My Second Life As The Billionaire's Wife

My Second Life As The Billionaire's Wife

last updateDernière mise à jour : 2026-11-10
Par:  MonaBeanMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel16goodnovel
Notes insuffisantes
5Chapitres
5Vues
Lire
Bibliothèque

Partager:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

‎Reincarnated as a billionaire's wife after her cheating husband murdered her, she returns for her best revenge. ‎ ‎***** ‎ ‎​Stacy thought her vows of "til death do us part" were sacred until her husband and her best friend burned her alive inside her car just to secure their freedom and steal her life. Left to die a horrific death, she woke up five years later in an impossible twist of fate: trapped in the life of Mitsy Go, the wealthy, untouchable legal wife of a powerful billionaire currently lying in a coma. ‎ ‎​Now endowed with immense wealth, Stacy realizes her survival is a second chance at brutal retribution. As she steps into her new world, fate orchestrates the ultimate reunion when her cheating husband and bestfriend meet her again, completely unaware that the ghost they created has returned for the ultimate vengeance. ‎ ‎​Armed with power and an unquenchable thirst for justice, Stacy is no longer the helpless victim begging for mercy. This time, she is the nightmare they cannot escape, and she will watch them lose everything they killed to steal.

Voir plus

Chapitre 1

Chapter 1

STACY

"What's wrong with you, Stacy? I told you I want a divorce! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala na tayo! Na tapos na! Na hindi na! Na ayoko na!" bulyaw agad ni Cairo sa akin nang sumugod siya rito sa bahay. Marahas pa niyang inihampas ang divorce paper sa harap ko. "Kahit ano pa ang gawin mo, kahit pilitin mo pa ang sarili mo, at kahit lumuhod ka pa at magmakaawa sa harapan ko, hinding-hindi mo na talaga mababago ang katotohanang may mahal na akong iba! Mahal na mahal ko si Bianca!"

"Stacy, please. Maawa ka naman sa magiging anak namin ni Cairo." dugtong naman ni Bianca, medyo mababa ang boses niya na parang nakikiusap. Kita ko pang hinahaplos niya ang maliit niyang tiyan bago ipinulupot ang mga kamay niya sa braso ng asawa ko. "Ayokong lumaki ang anak ko nang walang ama. Lumalabo naman ang relasyon niyo ni Cairo, eh. Pareho na kayong hindi masaya, kaya dapat palayain mo na siya. At kung mahal mo talaga ang asawa mo, Stacy? Magparaya ka."

Dito na bumagting ang tainga ko. Magparaya? Ako? Kailan ba ako hindi nagparaya? Siya na nga itong nakisawsaw sa relasyon namin ni Cairo, ako pa ngayon ang dapat mag-adjust? The nerve of this gurl! Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo, saka binigyan sila ng malalalim na tingin. Kumuyom pa ang mga kamay ko sa gigil, habang nanginginig ito sa sobrang galit. Nagtaksil na nga sila sa akin, pinalampas ko na nga ang paulit-ulit na panlolokong ginagawa nila, tapos parang ako pa yung kontrabida? Mga hayop! Ang kakapal ng mukha!

"Bianca, sweetheart. Easy things are easy to get, especially when they're cheap." malumanay kong sambit, pilit nilalabanan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Then, hinarap ko si Cairo. "At ikaw? Ang kapal mong hilingin sa akin ngayon na permahan ang divorce paper na yan, samantalang hiningi mo noon ang kamay ko para magpakasal sa iyo! Ginawa ko naman ang lahat para lang maging sapat. Pero ano ba talaga ang wala sa akin na natagpuan mo sa babaeng yan? Saan ba talaga ako nagkulang, Cairo? Sabihin mo. Sabihin mo! Para maitama ko at mapunan ko! Hindi yung mabubuang ako kaiisip kung bakit kusa ka na lang nanlamig, habang unti-unti akong nauubos kahihintay sa asawa kong malabo na palang magbalik!"

Natawa siya, very sarcastic na tawa. "Pwede ba, Stacy? Wala akong panahon para makinig sa mga drama mo! Permahan mo na lang yang divorce paper para wala ng gulo! Ayoko na nga sa'yo! Hindi na nga kita mahal! Why can't you just move on and let me go? Just let me go!"

Hindi ko na napigilan, tuloy-tuloy nang nagsibagsakan ang mga luha ko sa harap nila. Sumumpa ako sa altar noon na mamahalin ko nang tapat ang asawa ko at ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari, na sa hirap at sa ginhawa, magsasama pa rin kami! Pero ano ito? Anong klaseng pagmamahal ito? Bakit nag-exist pa ang mga manloloko sa mundo? Bakit!

"Huwag mong ipasa sa akin ang responsibilidad na tapusin ang relasyong ako lang naman talaga ang lumalaban, Cairo." sagot ko sabay lapit pa, buong tapang na sinalubong ang kanyang mga mata. "Kailan ba kita pinigilan sa mga gusto mo? Kailan! And now you want me to let you go? Feel free! Umalis ka kasama si Bianca! Pero ang permahan ko yan? Manigas kayong dalawa!"

Tumingin ako kay Bianca one last time, bago ko tuluyang nag-walk out sa harapan nila. Shit! Ang sakit! Sinusubukan ko namang isalba ang relasyon namin, pero ano pa nga ba ang saysay ng paglalaban ko kung siya na mismo itong sumusuko? Dali-dali kong pinaharurot ang saksakyan ko at nagpunta sa kung saan-saan para maglabas lang ng sama ng loob.

Hindi ko matanggap! Ayoko! Ayokong ibigay sa kanila ang lahat nang ganun kadali! They will be happy to each other habang ako ay naiwang sawi! That's unfair! Niloko niya ako. Pinagtaksilan! Pinaniwala niyang mahal na mahal niya ako, at pinakasalan! Ngayong legal pa rin siyang nakatali sa akin, maghabol sila! Hinding-hindi ko palalayain si Cairo dahil wala silang karapatang maging masaya! Wala. Wala!

Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari. Na baka kaya siya nambabae dahil hindi na ako kasing-kinang ng dati. And that time? Cold na cold na siya sa akin, but I still chose to remain silent, dahil naniniwala akong may mga bagay na hindi na kailangang painitin pa kapag pareho nang pagod ang dalawang taong minsan nang nangangakong magsasama habambuhay. Pero ang pinakamasakit sa ginawa niya? Sa lahat ng babaeng pwede niyang ipalit sa akin, bakit ang bestfriend ko pa? Si Bianca!

*bogsh*

Automatic nag-black out ang paningin ko nang sumalpok ang sasakyan ko sa isang malaking puno. Then, marahan akong nagising at agad kong napansin ang mga dugong sumasakop nang mabilis sa katawan ko. Basag na basag pa ang windshield, maging ang harapan ng sasakyan ay wasak na wasak rin. Buti na lang, nakasunod sa akin sina Cairo. Dali-dali naman niyang pinahinto ang sasakyan niya para tulungan ako. Kaya lang, akala ko siya ang unang taong makikita ko paglabas. Pero ang lumantad sa paningin ko? Si Bianca!

"Oh my ghad! Stacy!" sigaw ni Bianca habang halos manginig ang mga kamay na pilit na binubuksan ang p***o ng sasakyan. "Cairo! Si Stacy! Please, come over here! She's severely injured!"

Patuloy na umaalingawngaw ang malakas na busina ng sasakyan habang nakahandusay pa rin ang katawan ko sa loob. May kung anong likidong tumutulo sa ilalim, habang ang usok ng makina sa harap ay unti-unti nang lumalapot at kumakapal. Ngunit sa halip na magmadaling iligtas ako, kalmadong lumapit si Cairo sa kinaroroonan namin. Walang bakas ng pag-aalala ang mukha niya, ni katiting na pagkabigla ay wala akong nakita. Marahas pa niyang winakli ang braso ni Bianca at inilayo ito sa sasakyan.

"Stop it! Hayaan mo siya! She deserves this kasi hindi niya pinirmahan ang divorce paper. Kaya mas makabubuti kung iwan na lang natin siya rito hanggang sa huli niyang hininga!"

Doon tuluyang nanlaki ang mga mata ni Bianca, napaatras siya. "Cairo! She needs our help! Ano bang pinagsasasabi mo? Asawa mo pa rin siya!"

"I said leave her!" bulyaw ni Cairo, umiigting ang panga sa tindi ng galit. "Heto na ang hinihintay nating pagkakataon, Bianca. Do you understand? If she can't sign those papers, then we better end it here!"

Biglang natahimik si Bianca. Ilang segundo siyang nakatitig sa asawa ko bago dahan-dahang bumaling sa akin. Then, kaagad nagbago ang ekspresyon niya. Ang kaninang pagkataranta ay napalitan ng isang nakapangingilabot na ngiti.

"Oh. I see." Lumapit pa siya sa nasirang windshield, yumuko upang mas makita ako. "Mukhang tadhana na ang gumawa ng paraan para tuluyan kang mawala sa buhay ni Cairo, Stacy."

"Bianca." garalgal kong tawag. "Please, help me."

Ngumisi lamang siya. "Tama siya, eh. Kapag wala ka na? Magiging malaya na kami. Wala nang divorce, at hindi na magiging complicated ang lahat dahil wala nang hahadlang sa pagmamahalan namin." Saglit siyang tumingin kay Cairo bago muling ibinalik ang tingin sa akin. "May you rest in peace, bestie."

"Cairo," panghihingalo ko pa habang pilit binibigkas ang pangalan niya sa huling pagkakataon. "Please, help me."

Pero imbes na tulungan ako, ginawa nila ang isang karumaldumal na krimen. Binuhusan nila ng gasolina ang buong sasakyan, pati na rin ang nanghihina kong katawan sa loob. Then, in just a split second, they set it on fire. Mabilis itong nagliyab habang nagsisisigaw ako sa sakit. Narinig ko pa ang malalakas nilang halakhak while I'm begging them for help. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Basta ang huling naaalala ko? Sumabog ang sasakyan kasama ako. At sigurado akong na-cremate ako nang buhay at naging abo.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Dernier chapitre

Plus de chapitres

Aux lecteurs

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Pas de commentaire
5
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status