The Billionaire I Claimed to Destroy is my Secret Lover

The Billionaire I Claimed to Destroy is my Secret Lover

last updateLast Updated : 2026-09-02
By:  HAKUJIUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“I never thought that the man I promised to love for the rest of my life would become the man I would spend the rest of my life hating.” For three years, Yvaine Rivera has been engaged to the mysterious billionaire Jayce Draven Blackwell—a man she has never met, never touched. She tried to meet her fiancé, but Draven found a way to avoid her. Until the truth came out. Their engagement was a business deal. Pumayag si Draven na maging fiancé ni Yvaine upang makuha ang pinakamalaking share sa kumpanya ng pamilya Rivera. At nang makuha niya ang gusto niya, kinuha niya ang buong kumpanya at iniwan ang pamilya ni Yvaine na wasak at walang-wala. Then he broke their engagement. Yvaine swore to destroy the man who ruined her family. She wanted revenge. She wanted Draven to suffer. But before she could make her move, dumating sa buhay niya si JD. Unlike Draven, JD was everything she needed. He made her laugh. He made her feel safe. He showed her that she was still a woman worthy of being loved. And Yvaine fell for him. Hard. For the first time, she was ready to open her heart. Until she discovered that JD was hiding something. Something that could destroy the love they had built. The truth could cost her everything, even her heart. Because the man she had fallen in love with was connected to the man she hated the most—Jayce Draven Blackwell. Now Yvaine must choose between the man her heart loves and the man she swore to destroy. But what if she doesn’t have to choose? What if the man she loves and the man she hates… have always been one and the same? And when the truth comes out, will Yvaine choose love… or revenge?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Yvaine Rivera POV

"Nakatulala ka na naman, Yve," malakas na wika ni Bree habang nag-eecho ang kalansing ng kaniyang kutsara sa loob ng coffee shop. Matatagpuan ang maliit at airconditioned na tambayang ito ilang hakbang lamang ang layo mula sa matayog na gusali ng kumpanya ng pamilya namin.

"Hindi pa rin ba siya pumapayag na makita mo siya?" dagdag nitong tanong bago dahan-dahansang humigop mula sa kaniyang iced coffee, habang ang kaniyang mga mata ay pabalik-balik ang tingin sa akin at sa screen ng cellphone ko.

Bumuntong-hininga ako nang malalim. Tinitigan ko ang huling mensaheng ipinadala ko sa isang pribadong chat box—isang mensaheng nananatiling 'read' lamang at walang anumang reply.

"I asked him to meet me in private again today... pero tinanggihan niya pa rin ako," malungkot na sagot ko sa kaibigan ko.

Two years and eleven months. Haos tatlong taon na kaming opisyal na engaged ni Jayce Draven Blackwell. Tatlong taon na rin akong naghihintay sa isang lalaking kahit kailan ay hindi ko pa nakikita ng personal, hindi pa nakakausap nang harapan, at kahit kailan ay hindi ko pa nahahawakan ang mga kamay. Sa tuwing magtatangka akong ayain siya, palagi siyang may dahilan—isang biglaang board meeting, emergency business trip sa ibang bansa, o simpleng kawalan ng interes na magpakita.

"Alam mo, Yve, baka naman matandang panot lang talaga 'yang si Mr. Blackwell kaya nahihiya siyang makipagkita sa 'yo," nakangising wika ni Bree, tila siguradong-siguro sa kaniyang teorya tungkol sa misteryosong anyo ni Jayce Draven Blackwell—ang lalaking nakatakda kong pakasalan.

"Hindi naman siguro," depensa ko agad sa kaniya, kahit na sa kaibuturan ng puso ko ay nag-uumpisa na rin akong mag-alinlangan. "Halos araw-araw kaming nag-uusap sa telepono o sa Chat. Mabilis siyang mag-reply kapag tungkol sa negosyo, at malalim ang boses niya. Imposibleng matanda siya."

"Naku, Yvaine! Kaya na ngayong baguhin ang boses gamit ang Artificial Intelligence, girl!" natatawang sagot niya sabay kumpas ng kaniyang kamay. "Sa panahon ngayon, kahit nga isang senior citizen pwede pang magmukhang dalawampung taong gulang sa mga larawan gamit lang ang mga advanced editing tools. Baka mamaya, ginagamitan ka lang ng voice changer niyan!"

"I know how technology works, Bree, but I trust my instincts a hundred percent," sagot ko rito habang dahan-dahang nilalantakan ang inorder kong blueberry cheesecake. Subalit sa kabila ng aking matapang na pananalita, ang bawat kagat ng matamis na cake ay tila walang lasa sa akin dahil sa lalim ng aking iniisip.

Sino nga ba talaga si Jayce Draven Blackwell? Sa mga balita sa telebisyon at sa mga pahayagan, tanging ang kaniyang pangalan at ang kaniyang mga tagumpay sa mundo ng negosyo lamang ang nababanggit. Walang ni isang malinaw na larawan ang nakakalat sa pampublikong media. Palagi siyang nakatalikod, malayo ang kuha, o kaya'y pinaliligiran ng dose-dosenang mga bodyguard sa tuwing dadalo sa mga pampublikong kaganapan. He was a ghost in the corporate world—wealthy, powerful, and utterly unreachable.

Nahinto ako sa pagsubo nang biglang mag-pop up ang isang notification sa aking telepono. Isang live article mula sa isang kilalang business news portal ang lumabas:

“Blackwell Holdings expands footprint in Central Business District: CEO Jayce Draven Blackwell currently attending an exclusive high-stakes merger meeting at Apex Tower.”

Napatitig ako sa pangalan ng gusali—Apex Tower.

Agad na lumaki ang aking mga mata. Ang Apex Tower ay ang katabing gusali lamang ng coffee shop na tinatambayan namin ngayon! Naroroon siya. Ilang metrong layo lamang mula sa kinaroroonan ko sa mga sandaling ito.

Ang aking puso ay nagsimulang tumambol nang napakabilis. Dahil sa matinding kagustuhang wakasan na ang halos tatlong taong paghihintay at panghuhula, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis akong tumayo mula sa aking upuan, dahilan upang mauntog ang mesa at halos matapon ang iced coffee ni Bree.

"Hey! Yve, saan ka pupunta?!" sigaw ni Bree na may kasamang gulat.

Hindi ko na siya nilingon pa. Mabilis akong naglakad—at kalaunan ay tumakbo—palabas ng coffee shop. Hindi ko na rin inalintana ang malakas na pagtawag sa akin ng kaibigan ko habang tuluyan na akong nakalayo at sumalubonh ang mainit na hangin sa labas ng kalsada.

Kailangan kong magmadali. Kailangan kong makarating sa gusaling iyon bago matapos ang kaniyang meeting.

Habang tumatakbo ako patawid sa pedestrian lane, marami sa mga naglalakad ang napapatingin sa akin dahil sa bilis ng aking pagkilos at sa bakas ng pagkabalisa sa aking mukha. Ngunit wala akong pakialam sa iniisip nila. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang pagkakataong ito. Gusto ko lang maabutan ang fiancé ko. Gusto ko siyang makita sa unang pagkakataon.

Hinihingal na nakarating ako sa may salamin na pintuan ng Apex Tower.

"Miss, saan po kayo?" mabilis na humarang ang isang guwardiya nang makatawid at makapasok ako sa lobby ng gusali.

"I... I have business with Mr. Blackwell, Kuya," sagot ko habang pinupunasan ang bahagyang pawis sa aking noo dahil sa walang patid na pagtakbo. "Nandiyan pa po ba siya sa itaas? Ako po ang fiancé niya."

Tiningnan ako ng guwardiya nang may halong pagtataka at awa. Akmang hahakbang na ako patungo sa turnstile entrance upang pumasok sa loob nang marinig kong muli ang boses ng security personnel.

"Naku, Miss... kaaalis lang po ni Mr. Blackwell."

Ang mga salitang iyon ay tila isang malamig na tubig na ibinuhos sa buo kong katawan. Bigla akong napahinto sa aking paghakbang. Ang bilis ng tibok ng puso ko ay pinalitan ng isang mabigat at masakit na pakiramdam sa aking dibdib.

"A-Ano ho, Kuya?" nauutal kong tanong, umaasang mali lamang ang aking narinig.

"Nakaalis na po ang convoy ni Mr. Blackwell ilang minuto lang ang nakakalipas," mahabang paliwanag ni manong guard habang itinuturo ang kabilang daanan ng parking lot. "Mabilis po talaga ang meeting dahil napaka-estrikto nito sa oras. Less than thirty minutes lang po, tapos na kaagad ang meeting niya ngayong hapon."

"G-Ganun po ba? Sige ho... Kuya. Salamat po," malungkot na wika ko habang dahan-dahang tumatango.

Nanghihina akong naglakad palayo sa entrance ng tower. Nakatitig lamang ako sa semento habang iniisip kung gaano kadaya ang tadhana. Ilang metro na lang ang distansya namin sa isa't isa, ngunit muli na naman akong binigo ng tadhana na masilayan man lang siya.

"HOY, BABAE!" isang malakas na sigaw ang pumukaw sa akin mula sa pagkatulala.

Nakalapit na pala si Bree sa akin, hinihingal din at masamang nakatitig sa akin. Tinapunan ko lamang siya ng isang mabilis at walang siglang tingin bago ako nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa gusali ng aming sariling kumpanya—ang Rivera Enterprises.

"Hindi mo siya naabutan, 'no?" pangungulit nito sa akin habang sumasabay sa aking mga hakbang.

Hindi ko siya sinagot. Masyado akong nanghihinayang sa napakalaking pagkakataong nasayang ko. Kung siguro hindi muna ako nakipagkwentuhan nang matagal kay Bree, o kung hindi lang ako natakam at nagtagal sa pagkain ng cheesecake, may tsansa sigurong nagkaharap na kami ngayon ni Draven.

"YVAINE RIVERA!" sigaw muli ni Bree nang hindi ko siya pansinin, dahilan upang magtinginan ang ilang mga empleyado sa lobby ng aming kumpanya. Agad akong nagpanic at mabilis na tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang aking kamay.

"Bakit ka ba sumisigaw?! Nakakahiya sa mga empleyado natin!" mahinang sita ko sa kaniya habang inaalis ang aking kamay.

"Haller! Kanina pa ako nagsasalita rito at nagtatanong, pero para kang tuod diyan na hindi man lang sumasagot!" umiirap na turan niya habang inaayos ang kaniyang gulo-gulang buhok.

"Oo na," buntong-hininga ko.

"H-Ha? Anong oo na?"

"Sabi ko, oo, hindi ko nga siya naabutan," inis ngunit malungkot na sagot ko bago padabog na nagmartsa patungo sa nag-iisang nakatigil na elevator.

Sumunod pa rin si Bree sa loob ng elevator habang nagsasara ang mga p***o nito. Tiningnan niya ang aking bagsak na mukha at bahagyang ngumiti nang nakakaloko.

"Ganun siguro talaga kapag matandang panot... mabilis mamatay, este mabilis umalis," pang-aasar niya sa akin na may kasamang malakas na halakhak.

Kahit mabigat ang aking pakiramdam, hindi ko mapigilang magpakawala ng isang matalim na irap sa kaniya. "Sira-ulo! Gwapo ang fiancé ko, Bree. Itaga mo 'yan sa bato, napakagwapo ni Draven sa personal."

"Eh 'di gwapong matandang panot!" patuloy niyang pang-aasar sa akin habang sumasayaw pa ang kaniyang mga kilay.

Sa huli, hindi ko na rin napigilang mapatawa nang bahagya dahil sa kapal ng mukha ng kaibigan ko. Ngunit nang magsimulang tumaas ang elevator patungo sa opisina ng aking ama, pumasok na naman ang isang malalim na tanong sa aking isipan habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin ng elevator.

Bakit nga ba ayaw akong makita ni Jayce Draven Blackwell? Bakit tila ginagawa niya ang lahat upang maiwasan ako?

Iyon ba ay dahil sa wala siyang pakialam sa akin... o mayroon siyang malaking itinatago na ayaw niyang malaman ko na matandang panot talaga siya gaya ng sabi ng kaibigan ko?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status