LOGINThank you very much for being with me through every chapter. You are my greatest inspiration.
Dalawang araw nang walang tawag o mensahe mula kay Prince.Nakatayo si Stefie sa tabi ng kotse sa parking area ng Stef by Step. Katatapos lamang niyang magbigay ng bilin sa production team, ngunit hindi pa rin tuluyang nawawala ang pagkahilo. Naupo siya sa driver's seat, uminom ng tubig, at naghintay hanggang maging maayos ang pakiramdam bago nagmaneho.Habang pauwi, bumalik sa isip niya ang sinabi ng asawa noong gabing umalis ito sa mansyon.“Hindi kita mahal, Stefie.”Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Kung hindi siya mahal ni Prince, bakit nito ipinadamang mahalaga siya? Ang mga yakap, halik, at pag-aalaga. Bahagi rin ba iyon ng paghahanap nito ng ebidensiya laban kay Daddy?Ayaw niyang maniwala, ngunit hindi niya makalimutan ang mga dokumentong palihim nitong sinuri sa Foundation.Pagdating sa mansyon, umakyat siya sa kanilang kuwarto. May bakanteng hanger sa dating puwesto ng mga damit ni Prince. Nasa mesa pa rin ang sobre ng mga papeles na pinirmahan niya.Hindi pa legal na
“Sign it. Let's end our marriage.”Nakatitig si Stefie sa mga papel na hawak niya. Ilang sandali pa lamang ang nakalipas, umaasa siyang maaayos nila ang lahat. Ngayon, hinihingi ni Prince na pumirma siya sa kasunduang maghihiwalay sila.“Prince, seryoso ka ba?”“Yes, Stefie. It's over.”Nanikip ang dibdib niya. Noong isang gabi, mahigpit pa siyang niyayakap nito at sinasabihang mahalaga siya rito.“Dahil ba sa daddy ko?”“Hindi lang iyon.”“May nagawa ba akong mali?”“Wala. Pero nagsimula ang kasal natin bilang isang deal. Wala nang dahilan para ipagpatuloy pa.”Ibinalik niya sa sobre ang mga papel. Hindi niya kayang pumirma habang nanginginig ang kanyang mga daliri.“Prince, please.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Mahal kita. Hindi natin kailangang maghiwalay para malaman kung sino ang pumatay sa daddy mo.”“Stefie—”“Hindi ko hahadlangan ang imbestigasyon. Pero hindi ko rin kayang talikuran si Daddy nang wala pang patunay na siya ang may sala.”Bumaba ang tingin ni Prince sa kanila
Paulit-ulit na tiningnan ni Stefie ang orasan sa sala ng Altavera. Kanina pa niya gustong ipakita kay Prince ang bagong plano para sa launching ng Santillan Foundation, ngunit hindi pa ito umuuwi.Halos alas-nuwebe nang marinig niya ang kotse ng asawa. Sinalubong niya ito sa may pinto at niyakap.“Husband! Akala ko hindi ka na darating.”“Sorry, wife. Natagalan kami ni Noah.” Ginantihan siya nito ng yakap, ngunit mabilis ding bumitaw.“Kumain ka na?”“Oo. Pagod lang ako.”Napansin niyang hindi nito halos matingnan ang kanyang mga mata. Hindi na siya nangulit at sinamahan itong umakyat sa kuwarto.Nang mahiga sila, siya ang unang yumakap.“Thank you sa pagsama mo sa Foundation. Masaya ako.”Hinaplos ni Prince ang kanyang buhok at hinalikan siya sa noo.“Mahalaga ka sa akin, Stefie.”“Alam ko. Kaya sana kapag may problema, sabihin mo sa akin.”Matagal itong tumingin sa kanya bago siya niyakap nang mas mahigpit. Pumikit siya, umaasang darating ang araw na wala na silang kailangang ilihim
“Si Don Severo Santillan po.”Napatayo si Prince. Pangalan ng biyenan ang nakalagay sa dokumentong may kaugnayan sa malaking halagang nailipat ilang araw bago namatay ang kanyang ama.“Anong klaseng dokumento iyan?”“Joint fund-transfer authorization po. Nakatala si Alexander Buenavista bilang kinatawan ng Meridian at si Don Severo bilang kinatawan ng Santillan Foundation.”“Verified ba ang mga pirma?”“Hindi pa po, sir. Scanned copy pa lang ang nakita namin.”“Siguraduhin ninyong mapapanatili ang orihinal na files at access logs. Walang dapat mabura.”Pagkababa ng tawag, kinontak niya si Noah.“Hindi pa iyan patunay ng krimen,” paalala nito matapos siyang pakinggan. “Kailangan natin ang kasunduan, bank confirmation, at orihinal na authorization.”“Alam ko. Hihingin ko lahat.”“At huwag mong pangunahan ang resulta, Prince.”Hindi niya iyon sinagot. Hindi niya maalis sa isip ang pangalan ni Don Severo sa dokumento.Pagpasok niya sa kuwarto, tulog na si Stefie. Umupo siya sa gilid ng ka
“May itinatago ka ba sa akin?”Hindi agad nakasagot si Prince. Nakatayo si Stefie sa kabilang panig ng mesa, nakatingin sa laptop na bigla niyang isinara.“Lumang financial records ng kompanya ni Daddy ang tinitingnan ko,” sagot niya.“Bakit mo isinara noong dumating ako?”“Nagulat lang ako.”Sumandal si Stefie sa gilid ng mesa. “Husband, naiintindihan kong may confidential matters sa trabaho mo. Hindi ko kailangang malaman ang bawat transaksiyon.”“Alam ko.”“Pero sana hindi mo iparamdam na kailangan mong magtago kapag nandiyan ako.”Mas mahirap harapin ang mahinahong tinig nito kaysa galit na tanong. Nais niyang sabihin na tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama ang imbestigasyon. Ngunit paano niya babanggitin si Don Severo nang wala pang sapat na patunay?“Alright, nag-iimbestiga ako sa pagkamatay ni Daddy. Kapag sapat na ang detalye, sasabihin ko sa’yo lahat.”Matagal siyang tiningnan ni Stefie bago tumango.“Okay. Hindi na muna ako magtatanong.”Lumapit ito at niyakap siya. “Husband
Nagising si Prince nang maramdaman niyang gumalaw si Stefie sa kanyang tabi. Nakapikit pa rin ito, nakayakap sa kanyang braso habang nakasandal ang pisngi sa kanyang balikat.Inayos niya ang kumot na dumulas sa balikat ng asawa. Ilang sandali niya itong pinagmasdan bago bumalik sa kanyang isip ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng ama.Paano kung si Don Severo nga ang nasa likod ng lahat?Wala pa silang sapat na ebidensiya. Gayunman, hindi niya maaaring balewalain ang posibleng kaugnayan ng Santillan Foundation sa mga dating transaksiyon ng kompanya ng kanyang ama.“Husband?”Napatingin siya kay Stefie nang magmulat ito.“Good morning.” Ngumiti ito. “Bakit ang aga mong nagising?”“Hindi na ako makatulog.”“May problema?”“May iniisip lang sa trabaho.”Tinitigan siya nito bago bumangon. “Huwag mong sabihing nakalimutan mo ang lakad natin ngayon.”“Anong lakad?”“Husband!” Kinurot nito ang kanyang braso. “Nangako kang sasamahan ako sa Foundation!”Napatawa siya sa pagsimangot nito.







