Share

Kabanata 480 When Doors Open

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-16 22:18:59
Tahimik ang hapag-kainan.

Tumigil ang galaw ng kamay ni Daryl.

Saglit siyang napatingin sa nanay niya.

Si Nanay Lily, biglang tumayo at nagsimulang magligpit ng sariling pinggan kahit hindi pa tapos kumain. Halatang may iniiwasan.

“Kumain pa kayo ng madami,” pilit na masiglang sabi nito. “Sayang ‘yung ulam.”

“Nay,” mahina niyang tawag.

Tumigil si Nanay Lily, pero hindi humarap.

Huminga nang malalim si Daryl bago muling tumingin kay Iris.

“Hindi ko po nakilala ang tatay ko,” diretsong sabi niya.

Parang may dahan-dahang bumagsak sa dibdib ni Iris.

“H–ha?” mahinang sambit niya.

“Hindi ko pa siya nakikita,” patuloy ni Daryl, kalmado pero mabigat. “Wala akong litrato. Wala akong kwento. Lumaki akong si Nanay lang at si Lola ang kasama.”

Tumingin siya muli kay Nanay Lily.

Napayuko si Nanay Lily, pinisil ang hawak na basahan.

“Hindi lahat ng lalaki,” mahinang sabi nito, “marunong maging ama.”

Tahimik ang lahat.

Hindi na nagtanong si Iris.

Sa halip, inabot niya ang kamay ni Daryl sa ilalim ng
Maria Bonifacia

Please read, Secret Affair with my Hot Ninong, maraming salamat po sa suporta!

| 22
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (22)
goodnovel comment avatar
Winie Donesa
felling ko Daddy ni Daryl si Mr lim ... this is it Daryl push mo Yan ...
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks so much po!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks so much po!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 486 Idea of Love

    “Iris,” mababang sabi ni Don Apollo. “Nagsabi na sa akin si Harvey.”Nanikip ang dibdib niya.“Ano po ang sinabi niya?”“Sinabi niyang dati na pala kayong may koneksyon,” sagot ng ama. “High school pa lang. Mga liham. Pangako. First love.”Tumigil ito sandali. “Harvey is the best choice for you. Tadhana na pala ang nagtagpo sa inyong muli.”Parang may humila sa sikmura niya.“Dad--”“Give him a chance,” putol ni Don Apollo. “He has the history. The status. The future. Hindi mo kailangang ipaglaban ang mundo kung siya ang pipiliin mo.”Tahimik si Iris.Sa loob niya, magulo.Nakita na niya ang first love niya.Naroon na ang sagot na matagal niyang hinintay.Pero bakit parang… hindi pa rin siya makahinga nang maayos?“Makipaghiwalay ka na kay Daryl,” mariing sabi ng ama. “Tapusin mo na ang relasyon ninyo. Hindi mo na siya kailangan.”Kung ganoon, bakit parang may kumirot sa dibdib niya sa mismong ideya ng pagtapos sa ugnayan nila?“Dad,” mahina niyang sabi, pero matatag. “Bigyan mo ako n

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 485 Choosing Him

    Bumitaw si Iris. Kailangang makahanap siya ng timing kung paano masasabi kay Daryl na nakita na niya ang first love at si Harvey pala.Lumapit siya sa mahabang mesa roon kung saan nakahilera ang mga bar ng All Naturals, nakabalot sa brown paper at tinatali ng simpleng twine.“Pwede pa-try magbalot?”Nakatayo si Iris sa harap ng mesa, medyo alangan sa galaw habang sinusubukang balutin ang isang piraso ng sabon.“Ganito ba?” tanong niya, hawak ang papel na parang natatakot mapunit.“Medyo,” sagot ni Daryl, may ngiti. Lumapit ito mula sa likuran niya.Tumayo ito sa likod niya, bahagyang yumuko para makita ang ginagawa ng dalaga. Inabot niya ang mga kamay ni Iris, ginabayan ang mga daliri nito.“Dapat pantay ang tiklop, tapos dito mo ilalagay ang label.”Napahinto si Iris.Magkalapit sila. Ramdam niya ang init ng katawan ni Daryl sa likod niya. Ang boses nito, mababa at kalmado, parang himig na kayang patahimikin ang isip niya.“Ah, ganito pala,” bulong niya.Nagpatuloy sila sa pagbalot.

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 484 Lucky Charm

    Nakatayo pa rin si Iris sa harap ng mini-forest, nakatanaw sa lugar na minsang naging Teatro at minsang naging bangungot.Halos hindi siya makahinga.“Wait, Iris, huwag mong sabihing… ikaw si Mysterious Girl?” pabulong na tanong ni Harvey.“Ako nga si Mysterious Girl,” sabi ni Iris. “Ikaw… ikaw ang hinihintay ko?”Lumapit si Harvey at niyakap siya.Hindi niya alam kung yayakap pabalik o itutulak palayo ang lalaki. Ang katawan niya, nanigas. Pero ang isip niya, tuliro. Ang puso niya, humahabol sa lahat ng taon na nawala.“Noong araw ng sunog…” nanginginig niyang tanong, halos hindi lumalabas ang boses. “Ikaw ba ang nagligtas sa akin?”Bahagyang umatras si Harvey para makita ang mukha niya. Pinagmasdan siya nito na parang binabasa ang bawat piraso ng emosyon.“Nandoon din ako,” panimula nito. “Papalapit na ako sa isang babaeng may suot na red ribbon…” tumigil ito sandali, parang sinisigurado ang bawat salita.Namulagat si Iris.May pumitik na memorya sa utak niya, isang pulang ribbon, s

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 483 Code Name

    Tahimik ang maliit na room na sa likod ng bahay nila Daryl. Amoy ang sabon at essential oils ang hangin, lavender, citrus, at isang banayad na woody note na paborito ni Daryl. Pero sa gitna ng katahimikan, ramdam ang tensyon.Nakatitig si Daryl sa tablet na hawak.“Hindi na tuloy ang distribution,” mahinang sabi niya. “Bigla raw umatras ang MetroLux Group.”Nanlaki ang mata ni Nanay Lily. “Ha? Eh kahapon lang excited na excited sila. Sila pa ‘yung nagsabing kaya nilang i-handle ang nationwide rollout.”Alam na ni Daryl ang sagot kahit ayaw pa niyang aminin.Malakas ang kutob niyang kagagawan na naman ito ni Don Apollo.Tumatawag si Victor Lim. Lumabas siya ng bakuran.“Confirmed,” diretsong sabi ni Victor. “Blocked kayo. Hindi dahil sa produkto, maganda ang produkto ninyo. Kundi dahil may tumawag sa taas.”Napabuntong-hininga si Daryl. “Totoo po pla ang hinala ko.”“Ginamit niya ang network niya. Classic move. Hindi ka niya kayang bilhin, kaya hahadlangan ka niya.”“Pwede kang magdema

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 482 When Giants Clash

    Lumapit si Daryl. “Hindi ko tinanggap.”“Pero hindi mo rin sinabi,” sagot niya, naiiyak na siya. “Bakit?”Huminga nang malalim si Daryl. “Dahil ayokong lumaki pa ang gulo ninyo ng daddy mo.”Tahimik ang paligid. Tanging hikbi ni Iris ang maririnig.“Alam mo bang pinag-iinitan na ni daddy ang negosyo mo?” aniya. “Na ginigipit ka na niya? Nadadamay pa si Nanay Lily.”Tumango si Daryl. “Alam ko.”“Why aren’t you scared?” halos sigaw niya.Dahan-dahang hinawakan ni Daryl ang kamay niya.“Takot ako,” amin nito. “Pero mas natatakot akong ---” Hindi na niya natapos ang sasabihin.Nagtagpo ang mga mata nila. Puno ng tanong.Niyakap siya ng mahigpit ni Daryl.***Tahimik ang executive floor ng Timeless Tower nang pumasok si Iris sa opisina ng ama.Hindi siya nagmamadali.Hindi rin siya galit.Nakatayo si Don Apollo sa harap ng bintana, may kausap sa telepono. Napalingon ito nang maramdaman ang presensya ng anak.“I’ll call you back,” malamig nitong sabi bago ibaba ang tawag.Nagtagpo ang tingi

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 481 Burning Bridges

    Tahimik ang private lounge ng isang high-rise building kung saan magkikita sila Mr. Lim at Daryl.Nakatayo si Daryl sa harap ng mahabang mesa. Nakapolo lang, simple, pero tuwid ang tindig. Sa tapat niya, si Victor Lim, relaxed, isang kamay nasa coffee cup.“Daryl,” panimula ni Victor, diretso. “I’ll be honest. I don’t invest out of pity. I invest when I see vision and spine.”Tumango si Daryl. “I appreciate that, sir.”Inilapag ni Victor ang isang folder sa mesa na naglalaman ng kontrata.“Funding. Mentorship. Building space,” aniya. “May property ako, perfect for small-scale manufacturing. Pwede kang magsimula agad.”Nanlamig at uminit ng sabay ang dibdib niya. Pangarap. Lahat ng kulang noon, parang biglang nasa harap na niya. Everything is falling into place.Pero alam niyang may kapalit palagi ang ganitong biyaya.“Before you sign,” dagdag ni Victor, “there’s one clause you need to understand.”Binuksan ni Daryl ang kontrata at binasa. Ang mata niya, mabilis na dumapo sa isang liny

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status