Lumalakas ang buhos ng ulan. Mukhang matindi ang habagat.Sa lumang bahay nila Mira, kumalat ang aroma ng bagong timplang kapeng barako ni Nanay Mel. Nakaupo si Kyle sa lumang sofa. Kinabahan siya at baka ubuhin ang boss dahil sa alikabok."Tikman mo ’to, Kyle. Kape at biko. Sana magustuhan mo, biglang bigla naman kasi ang dating ninyo, hindi na ako nakapaghanda ng masarap na makakain," ani Nanay Mel."Sigurado akong masarap po ‘yan," anitong agad tinikman ang biko. Nag-alala siyang baka sumakit ang tiyan ng amo.Lumabas si Tatay Samuel at nagmano din ang binata. “Magandang gabi po Tatay Samuel.”Tumango ang matanda. “Mabuti at napasyal kayo.”Dumating si Maya, bitbit ang maliit na paper bag ng pasalubong. Pagpasok nito sa sala, napahinto ito, nanlaki ang mata."Hala… Ikaw ba ‘yung jowa ni Ate Mira na sinasabi ng mga kapitbahay na nakasakay sa mamahaling kotse!?""Ako nga. You must be Maya, ang magandang nakababatang kapatid ni Mira.”Agad na naupo ang kapatid sa tabi ni Kyle, parang
Abala si Mira sa pagbubukas ng laptop nang mapansin ang papalapit na hakbang. Sa peripheral vision niya, nakita niya ang pigurang tila naglalakad sa runway hawak ang cup ng kape.“Good morning, Mira. Para sa’yo… peace offering,” ani Sofie na nakangiti, may bahid ng excitement ang tinig.Napatingin siya, bahagyang nagulat, at nag-alangang tanggapin ang kape.“Teka lang, wala bang lason ‘yan?”“Wala, grabe ka naman sa akin.”“Mahirap magtiwala, matapos mo akong ipahamak ng ilang beses,” aniyang tinanggap ang kape.Umupo si Sofie sa tabi ng mesa niya, nakasandal pa sa gilid na parang kampante sa presensya niya.“Gusto ko lang linawin… kagabi, nung tumawag ako… totoo ba yung sinabi mo? Na mahal pa rin ako ni Kyle?”Ramdam niya ang kabog ng dibdib, pero pinanatiling kalmadong boses.“Oo… yun ang sabi ko, ‘di ba?”Nagliwanag lalo ang mukha ni Sofie, para bang nakakita ng liwanag sa dulo ng madilim na tunnel.“Paano mo nasabi?”“Teka, akala ko lasing ka kagabi? Bakit tandang tanda mo ang sin
Umaga pa lang, nakaupo na si Mira sa kanyang desk, maingat na nire-review ang final presentation para sa meeting mamaya. Gusto niyang siguraduhin na maayos ang lahat, lalo na kasama ang CEO at board members at unang beses niyang mag-pi-present sa meeting. Mainam itong training niya.Pagkatapos ng ilang minuto, tinawag siya ni Sofie.“Mira, naiwan ko ang laptop ko sa bahay. Pwede bang pahiram ng laptop mo sandali? Kailangan ko lang i-check yung format ng isang file para compatible sa projector natin,” anitong seryoso ang mukha.Ilang araw ng mabait si Sofie. Baka nagbago na ito. At wala din naman siyang mapapalang awayin ang babaeng minamahal ni Kyle.“Ah, sige. Sandali lang, i-save ko lang ‘tong ginagawa ko.”Habang abala siya sa pag-aayos ng ibang papers sa mesa, mabilis na pinihit ni Sofie ang laptop palayo sa kanya, kumikilos nang tila nagta-type lang. Pero sa likod ng mabilis na paggalaw ng mga daliri nito, binubuksan na nito ang presentation file para mamaya.Mabilis nitong binag
Pagbalik ni Mira sa opisina, bitbit ang ilang folders at ang brown envelope, pilit niyang pinanatili ang normal na kilos. Nakaupo si Kyle sa swivel chair, nakasandal at abala sa pagbabasa ng reports.“Nakuha mo ba ‘yung hinihingi kong project file?”“Yes. Nasa folder na ‘to.”Lumapit siya sa desk, marahang inilapag ang folders, at kasabay nito ay sinadya niyang ilaglag ang ballpen mula sa kanyang kamay.Gumulong ito pababa, tuwid na dumiretso sa ilalim ng desk ni Kyle.“Ay, wait lang…”Lumuhod siya para abutin ito. Sa ilalim ng desk, agad niyang nakita ang hinahanap na maliit na wiretapping device na nakakabit sa gilid ng table frame. Halos hindi pansinin kung hindi hahanapin.Sinadya niyang magtagal ng bahagya, parang nahihirapan abutin ang ballpen, para siguradong makita rin ito ni Kyle.Nakita niyang sumilip si Kyle pababa, kunot-noong napatingin sa tinitigan niyang device.Nagkatinginan silang dalawa. Hindi siya nagsalita, pero sapat na ang tingin niya para ipahiwatig na may ibang
Pagkabukas ng gate ng mansyon, halos wala sa sarili si Mira habang naglalakad papasok. Sa bawat hakbang, ramdam niya ang bigat ng lihim na ngayon ay bumabalot sa kanyang dibdib.Pagdating niya sa pintuan, agad bumungad si Kyle na nakapantulog na.“Mira? Anong nangyari? Saan ka ba galing?! Naiwan mo ang cellphone at bag mo sa opisina,” humahangos si Kyle na nag-aalala.Gusto niyang palakpakan ito sa galing ng akting. Mukhang totoong concern. Nagpanggap siyang kalmado. Pero tila nag-aalburotong bulkan ang kanyang damdamin. Iniwas niya ang mga mata.“Naglakad lang… tapos umuwi ako sa amin. Kinumusta ko lang sila nanay at tatay,” aniyang nag-crack ang boses.“Teka, umiyak ka ba? May problema ba sa bahay? Sabihin mo lang. Nakahanda akong tumulong. Alam mo namang ayokong malungkot ka,” anitong hinawakan siya sa balikat.Nagkiskis ang mga ngipin niya sa tindi ng itinatagong emosyon. Putang-ina. Nakuyom niya ang palad.“Okay lang ako. Ngkakwentuhan lang kami kaya nagkadramahan ng konti kaya n
Kinabukasan ng hapon, inihatid ni Kyle si Mira sa mentorship session nito. Wala pa ang professor kaya ninakawan pa niya ng halik ang asawa.“Kyle! Umalis ka na at padating na ang professor ko,” nakangiting taboy ni Mira. Niyakap pa niya ito ng mahigpit bago umalis.Bumalik na siya sa opisina sa dami ng trabahong nakatambak. Nagulat siya sa pagdating ni Lucas, ang matagal ng kaibigan at isang magaling na negosyante din.Nagyakap silang dalawa.“Long time no see, bro!” masayang bungad ni Lucas na inabot ang isang bote ng wine.“Tikman na natin ‘yan,” aniyang nagtungo sa mini bar at kumuha ng dalawang baso at nagsalin ng alak. Ibinigay sa kaibigan ang isa.Umupo siya sa leather couch, hawak ang basong may yelo at alak. Tumapat sa kanya si Lucas."Bro, kumusta? Nawala lang ako ng ilang buwan pagbalik ko may asawa ka na. At hindi ang kinababaliwan mong si Sofie kundi ang assistant mo. Anong nangyari? Gulat na gulat ako!"Tumahimik siya, sumimsim ng alak at saka tumingin sa bintana."Ang to