로그인Thank you very much po sa walang sawang pagbabasa, comments, gifts, at gems! I appreciate your support.
“Dahil hindi mo lang ako binigyan ng bahay,” sagot ni Felicity. “Binigyan mo tayo ng pagkakataong sabay na buuin ang tahanan at pamilya natin.”Napahigpit ang yakap ni Damon sa kanya.“Dati, pakiramdam ko wala akong permanenteng lugar sa buhay mo,” pagpapatuloy nito. “Para bang puwede akong mawala anumang oras at hindi mo mapapansin. Pero ngayon, nakikita ko na na may magandang bukas na kasama ka.”Hinaplos niya ang likod nito.Kumalas si Felicity at binalikan ang floor plan. Isinulat nito ang “Twin Rooms” sa likod ng papel, saka nilagyan ng maliit na puso.“Pansamantala lang iyan,” sabi nito. “Hanggang makapili tayo ng mga pangalan.”Bago sila umalis, nakiusap si Damon sa site engineer na kunan sila ng litrato. Pumuwesto silang magkatabi sa harap ng mga haligi, kapwa nakasuot ng hard hat. Hawak ni Felicity ang floor plan habang nakapulupot ang braso niya sa balikat nito.“Para may maipakita tayo sa kambal,” sabi niya. “Patunay na bago pa sila isinilang, mahal na mahal na natin sila.”
Napalingon sa kanya si Felicity.“Sa tingin ko, magandang pangalan ang Damon,” aniyang nakangiti.“Okay ka lang? Hindi ko gusto ang tunog ng pangalan mo.”Napailing si Damon habang nakatingin sa daan. “Masakit talagang umasa.”“Kambal sila, kaya dapat magkatunog ang mga pangalan.”“Okay. Walang Damon Junior.”“Buti alam mo.”“Paano kung Damon the Second?”“Mas lalong hindi.”“Damon at Felicity na lang. Paano ang Damlicity?”“Tumigil ka nga, Damon.”“Felimon?”“Ayokong i-combine name natin. Parang Love team ang dating.”“Bakit? Maganda nga ‘yon.”Ilang minuto silang nagpalitan ng mga pangalang pinagdugtong mula sa pangalan nila, ngunit wala ni isa ang pumasa rito.“May isang problema,” sabi ni Felicity.“Ano?”“Hindi pa natin alam ang kasarian nila.”Humina ang ngiti ni Damon. Hindi niya naisip iyon sa sobrang excitement.“Gumawa muna tayo ng shortlist,” mungkahi nito. “Para sa dalawang babae, dalawang lalaki, at isang babae at isang lalaki.”“Ang dami.”“Dalawang anak ang papangalanan
“Inauguration ang gusto kong makita, Damon. Hindi ibang lalaki.”Nakaharap pa rin ito sa kanya, nakataas ang isang kilay.“Kaya nga sasama ako.”“Para bantayan ako?”“Para siguraduhing maganda ang pagkakagawa ng school.”“Talaga lang?”“Puwede namang dalawang dahilan.”Napatawa si Felicity at hinampas ang braso nito. Sinalo ni Damon ang kanyang kamay at inilapit sa labi nito.“Bakit gusto mong bumalik?” tanong nito.Nawala ang panunukso sa boses nito. Umayos siya ng higa.“Gusto kong makita kung ano ang nangyari sa pinaghirapan natin. Hindi lang sa pictures. Gusto kong makita iyong mga batang gagamit ng classrooms.”Tumango si Damon.“Ang dami nating pinag-awayan doon,” pagpapatuloy niya. “Pero may maganda rin naman tayong nagawa.”“May maganda rin akong natutuhan.”“Ano?”“Na hindi ka titigil hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo.”“Seryoso ako.”“Ako rin.”Ngumiti ito bago hinaplos ng hinlalaki ang kanyang mga daliri.“Alamin natin ang schedule. Pupunta tayo.”Kinaumagahan, kinumpi
Ngumiti si Divine, ngunit hindi nito sinagot ang tanong.“Hindi pa ako handang ikuwento.”May mga tanong pang gustong kumawala sa kanyang bibig, pero pinigilan niya ang sarili. Lumalabas ang pagiging pakialamera niya.“Okay. Kung sino man iyon, congratulations sa inyo.”“Salamat.”“Hindi na kita kukulitin. Pero kapag ready ka na, curious ako kung sino ang maswerteng lalaking minamahal mo ngayon,” aniyang nakangiti.Natawa si Divine. Bago pa ito makasagot, dumating ang mga waiter dala ang kanilang pagkain. Bumalik ang babae sa tabi ni Stefie, habang inilalapag sa mesa ang mga platong mainit pa.Kasabay noon ang pagbabalik ni Damon.Naupo ito sa tabi niya at sinulyapan si Divine, saka siya.“Okay na kayo?”“Okay naman kami noon pa. Huwag kang mag-alala, hindi ka namin pag-aawayan. Hindi ko lang sure kung sino ang swerte sa aming dalawa. Ako ba na makakasama ka araw-araw o siya na iniwan ka.”Ngumisi ito at iniabot ang serving spoon. “Napakaswerte mo at nabihag mo ang puso ko.”Habang nil
“Matagal na kitang mahal, Damon.”Napangiti ito, pero nangingilid ang luha sa mga mata.Hinalikan nito ang noo niya. Napapikit siya, nakahawak pa rin sa kuwelyo nito habang may confetti na sumabit sa kanyang buhok.“Ako naman ang yayakap sa anak ko, congratulations sa inyo,” singit ni Donya Priscilla.Hindi pa rin nito binitiwan ang kamay niya nang lumapit ang kanyang ina. Napagitnaan siya ng yakap nina Donya Priscilla at Donya Mercy, parehong umiiyak habang nagtatanong kung masaya ba siya.“Opo,” sagot ni Felicity. “Masayang-masaya.”“Picture muna para may remembrance!” tawag ni Lola Clara.Nagsiksikan sila sa harap ng flower arch. Inakay ni Fiona si Nate sa unahan, habang pumuwesto sina Stefie at Prince sa tabi ni Angel. Si Julian ang nag-abot ng cellphone sa event staff.“Bro, iyong mukha mo kanina,” sabi nito kay Damon. “Parang may bomba kang dini-disarm.”“Mas madaling gawin iyon kaysa sumayaw.”“Halata,” sagot ni Angel. “Kapatid kita, pero muntik kitang itanggi kanina. Mukha kan
Gising pa si Felicity nang bumalik si Damon. Hindi siya makatulog sa inis.Narinig niya ang pagbukas ng p***o, pero nanatili siyang nakatalikod sa kama. Hindi pa niya alam kung ano ang mas masakit, ang pag-alis nito o ang katotohanang hinihintay pa rin niya itong umuwi. Naniwala na naman siya sa pambobola nito.Umupo si Damon sa tabi niya.“Fel, sorry sa pag-alis ko. Pagod na ako.”“Huwag mo akong kausapin at baka kung ano ang masabi ko sa’yo!”“Sige, bukas na lang tayo mag-usap.”Ilang sandali lamang ay dumampi ang mga labi nito sa noo niya.Hindi siya umiwas. Hindi rin siya humarap.Kinaumagahan, kinumpirma ni Damon ang pamamasyal nila sa parke.“Bandang alas-singko tayo bukas,” sabi nito habang inilalapag ang almusal niya.Tumango si Felicity.Sasama siya dahil gusto niyang marinig ang paliwanag nito. Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang relasyon nila, kung seryoso itong nanliligaw o kung muli lamang siyang umaasa sa mga kilos na mali ang pagkakaunawa niya.Ngunit pagsapit ng







