi at natuksong tumingin sa harapan nito.”“Hahawakan mo lang naman,” anitong nasa mata ang pakiusap.Nagpunta siya sa harapan ni Sebastian at lumuhod. Dahan-dahan niyang ibinaba ang palad sa harapan nito. Kinapa ang laman sa loob.“Matigas naman,”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status