A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte

A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte

last updateLast Updated : 2026-11-17
By:  MissPhilosopaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
10Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Language: Cebuano, Filipino, English. She thought God is playing her life after He tooked everything from her. Now, she wants to take revenge by taking one of God's disciple - Christian Gabriel Müller. Her Ex.

View More

Chapter 1

1

Sabi nila, kapag humihinga ka pa sa mundong to ay hindi pa daw natatapos ang misyon mo dito sa mundong ibabaw.

Okay! I'm still alive and I'm f*cking sick and dying!

I mean kung totoo man yan! Ano palang mission ko sa mundong to? Anong kasalanan ko ng mga nakaraang buhay ko? Anong kasalanan ng pamilya ko? At anong nagawa ko para paranasin ako ng ganito ng Diyos?

He tooked my Dad when I was young, my mom a year ago, my brother after two months and now, me.

He is going to take me as if I did something wrong in this world.

Pinaglalaruan lang niya ako kaya iyon din ang gagawin ko sa kanya. Richard Bach is right. I still have my mission that's why I am still alive. And I'm gonna make my own mission and that is to annoy every human in this world and most of all take revenge on Him by also taking away one of His disciples.

Oo sabihin n'yo ng baliw ako sa kabaliwang plano ko. Wala na akong pakialam at saka 'yon lang naisip ko para makahiganti sa Kanya. Hindi naman malilipad ang langit at mas lalong di aabot ang tirador na ititira ko do'n. Baka bumalik pa sa'kin ang bato. Dahil as if naman, babatuhin ako talaga pabalik ng tinapay.

Pati ang bahay at trabaho ko ay kinuha rin niya. Kaya ngayon gagawin kong trabaho ang mangialam sa buhay ng mga tao.

Why not? Bilang na lang ang mga araw ko.

Kaya ngayon simulan natin sa simbahan na nasa tapat lang ng bahay ng Tita ko.

Simula nong mamatay ang kapatid ko ay nag-alsa balutan na ako sa bahay naming sinira din niya ng lindol at dahil sa malungkot din doon. Nag-iisa na lang kasi ako.

Pinatira naman nila ako dito at para na ring kapatid ang turing sa akin ng mga anak ni Tita Merna. At anak na rin ang turing nina Tita sa'kin.

Kapatid ng ama ko si Tita Myrna na mabait at halos araw-araw na pumupunta sa chapel na nasa tapat lang ng bahay namin.

Minsan, napapaisip din ako. Kaya siguro hindi kinuha si Tita dahil malapit siya sa Panginoon?

Pero sumisimba rin naman kami ng pamilya ko ah! Buo kami at nagdadasal din kami bago kumain. Pero trip pa rin ng Panginoon ang paglaruan ang buhay ko.

"Saan ka pupunta? Bakit ang aga mo ata gumising ngayon?" Tanong sa akin ng pinsan kong si Mark na palaging maagang nagigising. Bitbit niya ang isang tasa ng kape habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Bahagya pang tumaas ang kilay niya.

Tiningnan ko din ang sarili ko habang nasa gitnang parte ako ng hagdanan. Naka-faded skinny jeans ako at naka-sleeveless na kulay puti na kita pa ang pusod ko.

"Hello. Saan pa ba. Eh di magsisimba!" Sabi ko at tuluyang bumaba ng hagdanan.

Malakas na naibuga niya ang iniinom niyang kape at napaubo. Buti na lang at nakalayo ako agad kundi baka kailangan ko na naman ulit magbihis at maligo.

"Magsisimba ka?! Milagro ata! At naka-ganyan ka pa talaga ah!" Sabi niya na bahagya pang nakapunas sa bibig niya gamit ang likod ng kamay.

Inungusan ko siya.

Eh ikaw nga hindi naman sumisimba!

Bahagya kong pinunasan ang paa ko na may bahid ng kapeng binuga niya.

"Ano ba?! Dahan-dahan nga! Napaka-oa mo naman. Akala mo kung sino kang nag-aartista! Nagmumukha kang baboy na nabilaukan diyan sa ginagawa mo!" Sigaw ko.

Naiinis kasi ako. Ang lagkit kaya.

Pinunasan niya ang bibig gamit ang panyo na meron siya.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo huwag mo akong tawagin na baboy! Busog lang ako, busog lang! Makasabi kang baboy diyan para namang hindi ka nagmumukhang butiki."

"Atleast kami may pag-asa pang tataba eh ikaw kailan pa?"

"Aabot ka pa– tataba ka pa kaya?" Pag-iba niya ng tanong.

Ito lang ang nag-iisang taong may alam sa sakit ko dahil kahit palagi kaming magka-asaran ay alam kong ito lang ang tanging mapagkakatiwalaan ko.

Ayaw kong malaman ng iba na hindi na ako aabot ng 2023. Baka kung ano pang mga abrakadabrang gagawin ni Tita. Tulad ng Tito namin noon na dinala pa talaga nila sa albularyo dahil pumuputi daw ang mga mata sa pag-aakalang sinaniban daw pero no'ng madala sa Doctor eh may sakit naman pala. Kaya ayun, sa asawa ng Diyos. Kinuha niya.

"Tataba ako kung gusto ko. Ayaw ko lang no'ng makita kita. Pumapangit ka kasi." Pang-aasar ko sa kanya.

Totoo naman kasi. Pumapangit siya. Dati ang gwapo niya lalo na't may kataasan naman ang ilong niya at cute tingnan. Pero ngayon daig pang may isang kilong kulangot na nagsisiksikan sa ilong niya dahil lumalaki na at bahagya pang lumulobo.

Napatingin ako sa tiyan niya at di ko maiwasang mapangiwi.

"Di ko alam kung fats pa ba talaga yang nasa loob ng malaki mong tiyan. Baka tae na yang imiipon lang sa intestines mo. Kailangan mo lang ata yang ilabas. Ang baho kasi ng utot mo kaya sigurado akong tae yan at di na taba." Sabi ko at saka mabilis na lumabas bago pa ako maisahan.

Masyado kasi iyang oa. Iyong tipong kahit naririnig lang niya ang salitang tae habang kumakain siya o di kaya ay umiinom ng kahit ano ay susuka na agad siya.

Naalala ko pa noong minsan na nakikipaglaro siya sa mga bata sa labas. May isang batang babae doon na kapitbahay lang namin. Hindi ko alam kung anong nakain ng batang yun at mukhang sinapian ata ng baliw na kamanyakan. Hinaplos iyong kipay niya at dinala ang daliri sa ilong ng pinsan ko kaya ayun nilagnat ng limang araw.

Ganyan siya ka oa.

"Samantha! Mapapatay talaga kita! Hayop ka–" hindi niya natuloy ang sasabihin dahil alam kong sumusuka na naman siya sa inidoro.

Panigurado niyan mamaya. Sampung beses na naman yan magto-toothbrush at isang dosenang bubble gum at kendi ang lalamunin pagkatapos.

Bahagya pa akong tumakbo ulit dahil sa pag-aakalang baka habulin niya ako. Iba pa naman yun mainis dahil batok ko agad ang pinipilipit no'n. Masakit at hindi ka talaga bibitawan hangga`t wala ka ng boses kakasigaw.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status