เข้าสู่ระบบTaos puso po akong nagpapasalamat sa pagsubaybay, pagbibigay ng comments, gifts, at pagpapaulan ng gems! Mahal ko kayo!
Pagkatapos nilang maubos ang hot chocolate, naglakad sila palabas ng park. Akala ni Cassandra ay diretso na sila sa labasan, pero biglang huminto si Zion sa isang booth na puno ng hair clips, ribbons, at maliit na accessories.Napakunot ang noo niya. “Bakit?”“Ang gulo ng buhok mo.”“Ano?”“Para kang nakipagsabunutan.”Nanlaki ang mata niya. “Wow. Romantic.”“Nagsasabi lang ng totoo.”“Bakit? Hindi ba pwedeng magulo ang buhok?”Hindi siya sinagot nito. Sa halip, pumili ito ng hair clip. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang naging marami.“Zion, bakit ang dami?”“Hindi ako marunong pumili.”“Hindi dahilan ’yon para bilhin lahat.”“Mas mabilis.”“Ang gastos mo.”Binayaran na nito ang mga hair clip bago pa siya makaprotesta. Pagkatapos, kinuha nito ang isang pearl clip at hinarap siya.“Stay still.”“Bakit?”“Iaayos ko.”Biglang uminit ang pisngi niya. “Ako na.”“Hindi mo kita ang likod.”“Zion--”Ngunit lumapit na ito. Dahan-dahan nitong tinanggal ang ilang hibla ng buhok na tumatama sa mukha n
Hindi makagalaw si Cassandra.Sa dami ng beses na hinintay niyang magsabi ito ng kahit anong sweet, hindi niya inasahan na darating iyon sa gitna ng festival, habang may fireworks, at suot nila ang murang couple bracelets na parang mas mahalaga pa sa mamahaling alahas“Zion.” Tumingin ito sa kanya. Wala siyang nakitang pagtatago sa mga mata nito. May takot, oo. May pagkalito. Pero may init din. May lambing. May damdaming hindi pa nito kayang pangalanan pero hindi na nito ganap na naitatago.Unti-unting yumuko si Zion.Akala niya hahalikan siya nito sa labi. Naghanda na ang puso niya sa matinding kabog.Pero sa halip, dumampi ang labi nito sa noo niya.Mas maingat kaysa sa lahat ng halik na ibinigay nito sa kanya.At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, mas tumindi ang epekto niyon kaysa sa kahit anong mainit na halik.Napapikit siya.Dahil ang halik sa noo ay walang pagnanasa.Parang pangako.Habang patuloy ang fireworks sa langit, nanatili silang magkahawak-kamay. Hindi niya alam
Nag-flash ang camera.Nanlaki ang mata ni Cassandra.Paglabas ng photo strip, excited siyang kunin iyon. Una, awkward. Sa pangalawa, tumatawa siya. Sa pangatlo, nagkatinginan sila. Sa pang-apat, nakuhanan ang halik ni Zion sa labi niya.“Zion…”“What?”Tinago niya agad ang photo strip sa bag niya. “Akin ’to.”“Hindi ko naman kukunin. Wala akong hilig sa ganyan.”Habang naglalakad sila palabas ng festival area, lumamig ang hangin. Napayakap si Cassandra sa sarili, kahit hawak pa rin niya ang malaking stuffed toy at bag na may photo strip sa loob. Napansin agad iyon ni Zion.Walang sabi-sabing hinubad nito ang jacket at ipinatong sa balikat niya.Napahinto siya. “Hindi ka giniginaw?”“Naiinitan nga ako kaya ko ibinigay sa’yo.”“Sus,” sabi niya, hinawakan ang gilid ng jacket habang kinikilig. “Ayaw pang aminin. You care for me.”Hindi ito sumagot.Pero inayos nito ang jacket sa balikat niya, hinila nang kaunti para mas matakpan siya.“Kung magkakasakit ka, ako ang maaabala,” sabi nito.“
“Zion,” bulong ni Cassandra, natatawa na. “Huwag mong ubusin.”“You wanted it.”“Kahit isa lang! Baka malugi si ate.”Pagkalipas ng ilang minuto, bitbit na niya ang pinakamalaking teddy bear sa booth. Halos kasing laki ng kalahati ng katawan niya. Ipinamigay na niya sa mga bata ang iba pang napanalunan ni Zion.“Ang galing mo talaga.”Naglakad sila hanggang makarating sa bench sa ilalim ng fairy lights. Umupo siya roon, yakap ang teddy bear, may hawak na cotton candy. Si Zion ay umupo sa tabi niya, medyo malayo sa una, pero nang may dumaan na grupo, natural nitong inilapit ang katawan sa kanya na parang pinoprotektahan siya kahit wala namang panganib.Tahimik silang nanood sa mga ilaw.Sa malayo, tumutugtog ang banda. Sa paligid, may tawanan at usok ng pagkain. Pero sa bench na iyon, parang silang dalawa lang ang naroon.Kumagat siya sa cotton candy, pero may naiwang asukal sa gilid ng labi niya.Tumingin si Zion.“Bakit?” tanong niya.Hindi ito sumagot. Itinaas nito ang kamay at marah
Matalim ang tingin ni Zion sa driver. “Kung ayaw mong mawalan ng trabaho, tikom mo ang bibig mo.”Napakamot ito sa ulo. “Pasensya na po.”Pero muli itong bumulong, “Pero sure ako, may kasalanan kayo, boss. Kapag nagreregalo ang lalaki, dalawa lang ’yan, nanliligaw o guilty.”Kung hindi lang siya naghihintay kay Cassandra, baka pinababa niya ang driver sa sarili nitong tricycle.Paglabas ni Cassandra, bitbit ang bag at nakapusod ang buhok, agad siyang nakita nito.Napahinto ito.“Zion?”Hindi siya gumalaw.Bigla niyang nakalimutan kung paano iabot ang bulaklak. Napakabigat nito sa kamay niya.Lumapit si Cassandra, nakatingin sa roses, pagkatapos sa kanya.“Para sa akin ba ’yan?”“Ha?” Mabilis siyang umiwas ng tingin. “Hindi.”“Hindi?”“Hindi.”“Kung hindi sa akin, sino ang bibigyan mo niyan?”Walang sagot na pumasok sa utak niya.Kaya ang lumabas sa bibig niya ay, “Nanalo ako sa raffle.”Napakurap si Cassandra.“Raffle?”“Oo.”“Ng roses?”Ilang segundo siyang tinitigan ni Cassandra.Pa
Pagkaalis sa mansyon, hindi agad pinaandar ni Zion ang kotse.Nakaupo siya sa loob, hawak ang maliit na keychain sa palad habang nakatitig sa windshield na halos walang nakikita. Sa labas, tahimik ang kalsada. Sa loob ng sasakyan, ang ingay ng utak niya.Hindi si Candice ang batang nagligtas sa kanya.At sa halip na guminhawa siya dahil sa wakas ay nalaman niya ang isang piraso ng katotohanan, mas lalo lang gumulo ang lahat. Para bang may hinugot na haligi sa ilalim ng isang bahay na matagal na niyang pinaniwalaang matibay.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Theo.Dalawang ring pa lang, sinagot na nito.“Sir?”“Simulan mo ulit ang paghahanap,” malamig niyang sabi. “Hindi si Candice.”Saglit na katahimikan sa kabilang linya.“Sir… confirmed po?”“Hindi niya maalala ang insidente. Hindi sa kanya ang keychain.”“Okay po. Saan po tayo magsisimula?”“Sa umpisa. Lumang police records. Schools. Barangay reports. Hospital records. Kahit sinong C. Rosales na may koneksyon sa lugar at tao
Nakaharap si Lucas sa dokumentong magpapalaya sa kanya kay Maya, ngunit magbibigkis naman sa kanya kay Camille.Kinuha niya ang ballpen. Hindi niya maigalaw ang kamay.Nakangiti si Camille sa tabi niya. “You did the right thing, my love.”Pero bago pa man tumama ang ballpen sa papel.Isang malakas
Nakatingin si Maya sa kawalan.“Hindi pa ako handa, Ate,” mahina niyang sabi.Nilingon siya ni Mira, marahang inihalo ang kape sa tasa. “Maya, limang taon na. Hindi mo pwedeng itago habambuhay ang totoo lalo at nasa isang industriya kayo. Nakita mo naman, ilang beses ng muntik kayong magkita.”Umili
Bumuhos ang ulan sa kabuuan ng expo grounds. Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng tubig na pumapalo sa lupa.Sa loob ng tent, nakaupo si Maya, yakap ang tuhod at hindi gumagalaw.Nanginginig ang mga kamay habang pinagmamasdan ang tela na naghihiwalay sa kanya at sa kabilang tent.Lumapit si Luc
Napatayo si Maya at nakayukong tumakbo palabas. Paglabas niya ng opisina, halos manghina siya sa dami ng matang nakatingin. Tahimik ang buong floor, tanging mga bulungan lang ang maririnig.Nasa gitna siya ng corridor nang biglang may sumunod na dalawang security guard.“Ma’am,” sabi ng isa, malamig







