Dear readers, thank you so much for choosing to spend your time with my books. Kayo po ang inspirasyon ko sa pagsulat.
“Lucas, kumusta bro?” bungad ni Sebastian na lumabas ng kwarto.“Okay naman, na-i-send ko na sa email mo ang details ng fake na pirma ni Jenny. Mukhang may gustong makuha sa kanya ang posisyon bilang CEO.”“Siguraduhin mong nakabantay ka kay Jenny sa kumpanya. Pero, hands off ka sa kanya. Nakita ko ang picture ninyo. Bakit nakaakbay ka?” sa halip na sabi niya.“Bro, anong picture? Wala akong maalala.”“Basta, nasa boardroom kayo.”“Bro, huwag mong sabihing pinagseselosan mo ako?”“Of course…not! Humingi ako ng tulong sa’yo na bantayan si Jenny. Hindi ko inasahan na ganoon siya kagahaman para isugal ang buhay niya para sa pera at posisyon. Sabihin mo sa akin lahat ng kilos niya. Ayokong may kahit anong detalye na lumusot. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko.”“Okay, Sebastian. Hanggang kailan mo balak panindigan ‘yang amnesia drama mo? Mukhang nag-enjoy ka na sa pagpapaalaga sa asawa mo.”“Malapit na akong magbalik para magbayad ang lahat ng may kasalanan sa akin. May kausap na akong mg
Sa opisina, busy ang lahat nang dumating si Jenny. Nadatnan niya sina Lucas at Maya na parehong seryoso ang mukha. Nakapatong sa mesa ang ilang folder, mga dokumento, at isang laptop na bukas ang ilang spreadsheets.“Ma’am Jenny, siguradong may mali dito. Nakalusot sa accounting ang pekeng pirma dahil sobrang linis ng pagkakagawa. Hindi ito gawa ng basta-bastang tao. Isa itong planadong sabotahe.”“Halata namang sina Noah at Vicky ‘to o si Don Gilbert ang may gawa nito. Pero wala tayong laban kung puro hinala lang. Kailangan natin ng matibay na ebidensya, digital o papel, na magtuturo sa kanila mismo,” aniya.“May kilala akong tao sa IT department na dati ko pang nakatrabaho. Pwede niyang suriin ang mga logins at electronic signatures. Kung may ginamit na fake account o cloned na pirma, malalaman natin kung saan nanggaling.”“Pero dapat mabilis. Kasi kung mauna silang maglabas ng statement na ikaw ang nagbulsa ng pondo, yari na,” ani Maya.Umupo siya, nakahawak sa sentido, saka humugo
Pilit tumawa si Jenny. “Ah… tingnan mo, si Maya naman etong kasama namin sa picture…”Pero hindi nawala ang pagsusuri sa mata ni Sebastian. Tahimik na inabot ulit nito ang cellphone pabalik, bago humigop ng kape.“Natutuwa ako na may mga kaibigan ka sa work.”Sa ilalim ng kanilang tahimik na palitan ng titig, ramdam niya na unti-unting nagiging mapanuri si Sebastian, na parang kahit wala pa itong alaala, nararamdaman na nito ang mga bagay na ayaw niyang mailantad.Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ito na muling tumingin sa cellphone. Maya-maya ay nagbitiw ito ng tanong na ikinabigla niya.“Gwapo rin pala itong officemate mo… Baka naman nanliligaw sa’yo yan.”Agad siyang umiiling, kunot ang noo.“H-ha? Hindi ah! Hindi siya nanliligaw. Kaibigan ko lang talaga siya.”“Eh kasi… parang ang lapit ninyo sa picture. Nakaakbay pa sa’yo. Pero kung sabi mo, kaibigan lang, edi okay. Nagtitiwala naman ako sa’yo.”Mabilis siyang naghanap ng paraan para mabaling sa iba ang usapan.“Dalawa lang
Habang tumatagal, unti-unti nang lumalakas ang ulan. Tumulo na ito sa kanilang buhok at mga balikat. Napatawa si Jenny sa pagitan ng halik at napayakap pa lalo kay Sebastian.“Naku, baka magkasakit ka pa! Tara na sa loob!” hila niya sa asawa.Ngunit sa halip na sumagot ay kinabig siya ulit nito upang hagkan.Nang tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan, wala na silang nagawa kundi magmadaling pumasok sa loob ng bahay kahit iika-ika si Sebastian. Tumatawa sila pareho, basang-basa, at hingal habang pumapasok sa loob.At bago pa man niya tuluyang isara ang pinto, napatitig siya kay Sebastian at sa gitna ng kanilang tawanan, ramdam niya na mas mahirap palang itago ang lahat ng kasinungalingan, lalo na at mas lumalalim ang damdamin niya para sa asawa.Basang-basa silang dalawa nang makapasok sa loob. Agad na kinuha niya ang malaking tuwalya mula sa aparador. Lumapit siya kay Sebastian na nakaupo muli sa wheelchair at dahan-dahang ipinunas iyon sa basang buhok nito.Nakangiti siya habang p
Isang lider ng grupo ang lumapit kay Jenny . “Ma’am, ilang taon na naming sinasabi ito pero hindi kami pinapansin! Kung bago kang CEO ng Tuazon Group, pakita mo po sa amin na may malasakit ka!”Malumanay pero matatag ang tono niya. “Alam kong mabigat ang sitwasyon ninyo. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan ng bawat isa, ang hirap ng kumayod, lalo na kung kulang ang sahod para sa pamilya. Narito ako hindi para makipagtalo, kundi para makipag-usap. Nasa proseso na din ang hinaing ninyo noon pang nandito si Sebastian. Hindi ko lang alam kung bakit tumagal.”Tahimik na napatingin ang karamihan.Nagpatuloy siya, “Bigyan ninyo ako ng dalawang linggo. Uupo tayo sa mesa, kasama ang HR at finance, at titignan ang makakayang ilaan ng kumpanya. Hindi ko ipapangako ang imposible, pero sisiguraduhin kong may pagbabago at may mararamdaman kayo. Kung hindi ko magagawa iyon, ako mismo ang haharap at magpapaliwanag sa inyo, hindi ko kayo iiwan.”Tila may nakadagan sa dibdib niya habang binibitawan ang
“Hindi po ako mag-isa,” dagdag ni Jenny, nakatingin sa mga kliyente, “nasa likod ko ang mga taong may expertise, at handa kaming makipag-collaborate sa inyo. Kung bibigyan ninyo kami ng pagkakataon, hindi lamang ito magiging proyekto, gagawin namin itong pamana ng pagbabago para sa susunod na henerasyon.”Tahimik ang silid. Nagkatinginan ang mga kliyente. Humingi ang grupo ng ilang minuto upang magdesisyon. Isang malakas na pag-ubo mula sa leader at nagsalita ito.“Matapang ka, Ma’am Jenny. At mukhang hindi ka lang basta-basta itinatagilid ng mga hamon. We like that kind of leadership. And, this is the last proposal na pinakinggan namin at ---” saglit na pinutol ng leader ang sasabihin at tumingin sa mga kasama.“aaminin kong this is the most impressive. The contract is yours.”Halos maluha siya sa tuwa. Lumapit si Maya at bulong na, “Good job, Ma’am Jen.”Si Lucas naman, pilit na hindi nagpapahalata pero proud din.Nag-uumapaw ang saya sa buong kumpanya matapos ang matagumpay na pagp