Share

Kabanata 338 Saving the CEO

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-30 15:00:20

May dalang bulaklak at chocolates si Lance na inabot kay Maya.

“Perfect timing, I was just on my way to find you.”

Napakurap siya. Ang bilis din nitong makabili ng regalo.

“Thanks,” tipid niyang sagot, tinanggap ang bouquet na parang nagbuhat ng mabigat.

“Dinner? Treat kita,” alok ni Lance, walang pasakalye. “May classic bistro sa malapit na tahimik. Good food. Good wine.”

Mukhang mas naging agresibo ito. Naramdaman niyang nag-aalab ang galit sa ilalim ng balat niya dahil sa mga bulong na narinig niya sa parking at ang sabwatan. Pero hindi ngayon ang tamang panahon para magalit. Ngayon ang oras ng laro.

“Sure,” sagot niya, at napakapit sa strap ng bag para hindi mahalata ang panginginig ng daliri. “Kailangan ko rin ng break.”

Maglaro tayo, bulong ng isip niya. Humanda kayong dalawa ni Camille.

Nakarating sila sa restaurant. Umorder si Lance ng steak at red wine. si Maya ay ng pasta at sparkling water. Nakatitig ito sa kanya.

“Kamusta workshop? I heard you impressed Carly Reyes. Magali
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
meron na po. thanks po
goodnovel comment avatar
Angela Perez
what update miss a
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Taos pusong pasasalamat po sa pagsubaybay. May new episode pa po mamaya.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 491 Waiting for Love

    Biglang tumunog ang cellphone ni Iris.“Wait lang tumatawag si Daddy.”Saglit siyang nag-alinlangan, pero sinagot niya.“Hello, dad,” mahinahon niyang sabi. Tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi ng ama. Hindi siya sumagot nang mahaba."Dad, mamaya na lang po tayo mag-usap.” Binaba na niya ang tawag.Bumaling siya kay Daryl. “Ano na nga ang sasabihin mo?”“Next time na lang,” sabi ni Daryl, mahina. “Sa ibang araw.”May kumurot sa dibdib ni Iris.Tumango siya. “Okay… next time.”Tahimik ang mansyon nang gabing iyon, pero hindi matahimik ang isip ni Iris.Nakahiga siya sa kama, nakapatay ang ilaw, nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang eksena kanina, nahiya lang siyang kulitin si Dary kung ano ang gusto nitong sabihin. Huminga siya nang malalim.At doon tumunog ang phone niya.“Musta? Just checking. Goodnight,” chat ni Daryl.Isang simpleng mensahe. Pero parang may humaplos sa dibdib niya.Napangiti si Iris bago pa niya mapigilan ang sarili.“Okay lang ako. Sa

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 490 Against All Odds

    Nagising si Iris na nakahiga sa sofa sa loob ng sala ng mansyon. May makapal na kumot na maingat na nakabalot sa kanya, at ang unang bumungad sa kanya ay isang pamilyar na amoy, woody, clean, at warm.Amoy ni Daryl.Napadilat siya agad. Umangat ang ulo niya, mabilis na naghanap ang mga mata sa paligid.Wala ito pero nakakumot pala sa kanya ang jacket nito.Tahimik ang buong mansyon, maliban sa mahinang ugong ng aircon. Dahan-dahan siyang bumangon, bahagyang sumasakit ang ulo, bakas pa rin ang epekto ng alak kagabi.Sa maliit na side table sa tabi ng sofa, may nakapatong na baso ng tubig, gamot, at isang maliit na papel, nakatupi nang maayos.Kinuha niya iyon.Handwritten.“Kapag masakit ang ulo mo, inumin mo ang gamot. Magpahinga ka muna.”Nanikip ang dibdib niya.Na-touch siya sa ganoong klaseng pag-aalaga, ‘yung tahimik, walang hinihinging kapalit.“Daryl…” mahina niyang bulong sa sarili.Hindi pa man siya tuluyang nakaka-recover, bumukas ang pinto ng mansyon.At pumasok si Don Apol

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 489 Hidden Love

    Nanatiling nakatayo sa ulan si Daryl, hawak ang payong na wala nang silbi.Habang pasakay siya sa loob ng kotse, naramdaman niyang bumigat ang dibdib niya. Isinara niya ang pinto, umupo sa driver’s seat, at matagal na nakatitig lang sa manibela.Napatingin si Candice sa kanya mula sa passenger seat. Nakahalukipkip, may halong biro pero may lambing ang boses.“May problema ba?”Umiling si Daryl. Pilit ang ngiti.“Wala naman.”Tumaas ang kilay ni Candice. “Talaga? Tara na nga, shot puno na ’yan. Mukhang brokenhearted ka simula nung dumating si Harvey.”“Hindi ah,” mabilis na depensa niya.Napangiti si Candice, parang matagal nang alam ang sagot. “Hay naku, Daryl. Halata naman kaya huwag ka ng magdeny.”Nanlaki ang mata ng binata. “Ha? Halata ang alin?”“Na may gusto ka kay Iris,” diretso nitong sabi.Parang may kumalabog sa dibdib niya. “Paano mo nalaman?”Tumawa si Candice, saka tumingin sa harap. “Obvious. Kapag kasama mo siya, nag-iiba ka. Ang mga mata mo… kay Iris lang talaga nakatu

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO    Kabanata 488 Follow Your Heart

    Pero napahinto si Daryl.Ngumiti na lang siya, pilit upang itago ang damdamin.“Wala,” sabi niya. “Hindi importante.”"Eto naman, pag-iisipin pa ako. Ano ba sasabihin mo? Huwag kang mahiya. Kailangan mo ba ng funding or investor sa bagong negosyo mo?”“Iris, kapag kailangan ko ng tulong, magsasabi ako agad. For now, okay naman ang lahat.”“Eh ano nga ba ang sasabihin mo?”“Actually, nakalimutan ko nga kung ano ang sasabihin ko,” aniyang sinabayan ng tawa.Nagpatuloy sila sa paglalakad sa loob ng park.Hindi na itinuloy ni Daryl ang sasabihin niya kanina. Pinili niyang itago sa puso ang damdaming muntik nang kumawala. Iris deserve the best. At mas bagay ito kay Harvey. Matagal na niyang minamahal si Iris mula sa malayo. Marahil, hanggang doon na lamang.Tahimik ang gabi. May iilang streetlights na nagbibigay ng dilaw na liwanag sa daanan. May mga batang tumatawa sa malayo, may magkasintahang magkahawak-kamay.“Maganda ang gabi,” sabi ni Iris, pilit binabasag ang katahimikan.“Oo,” sago

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 487 Cutting the Contract

    “Dad, anong ginagawa ninyo dito?” nagtatakang tanong ni Iris.“Hinahanap ka talaga namin ni Daryl, yayain ka namin para sa family dinner ng mga Tan.”Napatingin siya kay Daryl.“Don Apollo, mauuna na po ako. Goodnigh, hon,” ani Daryl. Muntik siyang matumba ng halikan siya sa pisngi ng binata. Aba, tumatapang ito.Tumalikod ito at siya naman ay hinila na ng ama.“Iris,” malamig ang tono ng ama, nakaupo sa kotse. “Ire-reassign ko si Daryl. Temporary lang. Hindi na siya dapat laging nasa tabi mo.”Nanigas ang balikat niya.“Reassign?” ulit niya. “Dad, hindi puwedeng basta --”“Puwede,” putol ni Don Apollo. “At gagawin ko.”Tahimik si Iris, pero sa loob niya, may kumukulong galit.“Kung aalisin mo siya sa kumpanya,” mariin niyang sabi, “ipinakita ninyo lang sa tao ang pagiging matapobre ninyo. Matalino at magaling si Daryl kaya baka idemanda pa niya kayo.”Hindi na siya nagsalita pa. Pinagmasdan ang mga ilaw sa labas ng sasakyan.***Kinabukasan, pagpasok niya ng opisima, nakita niya si

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 486 Idea of Love

    “Iris,” mababang sabi ni Don Apollo. “Nagsabi na sa akin si Harvey.”Nanikip ang dibdib niya.“Ano po ang sinabi niya?”“Sinabi niyang dati na pala kayong may koneksyon,” sagot ng ama. “High school pa lang. Mga liham. Pangako. First love.”Tumigil ito sandali. “Harvey is the best choice for you. Tadhana na pala ang nagtagpo sa inyong muli.”Parang may humila sa sikmura niya.“Dad--”“Give him a chance,” putol ni Don Apollo. “He has the history. The status. The future. Hindi mo kailangang ipaglaban ang mundo kung siya ang pipiliin mo.”Tahimik si Iris.Sa loob niya, magulo.Nakita na niya ang first love niya.Naroon na ang sagot na matagal niyang hinintay.Pero bakit parang… hindi pa rin siya makahinga nang maayos?“Makipaghiwalay ka na kay Daryl,” mariing sabi ng ama. “Tapusin mo na ang relasyon ninyo. Hindi mo na siya kailangan.”Kung ganoon, bakit parang may kumirot sa dibdib niya sa mismong ideya ng pagtapos sa ugnayan nila?“Dad,” mahina niyang sabi, pero matatag. “Bigyan mo ako n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status