LOGINI’m so grateful for spending your time with my book. Your support is like a warm cup of coffee on a rainy day -- comforting and inspiring.
Tinakpan ni Daryl ng balikat niya si Iris nang mapansin niya ang aninong gumalaw sa gilid ng hardin.“Matatapos na ang celebration,” bulong niya, kalmado ang boses kahit alerto ang mga mata. “Tara, balik na tayo sa loob. Baka hinahanap na nila tayo.”Hinila niya si Iris palapit sa gitna ng garden kung saan nagkakantahan pa ang banda at nagkukumpulan ang mga bisita. Hindi niya ipinahalata ang kaba, ang kamay niya sa likod ni Iris ay parang ordinaryong gabay lang, proteksyon na hindi nagdudulot ng takot sa asawa.Sa di kalayuan, nagtagpo ang tingin nila ni Lucas.Isang mabilis na tango lang ang kinailangan.Napansin din ni Lucas ang parehong anino. Isang lalaking nakatayo sa pagitan ng mga puno at nagkukubli. Sumenyas si Lucas sa dalawang tauhan. Nang gumalaw ang lalaki, mabilis itong tumakbo palayo.Hinabol ng mga tao ni Lucas ang tumatakbong lalaki. Walang sigawan at gulo. Ilang segundo lang ang lumipas at nawala ang anino sa dilim.Natapos ang kasal na ang lahat ay may ngiti sa labi
Tumango si Iris. Hudyat ng pagpayag. Dahan-dahan inilapit ni Daryl ang labi sa noo ng dalaga, at doon ito hinalikan.Banayad ang halik at puno ng pag-iingat.Pero--“Sa labi ang kiss,” sigaw ng mga bisita.“Lips! Lips! Lips!” sabay-sabay na hiyawan ng mga tao.Napangiti si Iris, namula. Si Daryl naman ay bahagyang napaatras, halatang nag-alinlangan. Parang naalala niya bigla ang lahat ng rules na ginawa ni Iris.“Iris…” mahinang tawag niya, parang nagtatanong.Hindi na niya sinagot ang binata.Hinila niya ang barong ni Daryl, marahan pero sigurado, saka siya tumingkayad.At doon niya inilapat ang labi niya sa labi nito.Umugong ang palakpakan. May hiyawan. May sipol.Saglit na nanigas si Daryl.Ipinulupot nito ang isang kamay sa likod ni Iris, maingat pa rin, parang sinisigurong hindi siya lalampas sa hangganan… kahit gusto na niyang kalimutan lahat ng hangganang iyon. Lumalim ang halik niya na tinugunan naman ni Iris. Mabuti na lang pala at nakapagpractice sila dati.Nang maghiwalay
Sumabog ang katahimikan ng hardin.“Itigil ang kasal!” sigaw ni Harvey, basag ang boses pero malakas ang loob.Nagtilian ang ilang bisita. Napalingon ang lahat. Ang officiant ay napaatras dahil sa komosyon, hindi alam kung ipagpapatuloy o hihinto.Humakbang si Harvey palapit sa gitna ng aisle, diretso ang tindig, nanginginig ang panga.“Bago ninyo isipin na masama akong tao dahil sa pagtutol ko sa kasal na ‘to,” sigaw niya, “nagkakamali kayo. Ako ay nagmamahal lang. At gusto kong protektahan si Iris!”Napatingin si Iris, nanginginig sa galit.“Harvey, tumigil ka na,” mariin niyang sabi.Pero hindi siya pinansin ng lalaki.“Don Apollo,” humarap ito sa matanda, “patawad po, pero tutol ako sa kasalang ito. Tutol ka din, hindi ba? Gusto lang din kitang tulungan. Alam ko kung bakit ayaw mong matuloy ang kasal na ito.”Naningkit ang mata ni Don Apollo. “Anong pinagsasabi mo, Harvey?”Bago pa makasagot, humakbang si Lucas, may kasunod na dalawang malalaking lalaki mula sa security.“Harvey,
Nag-angat ng tingin si Iris mula sa loob ng bridal tent. Nagtagpo ang mata nila ng ama.Tahimik ang Dahlia’s Garden habang naglalakad papasok.May bulungan. May mga matang palihim na nagmamasid.At doon sa gawing likod, hindi sa front row, umupo si Don Apollo.Hindi ito umalis.Pero hindi rin lumapit.Tahimik lang. Diretso ang likod. Nakatingin sa altar na parang sinusukat ang distansya, hindi lang ng mga upuan, kundi ng desisyong matagal niyang tinutulan.Kasunod nitong umupo si Harvey.Ilang sandali pa, may isa pang dumating.Si Candice. Umupo rin sa likuran, mag-isa. Nakatingin kay Daryl, may lungkot sa mata, pero walang hinanakit. Parang isang taong tanggap na ang hindi na kanya.Sa harap ng altar, nakatayo si Daryl.Naka-barong at gwapong gwapo. Pero nanginginig ang mga kamay na pilit ikinukubli sa likod.Dahil ilang sandali na lang ay lalakad papunta sa kanya si Iris, ang babaeng lihim na iniibig. Ni sa panaginip hindi niya inasahan na magpapakasal sila ni Iris.Sa loob ng brida
Nagdalawang-isip si Iris bago sagutin ang tumutunog na cellphone.Tumango si Daryl bilang pagpayag na sagutin niya kahit hindi niya tinatanong.Huminga siya nang malalim, tumayo at lumayo ng konti saka pinindot ang screen.“Hello? Anong kailangan mo Harvey?”Sa kabilang linya, may katahimikan muna, tapos isang hingang putol-putol. Parang pinipigilan ang iyak.“Iris…” basag ang boses ni Harvey. “Please… just listen.”Nanlamig ang mga daliri niya, pero hindi niya ibinaba ang tawag.“Nakikinig ako,” sagot niya, mahinahon.“I know it’s late,” mabilis na dugtong ni Harvey. “I know I messed up. Pero mahal kita. Mahal na mahal. Hindi mo pwedeng itapon ‘yon basta-basta. Ikaw ang first love ko na matagal ko ng hinahanap. At ako din ang first love mo, di ba?”Pumikit si Iris. Hindi dahil naaantig, kundi dahil nakakapagod.“Harvey,” sabi niya, mababa pero malinaw. “Hindi ko itinatapon ang kahit ano. Wala lang talagang tayo. Mga bata pa tayo that time. Marami ng nagbago.”“Pero pwede pa--” naputo
Bukas na ang kasal. Kabadong excited si Iris.Dapat puno ng anticipation at kilig ang araw.Pero para kay Iris, parang hinahabol sila ng gulo sa bawat oras. Daming aberya kung kailan bukas na ang kasal.“Ma’am Iris,” halos pabulong na sabi ng coordinator sa phone, nanginginig ang boses. “Yung cake supplier po… umatras.”Nanlamig ang batok niya. “Umatras? Bakit?”“Hindi po sinabi kung bakit.”Napapikit si Iris. “Okay. Sige, hahanap ako ng bago. Balikan kita mamaya. Salamat.”Hindi pa siya nakakahinga nang maluwag, sunod-sunod na ang pumasok na messages.Florist backed out.Sound system supplier unreachable.Host refuses to attend due to sickness.Pati catering umatras dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Nanlumo siya. Ayaw sana niyang isipin ngunit tila may nananabotahe sa kasal nila. Nagmessage siya sa group chat kung may kakilala ang mga kaibigan.Ilang minuto lang, may mga message na.“Relax. We got this, kayang kaya ‘yan,” chat ni Mira.Kasunod noon, halos sabay-sabay na ang tulong







