LOGINMalalim ang iniisp ni Iris. Hindi siya dapat mauna, babae siya.Hanggang mag-uiwan na. Nakapatay na ang karamihan ng ilaw, desk lamp na lang ang bukas sa harap niya. Nakabukas ang chat box ni Daryl sa cellphone.Mahaba na sana ang naisusulat niya.“Daryl, pasensya na kung naging immature ako kagabi. Hindi ko dapat sinabi yung tungkol kay Harvey. Nasaktan ako pero mas nasaktan yata kita…”Huminto ang daliri niya.Binura niya ang isinulat.Sinubukan ulit.“Namimiss kita. Hindi ko alam kung saan ba ako nakalugar sa puso mo. Mahirap pala ang walang label.”Binura ulit.Napabuntong-hininga siya, napasandal sa upuan.Bakit siya ang mauunang magparamdam?Bakit parang siya ang naghahabol kahit wala namang label?Ipinatong niya ang cellphone sa mesa, nakabaligtad.Biglang tumunog ang notification.Napaigtad siya.“Musta ka? Kumain ka na ba?”Galing kay Daryl. Nanlaki ang mata niya. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kinuha niya agad ang cellphone, tapos biglang ibinaba ulit.Hindi.Hin
Nanikip ang dibdib ni Iris. Hindi niya narinig ang usapan, hindi niya alam ang dahilan, ang nakita lang niya ay ang yakap. At sapat na iyon para masaktan.Tahimik siyang tumayo. Kinuha ang bag. Ay umalis ng hindi nagpapaalam.Pagbalik ni Daryl, hinahanap niya si Iris.“Nay, nasaan po si Iris?”“Hindi ba at katabi mo kanina? Baka nagpunta sa banyo,” sabi ni Nanay Lily.Umikot ang paningin niya.Nakita niya itong palabas.“Iris!” sigaw niya at hinabol ito.Sa labas, malamig ang hangin. Tahimik ang kalsada.“Iris, wait! Bakit aalis ka na? May emergency ba? Ihahatid na kita,” habol ni Daryl.Huminto si Iris, pero hindi humarap.“Hindi mo kailangang magpaliwanag,” sabi niya, pilit matatag ang boses. “Gets ko na.”“Get mo na ang alin?” takang tanong ni Daryl. Lumapit ito, hinawakan ang braso niya. “Please, tumingin ka sa mga mata ko.”Huminga nang malalim si Iris at humarap sa binara, nangingilid ang luha.“Bumalik ka na kay Candice mo, nakakahiya sa kanya baka hinahanap ka na. Uuwi na ako!
Nagulat si Daryl nang makita sina Iris at Candice sa iisang shop.“Oh,” ani Daryl, bahagyang ngumiti. “Kayo pala. Anong ginagawa ninyo dito?”Sa loob-loob ni Iris, parang may alarm na tumunog. “Hello!” tangi niyang nasabi.Si Candice naman ay biglang nagkunwaring interesado sa display ng medyas na parang iyon ang pinakamahalagang bagay sa mundo.“Ah… errands lang,” sagot ni Iris, pilit kalmado. “Ikaw?”“May bibilhin lang,” sagot ni Daryl, walang bahid ng duda. Hindi man lang nito napansin ang mga paper bag na halos itinago ni Candice.Ngumiti si Candice at agad iniabot ang hawak niyang maliit na kahon. “By the way, Daryl. Advance happy birthday.”Umikot ang mata ni Iris. Akala ba niya surprise para kay Daryl? Talagang gusto nitong mauna sa pagbati.Natigilan si Daryl. “Ha? Paano mo nalaman?”“Secret,” sagot ni Candice, sabay kindat. “Buksan mo mamaya.”“Salamat,” aniya, halatang nagulat pero genuinely thankful. “Hindi mo naman kailangang mag-abala.”“Gusto ko, bagay sa’yo ‘yan. Parang
“Don Apollo, kapag hindi ako nakaligtas, pakisabi kay Iris na mahal ko siya. Matagal na. Noon pa.”“Magpokus ka sa kalsada! Hindi tayo mamatay dito!”singhal ni Don Apollo.Lumalakas ang ulan.Sa gitna ng madulas na kalsada, lumalangitngit ang gulong ng sasakyan habang pilit na kinokontrol ni Daryl ang manibela. Nawalan na ng silbi ang preno, walang kapit. Ang ilaw ng mga kasalubong na sasakyan ay parang mga kidlat na salit-salitang sumasalubong sa paningin nila.“Daryl!” napapikit si Don Apollo, mahigpit ang hawak sa armrest.“Huwag po kayong gagalaw,” mariing sabi ni Daryl, kalmado ang boses kahit ramdam ang tensyon. “Trust me.”Hindi siya sumigaw. Hindi rin nagpanic.Sa halip, binawasan niya ang bilis, inikot nang bahagya ang manibela para iwasan ang paparating na truck, saka ginamit ang engine brake. Isang maling galaw lang, at tapos na ang lahat. Hindi maaari. Magtatapat pa siya ng feelings niya kay Iris.Sa huling segundo, ibinangga niya ang sasakyan sa gilid ng bakod, kontrolado,
“Sino nga ang nanakit sa’yo? Kasuhan mo ng physical injury,” ani Iris.“Wala, aksidente nga lang. Nabagsakan ako ng kahon. Huwag ka ng mag-alala,”Tumunog ang phone niya, tumatawag si Lucas. Lumayo siya ng konti kay Daryl.“Hello, bakit?” bungad niya.“Nasaan ka? Nasa Timeless ako.”“Nandito sa kumpanya ni Daryl.”“Edi nakita mo na ang mukha niya?”“Wait, ikaw ba ang nanuntok kay Daryl?”May sandaling katahimikan sa linya. Tapos isang mahinang tawa. Hindi rin guilty. Parang sinusukat lang ang reaksyon niya.“Bakit mo ginawa ‘yun?”“Wow,” ani Lucas. “May pagtatanggol na nagaganap?”Nanikip ang dibdib ni Iris. “Hindi ‘to biro. Bakit mo siya sinaktan?”“Relax, akala ko binuntis ka niya. Natural lang ‘yon.”“Natural?!” napataas ang boses ni Iris. “Hindi mo man lang tinanong. Sinuntok mo agad!”“Alam mo namang protective ako,” tugon ni Lucas, may halong tukso. “At… mukhang may feelings ka.”Huminga nang malalim si Iris, pilit pinapakalma ang sarili. “Hindi mo na uulitin ‘yon. Mangako ka.”“
Unti-unting humupa ang tensyon.Hindi na galit ang hakbang ni Lucas. Wala na ang kamaong nakataas. Wala na ang apoy sa mata.“Daryl, pwede ba tayong mag-usap?”Nagkatinginan sila.“Oo,” sagot ni Daryl. “I’m sorry bro. Matagal na akong may lihim na pagtingin kay Iris.”Huminga nang malalim si Lucas. Tumingin siya sa sahig bago muling nag-angat ng mata. “Pasensya na sa nangyari. Nadala ako. Hindi ko dapat ginawa ’yon.” “Naiintindihan ko, bro.”“Anong balak mo para kay Iris?” diretso ang tanong ni Lucas.“Lahat ng ginagawa kong pagsisikap… para sa kanya,” sabi niya nang walang pagmamayabang. “Pero kung anuman ang maging desisyon niya, igagalang ko.”Napikit si Lucas sandali. Parang may bumigat sa dibdib niya.“Iyon ang gusto kong marinig,” sabi niya sa huli. “Salamat. Kahit anong magyari, huwag mong papabayaan ang kapatid ko. Gusto ko lang sabihin sa’yo na naka-suporta ako kay Iris sa kung anuman ang maging desisyon niya. At kung ikaw ang pipiliin niya, hindi ako hahadlang. Alam kong ma






