LOGINTo my dear readers, your continued support is the reason my stories come to life. Thank you so much for unlocking chapters. A million thanks for your support!
“Husband, ngayong gabi na natin ituloy ang naudlot nating date in bed.”Natigilan si Prince. Nakayakap pa rin si Stefie sa leeg niya, at sa lapit ng mukha nito, halos maramdaman niya ang init ng bawat salita.“Wife, hindi mo talaga nakakalimutan ang appointment natin?”“Siyempre! Naka-postpone lang naman iyon.”“Akala ko na-cancel na sa system.”“Walang cancellation, husband. Reschedule lang.”Napangiti siya, ngunit hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Hinila siya ni Stefie palapit.“Bakit ka biglang natahimik?”Hinawakan niya ang baywang nito. “Kasi ang ganda mo. At gusto kitang halikan hanggang makalimutan natin ang oras.”“Then kiss me.”Tinugon niya ang halik nito at muling lumapit nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Dumampi ang kamay ni Stefie sa batok niya. Mula sa bukas na bintana, naririnig ang pagaspas ng mga dahon, ngunit ang atensiyon niya ay nasa babaeng yakap niya.Sa loob ng ilang sandali, wala siyang inisip kundi ang lambing nito. Nang maghiw
“Parang hindi ka naman nadulas dito.”Pilit na ngumiti si Prince kahit nanlalamig ang kanyang mga palad.“Wife, paano mo nasabing hindi ako nadulas?”Inilapit ni Stefie ang cellphone at muling pinanood ang CCTV footage.“Tingnan mo. Huminto ka muna rito bago ka nahulog.”Nakita niyang nakatayo siya sa hagdan, tila nag-aalangan sa susunod na gagawin. Hindi malinaw ang mismong pagkahulog, ngunit sapat ang mga naunang kilos niya upang magmukhang kahina-hinala.“Bakit ka huminto rito, husband?”“Baka nawalan ako ng balanse. Alam mo naman, kapag pakiramdam mong madudulas ka, hihinto ka muna para makabawi.”“Oo nga.”“Baka nagkamali lang din ako ng apak. Tapos may hawak pa akong baso kaya—”Napahinto siya. Masyado na siyang nagpapaliwanag.Muling pinanood ni Stefie ang video.“Wife, pati ba pagkahulog ko kailangan pang imbestigahan?” biro niya.“Gusto ko lang makasiguro, husband.”Hindi na siya nagsalita.Maya-maya, ibinaba ni Stefie ang cellphone.“Anyway, ang mahalaga, safe ka.”Halos map
“Husband, para malaman natin kung paano ka nadulas, papakuha ko kay Daddy ang CCTV footage ng hagdan.”Halos mapasigaw si Prince. CCTV? Sa dami ng puwedeng pag-usapan ng asawa, bakit iyon pa?“Wife, kailangan pa ba iyon? Okay naman ako.”“Hindi okay ang muntik ka nang mapahamak!”“Nakakahiya, eh. Para akong batang hindi marunong gumamit ng hagdan.”“Hindi kita pagtatawanan. Gusto kong malaman kung may dapat ayusin para walang ibang maaksidente.”“Baka naman naaabala natin si Daddy mo.”“Safety nating lahat ito, husband.”Wala siyang naisagot. Kung pipigilan niya ito, lalo lamang magtataka ang asawa. Ngunit kung pumayag siya, maaaring makita nito ang hindi niya kayang ipaliwanag. Naalala niya ang mga kamerang nakita bago ang ginawa niyang kalokohan. Hindi niya alam kung ano ang nakunan. Mas gugustuhin pa niyang humarap sa galit na shareholders kaysa panoorin ang sarili sa CCTV.Kinuha ni Stefie ang cellphone.“Wife, nauuhaw ako.”“Ikukuha kita ng tubig pagkatapos kong mag-message kay D
“Kung pipiliin ninyo pa rin ang hagdan, mag-ingat po kayo, sir.”Napailing si Prince. “Kelvin, kapag napilay ako dahil sa advice mo, ikaw ang sisisihin ko.”“Sir, sinabi ko rin namang puwede ninyong sabihin ang totoo.”Hindi siya nakasagot. Ibinaba niya ang tawag at bumalik sa mansyon. Napahinto siya sa harap ng hagdan. Nakakatawa ang suhestiyon ni Kelvin. Hindi niya isasakripisyo ang kalusugan para lamang umiwas sa sex.Umakyat siya nang maayos, ngunit bago buksan ang pinto, kinabahan siya. Mas madali pang harapin ang problema sa Altavera kaysa ang asawang naghihintay sa loob.Nakaupo pa rin si Stefie sa kama.“Husband, nasaan ang tubig?”“Ah, nakalimutan ko.”“Prince, baka ikaw ang may problema sa memory.”Napatawa siya, ngunit nahirapan siyang salubungin ang tingin nito. Lumapit si Stefie at inayos ang kuwelyo niya.“Okay ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo.”“Okay lang, wife.”“Sigurado ka? Kanina pa kita napapansing tahimik.”Gusto niyang sabihing may trabaho lamang siyang in
“Husband, mamayang gabi, hindi ka na aatras, di ba?”Napatawa si Prince habang magkasalo sila ni Stefie sa almusal sa ibabaw ng kama.“Wife, alas-otso pa mamaya. Gusto mo bang alas-sais pa lang, naka-ready na ako?”“Puwede rin!”“Grabe. May early check-in?”Natawa si Stefie, ngunit nang maibaba nito ang tasa sa tray, nawala ang ngiti.“Prince, gusto mo rin ba talagang may mangyari sa atin? Baka napipilitan ka lang.”Natigilan siya. Ilang gabing kailangan niyang pigilan ang sariling halikan nang halikan ang asawa. Hindi iyon ang problema. Ang kinatatakutan niya ay ang maaaring mangyari pagkatapos.“Gusto kita, wife. Huwag mong pagdudahan iyon.”“Then bakit parang lagi kang kinakabahan?”“Ayokong gawin natin iyon dahil lang may appointment.”“Hindi naman kita pinipilit. Gusto kong pareho nating piliin.”Hinawakan niya ang pisngi nito at hinalikan sa labi.“Kahit bagong gising ka at magulo ang buhok, gusto pa rin kitang halikan.”“Wow! Ibig bang sabihin, may gusto ka na sa akin?”“Hindi p
“Alam mo na 'yon. 'Yong ginagawa ng mag-asawa para magka-baby.”Napatawa si Prince sa seryosong mukha ni Stefie. “Wife, ang daming ginagawa ng mag-asawa. Naggo-grocery, nagbabayad ng bills, naglalaba—”“Prince Buenavista!”“Ano bang ginagawa kasi ng mag-asawa?”“Bahala ka!” Tumalikod ito at hinila ang kumot hanggang balikat.Yumakap siya rito mula sa likuran at hinalikan ito sa pisngi. “Alam ko ang ibig mong sabihin.”“Then?” Humarap si Stefie, nakataas ang kilay.Napatingin siya sa mga labi nito. Mahirap nang makatulog araw-araw sa tabi ng babaeng gusto niyang halikan, lalo na kapag ito mismo ang nag-aanyaya. Ngunit kapag tuluyan silang nagsiping, mas lalalim ang samahang hindi niya alam kung kaya niyang panindigan kapag nabunyag ang lihim niya.Martes pa lamang. May ilang araw pa bago ang Linggo upang mapag-isipan niya ang lahat. Hindi niya gustong mangako ng bagay na hindi niya handang gawin.“Gusto rin kita, wife,” pag-amin niya.“Talaga? Akala ko hanggang lola kiss lang ang talen







