مشاركة

Kabanata 236 Jealous Husband

مؤلف: Maria Bonifacia
last update تاريخ النشر: 2025-10-01 17:42:14

Habang tumatagal, unti-unti nang lumalakas ang ulan. Tumulo na ito sa kanilang buhok at mga balikat. Napatawa si Jenny sa pagitan ng halik at napayakap pa lalo kay Sebastian.

“Naku, baka magkasakit ka pa! Tara na sa loob!” hila niya sa asawa.

Ngunit sa halip na sumagot ay kinabig siya ulit nito upang hagkan.

Nang tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan, wala na silang nagawa kundi magmadaling pumasok sa loob ng bahay kahit iika-ika si Sebastian. Tumatawa sila pareho, basang-basa, at hingal hab
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق
تعليقات (3)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
ongoing pa po ito. thanks much po
goodnovel comment avatar
Mhai Chris Vlog
bakit wala pong ending ang story nila Jenny at Seb
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa walang sawang pagsubaybay, comments, gifts, at gems!
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1267 One Step Closer to the Truth

    Napasandal si Prince sa upuan matapos ang tawag kay Noah. Si Don Severo pa rin ang pangunahing pinaghihinalaan nila sa pagkamatay ni Alexander.Dati, gusto niyang mapatunayan ang kasalanan ng matanda. Ngayon, may bahagi sa kanyang umaasang sana ay mali ang kanilang hinala.Napamura siya. Hindi maaaring baguhin ng isang gabing kasama si Stefie ang dahilan kung bakit siya nagsimula. May pumatay sa kanyang ama. Kailangang managot ang may kagagawan.Ngunit hindi na estranghero ang pamilya Santillan. Ang anak ng lalaking pinaghihinalaan niya ang babaeng naghihintay sa kanya tuwing gabi.Binuksan niya ang mga financial report na ipinasa noon ni Stefie. Hinanap niya ang mga pahinang minarkahan nila ni Noah tungkol sa pondong nagmula sa Meridian Capital Holdings at inilaan sa isang proyekto ng Santillan Foundation.May isang entry na hindi niya nabigyang-pansin noon. Sa tabi ng halaga ay may reference number at nakasulat na “Approved - Office of the Chairman.” Walang pangalan o pirma sa pahin

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1266 Between Love and Revenge

    “Husband, mahal mo rin ba ako?”Natigilan si Prince habang nakasandal si Stefie sa kanyang dibdib. Nakatingala ito, naghihintay ng sagot.Mahal ba niya?Hindi kailanman naging bahagi ng plano niyang umibig. Pinakasalan niya si Stefie upang makalapit sa pamilya Santillan at maimbestigahan ang pagkamatay ni Alexander.Ngunit paano niya ipaliliwanag ang saya tuwing kasama niya ito? Ang pangungulila kapag wala ito sa kanyang tabi?Hindi niya alam kung pagmamahal na ba iyon o dahil nasanay na lamang siya sa presensiya ng asawa. Ayaw niyang sirain ang kaligayahan nito.Hinawakan niya ang pisngi ni Stefie.“Wife, yes. I love you.”Nanlaki ang mga mata nito bago napangiti.“Husband, seryoso ka?”Hinalikan niya ang noo nito sa halip na salubungin ang tingin ng asawa.“Oo, wife.”Niyakap siya ni Stefie.“Husband, puwede mong ulitin?”Napangiti siya. “Hindi mo ba narinig?”“Narinig ko. Gusto ko lang marinig ulit.”“I-I love you, wife.”“Again?”“Wife, ilan bang beses?”“Unlimited. Kagaya ng kiss

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1265 The Night They Became One

    “Husband, dati ikaw ang malakas manukso, pero ngayong pumayag ako, parang nag-aalangan ka. Bakit? May problema ba?”Natigilan si Prince habang hawak ni Stefie ang kanyang mukha. Wala na siyang dahilan upang umiwas. Hindi na niya gustong gumawa ng panibagong palusot.“Wife, walang problema sa iyo.”“Then bakit parang kinakabahan ka?”“Aaminin ko, kinakabahan talaga ako.”Napataas ang kilay ni Stefie. “Ikaw? Kinakabahan?”“Oo. Hindi dahil ayaw kong makasama ka. Gusto ko lang maging espesyal ang unang pagkakataon nating makapagsolo.”Nagbago ang ekspresyon nito. Hinaplos ni Stefie ang kanyang pisngi.“Husband, hindi mo kailangang maging perfect. Gusto lang kitang makasama. Let’s make love.”Hinawakan niya ang kamay ng asawa.“Wife, sigurado ka talaga?”“Oo. Ikaw ba?”“Sigurado ako. Matagal na kitang gustong matikman.”Ngumiti si Stefie bago lumapit at yumakap sa kanya.“Husband, kiss me.”Hinalikan niya ito. Niyakap niya ang asawa at inilapit sa kanyang dibdib. Sa pagkakataong iyon, hind

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1264 Seducing Her Husband

    “Husband, kung gusto talaga nating umabot sa forever, mangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan.”Napatitig si Prince sa kamay ni Stefie na nakahawak sa kanya. Ang dali sanang sabihin ng oo. Ngunit naalala niya si Alexander, ang mga dokumento ng Santillan Foundation, at ang dahilan kung bakit niya pinakasalan ang babaeng naghihintay ngayon ng sagot.“Wife, hindi ko gustong dumating ang araw na kailangan tayong maghiwalay.”“Talaga?”“Oo. Gusto kitang makasama nang mas matagal pa sa isang taon.”Napangiti si Stefie. Hinawakan nito ang pisngi niya at hinalikan siya. Tinugon niya ang halik, ngunit may bigat pa rin sa dibdib niya. Hindi niya kontrolado kung mananatili ito kapag nalaman ang lahat.Paglayo nito, lumitaw ang pamilyar na mapaglarong ngiti.“By the way, husband, may utang ka pa sa akin.”“Anong utang?”“Isang romantic appointment.”“Aba, may accounting department ka na pala.”“May record ako ng lahat ng postponed appointments.”“May penalty ba?”“Meron. Husband, tonight, make s

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1263 A Forever He Couldn't Promise

    “Prince, kapag natapos na ang isang taon nating kasal, let's extend it to forever. I think I'm falling in love with you.”Hindi nakapagsalita si Prince. Hawak ni Stefie ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa kanyang mukha.Forever.Iyon ang salitang hindi niya kailanman isinama sa plano noong pinakasalan niya ito. Ginawa niyang daan ang kasal upang makalapit sa pamilya Santillan at maimbestigahan ang pagkamatay ni Alexander. Ngayon, ang babaeng nasa harapan niya ang kusang humihiling na huwag na silang maghiwalay.“Wife…”“Husband, bakit? Nagulat ka ba?” May munting ngiti sa labi nito.“Oo. Hindi ko inaasahang sasabihin mo iyon.”“Akala ko obvious na.”Mas nais niyang yakapin ito kaysa maghanap ng sagot. Ngunit paano niya tatanggapin ang alok na habang-buhay kung hindi pa nito alam kung bakit talaga nagsimula ang kanilang kasal?“Prince, hindi mo kailangang sabihin na love mo rin ako,” sabi ni Stefie. “Gusto ko lang maging honest. Hindi rin kita pinipilit magdesisyon tungkol sa

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1262 A Forever He Couldn't Promise

    “Husband, ngayong gabi na natin ituloy ang naudlot nating date in bed.”Natigilan si Prince. Nakayakap pa rin si Stefie sa leeg niya, at sa lapit ng mukha nito, halos maramdaman niya ang init ng bawat salita.“Wife, hindi mo talaga nakakalimutan ang appointment natin?”“Siyempre! Naka-postpone lang naman iyon.”“Akala ko na-cancel na sa system.”“Walang cancellation, husband. Reschedule lang.”Napangiti siya, ngunit hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Hinila siya ni Stefie palapit.“Bakit ka biglang natahimik?”Hinawakan niya ang baywang nito. “Kasi ang ganda mo. At gusto kitang halikan hanggang makalimutan natin ang oras.”“Then kiss me.”Tinugon niya ang halik nito at muling lumapit nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Dumampi ang kamay ni Stefie sa batok niya. Mula sa bukas na bintana, naririnig ang pagaspas ng mga dahon, ngunit ang atensiyon niya ay nasa babaeng yakap niya.Sa loob ng ilang sandali, wala siyang inisip kundi ang lambing nito. Nang maghiw

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status