Mula sa puso, maraming salamat po sa suporta sa bagong aklat ko. Napakalaking bagay po ng comments at gems na inyong ipinagkakaloob.
Bumaba ng elevator nang sabay sila Mira at Kyle, tahimik ngunit may ngiti sa labi ng bawat isa. Hindi na kailangang magsalita pa, ang bawat sulyap at ngiti, ay sapat ng patunay ng kung anong meron sa pagitan nila. Habang hawak ni Kyle ang bag ni Mira, siya nama ay pasimpleng nakakapit sa braso ng binata. Ang eksenang ito ay akala niya ay sa pangarap lamang mangyayari!Pagkarating sa harap ng mansyon, binuksan agad ni Kyle ang pinto at hinayaan siyang maunang pumasok.“My queen, first.”“Grabe, hindi na kailangan at baka masanay ako.”“Masanay ka na dahil ganito na tayo palagi. Aalagaan kita, mahal ko.”Tila siya uod na inasinan.Pagkapasok ay hinubad ni Kyle ang coat at iniabot sa kanya.“Ano ang gusto mong kainin?”“Kahit ano, hindi ako mapili.”Nagulat pa siya ng nakahanda na ang table para sa kanilang dalawa sa garden.“I hope it’s not too late to celebrate your birthday.”“Uy grabe naman, may surprise ulit?” aniyang walang paglagyan ang ligaya.Inalalayan siya nitong maupo. At ito
Ang liwanag ng desk lamp lang ang nagsisilbing ilaw sa pagitan nila Kyle at Mira. Habang nakatitig ang binata sa kanya, hindi na niya malaman kung ano ang susunod na mangyayari. Ramdam niya ang init ng pisngi niya at ang bilis ng tibok ng kanyang puso.“Gusto mo pa bang marinig ang sagot ko… o nararamdaman mo na?” masuyo nitong tanong ang ihiwalay ang labi sa kanya.Napayuko siya, nangingiti habang nilalaro ang sariling mga daliri. Hindi siya makatingin nang diretso sa boss.“Pwede bang sabihin mo ng deretso? Baka kasi nananaginip lang ako.”“Sige, gigisingin kita.”At bago pa siya makasagot, marahan nitong hinawakan ang kanyang baba, at dumampi ang mga labi nito sa kanya, banayad sa una, hanggang sa naging mas malalim ang halik, naghahanap ng katugon. Marunong na siyang humalik kaya naman gumanti siya at ginaya ang paraan ng paghalik nito.Napapikit siya, hinayaan ang sarili sa sandaling iyon. Ang halik ni Kyle ay tila pag-amin, hindi lang sa pagpapatuloy ng kasunduan, kundi sa lahat
Dumiretso si Kyle at Sofie sa executive office. Naiwan si Mira, nakatitig sa kanilang likuran.“Bakit kaya parang hindi lang basta trabaho ang pagbabalik niya? Tsaka oo graduate daw ng Marketing pero ito ang unang job niya, Head agad? Goodluck sa department nila,” bulong ni Jenny.“Shhh, baka may makarinig sa'yo.”“Biruin mo, iniwan sa harap ng altar pero pinatawad pa din.”“Huwag na nating pakialaman, mahal niya kaya ganoon.”“Hoy, hindi mo ba ipaglalaban ang asawa mo?”“Alam mong hindi totoo ang relasyon namin. Anong laban ko sa first love? Tsaka ngayon ko lang ulit nakitang ganyan kasigla si Kyle.”“Ay, martir! Bes, hindi ka ba nasasaktan?”“Nasasaktan…” aniyang nangingilid ang luha sa mga mata.“Ayos ng nagkaroon ako ng chance na mahalin siya. Dati sa panaginip ko lang siya nakakalapit. Ngayon sa tunay na buhay na. Alam ko namang walang patutunguhan ang ilusyon ko. Tama lang na nagbalik na si Sofie,” aniyang kumurap upang awatin ang pagpatak ng luha."Bes, ano? Ganoon na lang ba ‘
“’Yung regalo sa desk ko. Heto suot ko na. Magan--.”Hindi pa man siya natatapos, agad na nagsalita si Kyle, malamig at may halong inis.“Huwag kang mag-assume, Mira. Hindi ako ang nagbigay niyan.”“Ha? Eh sino—”Sabay napatingin si Kyle sa likuran niya, kung saan papalapit si Sebastian.“Mira, nakita mo na pala. Sakto ba ang size sa’yo?”“Seb, anong ginagawa mo dito?”“We have a meeting. May mga dapat lang i-polish sa planning.”“Akala ko lawyer mo ang pupunta, Mr. Tuazon,” ani Kyle.“Well, may oras ako today at gusto ko na ding idaan ang regalo ko para kay Mira.Tumango-tango si Kyle at dire-diretsong pumasok sa opisina nito at mariing isinara ang pinto.Napayuko siya. Ang kaninang tuwa ay biglang naglaho, parang tinangay ng isang iglap ng malamig na hangin ng katotohanan. Tumitig siya sa relong suot, magandang regalo, pero hindi mula sa taong gusto niyang magbigay.“Seb, maraming salamat. Kagabi lang ay may regalo kang bag tapos ngayon relo naman. Mukhang mahal ang mga regalo mo.”
Tulala si Mira sa table na ni hindi nagalaw ang pagkain. Nakatitig lamang siya sa cake.Sa gitna ng katahimikan, biglang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Maya, ang kanyang kapatid."Ate, umuwi ka dito. Dali," anitong ibinaba agad ang tawag kahit hindi pa siya nakakasagot.Napakunot ang noo niya. May kaba sa dibdib. Nasa likod ng tinig ni Maya ang tila pagmamadali at tensyon. Baka may nangyari kay Nanay o kay Tatay?Pagdating sa harap ng bahay nila, halos napatakbo siya sa gate. Saktong pagbukas niya ng pintuan ng bahay nila ay nadinig niya ang sabay sabay na pagbati."Happy Birthday, Mira!"Pagbukas ng pinto ay bumulaga sa kanya ang mga lobo, banderitas, handang pagkain sa mesa, at mga pamilyar na mukha, si Tatay Samuel na masayang nakangiti kahit nakaupo pa sa wheelchair, si Nanay Mel na nasa likod ng ama, si Maya na may hawak na cake, si Jenny, may hawak na cellphone para mag-video. Nagulat pa siya ng makita si Sebastian na may dalang bulaklak.Napasinghap siya, natigilan.
Napatitig si Mira kay Lolo Mario, ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Alam niya ang sagot sa tanong. Hindi siya maaaring magkamali.“Opo, Lolo… mahal ko po si Kyle. Hindi po dahil sa yaman niya o sa gandang lalaki. Basta po, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nakahanda po akong gawin ang lahat para sa kanya. Gusto ko po na palagi siyang masaya.”Tumingin siya sa kanyang mga kamay na kanina pa niya pinaglalaruan, at sa kanyang mga mata, unti-unting namuo ang luha.Hinawakan ni Lolo Mario ang kanyang kamay, mahigpit at may pang-unawa.“Iyan ang dahilan kung bakit ikaw ang pinili ko. Tunay ang pagmamahal mo. Naiintindihan mo siya. Tinatanggap mo kung sino siya. Hindi madaling pakisamahan ang apo ko. Nagkaroon siya ng trauma ng makita sa mismong kama ng magulang niya ang kanyang ama na may kasamang ibang babae. Nakita niya ang matinding away at pagmamakaawa ni Aurora sa kanyang ama. Nakita din niya ng magtangkang mag-suicide ang ina niya dahil sa pag-iwan ni Renato. Ta