Mag-log inKung nagustuhan po ninyo ang ating kwento, pakisuyo po ako ng review at rating sa mismong aklat. Malaking tulong po ito sa akin bilang manunulat. Maraming salamat po!
“Hospital,” paos na sabi ni Zion. “We’re going to the hospital.”Halos hindi na maalala ni Cassandra kung paano sila nakababa mula sa office.Ang tanging malinaw sa kanya ay ang mahigpit na hawak ni Zion sa kanyang kamay.Nang makasakay sila sa kotse, si Zion mismo ang nagmaneho. Nasa passenger seat si Cassandra, nakasandal nang bahagya habang hawak ang kanyang tiyan.Una niyang tinawagan ang kanyang ina.Nang sumagot ang ina, halos wala pang tatlong salita ang nasasabi niya ay nag-panic na ito.“Mom… manganganak na yata ako.”“Ano? Saan kayo? Nasaan si Zion? Masakit ba? Carlos! Carlos, manganganak na si Cassandra!”“Mom, St. Joseph Maternity Hospital.”“Narinig mo, Carlos? St. Joseph! Anak, papunta na kami. Lakasan mo ang loob mo, ha? Huwag kang matakot.”Napatingin si Cassandra kay Zion.Nakahawak ito sa manibela, pero halata niyang nanginginig ang mga daliri nito.“Zion,” mahinang tawag niya. “Okay ka lang?”“Okay lang ako.”“Parang hindi.”Saglit itong tumingin sa kanya bago ibina
Nagtagpo ang mga mata nila. Alam niyang nag-aalala ito.Huminga nang malalim si Zion.“Sige.”Nanlaki ang mga mata niya. “Talaga?”“Pero you will work as my assistant.”Napakurap siya. “Assistant mo?”“Katabi kita palagi. Ako ang magbabantay sa schedule mo, pagkain mo, at pahinga mo.”Napapikit siya, pero hindi napigilan ang ngiti.“At ikukuha kita ng sarili mong assistant,” dagdag nito.Napadilat siya. “Ano ba ’yon? Assistant mo, may assistant din?”“Siyempre. Buntis ka.”“Zion…”Ngumiti ito, saka hinalikan ang noo niya.Kinabukasan, pagpasok ni Cassandra sa Silver Lining, halos mapahinto siya sa pintuan ng opisina ni Zion.“Welcome back to Silver Lining, mahal.”Sa tabi ng malaking desk nito ay may sarili siyang work station, hindi simpleng mesa, kundi parang maliit na kingdom ng buntis. May fresh flowers, snack basket, pregnancy pillow, footrest, tumbler na may pangalan niya, at isang malaking box na may label na Emergency Kit.Napakurap siya.“Zion,” tawag niya, hindi inaalis ang
Hindi agad sumagot si Zion. Bumaba ito at umikot sa kanyang side para alalayan siya.“Zion?”Marahan nitong hinawakan ang kamay niya.“Welcome to our new home.”Nanlaki ang mga mata niya.“New… home?”Tumango ito.Moderno ang bahay, bagong gawa, malawak, at maaliwalas. May malalaking bintana, malapad na porch, at garden na sapat para maging laruan ng tatlong bata balang araw.Dahan-dahan siyang pumasok sa loob.Kumpleto na ang gamit.Sa sala, nakasabit sa dingding ang wedding photo nila mula sa renewal of vows. Nakahawak si Zion sa kanyang bewang habang nakasandal siya sa balikat nito. Pareho silang nakangiti.Sa tabi noon ay isang malaking larawan mula sa maternity shoot, nakaluhod si Zion sa harap ng tiyan niya habang siya ay tumatawa, ang kamay nito ay nakapatong sa kanyang belly na tila buong mundo nito ang hawak.Napasapo si Cassandra sa bibig.“Am I dreaming?”Lumapit si Zion sa likod niya.“Nope. We will build our family here.”Bumaling siya rito, nangingilid ang luha.“Ipinaga
Nagtagpo ang tingin nina Fiona at Theo sa gitna ng ingay ng mga bisita.Sa isang kamay ni Fiona ang bouquet. Sa kamay naman ni Theo ang garter band na hindi nito planong saluhin, pero tila sinadya ng tadhana na mapunta iyon sa kanyang mga kamay.“Ladies and gentlemen,” masayang sabi ng host, “dahil nakuha ni Miss Fiona ang bouquet at nakuha naman ni Mr. Theo ang garter, alam na natin ang susunod na tradition.”Nanigas si Fiona ngunit nakangiti pa din.Nagtawanan ang mga bisita.Itinaas ni Theo ang dalawang kamay, kunwaring sumusuko. “Okay, let’s follow tradition.”“Mukha kang excited,” ani Fiona.“Natural na mukha ko ’to.”“Natural na nakakainis?”“Natural na charming.”“Saang banda?”“Sa part na hindi mo pa inaamin.”Mas lumakas ang kantiyawan sa paligid. May nagsimulang mag-chant.“Theo! Fiona! Theo! Fiona!”Napailing si Cassandra habang nakasandal kay Zion. “Mukhang may susunod na love story.”“Si Theo?” ani Zion. “Fiona would be so lucky to have him. Parang ikaw, ang swerte mo sa
Kasabay ng pagsabog ng makukulay na fireworks sa kalangitan, umalingawngaw ang palakpakan at masasayang sigaw ng kanilang pamilya at mga kaibigan.Nang dahan-dahang kumalas si Zion sa halik, magkadikit pa rin ang kanilang noo. Namumula ang mga mata nito, pero hindi maitago ang ngiti sa labi.“Mahal kita,” bulong nito.“Mahal din kita.”Mabilis na lumapit si Leah at niyakap siya nang mahigpit.“Ito ang kasal na matagal kong ipinagdasal para sa’yo,” umiiyak nitong sabi.Doon muling bumigay ang luha ni Cassandra.“Mom…”Hinaplos ni Leah ang buhok niya. “Masaya ako para sa’yo, anak.”Sumunod na lumapit si Don Carlos. Hindi ito agad nagsalita. Niyakap muna siya nito nang mahigpit, na para bang saglit nitong nakalimutang malaki na siya.“Masaya kami, anak,” paos nitong sabi. “Masaya kami dahil masaya ka. At dahil nagsisimula ka nang bumuo ng sarili mong pamilya.”“Salamat po, Dad.”Nang kumalas ang ama, marahan nitong pinisil ang balikat ni Zion.Walang sinabi ang dalawang lalaki.Pero sa p
Naka-dark suit si Zion, pero walang bakas ng malamig na CEO sa mukha. Namumula ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya na para bang wala nang ibang tao sa garden.Humigpit ang hawak ni Don Carlos sa kamay ni Cassandra.“Anak,” paos nitong sabi, “wala akong ibang hiling kundi ang kaligayahan mo.”Napatingin siya sa ama.“Salamat po, Dad.”Hindi na niya napigilan ang luha. Tuluyan iyong dumaloy sa kanyang pisngi habang dahan-dahan silang naglakad patungo kay Zion.Sa bawat hakbang, naalala niya ang lahat ng pinagdaanan nila.Pagdating nila sa dulo, hinarap ni Don Carlos si Zion.“Sana ay tumupad ka sa pangakong mamahalin at aalagaan ang anak at mga apo ko.”Tumango si Zion, nangingilid ang luha.“Opo.”Marahang inilagay ni Don Carlos ang kamay ni Cassandra sa palad nito.“You’re the most beautiful woman in the world,” paos nitong sabi.“Salamat. Ikaw din, napakagwapo mo.”Nagtagpo ang mga mata nila.Nagsimula ang seremonya sa maikling mensahe ng opisyal.“Ngayong araw, nagtipon tay
Hindi makagalaw si Maya sa kinakatayuan.Nakayuko siya sa likod ng isang SUV at nanlalamig ang katawan, habang nakatanaw sa dulong bahagi ng parking kung saan niya nakita at hindi kayang paniwalaan ang eksena, si Camille at si Lance, magkalapat ang labi.Nanginginig ang daliri niya sa galit at gulat
“May gusto lang akong itanong. Sana matulungan mo ako. May nagpadala kasi sa akin ng bracelet kaso walang name. Hindi ko tuloy alam kung sino ang papasalamatan. Send ko sa’yo ang picture, kung okay lang,” ani Maya sa kaibigan ng Ate Mira niya.“Sure, no worries.”Ilang minuto siyang naghintay.Tumaw
May dalang bulaklak at chocolates si Lance na inabot kay Maya.“Perfect timing, I was just on my way to find you.”Napakurap siya. Ang bilis din nitong makabili ng regalo.“Thanks,” tipid niyang sagot, tinanggap ang bouquet na parang nagbuhat ng mabigat.“Dinner? Treat kita,” alok ni Lance, walang
Basa na ng luha ang mga mata ni Maya ngunit pilit niyang itinatago.“Maya,” tawag ni Lucas, habol ang hininga, “sagutin mo lang ako. Tell me if you feel the same.”Umiling siya, mabilis, halos hindi makatingin dito.Kapag sinagot kita… tapos na ba ang thrill and adventure mo?Hahanap ka na ba ng iba







