Para po sa mga hindi pa nakakapagbasa, please read my other books in GoodNovel. 1. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 2. Love for Rent (1.2M views-Book1-7) - Completed 3. The CEO's Cold Ex-Wife- Ongoing 4. Unlove Me Not - Completed 5. The Ex-Convict Billionaire - Completed Maraming salamat po sa suporta! Love you all!
Nakaharap si Jenny kay Sebastian, ramdam niya ang bigat ng tingin nito matapos makita ang pangalan ni Andrei sa cellphone.“Business call lang ‘yon, mahal. Proposal para sa kumpanya,” pinilit niyang maging kaswal ang tinig.Dahan-dahang tumango si Sebastian, pero hindi na ito nagtanong pa. Tahimik siyang nagpatuloy sa pagkain, ngunit ramdam niyang hindi pa rin nawala ang tensyon.Makalipas ang ilang sandali, tumayo si Sebastian at nilapitan siya. Walang salita, marahang kinuha ang kanyang kamay at pinisil iyon nang mahigpit.“Hindi ko gusto kapag may ibang lalaking tumatawag o umaaligid sa’yo.”Bago pa siya makasagot, niyakap siya nito mula sa likod at isinandal ang baba sa balikat niya.“Hindi ba pwedeng ako lang ang iniisip mo sa pag-uwi mo?”Pilit niyang pinagaan ang sitwasyon sa pamamagitan ng paghawak sa mga braso ni Sebastian, pero lalong bumibigat ang mga sikretong nais na niyang ipagtapat. Unfair para dito. Tutal ay lumalakas na ang katawan nito. Hahanap siya ng tamang timing.
Hindi alam ni Sebastian kung kanino siya nagagalit. Ngunit sa ilalim ng galit, ramdam niyang may matinding takot, takot na baka mawala na sa kanya si Jenny nang tuluyan. At hindi siya makapaghiganti!Napasulyap ulit siya sa larawan nina Jenny at Andrei."Lucas… ayusin mo ’to. Hindi ako papayag na basta-basta na lang may lalapit kay Jenny.""Anong ibig mong sabihin, bro? Gusto mo bang ako na ang kumilos para takutin si Andrei?" ani Lucas na nakatawa.Saglit na natahimik si Sebastian, pinisil ang tulay ng ilong at pinipigilan ang bugso ng damdamin.“Kung makikipagkita si Andrei ulit kay Jenny, siguraduhin mong makarating sa kanya na may asawa na si Jenny. Gamitin mo ang lahat ng paraan para paikutin siya, para mawalan siya ng gana.""So, ibig sabihin, gusto mong bantaan ko si Andrei? Para layuan niya si Ma’am Jenny?""Oo. At kung hindi pa rin siya tumigil, ako na ang haharap sa kanya. Hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya. Hindi ko hahayaang maagaw sa akin si Jenny.""Ayos, bro
Natahimik si Sebastian saglit. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.“Bro, sigurado ka bang nagkaroon ng relasyon ang dalawa?”“Alam mong madami tayong ebidensyang nakalap na nagtuturo kay Jenny,” aniyang mapait ang tono.“Eh, ano ba ang sabi ng puso mo? Sa tingin mo magagawa niya ang ganoon sa’yo?”“Nakita mo naman, ipinangalandakan sa publikong kasal kami, makuha lang ang posisyon at kayamanan na naipundar ko kahit malagay siya sa panganib. Ganoon siya kamukhang pera. Balewala ang pinagsamahan namin.”“Nagsasagawa naman tayo ng imbestigasyon, lalabas din sa huli ang totoo. Kung totoo ngang masama siya. Hindi ka ba natatakot sa safety mo diyan? Baka lasunin ka na lang niyan bigla,” natatawang sabi ni Lucas.“She won’t do that.”“Ay ewan ko sa’yo. Parang nag-enjoy ka na sa mundo ng kasinungalingang ginawa niya para sa’yo.”“Inihahanda ko lang ang paghihiganti ko sa kanya. Basta bantayan mo siya diyan at bawasan ang trabaho niya.”“Ngayon lang ako nakakita ng naghihiganting concern.
“Lucas, kumusta bro?” bungad ni Sebastian na lumabas ng kwarto.“Okay naman, na-i-send ko na sa email mo ang details ng fake na pirma ni Jenny. Mukhang may gustong makuha sa kanya ang posisyon bilang CEO.”“Siguraduhin mong nakabantay ka kay Jenny sa kumpanya. Pero, hands off ka sa kanya. Nakita ko ang picture ninyo. Bakit nakaakbay ka?” sa halip na sabi niya.“Bro, anong picture? Wala akong maalala.”“Basta, nasa boardroom kayo.”“Bro, huwag mong sabihing pinagseselosan mo ako?”“Of course…not! Humingi ako ng tulong sa’yo na bantayan si Jenny. Hindi ko inasahan na ganoon siya kagahaman para isugal ang buhay niya para sa pera at posisyon. Sabihin mo sa akin lahat ng kilos niya. Ayokong may kahit anong detalye na lumusot. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko.”“Okay, Sebastian. Hanggang kailan mo balak panindigan ‘yang amnesia drama mo? Mukhang nag-enjoy ka na sa pagpapaalaga sa asawa mo.”“Malapit na akong magbalik para magbayad ang lahat ng may kasalanan sa akin. May kausap na akong mg
Sa opisina, busy ang lahat nang dumating si Jenny. Nadatnan niya sina Lucas at Maya na parehong seryoso ang mukha. Nakapatong sa mesa ang ilang folder, mga dokumento, at isang laptop na bukas ang ilang spreadsheets.“Ma’am Jenny, siguradong may mali dito. Nakalusot sa accounting ang pekeng pirma dahil sobrang linis ng pagkakagawa. Hindi ito gawa ng basta-bastang tao. Isa itong planadong sabotahe.”“Halata namang sina Noah at Vicky ‘to o si Don Gilbert ang may gawa nito. Pero wala tayong laban kung puro hinala lang. Kailangan natin ng matibay na ebidensya, digital o papel, na magtuturo sa kanila mismo,” aniya.“May kilala akong tao sa IT department na dati ko pang nakatrabaho. Pwede niyang suriin ang mga logins at electronic signatures. Kung may ginamit na fake account o cloned na pirma, malalaman natin kung saan nanggaling.”“Pero dapat mabilis. Kasi kung mauna silang maglabas ng statement na ikaw ang nagbulsa ng pondo, yari na,” ani Maya.Umupo siya, nakahawak sa sentido, saka humugo
Pilit tumawa si Jenny. “Ah… tingnan mo, si Maya naman etong kasama namin sa picture…”Pero hindi nawala ang pagsusuri sa mata ni Sebastian. Tahimik na inabot ulit nito ang cellphone pabalik, bago humigop ng kape.“Natutuwa ako na may mga kaibigan ka sa work.”Sa ilalim ng kanilang tahimik na palitan ng titig, ramdam niya na unti-unting nagiging mapanuri si Sebastian, na parang kahit wala pa itong alaala, nararamdaman na nito ang mga bagay na ayaw niyang mailantad.Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ito na muling tumingin sa cellphone. Maya-maya ay nagbitiw ito ng tanong na ikinabigla niya.“Gwapo rin pala itong officemate mo… Baka naman nanliligaw sa’yo yan.”Agad siyang umiiling, kunot ang noo.“H-ha? Hindi ah! Hindi siya nanliligaw. Kaibigan ko lang talaga siya.”“Eh kasi… parang ang lapit ninyo sa picture. Nakaakbay pa sa’yo. Pero kung sabi mo, kaibigan lang, edi okay. Nagtitiwala naman ako sa’yo.”Mabilis siyang naghanap ng paraan para mabaling sa iba ang usapan.“Dalawa lang