ACCUSED AS A GOLD DIGGER BY A TRILLIONARE

ACCUSED AS A GOLD DIGGER BY A TRILLIONARE

last updateÚltima actualización : 2026-10-25
Por:  dylankai17 Actualizado ahora
Idioma: Filipino
goodnovel16goodnovel
No hay suficientes calificaciones
5Capítulos
11vistas
Leer
Agregar a biblioteca

Compartir:  

Reportar
Resumen
Catálogo
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP

Amaia has simple dreams. While her peers fantasize about life in the big city, she is content staying in her small province, studying at a state university and serving as the apprentice to her vibrant albularyo grandmother. Her peaceful routine revolves around traditional healing, herbal brews, and quiet afternoons. Until one late afternoon, when a simple trip to the market changes everything. Lying unconscious and bleeding on the side of the road is a dangerously handsome stranger. Driven by instinct and empathy, Amaia drags him back to her humble kubo, ignoring the chores waiting for her. She works through the night cleaning his wounds, tending his fever, and keeping vigil until dawn. Upon waking, the arrogant trillionaire mistakes her act of mercy for a desperate scheme to climb the social ladder. Blinded by suspicion and past betrayals, he looks at her with icy disdain and brands her a thief and a gold digger: ”So this is your modus? You steal my wallet then you act like a savior? How much?You want body? My money? ” ”What are you really after, gold digger?” Faced with his merciless arrogance, Amaia stands her ground. But as fate forces their paths together, two opposing worlds collide a man who believes every person has a price tag, and a woman who knows the true value of life.

Ver más

Capítulo 1

CHAPTER 1: PAMASAHE

AMAIA POV:

Tahimik akong nakaupo sa umaandar na jeep habang pauwi sa amin. Galing ako sa palengke para bumili ng gulay dahil hiling ni Lola Tisay na magluto ako ng utan Bisaya. At syempre, bilang kanyang maganda at mabait na apo, gagawin natin 'yun—mahal natin, eh.

Nung magbabayad na sana ako ng pamasahe, kumapa ako sa bulsa ng aking shorts. Unang kapag, tela lang ang nararamdaman ko. Pangalawang kapag, parang may matigas na parihaba. Mabilis kong inilabas ang kamay ko para tingnan kung pera ba 'yun...

Tsaka...

Bakit ako may dalang remote control ng TV?!

Napakagat ako sa kuko dahil sa labis na kaba, lalo na't malapit na ang destinasyon ko papuntang USA (Unahan Sa Amoa).

Pinagpawisan ako nang malamig habang hawak-hawak ang remote ng TV namin. Anong gagawin ko dito sa jeep?

Itatapat ko ba 'to kay Manong Driver para i-pause ang biyahe?!

Please Lord, sana may kasabay akong bumaba para makasabay at maka-one two three ako rito! Patawarin niyo po ako, gagawin ko lang 'to ngayon.

"Kuya, para po!" sigaw ng isang ate na kasabayan ko sa may unahan. Salamat naman sa Poong Maykapal! Mabilis at tahimik akong bumaba kasunod niya.

Napaka-awkward talaga tuwing bumababa ng jeep. Pakiramdam ko nakatingin silang lahat sa pwet ko, lalo na't hawak ko pa rin 'yung remote sa gilid ng palda ko. Dahan-dahan akong naglakad papalayo, pero bigla akong tinawag ng driver.

"Nene! Ang pamasahe mo!"Nagpanggap akong walang narinig at mabilis na tumakbo palayo.

Sorry, Lord...

Tanga lang talaga ako ngayon. Hindi ko nadala ang pocket money ko, pero 'yung remote ng TV...

Dalang-dala ko!

Hinihingal akong tumatakbo habang hinahabol ni Kuya Driver na may hawak ng kambyo sa isip ko. Sa gitna ng takot at pagmamadali, nakakita ako ng isang lalaking nakatayo sa may gilid ng kalsada.

Agad akong nagtago sa likod nitong lalaking nakasando ng puti, na may tatlong kasamang nakatakip ang mukha ng panyo at tila may pinag-aawayan bago ako dumating.

"M-Miss, what are you doing?" tanong nung lalaking naka-white sleeveless. Hinihingal siya at kapansin-pansing may mga sugat at pasa sa kanyang braso at mukha. Perpekto ang hugis ng mukha niya, pero mukhang galing sa malaking kaguluhan.

"Miss, 'yung bayad mo!" galit na sigaw ng driver na sa wakas ay malapit na sa amin. Bigla namang nagtakbuhan ang tatlong kasama ng lalaki nung makakita ng ibang tao. Medyo weird nga lang dahil napa-ika-ika pa sila sa pagtakbo na para bang kakabugbog lang sa kanila.

"Kuya, paki-bayaran niyo po muna si Manong Driver, parang awa niyo na!" pagmamakaawa ko sa lalaking naka-sando habang nagtatago pa rin sa malapad niyang likod.

"Miss, I don't have any cash with me right now," bulong niya sa akin habang masamang nakatingin sa driver.

"Kuya, please... kahit magkano lang po, babayaran din kita agad kapag nakauwi ako!" pagmamakaawa ko ulit sabay pa-cute at kurap-kurap ng mga mata sa kanya.

Nagbuntong-hininga siya, mukhang naipit din sa sitwasyon. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mamahaling relo sa kanyang bisig at inabot ito kay Manong Driver. "Here, you can pawn this in any retail store."

"Totoo ba 'to? Baka naman gawa lang 'to sa ukay, ah?" tanong ng driver habang sinusuri ang kulay-gintong relo na kumikislap sa ilalim ng sikat ng araw.

"Yeah, 'cause I don't wear cheap products," seryoso at malamig na sagot ng lalaki. Napanatag din sa wakas ang driver nang makitang mabigat at tunay ang ginto, kaya sumakay na ito pabalik sa kanyang jeep at umalis.

Magtitipid na sana ako at aalis nang mabilis habang malinis ang konsensya ko, pero bago pa ako makahakbang nang tatlo, bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang aking braso.

"Where do you think you're going, gold digger?"

Napalingon ako sa kanya sabay awkward na ngumiti, sinusubukang linawin ang narinig ko.

"Gold digger?" tanong ko habang itinuturo ang sarili ko at tumitingin sa paligid.

Ako?

Gold digger sa ayos kong 'to na naka-tsinelas at may bitbit na remote?

"Who else?" malamig niyang tanong.

"You're working with those three to steal my money, and as if that's not enough, you're even pretending you don't have fare!"

Nagsisimula nang uminit ang ulo ko sa lalaking 'to. Ang kapal din ng mukha nito, ah!

Ako, kasabwat ng mga lalaking nakapanyo ang mukha?

"Nabubuang ka na, Kuya?" tanong ko sabay hawi sa kamay niya mula sa braso ko. Pinaigting ang panga niya sa sinabi ko at mas lalong dumilim ang mukha niya.

(TRANSLATION: Nababaliw ka na, Kuya?)

"FYI! Kuya na may sugat sa buong katawan, kailan pa naging gold digger ang nagpapabayad ng pamasahe sa jeep?!" sigaw ko habang nakahawak sa aking bewang.

"Ang mga tunay na gold digger, hindi nag-aaksaya ng oras para lang magpabayad ng dalawampung pisong jeepney fare!" dagdag ko pa sabay flip ng aking buhok para damang-dama niya ang galit ng isang inosenteng apo.

Hindi na siya nakasagot at nanatiling nakatitig lang sa akin habang nakatagimtim ang bibig.

Naglakad na ako papalayo sa kanya habang nagrereklamo sa sarili. Akala mo naman kung sinong gwapo, mukha namang nasagasaan ng pison! Pero bago pa ako makalayo nang tuluyan, may narinig akong mabigat na bagay na bumagsak sa kalye.

DUG!

Paglingon ko, nakahiga na siya sa alikabok at wala nang malay. Patakbo akong lumapit at lumuhod sa gilid niya. Tiningnan ko ang kanyang pulso sa leeg at ang kanyang paghinga.

"Kuya, please... tama na ang pag-acting, Best in Oscar ka na!" kinakabahan kong sabi habang tinatagtag ang balikat niya para gisingin siya.

Pero walang sagot. Masyado nang mahina at halos hindi na maramdaman ang paghinga niya. Dumidilim na rin ang paligid at wala man lang ibang taong dumadaan sa kalsadang 'to. Wala na akong magawa kundi subukang mag-CPR.

Pero paano nga ba gawin 'yun?!

Mag-isip ka, Amaia!

Isipin mo 'yung napapanood mo sa mga palabas sa TV: idadapat ang labi sa lalaki para magbigay ng hangin, tapos magse-chest compression sa dibdib!

"Sorry, Kuya, pero kailangan ko 'tong gawin. Huwag mo akong sisihin kapag nagising ka!"

Agad kong itinapat ang labi ko sa bibig niya para magbuga ng hangin, pagkatapos ay mabilis kong ipinatong ang mga kamay ko sa kanyang dibdib para mag-chest compression.

Ilang segundo ang nakalipas, bumukas nang unti-unti ang mga mata niya. Nakatulalang nakatitig siya sa akin nang malapitan. Nagandahan siguro 'to sa akin.

"Kuya, ayos ka lang po ba?" nag-aalala kong tanong habang nakahawak sa dibdib niya.

Ngumiti lang siya nang bahagya sa akin bago ulit pumikit at tuluyang nawalan ng malay.

"Hala, Kuya!"

Wala na akong ibang pagpipilian kundi buhatin at kaladkarin siya pabalik sa bahay-kubo namin. Ang bigat niya, in fairness!

Parang may dala akong isang kaban ng bigas. Tsaka napakaputi niya; nahiya tuloy ang porselana kong balat sa sobrang kinis ng isang 'to kahit puno ng sugat.

Hinihingal kong pinahiga siya agad sa kama sa kwarto ko at mabilis na tumakbo papunta ng kusina para kumuha ng gamot at malinis na bimpo. Sakto namang wala pa si Lola kaya makakapaglinis ako nang maayos.

Kaso sa sobrang pagmamadali ko pabalik sa kwarto, hindi ko napansin ang nakalabas na sulok ng banig. Natapilok ako dahilan para matumba ako nang diretso sa ibabaw ng katawan niya at naidapat pa ang mukha ko sa leeg niya.

"Jusko Marimar, Amaia!" gulat na sigaw ni Lola mula sa pintuan habang nakatitig sa aming dalawa.

"Lola!" sigaw ko habang mabilis na sinusubukang bumangon.

"Mali po ang iniisip niyo! Natapilok lang po ako!" mabilis akong nagpaliwanag, pero ngumiti lang siya nang may halong panunukso habang itinataas ang kanyang dalawang kilay.

"Iwan ko muna kayo diyan... gusto ko na rin naman magkaroon ng apo sa tuhod!" sabi niya sabay mabilis na sara ng kurtina ng kwarto ko.

"Lola, natapilok lang talaga ako," sigaw ko habang sinusubukang umalis sa ibabaw ni kuya pogi.

Kaso, imbes na buksan ulit ni Lola Tisay ang kurtina, maririnig mo ang mabilis niyang paghagikgik mula sa kabilang panig ng silid. "Apo, huwag ka nang magpaliwanag sa akin, retired malandi itong Lola mo."

"Kitang-kita ko kung paano mo dinaluhong ang binatang 'yan!"

"Lola!" halos maiyak-iyak kong sigaw sabay tulak sa aking mga kamay sa kama para makabangon.

Expandir
Siguiente capítulo
Descargar

Último capítulo

Más capítulos

A los lectores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Sin comentarios
5 Capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status