เข้าสู่ระบบSynopsis: Si Gea ay isinilang na mahirap, at ang kanyang kasamang kapatid na may taglay na malubhang karamdaman ,isa syang bread winner ng pamilya ,dahil sa hirap ng buhay at desperado na matulungan ang kapatid sa pagpapagamot ay naglakas loob syang humingi ng tulong sa kanyang nobyo ngunit imbes na maawa at tulungan sya ay galit at pagtanggi ang kanyang natanggap. Nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan at argumento sa labas ng hospital, at dahil sa galit, sinabi ng kanyang nobyo na makikipag hiwalay na sya at iiwan na nya ito dahil may iba na syang babae dahil punong puno na sya at wala naman syang napapala sa kanilang relasyon. Labis na nasaktan si Gea at tumakbo ito palayo subalit aksidente nyang nabunggo ang isang pogi at gwapong lalaki na si Ethan Vale, Ang CEO ng pinagtatarabahuhan nyang kumpanya. Nang makita syang umiiyak dahil sa kalagayan ay agad nyang sinabi. "Perfect timing!,I need a contract Wife,and you need money,gusto mo magtulungan tayo?pakasalan mo ako,bibigyan kita ng pera, " At dahil wala na syang ibang pagpipilian dala na rin ng matinding pangangailangan ng kapatid at kahirapan ay pumayag sya kaagad. Agad naman nilang inayos at pinirmahan ang kasunduan at inisip na isa lamang itong bussness deal at walang kahit na anong feelings na involved. Ngunit sa paglipas ng maraming taon ay unti unti silang nagkaroon ng malalim na kumunikasyon sa isat isa , nagkaroon ng kahulugan ang bawat galaw at pag aalaga sa bawat isa, at bakit nasasaktan sya kapag nakikitang nahihirapan si Gea sa kanyang pamilya at kapag napag uusapan ang tungkol sa kanyang nakaraan.
ดูเพิ่มเติมPagkatapos ng event, agad na rin silang umuwi,habang nasa byahe,tahimik sila at nag iisip, parehong tulala na nakarahap sa bintana ng sasakyan,walang kahit na anong ingay ang maririnig na parang may isang pader sa pagitan nilang dalawa. Pagdating nila ng bahay, ang buong akala ni Gea ay makakahinga na siya ng maluwag, nagawa niya ang unang pagsubok bilang si Mrs.Vale. Napabuntong hininga si Gea ng malalim na parang kagagaling lang niya sa isang matinding labanan sa pagitan ng apoy at tubig. "sa wakas, nakauwi na rin." sambit niya.Pero ang inakala niyang makakahinga na siya ng maluwag ay mali pala. Pagkapasok sa pinto, tahimik ang buong bahay, bawat sulok ay wala kang maririnig na kahit anong ingay. Pero ramdam ang bigat ng hangin sa loob na parang walang nakatira. Napaupo saglit si Gea sa sofa at sumandal saglit, iniisip kung nagawa ba niya ng tama ang role niya na pagiging isang tunay na asawa. "Good job tonight," sabi ni Ethan na nakangiti habang nagtatanggal ng tie. T
Pagkapasok nila sa Ballroom,halos lahat ng mga tao na nakapaligid sa kanila ay nakatingin sa kanya,hindi sya sanay sa mga ganitong klase ng pagkakataon na nasa kanya nakatingin ang lahat ng mata ng tao.Ang bawat mga ilaw ng camera na nagkikislapan ay parang simbolo sa kanya ng pagpasok sa kabilang yugto ng buhay sa panibagong mundo. Ang mga reporters na kanya kanyang abot ng kanilang mikropono at kanya kayang tanong ang mas lalong nagpapatunay sa kanya na totoong ito na ang simula ng pagbabago ng kanyang buhay,at bawat pag ngiti niya sa harap ng madla ay pakiramdam niya isang bagay na kailanman ay hindi niya malilimutan.Bakas sa kanyang mga labi ang tuwa at saya,dahil bukod sa pakiramdam na naging asawa na siya ng isang CEO ay nasagot na rin ang pagpapagamot ng kanyang kapatid na matagal na niyang hinihintay na mangyari."Ayos ka lang?“ tanong ni Ethan." Oo ayos lang ako, pakiramdam ko nasa ibang mundo ako,ang sarap sa pakiramdam!" Mahinang sagot niya habang kinakabahan.Hinawakan
Habang binabaybay nila ang mahabang kalsada papunta sa bahay ni Ethan. Tahimik namang nakaupo si Gea sa tabi ng bintana habang hawak nya ang maliit na bag na may laman ng kaunting damit at iilang personal na dokumento. Hindi pa rin sya makapaniwala na ilang oras lang ang lumipas ay biglang nabago ang kanyang buhay. Ang dating karaniwang empleyado lang , ngayon ay asawa na ng CEO ng kumpanya. Habang nakamasid sa labas ng bintana si Gea, hindi nya alam kung ano ba ang mas mabigat sa kanyang dala, ang maliit na bag o ang malaking responsibilidad sa kanyang puso. Samantala, tahimik rin si Ethan sa kabilang side ng upuan sa tabi ng bintana. Nakatuon ang tingin sa labas ng kalsada. Seryosong muka na parang may malalim na iniisip na hindi nya masabi. Napapansin ito ni Gea pero hinayaan nya na lang muna. Matapos ang mahabang paglalakbay, nakarating na sila sa isang napaka laking gate ng malawak na mansyon. Ang bahay ni Ethan. Biglang nanlaki ang mata ni Gea sa nakita. "Wow" napaha
Mahigpit na hinawakan ni Gea ang ballpen. Isang kuntrata sa harap na magpapabago sa kanyang buhay.Muli nyang pinagmasdan ang bawat detalye ng kuntrata,sinisiguro na wala syang nakakaligtaan , walang salita na pwedeng ikapahamak nya at walang lihim na kapalit. Ito na ang tanging paraan at pag asa na hinahanap nya. "Kung may tanong ka,itanong mo na" Mahinang sabi ni Ethan pero seryoso.Tahimik si Gea na nag isip pa ng ilang mga bagay na pwedeng linawin sa likod ng kontrata at Huminga ng malalim."May karapatan ba akong umalis anomang oras ko gustuhin?" Tanong nya ."Oo," sagot ni Ethan. "My clause jan sa kontrata na pwede kang mag exit kung kailan mo gusto,pero kailangan mo ibalik ang nagastos." Biglang nanlaki ang mata ni gea."Ibabalik?" "Oo,lahat kailangan mong ibalik lahat ng natanggap mo hanggng sa panahong iyon." Natahimik si Gea."Ibig sabihin kung aalis ako, lahat ng nagastos mo kailangan kong bayaran? " Tanong ni Gea."Oo,ganun nga," sagot ni Ethan. "Pero di kita haha






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.